×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MAY BUKBOK ANG NGIPIN NI ANI WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: MAY BUKBOK ANG NGIPIN NI ANI WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Jason Moss

(MUSIC)

Patingin nga ng mga ngipin n'yo, mga bata?

Sino na sa inyo ang nagkabukbok?

Ngiti nga at nang makita kung sino ang bungi.

Tungkol sa ngipin ang kuwento ni Tito Dok ngayon.

Sige nga, isipin natin. Halimbawa, isang araw sinabi ni Tatay at Nanay, "Kailangan mo nang pumunta sa dentista."

Ano ang mararamdaman mo?

Matatakot ka ba at iiyak?

O magiging matapang?

Ano kaya, ang nangyari kay Ani nang sabihan siya ng kanyang Tatay at

Nanay na dapat nang patingnan sa dentista ang kanyang sirang ngipin?

Samahan natin si Ani sa dentista!

"Araaay! Aray ko-o-o-o!"

Halos umiyak si Ani dahil masakit na masakit ang kanyang ngipin.

Ngayon lang nangyari ito sa kanya.

Buong maghapon tuloy niyang hawak-hawak ang kanyang nananakit na panga.

Sinilip niya ang kanyang ngipin sa harap ng salamin.

At talagang nandiri siya sa nakita.

Ang itim-itim ng ngipin niya!

"Kaya siguro ang sakit-sakit ng ngipin ko," sa isip-isip niya.

Nang hapong 'yon, matamlay siyang sumalubong sa kanyang tatay at nanay na kagagaling lang ng opisina.

Hindi nga niya halos ginalaw ang pasalubong nilang ensaymada.

"Ang hilig-hilig mo kasi sa kendi.

Tingnan mo may butas na ang ngipin mo. Kinain 'yan ng mga bukbok," sabi ni Nanay Lyn matapos marinig ang problema ni Ani.

"Huwag kendi ang sisihin mo, mahal.

Ang totoo, tamad magsipilyo ang anak natin," tugon ni Tatay Viyo.

"Oo nga.

Bukas ng umaga, sasamahan ko si Ani sa dentista," sabi ni Nanay.

"D-Dentista?" Hindi makapaniwala si Ani sa kanyang narinig.

Takot na takot kasi siya sa mga dentista.

Nanlamig ang kanyang mga kamay.

Para kasi sa kanya, ang mga dentista ay nagpaparusa sa mga bata.

Parang mga kontrabida sa cartoons.

"Oo, Ani. Patitingnan natin sa dentista ang ngipin mo.

Kung bulok na 'yan, baka kailangan nang bunutin."

"Ay, ayoko po, Nanay!

Ayokong pumunta sa dentista," iyak ni Ani.

"Ani, huwag matigas ang ulo.

Ang mga dentista ay kaibigan ng mga ngipin natin."

"Basta po, ayoko!

Baka mamaya lang po, wala na ang sakit ng ngipin ko.

"O, hayan ka na naman. Ipinipilit mo na naman ang gusto mo.

Di ba't lagi naming sinasabi ng Tatay mo na magsipilyo ka pagkatapos kumain?

Ang hilig mo pa naman sa kendi.

Alam mo bang abalang-abala ang mga baktirya kapag may naiiwang asukal sa ngipin mo?"

Nabalisa si Ani.

Hindi talaga siya papayag pumunta sa dentista.

Pagdating ng hapon, pinilit niyang maging masaya.

Niyaya niya ang mga kalaro, si Nina at si Joshua, na pumunta sa kanilang bahay.

Nagtaguan sila. Nagpiko at naghabulan sa playground.

Pero masakit pa rin ang ngipin niya.

Naupo na lang siya sa isang sulok at nagmukmok.

"Bakit Ani, may sakit ka ba?" tanong ng kanyang mga kalaro.

"A-ang ngipin ko . . . ang sakit-sakit."

"Patingin nga."

"O, hayan, a-a-a-h-h-h-h!"

"Naku, Ani, sira na ang ngipin mo," sabi ni Nina, ang best friend ni Ani.

"Sabi ng tiyo kong dentista, dahil daw 'yan sa bukbok.

Kaya pala masakit!"

"Ganoon ba?"

"Oo.

Sabi nga ng tiyo ko, puro mikrobyo raw ang bukbok.

"Ano 'yon?"

"Mi-krob-yo!

Kinakain ng mikrobyo ang ngipin natin at gumagawa ng butas papasok sa loob.

Dapat pumunta ka na sa dentista."

"Ha? Sa dentista?"

Muli na naman kinilabutan si Ani pagkarinig ng salitang "dentista."

Ang tingin niya kasi sa mga dentista ay parang monster.

Ano nga ba kasi ang itatawag mo sa taong may hawak na plais at nambubunot ng ngipin?

"Oo, kaibigan ng mga bata ang mga dentista.

Nilalabanan ng mga dentista ang mga mikrobyo sa ngipin natin.

