×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), BUTIRIK | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

BUTIRIK | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang paglalakbay ni Butirik

Kuwento ni A. C. Balmes

Dibuho ni Kora Albano

(MUSIC)

Laging nakasimangot si Butirik.

Hindi kasi maalis sa kanyang isip na siya

ang pinakakawawang dyip sa garahe ni Mang Pedring.

Pangit.

Walang pumapansin.

Inggit na inggit siya kina Asultan at Pulajero, mga bagong dyip na kasama niya.

Puno sila ng dekorasyon.

Pareho silang mabilis tumakbo kaya tuwang-tuwa ang mga drayber na nagmamaneho sa kanila.

Si Butirik ang pinakaunang dyip ni Mang Pedring.

Dahil luma na ay marami na siyang kalawang at yupi.

Mahina na ang kanyang makina kaya sa trapik at baha ay agad siyang tumitirik.

Alam ni Butirik na dahil sa madalas niyang pagtirik ay kinaiinisan siya ng mga tao.

"Walang kuwentang dyip!" lagi nilang sabi.

Dahil dito, pinagsusungitan silang lalo ni Butirik.

"Hindi ko kayo kailangan," sagot naman niya.

Iisa na lang ang lagi niyang iniisip.

Ang kanyang pangarap na makaalis sa lugar na ito.

"Pupunta ako sa lugar na walang trapik, lubak, alikabok at mayayabang na tao.

Doon ay magiging masaya ako," pagmamalaki niya.

Pero dahil sa kanyang kasungitan, wala nang nakikinig kay Butirik.

Isang araw ay masayang dumating si Mang Pedring.

"Araw mo ngayon, dyip ko,

kaya ayusin mo ang pagtakbo. May sorpresa ako sa iyo."

Tinatamad man ay sinunod ni Butirik ang kanyang amo.

Pero hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila sa trapik.

Uminit agad ang ulo ni Butirik.

Sa tindi ng kanyang inis, bigla siyang tumirik, sabay buga ng maitim na usok.

Sabay-sabay na bumusina ang mga sasakyan sa likod nila.

"Pareng Pedring," sigaw ng isang drayber, "sindihan mo na lang ang dyip mo."

"Ipagbili mo na lang kaya sa magbabakal," payo naman ng iba.

Nagtawanan ang mga dyip sa paligid ni Butirik.

Galit na galit naman itong isa.

"May pagdadalhan na ako sa kanya," mahinahong sagot ni Mang Pedring,

habang nagpapatulong sa ibang drayber na maitabi ang kanyang dyip.

"Doon kami pupunta ngayon."

"Ipagbibili na si Butirik," mabilis na kumalat ang tsismis sa mga dyip.

Sa wakas ay naitabi ang tumirik na dyip at nakalampas ang mga sasakyang natrapik.

Umalis din si Mang Pedring para sumundo ng mekaniko.

Naiwang umuusok sa tabi ng kalye ang natulalang si Butirik.

"Ipagbibili raw ako!" paulit-ulit niyang nasabi.

"Pinagsawaan na talaga ako. Hindi na ako kailangan."

At umiyak nang umiyak si Butirik.

"Aba, kaibigang dyip-yip-yip.

Tigilan mo iyan at nagigising ang aking mga inakay,"

saway ng ibong pipit na lumundag sa nguso ni Butirik, mula sa posteng kanyang pinagpupugaran.

"Pasensiya ka na, Aling Pipit at napakalungkot ng aking buhay,"

singhot ni Butirik na sa pag-iyak ay nakalimutang maging masungit.

"Maraming kuwentong ganyan, hindi lang ikaw," sabi ng pipit na kanina pa pala nakikinig.

"Lalayas ako!" biglang pasiya ni Butirik.

"Ngayon din!"

"At saan ka naman pupunta?"

"Doon sa walang trapik. Walang lubak. Doon ay hindi ako titirik!"

"Sa langit lang walang trapik. Sa dagat lang walang lubak," paalala ng pipit.

"Doon! Doon ako pupunta!" biglang sigaw nitong isa.

"Para sa lupa ang dyip," saway ng nagulat na ibon.

"Anong gagawin mo doon?"

"Saka ko na iisipin!"

"Bahala ka," sagot ng pipit, sabay lipad.

"Isipin mo lang mabuti. Dahil ang pusta ko ay dito ka rin babalik."

