×

Wir verwenden Cookies, um LingQ zu verbessern. Mit dem Besuch der Seite erklärst du dich einverstanden mit unseren Cookie-Richtlinien.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: ANG MADYIK SILYA NI TITOY WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: ANG MADYIK SILYA NI TITOY WITH TAGALOG SUBTITLES

Ang Madyik Silya ni Titoy

Kuwento ni Russell Molina

Guhit ni Marcus Nada

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Maliit lang ang baryo namin kaya siguradong madali mo akong mahahanap.

Madalas akong nasa plasa kasama si Titoy.

Dito kami nanghuhuli ng gagamba at nanghahabol ng tutubi.

Pag dumaan ka, ipakikilala kita kay Titoy.

Mabait siya. Palabiro at makulit kagaya ko.

Pambihira ang tawa niya --'kala mo pabo!

(TUNOG PABO!)

At alam mo ba...meron siyang madyik silya!

Peksman! Madyik talaga!

Merong dalawang gulong na di nabubutas, kahit idaan pa sa batong matalas.

Di kailangan ng gasolina, konting tulak lang--aandar na!

Makulay ang upuan nito at kumikinang--ang gara!

Minsan, sasakay lang kaming dalawa sa madyik silya at bigla itong nagiging kotse.

"VROOOOOOOM! VROOOOOOOOM!

TABI KAYO....TABI KAYOOOOOOOO!!!!" hiyaw namin habang nakataas ang mga kamay.

Minsan nagiging eroplano ito.

"AEEEEEEEEEENG-AEEEEEEEENG!

ANG SARAP LUMIPAD!"

At walang biro--nagiging tren pa ito!

"TOOOOOOOOOT-TOOOOOOOOT!"

Madyik talaga!

"Hep, hep, hep...sa'n na naman ang punta mo ha?" ang laging habol ni Nanay pag patakbo na ako sa labas.

"Diyan lang po, kasama si Titoy," ang lagi ko namang sagot.

"Saan diyan?"

"Sa may buwan po!" sigaw ni Titoy mula sa labas sabay tawa na parang pabo.

(TAWANG PABO ULIT!)

Di alam ni Nanay, pag nakasakay kami sa madyik silya ni Titoy, kung saan-saan kami nakararating.

Noong isang araw nga, bumisita kami sa palasyo sa may sapa...at meron pang parti!

Doon nagkokonsert ang mga kuliglig habang nagtatambol ang mga palaka.

Rak en Rol pa ang tugtog nila! Galing 'no?

(TUGTOG RAK EN ROL KASAMA ANG KULIGLIG!)

Kahapon nama'y nagpunta kami sa kaharian ng mga tilapya-- Doo'y nagsasalita ang mga isda!

"Ang gara ng silya n'yo ha," ang bati ng Haring Pla-Pla.

Gusto sana namin siyang isakay kaya lang mukha siyang malansa.

Inalok na lamang namin sila ng tinapay at nagpaalam na kami.

Marami na kaming napuntahan ni Titoy sakay ng kaniyang madyik silya.

Mga kuwebang makukulay, mga mansiyon sa gitna ng gubat, at sari-saring lugar na kakaiba.

Bibilib ka!

Sayang nga at kami lang ang nakapamamasyal.

'Yung mga ibang bata kasi'y ayaw makipaglaro.

Umiiwas sila kay Titoy tuwing dumadaan siya.

Nahihiya 'ata.

Pag nasa plasa sila, di nila niyayaya si Titoy magbasketbol.

Di nila pansin ang kotse pag umaarangkada.

Di rin nila rinig ang eroplano at tren.

Tanging nakikita nila ay ang anyo ni Titoy --wala kasi siyang paa.

"Ipinanganak si Titoy na di tulad ng ibang bata," sabi ni Nanay sa akin.

"Kaya para makaparoo't parito siya, kailangan niya ng wheel chair."

Oo nga pala, wheel chair daw ang tawag sa madyik silya ni Titoy.

"Pero bukod do'n," dugtong ni Nanay," hindi siya kaiba sa inyo, di ba?"

"Tara na! Tara na!" hiyaw ni Titoy mula sa labas.

"Hinihintay na tayo ng prinsesa sa may palayan!"

May bago na naman kaming pupuntahan.

Si Titoy talaga-kahit walang paa, kung saan-saan nakararating.

Balang araw, makabibisita rin ang mga ibang bata kay Haring Pla-Pla.

Maririnig din nila ang tugtugan sa sapa.

Balang araw ay makikita nilang walang ipinag-iba si Titoy sa kanila.

At mahahanap din nila ang aking nakita...isang kaibigan.

"VROOOOOOOM! VROOOOOOM!

Tabi kayo! Tabi!"

"AEEEEEEEEEEENG-AEEEEEEEEENG!"