Alam mo, may sirang ngipin din ako noon, eh."

"Talaga?"

"O, tingnan mo ang bungi ko.

Diyan dati nakatubo ang ngipin kong may bukbok.

Kailangan ko talaga noong maging matapang," sabi ni Nina.

Nang gabing iyon, hindi makatulog si Ani.

Masakit pa rin ang ngipin niya.

Nanalangin siya na sana'y maalis ang sakit ng ngipin niya.

Sinilip niya ulit ang kanyang ngipin sa salamin.

"Puro bukbok nga!"

At naalala niya ang sinabi ni Nanay Lyn.

"Ani, kung hindi ka pa pupunta sa dentista, baka mahawa pa ang ibang ngipin mo."

Kinabukasan, pagkagising, agad pinakiramdaman ni Ani ang kanyang ngipin.

"Hmmmm, parang wala na yata ang sakit."

Pero matamlay pa rin ang kanyang pakiramdam.

Hindi siya bumangon sa kama.

Ayaw niyang kumain ng almusal.

Ayaw din niyang maglaro.

"Anak, bumangon ka na't pupunta tayo sa dentista," bati ng kanyang nanay.

Kinabahan na naman si Ani.

"E, Nanay, parang magaling na po yata ang ngipin ko. Hindi na masakit e!" pangangatwiran nito.

"Pero kailangan pa ring tingnan ng dentista ang ngipin mo.

Pag hinayaan mo na may sira 'yan, sasakit na naman ulit.

Baka lagyan 'yan ng pasta ng dentista. O kung sira na talaga, bubunutin na niya.

Halika na. Bilisan mo, Anak!"

Pinilit ni Ani na huwag umiyak.

Alam ni Tatay Viyo ang nararamdaman ng anak.

"Natatakot ka ba sa dentista, anak?" maamong tanong nito.

"A, e medyo po,"

singhot ni Ani. "Kasi po, baka masakit pag binunot ng dentista ang ngipin ko."

"Konting sakit lang 'yon anak. At di 'yon magtatagal.

At saka mas masakit pa sa bunot ang makirot na ngipin."

"Totoo 'yan, Ani. Hindi magtatagal ang sakit ng ngipin mo.

At pag nawala na 'yan, lagi naming ipapaalala sa iyo na magsipilyo pagkatapos kumain.

Para hindi masira ang mga ngipin mo," dagdag ni Nanay Lyn.

Sa wakas ay napapayag din nila si Ani.

At saka naisip din ng munting bata, "Kung si Nina nga, kayang-kaya maging matapang at pumunta sa dentista, kaya ko rin maging matapang."

Maganda ang loob ng klinika ni Dr. De Leon.

May mga laruang nakabitin sa kisame.

Marami ring larawan ng mga hayop na nakadikit sa dingding na panay nakangiti.

May matsing. May kuneho.

Parang nginingitian nila si Ani.

Nagulat si Ani dahil mabait naman pala ang dentista. Sumisipol-sipol pa nga ito.

Hindi parang monster.

Si Dr. De Leon ay isang dentista na laging nakangiti.

Ang gaganda ng kanyang mga ngipin. Puting-puti!

"Ito ba si Ani? Naku, ang cute na bata," sabi ni Dr. De Leon.

At iniupo niya si Ani sa dental chair .

"Okey ka ba, Ani?" tanong ni Dr. De Leon.

"Opo.

Di po ba ako malulula sa silyang ito?"

Biniro ni Dr. De Leon si Ani.

"Alam mo, 'yong ibang bata ay nagbabayad pa para makaupo lang dito!"

Itinaas niya si Ani nang mataas na mataas, at pagkatapos ay ibinaba nang konti.

Unti-unting nawawala ang takot ni Ani.

Maya-maya pa'y nilagyan na siya ni Dr. De Leon ng bib sa leeg.

"Para hindi marumihan ang maganda mong damit, o kaya'y ako!"

Ipinakita sa kanya ng dentista ang mga instrumentong gagamitin.

"O, tingnan mo ito, may maliit na salaming bilog sa dulo.

Ipapasok natin ito sa bibig mo para kitang-kita natin ang iyong mga ngipin."

Tiningnang mabuti ni Dr. De Leon ang lahat ng ngipin ni Ani.

"Kailangang bunutin na natin ang ngipin mo, Ani.

Sinira na kasi ito ng bukbok.

Ngayon, para hindi ka masaktan, patutulugin natin ang iyong ngipin.

Kung tulog na ang ngipin, hindi na magiging masakit kapag binunot natin . . . ." paliwanag ni Dr. De Leon.

"Ha? A, eh sige po. Gusto ko pong patulugin muna ang ngipin ko," sagot ni Ani.

Pero muling kinabahan si Ani nang makita ang heringgilya.

"O heto, meron tayong sleeping juice para sa ngipin mo."

"Pero paano ito iinumin ng ngipin ko?"

