20.8 Pagbabasa - Ang Ibong Adarna
May sakit si Haring Fernando, ang Hari ng Berbanya. Ang gamot daw sa sakit niya ay ang ibong adarna na nakatira sa gubat.
Tatlo ang anak ng hari at gusto nilang gumaling siya. Unang pumunta sa gubat si Pedro. Napagod siya at nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Umawit ang ibong adarna at nakatulog si Pedro. Pagkatapos, nahulog ang dumi ng ibon at naging bato si Pedro.
Umalis din ang ikalawang anak ng hari na si Diego. Pero muli, nagpahinga siya, umawit ang ibon, at nakatulog si Diego. Naging bato rin siya.
Sa huli, umalis si Juan. May nakita siyang ermitanyo. Binigyan niya ito ng pagkain. Itinuro ng ermitanyo sa kanya kung nasaan ang ibong adarna. Binigyan siya nito ng kutsilyo at kalamansi, lubid, at tubig. Nang umawit ang ibon, hiniwa ni Juan ang balat niya para hindi siya matulog. Pagkatapos, hinuli niya ang ibon. Binuhos niya ang tubig sa mga kapatid niya.
Umuwi sila at gumaling ang hari dahil sa ibong adarna.