"TOOOOOOOOOOOT-TOOOOOOOOOOOOOT!"

Dumaan ka sa plasa. Dito mo kami makikita.

Nanghuhuli ng gagamba.

"Nakikipaghabulan sa tutubi.

Nakasakay sa madyik silya.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: ANG MADYIK SILYA NI TITOY WITH TAGALOG SUBTITLES |||MAGIC|CHAIR||Titoy||| PHILIPPINISCHES BUCH: ANG MADYIK SILYA NI TITOY MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: ANG MADYIK SILYA NI TITOY WITH TAGALOG SUBTITLES FILIPIJNS BOEK: ANG MADYIK SILYA NI TITOY MET TAGALOG ONDERTITELS

Ang Madyik Silya ni Titoy Titoy's Magic Chair

Kuwento ni Russell Molina

Guhit ni Marcus Nada Marcus Nada's drawing||Marcus's drawing|Nada (1) Drawing by Marcus Nada

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

Maliit lang ang baryo namin kaya siguradong madali mo akong mahahanap. ||||||surely||||will find Our village is small so you can definitely find me easily.

Madalas akong nasa plasa kasama si Titoy. I was often in the square with Titoy.

Dito kami nanghuhuli ng gagamba at nanghahabol ng tutubi. ||catch||spider||chasing||dragonfly Here we catch spiders and chase dragonflies.

Pag dumaan ka, ipakikilala kita kay Titoy. |when you pass||will introduce||| When you come by, I'll introduce you to Titoy.

Mabait siya. Palabiro at makulit kagaya ko. ||jokester||playful|like| He is kind. Funny and naughty like me.

Pambihira ang tawa niya --'kala mo pabo! extraordinary||laughter||you think||turkey His laugh was unusual --'you're a turkey!

(TUNOG PABO!) sound| (TURKEY SOUND!)

At alam mo ba...meron siyang madyik silya! And did you know...he has a magic chair!

Peksman! Madyik talaga! I swear|| Peksman! Really magical!

Merong dalawang gulong na di nabubutas, kahit idaan pa sa batong matalas. ||wheels|||punctured||pass over|||sharp rock|sharp rock There are two tires that don't get punctured, even on sharp rocks.

Di kailangan ng gasolina, konting tulak lang--aandar na! |||gasoline||push||will start| No need for fuel, just a little push--it will start!

Makulay ang upuan nito at kumikinang--ang gara! Its seat is colorful and glitters--the race!

Minsan, sasakay lang kaming dalawa sa madyik silya at bigla itong nagiging kotse. |will ride||||||||||becomes| Sometimes, the two of us will just ride in the magic chair and suddenly it turns into a car.

"VROOOOOOOM! VROOOOOOOOM! |engine revving "VROOOOOOOM! VROOOOOOOM!

TABI KAYO....TABI KAYOOOOOOOO!!!!" hiyaw namin habang nakataas ang mga kamay. |||to you||||raised|||hands BY YOUR SIDE....BY YOUR SIDE!!!!" we shouted while raising our hands.

Minsan nagiging eroplano ito. sometimes||| Sometimes it becomes a plane.

"AEEEEEEEEEENG-AEEEEEEEENG! |exclamation of excitement "AEEEEEEEEEEENG-AAEEEEEEEEENG!

ANG SARAP LUMIPAD!" ||to fly IT'S GOOD TO FLY!"

At walang biro--nagiging tren pa ito! ||joke|||| And no joke--it even turns into a train!

"TOOOOOOOOOT-TOOOOOOOOT!" |horn sound "TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

Madyik talaga! Really magical!

"Hep, hep, hep...sa'n na naman ang punta mo ha?" ang laging habol ni Nanay pag patakbo na ako sa labas. Hey|||where|||||||||chase||||running|||| "Hep, hep, hep...where are you going?" Mom always chases me when I run outside.

"Diyan lang po, kasama si Titoy," ang lagi ko namang sagot. "Just there, with Titoy," is my usual answer.

"Saan diyan?" "Where there?"

"Sa may buwan po!" sigaw ni Titoy mula sa labas sabay tawa na parang pabo. "By the moon!" Titoy shouted from outside, laughing like a turkey.

(TAWANG PABO ULIT!) call|| (TURKEY LAUGH AGAIN!)

Di alam ni Nanay, pag nakasakay kami sa madyik silya ni Titoy, kung saan-saan kami nakararating. Mom didn't know, when we were riding in Titoy's magic chair, where we were going.

Noong isang araw nga, bumisita kami sa palasyo sa may sapa...at meron pang parti! The other day, we visited the palace by the creek...and there was a party!

Doon nagkokonsert ang mga kuliglig habang nagtatambol ang mga palaka. ||||crickets|while|drumming||| There the crickets are in concert while the frogs are drumming.