"Eto ang straw para sa sleeping juice," sabay turo ni Dr. De Leon sa karayom na nakakabit sa heringgilya na may lamang anesthesia.

Paiinumin na natin ngayon ang sirang ngipin mo para makatulog ito."

"Baka masakit . . ." "Makararamdam ka ng sakit mula sa injection, Ani.

Pero madaling mawawala ito.

Okay, now open your mouth."

"Aaaaa-aaaahhhhh ." Ngumanga nang mabuti si Ani habang pinaiinom ni Dr. De Leon ng pampatulog ang kanyang ngipin.

Maya-maya pa'y wala nang nararamandamang kirot si Ani.

"Siguro, nakatulog na ang ngipin kong bulok," naisip niya.

Habang nakapikit ang mga mata, naalala ni Ani ang kanyang alagang pusang si Poochie.

Naalala rin niya nang maglibot sila nina Tatay at Nanay sa Manila Zoo.

At nang mag-piknik sila sa park.

Nang unang sumakay siya sa eroplano papuntang Iloilo.

At nang bumili siya ng malaking cotton candy sa karnabal.

Parang nakita pa nga niya ang kanyang lolo at lola sa probinsya.

Maya-maya, tinapik ni Dr. De Leon si Ani,

"Tapos na, Ani."

"Mabilis lang po pala . . ." sabi ni Ani habang pinakikiramdaman ang gilagid.

Ipinakita sa kanya ni Dr. De Leon ang nabunot na ngipin.

"Ngiii! Ang dami palang butas ng ngipin ko!"

Ganyan ang ginagawa ng bukbok sa ngipin.

At pag nasira ang mga ngipin mo, madali kang dadapuan ng kung anu-anong sakit.

Kaya lagi kang magsipilyo para mapangalagaan ang iyong ngipin, at kalusugan.

Alam mo, Ani, ang ating ngipin, tulad ng ibang bahagi ng ating katawan, ay regalo sa atin ng Diyos.

Kaya dapat nating alagaang mabuti."

"Babawasan ko na po ba ang mga kendi, tulad ng sabi ni Nanay?"

"Tama! O kailan mo ulit ako dadalawin, Ani?" nakangiting tanong ni Dr. De Leon.

Nagustuhan na ni Ani ang dentista, pero nahihiya pa rin siya.

Kaya sunod-sunod na tango lamang ang naging tugon niya.

"Sa susunod, aalisin naman natin ang ibang tartar kapag nilinis natin ang ngipin mo," dagdag ni Dr. De Leon.

"Doc, maaari bang i-iskedyul mo rin kami?

Balak po naming magpa-cleaning na mag-asawa sa susunod na linggo," sabi ni Nanay Lyn.

Bago bumaba si Ani sa dental chair, may ipinakitang kahon si Dr. De Leon. Punong-puno ito ng kung ano-anong makukulay na bagay.

"O, Ani, pumili ka ng isang laruan. Premyo mo 'yan dahil ang tapang mo kanina."

"Bagong toy po, para sa akin? Salamat po."

Palabas na lamang sila nang bumulong pa si Ani kay Dr. De Leon.

Nakangiting ibinigay ng dentista ang hiningi ng bata.

"Bakit, anak? Aanhin mo ba 'yang bulok mong ngipin?" Tanong ni Tatay nang sinundo nito si Ani at Nanay Lyn.

"Itatago ko po. Para di ko makalimutang magsipilyo!" sabay kindat at ngiti ni Ani.

Paano aalagaan ang ating ngipin:

1. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium, tulad ng petsay, broccoli, talbos ng kamote, keso at tokwa.

2. Uminom ng maraming gatas araw-araw. Mayaman din sa calcium,ang soy milk.

3. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

4. Magpasama sa iyong Nanay o Tatay sa dentista para sa isang dental check-up. Titingnan at lilinisin ng dentista ang iyong mga ngipin.

TANDAAN: ANG ATING NGIPIN, TULAD NG IBANG BAHAGI NG ATING KATAWAN, AY REGALO NG DIYOS SA ATIN.

KAYA'T ALAGAAN NATIN ANG ATING NGIPIN.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MAY BUKBOK ANG NGIPIN NI ANI WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES |||tooth decay||tooth|||||| PHILIPPINISCHES BUCH: ANI'S TIPINA MAY BUKBOK MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: ANI'S TIPINA MAY BUKBOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES FILIPIJNS BOEK: ANI'S TIPINA MEI BUKBOK MET ENGELSE/TAGALOG ONDERTITELS

Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani |||||of| Ani Has a Bad Tooth

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan Story by Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Jason Moss |||Moss's Drawing Illustrations by Jason Moss

(MUSIC) (MUSIC)

Patingin nga ng mga ngipin n'yo, mga bata? Let me see||||||| Kids, may I see your teeth?

Sino na sa inyo ang nagkabukbok? |||||had cavities Who among you had a bad tooth?

