×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MODERNONG ALAMAT NG LANGAW w/ TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: MODERNONG ALAMAT NG LANGAW w/ TAGALOG SUBTITLES

Modernong Alamat ng Langaw

Kuwento ni Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero

Noong unang panahon, sa isang lugar sa mundo na hindi na matukoy kung saan, may isang hari na nagngangalang Lang-ao.

Malaki ang kaharian na nasasakupan niya. Kilala ang kahariang iyon dahil sagana ang pagkain doon.

Labis-labis ang panustos ng mga prutas at gulay. Ang mga hayop ay sagana rin sa pagkain kaya malulusog ang mga ito.

Pero may kakaibang pag-uugali si Haring Lang-ao.

"Tawagin ang kusinera!" singhal niya isang umaga sa isang utusan habang nasa harap siya ng pagkain.

"Mahal na Hari, bakit po?" tanong ng dumating na si Senyang Kusinera.

"Ang kanin! Hindi masarap ang kanin na ito!"

"Ano po ang hindi ninyo gusto sa kanin, Mahal na Hari?" takot na muling tanong ng kusinera.

"Hindi ko makakain ito! Malabsa! At ang sinigang na niluto mo, kulang sa asim!

Itong gulay naman, walang lasa! At itong litson, bakit hindi malutong?

Hindi ko makakain ang mga ito! Nawalan na ako ng gana!" Galit na itinapon ng hari ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

Walang nagawa si Senyang Kusinera kundi pulutin ang mga pagkain sa sahig.

Lumipas ang ilang araw. Sinalakay ng mga dayuhan ang malaking bahagi ng kaharian.

Mula sa bintana ay nasaksihan ni Haring Lang-ao ang labanan ng kanyang mga kawal at ng mga dayuhan. Marami sa kanyang mga kawal ang nasugatan at namatay.

Hindi nagtagal ang digmaan. Nagwagi ang mga dayuhan.

"Ipagpaumanhin po ninyo, Mahal na Hari. Sadyang napakarami ang mga dayuhang kawal.

Napakarami rin at pulos makabago ang kanilang mga sandata," paliwanag ng pinuno ng mga kawal kung bakit nasakop ng mga dayuhan ang kalahati ng kaharian.

Pero hindi nabahala si Haring Lang-ao sa pangyayari. Higit na mahalaga sa kanya kung ano ang ulam na ihahain sa kanya tuwing oras ng pagkain.

Minsan sa harapan ng hapag-kainan... "Senyang! Senyang!" singhal ng hari.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayokong inuulit ang pagkain? Ito ang ulam kaninang tanghali!

At ngayong hapunan, ito pa rin? Hindi ba't iyan ang bilin ko sa iyo lagi? Huwag na huwag kang nag-uulit ng pagkain!" galit na sabi niya sa kusinera.

"Pero, Mahal na Hari, ang dami pa pong ulam na natira. Sayang naman kung magluluto pa ako..." malumanay na pangangatwiran ng kusinera.

"Wala akong pakialam!" Pagkasabi niyon ay itinapon ng hari ang pagkain. Muli, pinulot ni Senyang Kusinera ang itinapon na pagkain sa sahig.

Sayang naman ito. Sana'y ibinigay ko na lamang sa mga anak kong nagugutom ang mga pagkain, sabi ni Senyang Kusinera sa isip. Iyon ang lagi niyang nasasabi sa sarili tuwing pinupulot niya ang mga pagkaing itinapon ng hari.

Sa kanyang diwa ay nakikita niyang maligayang kumakain sa harap ng hapag-kainan ang kanyang mga anak. "Sayang..." bulong niya.

Pagkalipas ng ilang araw, muling sumalakay ang mga dayuhan sa kaharian ni Haring Lang-ao. Nakapasok ang mga ito sa palasyo.

Pinalayas ng mga dayuhan si Haring Lang-ao at kinamkam ng mga ito ang lahat ng kanyang ari-arian at kayamanan.

Iniwan na rin siya ng kanyang mga kawal at mga utusan, maliban kay Senyang Kusinera na nanatiling tapat sa kanya.

Nakiusap si Haring Lang-ao sa mga dayuhan na manatili siya kahit sa kamalig lamang ng palasyo dahil wala siyang matitirahan. Pumayag naman ang mga ito sa pakiusap niya.

Minsan, habang kumakain siya... "Senyang! Senyang!" galit na sigaw niya.

"Bakit po, Mahal na Hari?"

"Bakit callos ang ulam? Hindi ako kumakain ng callos, alam mo 'yan. Nawalan na ako ng gana! Hindi na ako kakain!" Itinapon niya ang pagkaing nakahain sa mesa.

Sa hindi maintindihang pakiramdam, umusbong ang galit sa dibdib ni Senyang Kusinera.

"Sumosobra na kayo... Hindi n'yo ba alam na importante sa akin ang bawat pagkaing itinatapon ninyo sa hapag-kainan?

Nagugutom ang mga anak ko sa bahay namin. Kung ang pagkaing itinatapon ninyo ay ipinakakain ko na lang sana sa kanila hindi lamang sila matutuwa kundi matutugunan ko pa ang pangangailangan nila para lumaki silang malulusog.

"Masyado kayong pihikan at maselan sa pagkain. Dapat ay kainin ninyo ang kung ano man ang ihanda sa inyo. Mula ngayon, kakainin ninyo ang lahat ng pagkain na ihahain ko!"

Hindi nakapagsalita si Haring Lang-ao sa narinig mula sa kusinera.