"Hindi, Aling Pipit. Hinding-hinding-hindi ako babalik."

At pumikit si Butirik para nga mag-isip.

Pero ang inisip niya'y kung paano magkapakpak at makalipad.

Napakalalim ng kanyang pag-iisip.

Pinagpawisan siya sa pagpikit.

Maya-maya nga ay naramdaman niyang tinutubuan na siya ng mga pakpak.

Maya-maya ay umaangat na siya sa lupa.

Tumataas na siya! Lumilipad na si Butirik!

"Ha-ha-ha-ha-ha!

Heto na ako, Langit!" sigaw niyang tuwang-tuwa.

At lumipad nang lumipad si Butirik.

Sa taas ng lipad niya'y lumiit nang lumiit ang mga bagay na kanyang naiwan.

Mga sasakyan. Mga bahay. Mga bundok.

Maya-Maya'y naabot na niya ang mga ulap. Doon ay nagpasirku-sirko siya. Umikut ng umikot.

Nag-ingay. Ginawa ang lahat niyang maisip.

Pero nagalit ang mga ulap.

"Pinaiitim mo kami sa iyong usok," reklamo nila.

"Pinaiitim mo kami sa iyong usok," reklamo nila.

"Ako si Butirik, ang sikat na dyip.

At dito na ako titira sa langit."

Nagdilim ang mga ulap.

Nagtipon sila't nag-usap.

Isang kawan ng mga ibon ang takang-takang umiwas kay Butirik.

"Eeeeeeeeek! Malaking ibon!" sigawan nila.

"Maliit na jet!" malakas na preno ng isang eroplanong muntik nang sumalpok sa likod ni Butirik.

"Dyip ako!" nakuhang isagot ng tumalsik na si Butirik.

"Kitzzzzzk!

Anong dyip?" lagitik ng kidlat na umikot sa dyip.

BAKIT KA NARITO?!" dagundong ng sumunod na kulog.

"Taga-langit na ako," pagmamalaki ni Butirik.

"Hindi ka tatagal dito," babala ng ulan na biglang bumuhos.

"Umuwi ka na," utos ng araw na biglang sumungaw.

"Ihahatid na kita," alok ng bahagharing biglang sumilip.

"Ayaw ko!" sigaw ni Butirik na nanginginig.

"Kung ayaw ninyo sa akin ay hahanap ako ng ibang lugar!"

At mabilis na lumipad paitaas si Butirik.

Pataas nang pataas hanggang hindi na niya marinig ang mga boses na nagpapauwi sa kanya.

Dumidilim sa paligid nang biglang mapatigil si Butirik.

Napanganga siya sa gulat.

Parang walang-hanggan ang Lugar na kanyang pinu-puntahan.

Pagkarami-raming bolang kumikislap. Nakakalat sa dilim na walang katapusan.

"Ano ba itong aking nasuotan?"

"Kalawakan," sagot ng bituing nakabantay.

"Saan ka pupunta?" tanong ng sumulpot na buwan.

"Baku-bako ang iyong mukha!" nasabi ni Butirik na sa takot ay hindi nakapag-isip.

"Gusto mo ng away?" hamon ng nainsultong buwan.

"Bakit daw? Away daw?" sabat ng maliliit na bituing biglang lumapit at nagkumpulan.

"Puwede ba siya dito?" tanong ng bulalakaw na biglang dumaan.

"Kung kakayanin niya," sabay-sabay na sagot ng mga planetang umiikot sa kanilang daan.

"E, hayan, may kaaway na."

"Anong gulo 'yan?" tanong ng araw na nasa gitna ng mga planetang gumagalaw.

Itinapat niya ang kanyang ilaw sa bagay na pinagkakaguluhan.

BUTIRIK | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES BUTIRIK | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN BUTIRIK | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES BUTIRIK | LIBRO INFANTIL EN TAGALO CON SUBTÍTULOS EN INGLÉS/TAGALO BUTIRIK | KINDERBOEK IN TAGALOG MET ENGELSE/TAGALOG ONDERTITELS BUTYRIK | KSIĄŻKA DLA DZIECI W JĘZYKU TAGALOGOWYM Z ANGIELSKIMI/TAGALOGOWYMI NAPISAMI

Ang paglalakbay ni Butirik Butirik's Journey

Kuwento ni A. C. Balmes Story by A. C. Balmes

Dibuho ni Kora Albano Paintings by Kora Albano

(MUSIC) (MUSIC)

Laging nakasimangot si Butirik. Butirik is always grumpy.