Ngiti nga at nang makita kung sino ang bungi. ||||||||missing tooth Come on, smile and let's find out who has a missing tooth.

Tungkol sa ngipin ang kuwento ni Tito Dok ngayon. |||||||Doc| This story of Tito Doc is about our teeth.

Sige nga, isipin natin. Halimbawa, isang araw sinabi ni Tatay at Nanay, "Kailangan mo nang pumunta sa dentista." Imagine your Dad and Mom saying, "You need to go to the dentist."

Ano ang mararamdaman mo? What would you feel?

Matatakot ka ba at iiyak? Would you feel scared and cry?

O magiging matapang? ||"brave" or "courageous" Or would you be brave?

Ano kaya, ang nangyari kay Ani nang sabihan siya ng kanyang Tatay at What do you think happened to Ani when her Dad and

Nanay na dapat nang patingnan sa dentista ang kanyang sirang ngipin? |||||||||damaged| Mom said that her aching tooth must be examined by a dentist?

Samahan natin si Ani sa dentista! Let's go with Ani to the dentist.

"Araaay! Aray ko-o-o-o!" "Ouch! It hurts!"|"Ouch! It hurts!"|||| "Owww-w-w-w!"

Halos umiyak si Ani dahil masakit na masakit ang kanyang ngipin. Ani is almost crying because her tooth hurts badly.

Ngayon lang nangyari ito sa kanya. Just now||||| And it's the first time for Ani to have such a terrible toothache.

Buong maghapon tuloy niyang hawak-hawak ang kanyang nananakit na panga. ||||||||hurting||jaw All day she has been holding her aching jaw.

Sinilip niya ang kanyang ngipin sa harap ng salamin. Checked|||||||| She looked in the mirror and peered at her tooth.

At talagang nandiri siya sa nakita. ||disgusted||| What she saw horrified her!

Ang itim-itim ng ngipin niya! ||black||| There was a dark cavity in the center of her tooth.

"Kaya siguro ang sakit-sakit ng ngipin ko," sa isip-isip niya. "That's why my tooth is aching," Ani thought.

Nang hapong 'yon, matamlay siyang sumalubong sa kanyang tatay at nanay na kagagaling lang ng opisina. |||listlessly|||||||||||| When her parents arrived from the office that afternoon, Ani was still not feeling well.

Hindi nga niya halos ginalaw ang pasalubong nilang ensaymada. ||||touched||gift from travel||cheese brioche She didn't even eat the ensaymada that her parents bought for her.

"Ang hilig-hilig mo kasi sa kendi. "That's what you get for eating too many candies.

Tingnan mo may butas na ang ngipin mo. Kinain 'yan ng mga bukbok," sabi ni Nanay Lyn matapos marinig ang problema ni Ani. |||hole|||||||||||||Mother Lyn|||||| You've got a hole in one of your teeth," said her Mommy Lyn when she heard Ani complaining.

"Huwag kendi ang sisihin mo, mahal. |||blame|| "Don't blame the candies, dear.

Ang totoo, tamad magsipilyo ang anak natin," tugon ni Tatay Viyo. ||lazy|||||replied|||Viyo Truth is, Ani has been lazy when it comes to brushing her teeth," Daddy Viyo said.

"Oo nga. "I think you're right.

Bukas ng umaga, sasamahan ko si Ani sa dentista," sabi ni Nanay. Tomorrow morning, I'll take Ani to the dentist," said Mommy Lyn.

"D-Dentista?" Hindi makapaniwala si Ani sa kanyang narinig. "D-Dentist?"|||||||| "D-Dentist?" Ani couldn't believe what she heard.

Takot na takot kasi siya sa mga dentista. She was more afraid of the dentist than of anything else.

Nanlamig ang kanyang mga kamay. Her hands became cold.

Para kasi sa kanya, ang mga dentista ay nagpaparusa sa mga bata. |because|||||||punishing||| For her, the dentists were there to punish little children.

Parang mga kontrabida sa cartoons. ||villains in cartoons||cartoon villains Just like bad people in cartoons.

"Oo, Ani. Patitingnan natin sa dentista ang ngipin mo. "Yes, Ani. We'll let the dentist examine your tooth.

Kung bulok na 'yan, baka kailangan nang bunutin." |rotten||||||pull out If it's decaying, perhaps he will have to pull it out."

"Ay, ayoko po, Nanay! "Oh no, please no, Mommy!

Ayokong pumunta sa dentista," iyak ni Ani. I don't want to go," she whimpered.

"Ani, huwag matigas ang ulo. ||stubborn|| "Ani, don't be stubborn.

Ang mga dentista ay kaibigan ng mga ngipin natin." Dentists are friends to our teeth."

"Basta po, ayoko! "No, I don't want to go to the dentist.

Baka mamaya lang po, wala na ang sakit ng ngipin ko. Maybe the ache will go away," Ani cried.

