×

Χρησιμοποιούμε cookies για να βελτιώσουμε τη λειτουργία του LingQ. Επισκέπτοντας τον ιστότοπο, συμφωνείς στην πολιτική για τα cookies.

image

Storybooks Canada Tagalog, Bakit walang buhok ang mga hipo

Bakit walang buhok ang mga hipo

Isang araw, naglalakad si Kuneho sa may tabing-ilog.

Nandoon din si Hipo, namamasyal at kumakain ng masarap na luntiang damo.

Hindi napansin ni Hipo na nandoon si Kuneho at aksidente niyang natapakan ang paa nito. Napatili si Kuneho at sinigawan si Hipo, “Hoy ikaw, Hipo! Hindi mo ba nakitang inapakan mo ang paa ko?”

Humingi ng paumanhin si Hipo kay Kuneho. “Pasensiya ka na, kaibigan. Hindi kita nakita. Sana mapatawad mo ako!” Ngunit hindi ito pinakinggan ni Kuneho at sinigawan niya si Hipo. “Sinadya mo ‘yan! Magbabayad ka balang araw! Makikita mo!”

Pagkatapos, hinanap ni Kuneho si Apoy at sinabi, “Sunugin mo si Hipo kapag umahon siya sa ilog para kumain ng damo. Inapakan niya ako!” Sagot ni Apoy, “Walang problema, kaibigang Kuneho. Susundin ko ang pakiusap mo.”

Maya-maya, kumakain si Hipo ng damo malayo sa ilog nang “whoosh!” Nagliyab si Apoy. Unti-unting sinunog ng alab ang buhok ni Hipo.

Napaiyak si Hipo at tumakbo siya pabalik sa ilog. Nasunog lahat ng buhok niya. Iyak ni Hipo, “Nasunog ang buhok ko! Sinunog mo ang buhok ko! Wala na ang buhok ko! Ang maganda, ang napakaganda kong buhok!”

Natuwa ang kuneho nang masunog ang buhok ni Hipo. At hanggang ngayon, dahil sa takot sa apoy, ang hipo ay hindi na malalayo sa tubig kailanman.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

Bakit walang buhok ang mga hipo |no|hair|||hippos Warum sind Toucher haarlos? Why are hippos hairless? 터치러는 왜 털이 없나요? Waarom zijn touchers haarloos? Dlaczego osoby dotykające są bezwłose?

Isang araw, naglalakad si Kuneho sa may tabing-ilog. ||||rabbit|||riverbank|river One day, Rabbit was walking by the river bank.

Nandoon din si Hipo, namamasyal at kumakain ng masarap na luntiang damo. there||||grazing||||||green grass|grass Hipo was also there, walking around and eating delicious green grass.

Hindi napansin ni Hipo na nandoon si Kuneho at aksidente niyang natapakan ang paa nito. |noticed||||||||accident||stepped on||foot|his Hippo didn't notice that Rabbit was there and accidentally stepped on his foot. Napatili si Kuneho at sinigawan si Hipo, “Hoy ikaw, Hipo! screamed||||shouted at|||Hey|you| Rabbit stopped and shouted to Hipo, "Hey you, Hipo! Hindi mo ba nakitang inapakan mo ang paa ko?” not|||saw|stepped on|||| Didn't you see you stepped on my foot?”

Humingi ng paumanhin si Hipo kay Kuneho. Asked||sorry|||to| Hippo apologizes to Rabbit. “Pasensiya ka na, kaibigan. sorry||| "Sorry, friend. Hindi kita nakita. I did not see you. Sana mapatawad mo ako!” Ngunit hindi ito pinakinggan ni Kuneho at sinigawan niya si Hipo. |forgive|||but|||listened to|||and|shouted at||| I hope you forgive me!" But Rabbit didn't listen to it and shouted at Hipo. “Sinadya mo ‘yan! intentionally did that||you did that “You meant it! Magbabayad ka balang araw! will pay||next|someday You will pay someday! Makikita mo!” |you You'll see!"

Pagkatapos, hinanap ni Kuneho si Apoy at sinabi, “Sunugin mo si Hipo kapag umahon siya sa ilog para kumain ng damo. |searched for||||Fire|||Burn|||||emerges||||||| Then, Rabbit looked for Fire and said, “Burn Hipo when he goes up the river to eat grass. Inapakan niya ako!” Sagot ni Apoy, “Walang problema, kaibigang Kuneho. he stepped on|||Answer||||problem|friend| He stepped on me!” Apoy answered, "No problem, friend Rabbit. Susundin ko ang pakiusap mo.” will follow|||request| I will obey your request.”

Maya-maya, kumakain si Hipo ng damo malayo sa ilog nang “whoosh!” Nagliyab si Apoy. maya bird|maya||||||far from||||whoosh|flared up|| After a while, Hipo was eating grass far from the river when “whoosh!” Fire ignited. Unti-unting sinunog ng alab ang buhok ni Hipo. Slowly|Slowly|burned||flame|||| The flame gradually burned Hipo's hair.

Napaiyak si Hipo at tumakbo siya pabalik sa ilog. Cried out||||ran back||back|| Hipo cried and ran back to the river. Nasunog lahat ng buhok niya. burned|||| All his hair was burnt. Iyak ni Hipo, “Nasunog ang buhok ko! Cry|||Burned||| Hipo cried, "My hair is on fire! Sinunog mo ang buhok ko! burned|||hair| You burned my hair! Wala na ang buhok ko! My hair is gone! Ang maganda, ang napakaganda kong buhok!” the|beautiful||very beautiful|| My beautiful, beautiful hair!”

Natuwa ang kuneho nang masunog ang buhok ni Hipo. was happy||||burned|||| The rabbit was happy when Hipo's hair caught fire. At hanggang ngayon, dahil sa takot sa apoy, ang hipo ay hindi na malalayo sa tubig kailanman. |||||||||||||will not be far|||ever And to this day, because of the fear of fire, the hippo will never go far from the water.