Hindi kasi maalis sa kanyang isip na siya He can't get over the thought that he must be

ang pinakakawawang dyip sa garahe ni Mang Pedring. the sorriest thing in Mang Pedring's garage.

Pangit. He is ugly.

Walang pumapansin. Unwanted.

Inggit na inggit siya kina Asultan at Pulajero, mga bagong dyip na kasama niya. He is envious of Pulajero and Asultan, the newbies.

Puno sila ng dekorasyon. They are gilded to the bumper.

Pareho silang mabilis tumakbo kaya tuwang-tuwa ang mga drayber na nagmamaneho sa kanila. Drivers love driving them for their speed.

Si Butirik ang pinakaunang dyip ni Mang Pedring. Butirik was Mang Pedring's very first jeep.

Dahil luma na ay marami na siyang kalawang at yupi. Now that he is old, he is full of rust and bumps.

Mahina na ang kanyang makina kaya sa trapik at baha ay agad siyang tumitirik. His engine has become weak so traffic and flooded streets easily knock him down.

Alam ni Butirik na dahil sa madalas niyang pagtirik ay kinaiinisan siya ng mga tao. Butirik is aware that because of his frequent engine failures commuters become irritated.

"Walang kuwentang dyip!" lagi nilang sabi. "Worthless jeepney," they always snap.

Dahil dito, pinagsusungitan silang lalo ni Butirik. As a result, Butirik has become surlier to them than ever.

"Hindi ko kayo kailangan," sagot naman niya. "I don't need you!" he would answer back.

Iisa na lang ang lagi niyang iniisip. He is always thinking of one thing.

Ang kanyang pangarap na makaalis sa lugar na ito. His dream is to get out of this place.

"Pupunta ako sa lugar na walang trapik, lubak, alikabok at mayayabang na tao. "I'm going to a place with no traffic, potholes, dust and arrogant people.

Doon ay magiging masaya ako," pagmamalaki niya. There I will be happy, "he boasted.

Pero dahil sa kanyang kasungitan, wala nang nakikinig kay Butirik. But because of his grouchiness, no one listens to Butirik anymore.

Isang araw ay masayang dumating si Mang Pedring. But one fine day, Mang Pedring makes a curious announcement.

"Araw mo ngayon, dyip ko, "My jeepney, today is your day.

kaya ayusin mo ang pagtakbo. May sorpresa ako sa iyo." So behave yourself for I have a surprise for you."

Tinatamad man ay sinunod ni Butirik ang kanyang amo. Though feeling sluggish, he complies to his master's wish.

Pero hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila sa trapik. But they are not far behind yet, they got already stuck in traffic.

Uminit agad ang ulo ni Butirik. Butirik suddenly became ill tempered.

Sa tindi ng kanyang inis, bigla siyang tumirik, sabay buga ng maitim na usok. In a fit of anger, the engine sputters and stalls and belches black smoke, and Butirik stops dead.

Sabay-sabay na bumusina ang mga sasakyan sa likod nila. Bumper to bumper behind them, the other vehicles respond with a chorus of angry honks.

"Pareng Pedring," sigaw ng isang drayber, "sindihan mo na lang ang dyip mo." "Pareng Pedring," one driver shouts, "just burn that useless jeepney!!"

"Ipagbili mo na lang kaya sa magbabakal," payo naman ng iba. "Or sell him by the kilo at the junkyard," others advise.

Nagtawanan ang mga dyip sa paligid ni Butirik. All around the block, the jeepneys burst with ugly laughter.

Galit na galit naman itong isa. This, of course, drives Butirik nuts.

"May pagdadalhan na ako sa kanya," mahinahong sagot ni Mang Pedring, "I have a place in mind for him," Mang Pedring assures the others.

habang nagpapatulong sa ibang drayber na maitabi ang kanyang dyip. While he asked other drivers to tow aside his jeep.

"Doon kami pupunta ngayon." "I am taking him there today."

"Ipagbibili na si Butirik," mabilis na kumalat ang tsismis sa mga dyip. "Oh—ah, Butirik is for sale," the rumor spreads like lightning.