"O, hayan ka na naman. Ipinipilit mo na naman ang gusto mo. |"There you go"||||"Insisting"|||||| "Ani, behave yourself. You always insist on what you want.

Di ba't lagi naming sinasabi ng Tatay mo na magsipilyo ka pagkatapos kumain? Haven't we told you to always brush your teeth after meals?

Ang hilig mo pa naman sa kendi. And you eat too many sweets!

Alam mo bang abalang-abala ang mga baktirya kapag may naiiwang asukal sa ngipin mo?" ||||busy||||||remaining|||teeth| Don't you know that tooth bacteria are very active when there's sugar left on your teeth?"

Nabalisa si Ani. Ani was anxious.||Ani was worried. Ani was anxious.

Hindi talaga siya papayag pumunta sa dentista. |||will not agree||| She wouldn't be persuaded to go to the dentist.

Pagdating ng hapon, pinilit niyang maging masaya. |||forced||| Later that afternoon, she tried to act happy.

Niyaya niya ang mga kalaro, si Nina at si Joshua, na pumunta sa kanilang bahay. Invited|||||||||||||| She even invited her friends, Nina and Joshua to come to their house.

Nagtaguan sila. Nagpiko at naghabulan sa playground. They hid||peeked||chased each other||playground They played hide-and-seek, and ran races, and played hopscotch in the playground.

Pero masakit pa rin ang ngipin niya. But the toothache didn't go away.

Naupo na lang siya sa isang sulok at nagmukmok. ||||||corner||sulked Ani sat in one spot, sulking.

"Bakit Ani, may sakit ka ba?" tanong ng kanyang mga kalaro. "Why Ani, are you sick?" asked her playmates.

"A-ang ngipin ko . . . ang sakit-sakit." "M-My tooth . . . it hurts."

"Patingin nga." "Can we take a look at it?"

"O, hayan, a-a-a-h-h-h-h!" |there||||||| "Oh, there, aahhhhhh!"

"Naku, Ani, sira na ang ngipin mo," sabi ni Nina, ang best friend ni Ani. "Yuck! Ani, you've got tooth decay," said Nina, Ani's best friend.

"Sabi ng tiyo kong dentista, dahil daw 'yan sa bukbok. "My uncle is a dentist and he says it's called dental caries.

Kaya pala masakit!" That's why your tooth is aching!"

"Ganoon ba?" is that so?| "Really?"

"Oo. "Yeah.

Sabi nga ng tiyo ko, puro mikrobyo raw ang bukbok. |||||purely||||worm According to my uncle, the holes in our teeth come from bacteria."

"Ano 'yon?" "From what?"

"Mi-krob-yo! "Bac-teer-yaaa!

Kinakain ng mikrobyo ang ngipin natin at gumagawa ng butas papasok sa loob. |||||||||hole||| The bacteria eat into our teeth and make cavities.

Dapat pumunta ka na sa dentista." You should go to the dentist at once."

"Ha? Sa dentista?" "To the dentist?"

Muli na naman kinilabutan si Ani pagkarinig ng salitang "dentista." |||got goosebumps|||||| Ani felt goosebumps upon hearing the word "dentist."

Ang tingin niya kasi sa mga dentista ay parang monster. She believed the dentist was a monster.

Ano nga ba kasi ang itatawag mo sa taong may hawak na plais at nambubunot ng ngipin? |||because||will call|||||||pliers||tooth pulling|| What do you call a person holding a pliers and pulling teeth?

"Oo, kaibigan ng mga bata ang mga dentista. "Yes, dentists are friends of children.

Nilalabanan ng mga dentista ang mga mikrobyo sa ngipin natin. fighting||||||||| Dentists fight the microbes in our teeth.

Alam mo, may sirang ngipin din ako noon, eh." I used to have tooth decay, you know."

"Talaga?" "Really?"

"O, tingnan mo ang bungi ko. ||||gap-toothed| "Here, look at my gums.

Diyan dati nakatubo ang ngipin kong may bukbok. ||grown||||| There used to be a tooth with dental caries* here.

Kailangan ko talaga noong maging matapang," sabi ni Nina. |||||brave||| I had to be very brave!" Nina said.

Nang gabing iyon, hindi makatulog si Ani. That night, Ani hardly slept at all.

Masakit pa rin ang ngipin niya. Her tooth was still aching terribly.

Nanalangin siya na sana'y maalis ang sakit ng ngipin niya. Prayed||||||||| She prayed that the pain would go away.

Sinilip niya ulit ang kanyang ngipin sa salamin. Checked||||||| Then she looked at her tooth in the mirror again.

"Puro bukbok nga!" "They are full of dental caries!" she moaned.

At naalala niya ang sinabi ni Nanay Lyn. Then she remembered what Mommy Lyn had said.

"Ani, kung hindi ka pa pupunta sa dentista, baka mahawa pa ang ibang ngipin mo." |||||||||get infected||||| "If you don't go to the dentist, your other teeth might get tooth decay too."

