Mga Damdamin
Maraming nararamdaman ang puso ko.
Nakararamdam ako ng kasiyahan kapag kinukuwentuhan kami ni Lola sa gabi.
Nakararamdam ako ng katatawanan kapag nakikipaglaro ako sa kaibigan ko.
Nakararamdam ako ng kalungkutan kapag sinasabi ni Tatay na wala siyang pera.
Nakararamdam ako ng pagmamahal kapag niyayakap ako ni Nanay.