Sa wakas ay naitabi ang tumirik na dyip at nakalampas ang mga sasakyang natrapik. At last, the stalled jeepney is towed to the side and the traffic eases up and vehicles zoom away.

Umalis din si Mang Pedring para sumundo ng mekaniko. Mang Pedring goes to fetch a mechanic.

Naiwang umuusok sa tabi ng kalye ang natulalang si Butirik. Butirik is left alone, shocked at what he has heard.

"Ipagbibili raw ako!" paulit-ulit niyang nasabi. "So, I'm for sale," he repeats to himself.

"Pinagsawaan na talaga ako. Hindi na ako kailangan." "He doesn't want me anymore and he wants to get rid of me."

At umiyak nang umiyak si Butirik. And Butirik wept.

"Aba, kaibigang dyip-yip-yip. "Jeep-yip-yip, my friend,"

Tigilan mo iyan at nagigising ang aking mga inakay," "Will you please stop that howling, my little ones are sleeping!"

saway ng ibong pipit na lumundag sa nguso ni Butirik, mula sa posteng kanyang pinagpupugaran. a bird calls urgently, jumping on Butirik's nose panel, swooping down from the lamp post.

"Pasensiya ka na, Aling Pipit at napakalungkot ng aking buhay," "So sorry, Mrs. Bird, but my life is just too sad,"

singhot ni Butirik na sa pag-iyak ay nakalimutang maging masungit. sniffs Butirik forgetting to be mean.

"Maraming kuwentong ganyan, hindi lang ikaw," sabi ng pipit na kanina pa pala nakikinig. "That's a familiar tale, just like many others," the bird shrugs who has been listening.

"Lalayas ako!" biglang pasiya ni Butirik. "I am running away!" Butirik decides,

"Ngayon din!" "Right now!"

"At saan ka naman pupunta?" "Where to?"

"Doon sa walang trapik. Walang lubak. Doon ay hindi ako titirik!" "To a place without traffic. No potholes. A place where I can keep on running!"

"Sa langit lang walang trapik. Sa dagat lang walang lubak," paalala ng pipit. "In the sky alone there's no traffic; in the sea there are no potholes," the bird reminded.

"Doon! Doon ako pupunta!" biglang sigaw nitong isa. "There! There! That's where I'm going then!" Butirik declares.

"Para sa lupa ang dyip," saway ng nagulat na ibon. "But a jeepney is for dry land," the bird admonishes.

"Anong gagawin mo doon?" "What will you do there?"

"Saka ko na iisipin!" "I'll think about that later!"

"Bahala ka," sagot ng pipit, sabay lipad. "It's up to you," the bird replies, flying away.

"Isipin mo lang mabuti. Dahil ang pusta ko ay dito ka rin babalik." "But think about it carefully. I bet you'll be back."

"Hindi, Aling Pipit. Hinding-hinding-hindi ako babalik." "No, Mrs. Bird, I will never, ever come back!"

At pumikit si Butirik para nga mag-isip. And Butirik closes his eyes to take the time to think.

Pero ang inisip niya'y kung paano magkapakpak at makalipad. But he starts thinking about growing wings and flying.

Napakalalim ng kanyang pag-iisip. He thinks deeply with all his might.

Pinagpawisan siya sa pagpikit. He started sweating just by closing his eyes.

Maya-maya nga ay naramdaman niyang tinutubuan na siya ng mga pakpak. And suddenly, he started sprouting a pair of wings!

Maya-maya ay umaangat na siya sa lupa. He is taking off from the ground!

Tumataas na siya! Lumilipad na si Butirik! He is rising! Butirik is flying!

"Ha-ha-ha-ha-ha! "Ha-ha-ha-ha-ha!

Heto na ako, Langit!" sigaw niyang tuwang-tuwa. Sky, here I come!" He shouted with glee.

At lumipad nang lumipad si Butirik. Up he flies where his wings would take him.

Sa taas ng lipad niya'y lumiit nang lumiit ang mga bagay na kanyang naiwan. The higher he goes, the things he has left behind appear to be shrinking.

Mga sasakyan. Mga bahay. Mga bundok. Cars. Houses. Mountains.

Maya-Maya'y naabot na niya ang mga ulap. Doon ay nagpasirku-sirko siya. Umikut ng umikot. Then later he has reached the clouds where he flips and tumbles and wiggles.

Nag-ingay. Ginawa ang lahat niyang maisip. He makes all sorts of noise. He does everything he wants.