Kinabukasan, pagkagising, agad pinakiramdaman ni Ani ang kanyang ngipin. future|||felt for||||| The next morning when she woke up, the first thing Ani thought of was her tooth.

"Hmmmm, parang wala na yata ang sakit." "Ummmm, I think it's stopped hurting."

Pero matamlay pa rin ang kanyang pakiramdam. |lethargic||||| But still she wasn't feeling well.

Hindi siya bumangon sa kama. ||get up|| She stayed in her bed.

Ayaw niyang kumain ng almusal. She didn't want any breakfast.

Ayaw din niyang maglaro. She didn't want to play.

"Anak, bumangon ka na't pupunta tayo sa dentista," bati ng kanyang nanay. "Ani dear, come on, get up so we can go to the dentist," greeted her mommy.

Kinabahan na naman si Ani. Ani felt nervous again.

"E, Nanay, parang magaling na po yata ang ngipin ko. Hindi na masakit e!" pangangatwiran nito. ||||||||||||||argument| "Mommy, I think my tooth is okay now It's not aching anymore."

"Pero kailangan pa ring tingnan ng dentista ang ngipin mo. "But the dentist still needs to look at it, dear.

Pag hinayaan mo na may sira 'yan, sasakit na naman ulit. |let happen||||||||| If you leave it with a hole in it, one day it will hurt again.

Baka lagyan 'yan ng pasta ng dentista. O kung sira na talaga, bubunutin na niya. |put in|||||||||||will pull out|| The dentist will fix your tooth with a filling, or if he can't, he'll have to pull it out.

Halika na. Bilisan mo, Anak!" Come along. Hurry!"

Pinilit ni Ani na huwag umiyak. Forced||||| Ani was trying not to cry.

Alam ni Tatay Viyo ang nararamdaman ng anak. Daddy Viyo knew how Ani felt about going to the dentist.

"Natatakot ka ba sa dentista, anak?" maamong tanong nito. ||||||gentle|| "You're not scared of the dentist, are you Ani?"

"A, e medyo po," "Oh, a little bit," she sniffed.

singhot ni Ani. "Kasi po, baka masakit pag binunot ng dentista ang ngipin ko." sniff||||||||pulled||||| "I'm afraid that it will hurt when the dentist pulls out my tooth."

"Konting sakit lang 'yon anak. At di 'yon magtatagal. "Well, it will hurt a bit. But not for long.

At saka mas masakit pa sa bunot ang makirot na ngipin." ||||||tooth extraction||throbbing|| Having a toothache is more painful than having a tooth pulled out."

"Totoo 'yan, Ani. Hindi magtatagal ang sakit ng ngipin mo. "That's right, Ani. It won't hurt for long.

At pag nawala na 'yan, lagi naming ipapaalala sa iyo na magsipilyo pagkatapos kumain. |||||||will remind|||||| And when it's over we will always remind you to brush your teeth," said Mommy Lyn.

Para hindi masira ang mga ngipin mo," dagdag ni Nanay Lyn. So you won't have anymore tooth decay," added Mommy Lyn.

Sa wakas ay napapayag din nila si Ani. |||persuaded|||| At last Daddy and Mommy were able to persuade Ani that she would be better if she went to the dentist.

At saka naisip din ng munting bata, "Kung si Nina nga, kayang-kaya maging matapang at pumunta sa dentista, kaya ko rin maging matapang." |||||little|||||||||||||||||| Besides, the little girl thought, "If Nina was brave enough to go to the dentist, I can be brave too."

Maganda ang loob ng klinika ni Dr. De Leon. Dr. De Leon's dental clinic looked nice.

May mga laruang nakabitin sa kisame. |||hanging||ceiling There were toys hanging from the ceiling.

Marami ring larawan ng mga hayop na nakadikit sa dingding na panay nakangiti. |||||||stuck, attached||||constantly|smiling There were pictures of animals posted on the wall, all of them smiling.

May matsing. May kuneho. |monkey|| A monkey. A rabbit.

Parang nginingitian nila si Ani. |smiling at||| They all seemed to be smiling at Ani.

Nagulat si Ani dahil mabait naman pala ang dentista. Sumisipol-sipol pa nga ito. Was surprised||||||||||whistles||| Ani was surprised that the dentist was a nice man who whistled while he worked.

Hindi parang monster. Not like a monster.

Si Dr. De Leon ay isang dentista na laging nakangiti. Dr. De Leon was a smiling dentist.

Ang gaganda ng kanyang mga ngipin. Puting-puti! And he has a set of beautiful even white teeth!

"Ito ba si Ani? Naku, ang cute na bata," sabi ni Dr. De Leon. "Is this Ani? Aren't you a cute little girl," said Dr. De Leon.

At iniupo niya si Ani sa dental chair . Then he took Ani to his dental chair.

"Okey ka ba, Ani?" tanong ni Dr. De Leon. 'Are you okay, Ani?" he asked.