Rak en Rol pa ang tugtog nila! Galing 'no? Wow|in|Rock|||music||| They still play Rak en Rol! From right?

(TUGTOG RAK EN ROL KASAMA ANG KULIGLIG!) (PLAY RAK N ROLL WITH CRICKET!)

Kahapon nama'y nagpunta kami sa kaharian ng mga tilapya-- Doo'y nagsasalita ang mga isda! yesterday|we||||kingdom|||tilapia||||| Yesterday we went to the tilapia kingdom-- There the fish talk!

"Ang gara ng silya n'yo ha," ang bati ng Haring Pla-Pla. |fancy||||||greeting||King|King|Pla(2) "Your chair is nice," greeted King Pla-Pla.

Gusto sana namin siyang isakay kaya lang mukha siyang malansa. ||||put on|||||smelly We wanted to ride him just because he looked slimy.

Inalok na lamang namin sila ng tinapay at nagpaalam na kami. offered||||||||said goodbye|| We just offered them bread and said goodbye.

Marami na kaming napuntahan ni Titoy sakay ng kaniyang madyik silya. |||places visited|||on his magic chair|||| Titoy and I have been to many places in his magic chair.

Mga kuwebang makukulay, mga mansiyon sa gitna ng gubat, at sari-saring lugar na kakaiba. ||||mansions|||||||various||| Colorful caves, mansions in the middle of the jungle, and a variety of unique places.

Bibilib ka! I admire you| You will be impressed!

Sayang nga at kami lang ang nakapamamasyal. ||||||able to visit It's a pity that we were the only ones who got to go sightseeing.

'Yung mga ibang bata kasi'y ayaw makipaglaro. ||||because||play with The other kids don't want to play.

Umiiwas sila kay Titoy tuwing dumadaan siya. avoiding|||||| They avoid Uncle whenever he passes.

Nahihiya 'ata. I am shy|I think I'm ashamed.

Pag nasa plasa sila, di nila niyayaya si Titoy magbasketbol. ||||||invite|||play basketball When they were in the square, they didn't invite Titoy to play basketball.

Di nila pansin ang kotse pag umaarangkada. ||||||accelerating They don't pay attention to the car when starting.

Di rin nila rinig ang eroplano at tren. |||hear|||| They didn't even hear the plane and the train.

Tanging nakikita nila ay ang anyo ni Titoy --wala kasi siyang paa. only|||||form|||||| All they see is Titoy's form -- because he has no legs.

"Ipinanganak si Titoy na di tulad ng ibang bata," sabi ni Nanay sa akin. was born|||||like|||||||| "Titoy was born unlike any other child," Mom told me.

"Kaya para makaparoo't parito siya, kailangan niya ng wheel chair." ||to be able|here|||||wheel| "So in order for him to get around, he needs a wheel chair."

Oo nga pala, wheel chair daw ang tawag sa madyik silya ni Titoy. By the way, Titoy's magic chair is called a wheel chair.

"Pero bukod do'n," dugtong ni Nanay," hindi siya kaiba sa inyo, di ba?" |besides that|to that|added|||||different|||| "But apart from that," added Mom," he is no different from you, right?"

"Tara na! Tara na!" hiyaw ni Titoy mula sa labas. ||let's go||shout||||| "Come on! Come on!" Titoy shouted from outside.

"Hinihintay na tayo ng prinsesa sa may palayan!" |||||||rice field "The princess is waiting for us in the rice fields!"

May bago na naman kaming pupuntahan. We have something new to go to.

Si Titoy talaga-kahit walang paa, kung saan-saan nakararating. Titoy really-even without legs, can go everywhere.

Balang araw, makabibisita rin ang mga ibang bata kay Haring Pla-Pla. ||will visit||||||||| One day, the other children will also be able to visit King Pla-Pla.

Maririnig din nila ang tugtugan sa sapa. ||||music|| They can also hear the music in the stream.

Balang araw ay makikita nilang walang ipinag-iba si Titoy sa kanila. One day they will see that Titoy is no different from them.

At mahahanap din nila ang aking nakita...isang kaibigan. And they will also find what I found...a friend.

"VROOOOOOOM! VROOOOOOM! |engine revving "VROOOOOOOM! VROOOOOOM!

Tabi kayo! Tabi!" Beside you! Of course!"

"AEEEEEEEEEEENG-AEEEEEEEEENG!" |exclamation of excitement "AEEEEEEEEEEENG-AEEEEEEEEEEENG!"

"TOOOOOOOOOOOT-TOOOOOOOOOOOOOT!" horn sound|horn sound "TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

Dumaan ka sa plasa. Dito mo kami makikita. Go through the square. You can find us here.

Nanghuhuli ng gagamba. Catching spiders.

"Nakikipaghabulan sa tutubi. chasing dragonfly|| "Chasing dragonflies.

Nakasakay sa madyik silya. Riding the magic chair.