Aralin 29 - Pag-upa ng Bahay
Dayalogo: Ang Bahay
JUAN: Ito ho ba ang pinauupahang bahay?
GNG RAMOS: Ito nga ho. Interesado ho ba kayo?
JUAN: Oho. Ilang kuwarto ho ito?
GNG RAMOS: Tatlong kuwarto ho at dalawang banyo. Malaki ho ang master's bed-room. Maraming bintana kaya mahangin.
JUAN: Kailan ho natayo ang bahay?
GNG RAMOS: Noon hong 1980.
JUAN: Malayo ho ba ang estasyon ng tren?
GNG RAMOS: Puwede hong lakarin. Kumanan kayo pagdating sa kanto. Maglakad ng dalawang kalye. Puwede rin hong sumakay ng tricycle.
JUAN: Hindi ho ba madilim sa kalye sa gabi?
GNG RAMOS: Hindi ho. Maliwanag ho dito dahil maraming ilaw.
JUAN: Magkano ho ang upa dito?
GNG RAMOS: Beinte mil ho isang buwan. Dalawang buwan ho ang deposito at isang buwan ang paunang bayad.
JUAN: Kasama ho ba ang koryente at tubig?
GNG RAMOS: Kasama ang tubig. Hiwalay ang koryente.