"Opo. "Yes, Sir.

Di po ba ako malulula sa silyang ito?" ||||get dizzy||chair| But, won't this chair make me dizzy?"

Biniro ni Dr. De Leon si Ani. The dentist joked with Ani.

"Alam mo, 'yong ibang bata ay nagbabayad pa para makaupo lang dito!" "Some kids come in here and pay us to ride in this."

Itinaas niya si Ani nang mataas na mataas, at pagkatapos ay ibinaba nang konti. He jacked up the dental chair to its highest level and then lowered her a bit.

Unti-unting nawawala ang takot ni Ani. Little by little Ani's fear went away.

Maya-maya pa'y nilagyan na siya ni Dr. De Leon ng bib sa leeg. ||still|put on||||||||||neck Next, Dr. De Leon fastened a bib around Ani's neck.

"Para hindi marumihan ang maganda mong damit, o kaya'y ako!" "So you won't dribble on that pretty dress, or on ME!"

Ipinakita sa kanya ng dentista ang mga instrumentong gagamitin. Then the dentist showed her the instruments he was going to use.

"O, tingnan mo ito, may maliit na salaming bilog sa dulo. ||||||||||end, tip "See, there's a small round mirror at the end.

Ipapasok natin ito sa bibig mo para kitang-kita natin ang iyong mga ngipin." We'll put it inside your mouth so we can see your teeth."

Tiningnang mabuti ni Dr. De Leon ang lahat ng ngipin ni Ani. Dr. De Leon took a careful look at all of Ani's teeth.

"Kailangang bunutin na natin ang ngipin mo, Ani. "I'll have to pull out your tooth, Ani.

Sinira na kasi ito ng bukbok. The bad part has gotten right inside your tooth.

Ngayon, para hindi ka masaktan, patutulugin natin ang iyong ngipin. ||||to be hurt|will put to sleep|||| But first, I want to put your tooth to sleep, so pulling it out won't hurt.

Kung tulog na ang ngipin, hindi na magiging masakit kapag binunot natin . . . ." paliwanag ni Dr. De Leon. ||||||||||||explanation|||| If the tooth is asleep, you won't feel any pain when I pull it out," Dr. De Leon explained.

"Ha? A, eh sige po. Gusto ko pong patulugin muna ang ngipin ko," sagot ni Ani. "Yes . . . I think I want my tooth to fall asleep first," Ani said.

Pero muling kinabahan si Ani nang makita ang heringgilya. ||||||||syringe But Ani felt nervous again when she saw the dentist's syringe.

"O heto, meron tayong sleeping juice para sa ngipin mo." |Here it is|||||||| "Here, I have some sleeping juice for your tooth."

"Pero paano ito iinumin ng ngipin ko?" "But how can my tooth drink it?" Ani asked.

"Eto ang straw para sa sleeping juice," sabay turo ni Dr. De Leon sa karayom na nakakabit sa heringgilya na may lamang anesthesia. |||||||at the same time|||||||needle|||||||| "Here's a straw for the sleeping juice," pointed Dr. De Leon to the needle attached to a syringe that contains anesthesia.

Paiinumin na natin ngayon ang sirang ngipin mo para makatulog ito." "We'll let the tooth drink the sleeping juice so it will fall asleep."

"Baka masakit . . ." "Makararamdam ka ng sakit mula sa injection, Ani. "I-It might hurt .. "Ani, you'll feel a bit of pain from the injection, but you're going to be okay.

Pero madaling mawawala ito. Soon you'll be fine.

Okay, now open your mouth." Okay, now open your mouth."

"Aaaaa-aaaahhhhh ." Ngumanga nang mabuti si Ani habang pinaiinom ni Dr. De Leon ng pampatulog ang kanyang ngipin. "Aaaaa-aaaahhhhh . . . ." Ani opened her mouth wide as Dr. De Leon gave the drink to the decayed tooth.

Maya-maya pa'y wala nang nararamandamang kirot si Ani. In a while Ani couldn't feel any more pain.

"Siguro, nakatulog na ang ngipin kong bulok," naisip niya. "Maybe my decayed tooth has fallen asleep," she thought.

Habang nakapikit ang mga mata, naalala ni Ani ang kanyang alagang pusang si Poochie. With eyes closed, Ani thought of her pet cat Poochie.

Naalala rin niya nang maglibot sila nina Tatay at Nanay sa Manila Zoo. She imagined the family's visit to Manila Zoo.

At nang mag-piknik sila sa park. The picnic in the park.

Nang unang sumakay siya sa eroplano papuntang Iloilo. Her first ride in an airplane going to Iloilo.

At nang bumili siya ng malaking cotton candy sa karnabal. The big cotton candy she bought in the carnival.

Parang nakita pa nga niya ang kanyang lolo at lola sa probinsya. She thought she even saw her grandparents in the province.