Pero nagalit ang mga ulap. But this upsets the clouds.

"Pinaiitim mo kami sa iyong usok," reklamo nila. "You're polluting us with your smoke," they complain.

"Pinaiitim mo kami sa iyong usok," reklamo nila. "Who are you, and what do you want?"

"Ako si Butirik, ang sikat na dyip. "I am Butirik, the famous jeepney," he boasts.

At dito na ako titira sa langit." "I will now live amongst you."

Nagdilim ang mga ulap. The clouds thicken and darken.

Nagtipon sila't nag-usap. They discuss this development.

Isang kawan ng mga ibon ang takang-takang umiwas kay Butirik. A flock of birds swerve from the jeepney.

"Eeeeeeeeek! Malaking ibon!" sigawan nila. "Eeeeeeeeek! A giant bird!" they scream.

"Maliit na jet!" malakas na preno ng isang eroplanong muntik nang sumalpok sa likod ni Butirik. "A small jet!" An airplane almost slams against Butirik.

"Dyip ako!" nakuhang isagot ng tumalsik na si Butirik. "I am a jeepney!" Butirik screams back.

"Kitzzzzzk! "Kitzzzzzk!

Anong dyip?" lagitik ng kidlat na umikot sa dyip. What's that?!" a bolt of lightning zigzags around him.

BAKIT KA NARITO?!" dagundong ng sumunod na kulog. "WHAT ARE YOU DOING HERE?!" roars the thunder.

"Taga-langit na ako," pagmamalaki ni Butirik. "I live here now!" Butirik roars back.

"Hindi ka tatagal dito," babala ng ulan na biglang bumuhos. "You'll never make it here," pours the rain.

"Umuwi ka na," utos ng araw na biglang sumungaw. "Go home," orders the sun who takes a peek.

"Ihahatid na kita," alok ng bahagharing biglang sumilip. "I will take you back home," offered the Rainbow who peeped suddenly .

"Ayaw ko!" sigaw ni Butirik na nanginginig. "Never!" screams the shivering Butirik.

"Kung ayaw ninyo sa akin ay hahanap ako ng ibang lugar!" "If you don't want me here, I shall look for a better place!"

At mabilis na lumipad paitaas si Butirik. And off he flies, higher and higher, until the clamoring voices start to fade.

Pataas nang pataas hanggang hindi na niya marinig ang mga boses na nagpapauwi sa kanya. Higher and higher until he could no longer hear the voices calling him home.

Dumidilim sa paligid nang biglang mapatigil si Butirik. It is getting dark around Butirik when he brakes to a halt.

Napanganga siya sa gulat. With mouth open wide in shock.

Parang walang-hanggan ang Lugar na kanyang pinu-puntahan. The place where he is headed seems endless.

Pagkarami-raming bolang kumikislap. Nakakalat sa dilim na walang katapusan. So many round things glittering amidst the infinite darkness.

"Ano ba itong aking nasuotan?" "What is this place?" he asks in awe.

"Kalawakan," sagot ng bituing nakabantay. "This is the Space," answers the star-on-guard.

"Saan ka pupunta?" tanong ng sumulpot na buwan. "And where are you going?" asks the moon, appearing from nowhere.

"Baku-bako ang iyong mukha!" nasabi ni Butirik na sa takot ay hindi nakapag-isip. "Your face is full of holes!" Butirik, scared and unable to think, blurts out.

"Gusto mo ng away?" hamon ng nainsultong buwan. "Are you trying to pick a fight?" demands the insulted moon.

"Bakit daw? Away daw?" sabat ng maliliit na bituing biglang lumapit at nagkumpulan. "A fight? A fight?" whisper the little stars quickly gathering round.

"Puwede ba siya dito?" tanong ng bulalakaw na biglang dumaan. "Is he allowed here?" a shooting star asks while passing.

"Kung kakayanin niya," sabay-sabay na sagot ng mga planetang umiikot sa kanilang daan. "If he survives," answer the planets who have been circling along their way.

"E, hayan, may kaaway na." "But this early, he has made an enemy."

"Anong gulo 'yan?" tanong ng araw na nasa gitna ng mga planetang gumagalaw. "What's all the fuzz about?" asks the sun in the center of the planets.

Itinapat niya ang kanyang ilaw sa bagay na pinagkakaguluhan. He focuses on the object in question.