3.9 Pagbabasa - Ang Bag ni Cynthia
May bag si Cynthia. May lapis, ballpen, papel, notebook, at mga libro sa bag niya. Dalawa ang libro niya sa bag dahil estudyante siya. Mayroon din siyang telepono, lipstick, at mga susi sa bulsa ng bag. May party siya sa gabi.