Maya-maya, tinapik ni Dr. De Leon si Ani, After a while, Dr. De Leon gently tapped Ani's shoulder.

"Tapos na, Ani." "It's done, Ani."

"Mabilis lang po pala . . ." sabi ni Ani habang pinakikiramdaman ang gilagid. "Wow, that's quick . . . ." said Ani, trying to feel her gums.

Ipinakita sa kanya ni Dr. De Leon ang nabunot na ngipin. Dr. De Leon showed Ani the tooth that he had taken out.

"Ngiii! Ang dami palang butas ng ngipin ko!" "Yuck! Look at those holes in my tooth!"

Ganyan ang ginagawa ng bukbok sa ngipin. "That's what the microbes do to your tooth.

At pag nasira ang mga ngipin mo, madali kang dadapuan ng kung anu-anong sakit. And if your teeth get bad, you get other sicknesses too.

Kaya lagi kang magsipilyo para mapangalagaan ang iyong ngipin, at kalusugan. That's why you should brush your teeth everyday.

Alam mo, Ani, ang ating ngipin, tulad ng ibang bahagi ng ating katawan, ay regalo sa atin ng Diyos. You see, Ani, our teeth, just like all the parts of our body, are God's gift to us.

Kaya dapat nating alagaang mabuti." That's why we should take good care of them," Dr. De Leon said kindly

"Babawasan ko na po ba ang mga kendi, tulad ng sabi ni Nanay?" . "Does that mean I shouldn't eat too many candies, like Mommy said?"

"Tama! O kailan mo ulit ako dadalawin, Ani?" nakangiting tanong ni Dr. De Leon. "Right! Now, when are you going to see me again, Ani?" Dr. De Leon asked, smiling.

Nagustuhan na ni Ani ang dentista, pero nahihiya pa rin siya. Ani liked him, but she still felt shy.

Kaya sunod-sunod na tango lamang ang naging tugon niya. She just nodded and nodded.

"Sa susunod, aalisin naman natin ang ibang tartar kapag nilinis natin ang ngipin mo," dagdag ni Dr. De Leon. "Next time, I'm going to remove the tartar when I do a cleaning of your teeth."

"Doc, maaari bang i-iskedyul mo rin kami? "Doctor, can you schedule us all for a dental visit?

Balak po naming magpa-cleaning na mag-asawa sa susunod na linggo," sabi ni Nanay Lyn. Ani's Daddy and I plan to come for a dental check-up and for thorough cleaning next week," Mommy Lyn said.

Bago bumaba si Ani sa dental chair, may ipinakitang kahon si Dr. De Leon. Punong-puno ito ng kung ano-anong makukulay na bagay. Before putting Ani down the dental chair, Dr. De Leon showed her a boxful of colorful things,

"O, Ani, pumili ka ng isang laruan. Premyo mo 'yan dahil ang tapang mo kanina." "You can choose any toy you like. A prize for being brave."

"Bagong toy po, para sa akin? Salamat po." "A new toy for me? Thank you!"

Palabas na lamang sila nang bumulong pa si Ani kay Dr. De Leon. On their way out, Ani whispered something to Dr. De Leon.

Nakangiting ibinigay ng dentista ang hiningi ng bata. The dentist happily gave what Ani asked for.

"Bakit, anak? Aanhin mo ba 'yang bulok mong ngipin?" Tanong ni Tatay nang sinundo nito si Ani at Nanay Lyn. "What are you going to do with your tooth?" asked Daddy when he fetched Mommy and Ani.

"Itatago ko po. Para di ko makalimutang magsipilyo!" sabay kindat at ngiti ni Ani. "I'll keep it. So that I won't ever forget to brush my teeth," Ani winked and smiled.

Paano aalagaan ang ating ngipin: How to take care for our teeth:

1\. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium, tulad ng petsay, broccoli, talbos ng kamote, keso at tokwa. 1\. Eat lots of food rich in calcium, like Chinese cabbage, broccoli, camote tops, cheese and tofu.

2\. Uminom ng maraming gatas araw-araw. Mayaman din sa calcium,ang soy milk. 2\. Drink lots of milk every day. Soy milk is also rich in calcium.

3\. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain. 3\. Brush your teeth after eating.

4\. Magpasama sa iyong Nanay o Tatay sa dentista para sa isang dental check-up. Titingnan at lilinisin ng dentista ang iyong mga ngipin. 4\. Ask your Mom or Dad to take you to the dentist for a dental check-up so he can examine and clean your teeth.

TANDAAN: ANG ATING NGIPIN, TULAD NG IBANG BAHAGI NG ATING KATAWAN, AY REGALO NG DIYOS SA ATIN. REMEMBER: OUR TEETH, LIKE THE OTHER PARTS OF OUR BODY ARE GOD'S GIFT TO US.

KAYA'T ALAGAAN NATIN ANG ATING NGIPIN. THAT'S WHY WE SHOULD TAKE CARE OF OUR TEETH.