29.1 Mga Halimbawang Pangungusap (Pag-upa ng Bahay)
1) Ang pinauupahang bahay ni Gng Cruz ay may tatlong kuwarto at dalawang banyo.
2) Natayo ang bahay noong 1980.
3) Malapit ang bahay sa istasyon ng tren.
4) Beinte mil ang upa ng bahay isang buwan.
5) Maganda ang apartment na ito dahil maraming puno sa paligid.
6) Maganda ang bahay na ito dahil maraming puno sa paligid.
7) Maganda ang apartment na ito dahil may swimming pool at gym sa apartment complex.
8) Kailangang sumakay/maglakad papunta sa istasyon ng tren.
9) Walang kasangkapan ang bahay. Kumpleto ang bahay.
10) Ilan po ang kuwarto ng bahay?
11) Ilan po ang kuwarto ng apartment?
12) Ilan po ang banyo ng bahay?
13) Saan po malapit ang bahay?
14) Ano po ang kailangang deposito at advance?
15) Magkano po ang upa sa bahay sa isang buwan?
16) Kasama na po ba sa upa ang koryente, tubig, at internet?