"Dapat ay maparusahan kayo ni Bathala at ng lahat ng mga Diyos at Diyosa sa inyong maling pag-uugali."

Hindi na nakasagot pa si Haring Lang-ao. Bigla ay may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili. Unti-unti, naramdaman niyang lumiliit ang kanyang katawan at hindi siya makapagsalita.

"Aaah!"

"Sana ay isipin n'yo rin ang mga taong nagugutom bago n'yo itapon sa sahig ang pagkain—"

Ngunit napahinto si Senyang Kusinera sa sinasabi nang makita nitong nagbabago ang anyo ng hari.

Unti-unting lumaki ang mga mata ni Haring Lang-ao. Lumuwa pa ang mga ito. Paliit pa rin nang paliit ang kanyang katawan.

Kitang-kita ni Senyang Kusinera ang pagbabago ng hari: Nagkaroon ito ng mga pakpak! Pagkatapos ay pumutok ang katawan nito at lumitaw mula roon ang isang insekto.

Naging isang insekto si Haring Lang-ao! Nagsimulang lumipad-lipad ito sa paligid, at pagkatapos ay tumungo sa pagkain.

Nagimbal si Senyang at dagling napalabas ng kamalig. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon.

Mula noon, tuwing nagluluto si Senyang Kusinera ay lagi niyang nakikita sa kusina ang insektong iyon.

Kahit sa paninilbihan niya sa ibang kaharian ay palagi niyang nakikita iyon, lilipad-lipad sa kusina at komedor, dumadapo sa mga pagkain.

Sa Kanyang pamamalengke, laging nakasunod ang insekto, nakadapo sa basket na kanyang dala-dala.

Dumadapo ang insekto sa lahat ng pagkaing makita nito, walang pinipiling pagkain!

At kahit sa dumi ay dumadapo rin ito!

Kaya tuwing makikita ni Senyang Kusinera ang insektong tinawag niya "Lang-ao," sa kusina man o sa hapag kainan, ay itinataboy niya ito.

Oo, itinataboy niya ang dating haring kanyang pinagsilbihan na siyang kauna-unahang - - - - langaw.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MODERNONG ALAMAT NG LANGAW w/ TAGALOG SUBTITLES Filipino|||legend||||| PHILIPPINISCHES BUCH: MODERNE LEGENDE DER FLIEGE mit TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: MODERN LEGEND OF THE FLY w/ TAGALOG SUBTITLES フィリピン語の本: 現代のハエの伝説 (タガログ語字幕付き)

Modernong Alamat ng Langaw Modern|Legend||Fly Modern Legend of the Fly

Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Story of Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero Drawing by Beth Parrocha-Doctolero

Noong unang panahon, sa isang lugar sa mundo na hindi na matukoy kung saan, may isang hari na nagngangalang Lang-ao. |||||||world||||be determined|||||king||named||Lang-ao Once upon a time, somewhere in the world that can no longer be determined where, there was a king named Lang-ao.

Malaki ang kaharian na nasasakupan niya. Kilala ang kahariang iyon dahil sagana ang pagkain doon. Large||kingdom||under his rule||||kingdom|||abundant in food||| His kingdom is big. That kingdom is known for its abundance of food.

Labis-labis ang panustos ng mga prutas at gulay. Ang mga hayop ay sagana rin sa pagkain kaya malulusog ang mga ito. excessively|||supply||||||||||plentiful|||||healthy||| The supply of fruits and vegetables is abundant. The animals also have plenty of food so they are healthy.

Pero may kakaibang pag-uugali si Haring Lang-ao. ||||behavior||King|| But King Lang-ao has a strange behavior.

"Tawagin ang kusinera!" singhal niya isang umaga sa isang utusan habang nasa harap siya ng pagkain. "Call"||cook|shouted||||||servant|||in front of||| "Call the cook!" he snorted one morning to a servant while he was in front of the food.

"Mahal na Hari, bakit po?" tanong ng dumating na si Senyang Kusinera. ||||||||||Senyang the Cook| "Dear King, why?" asked Senyang Kusinera who had arrived.

"Ang kanin! Hindi masarap ang kanin na ito!" "The rice! This rice is not good!"

"Ano po ang hindi ninyo gusto sa kanin, Mahal na Hari?" takot na muling tanong ng kusinera. |||||||||||fear||again||| "What is it that you don't like about rice, Dear King?" the cook asked again fearfully.

"Hindi ko makakain ito! Malabsa! At ang sinigang na niluto mo, kulang sa asim! ||eat||Soggy|||sour soup||||lacking||sourness "I can't eat this! It's spicy! And the porridge you cooked, lacks sourness!

Itong gulay naman, walang lasa! At itong litson, bakit hindi malutong? ||||flavor|||roast pig|||crispy This vegetable has no taste! And this roast, why isn't it crispy?

Hindi ko makakain ang mga ito! Nawalan na ako ng gana!" Galit na itinapon ng hari ang mga pagkaing nakahain sa mesa. ||||||lost||||appetite|Angry||threw away||||||laid out|| I can't eat them! I'm hungry!" The king angrily threw the food on the table.

Walang nagawa si Senyang Kusinera kundi pulutin ang mga pagkain sa sahig. |could do||Senyang||but to|pick up|||||floor Senyang Kusinera did nothing but pick up the food on the floor.

Lumipas ang ilang araw. Sinalakay ng mga dayuhan ang malaking bahagi ng kaharian. Passed||||invaded|||foreign invaders|||part|| A few days passed. Foreigners invaded a large part of the kingdom.

Mula sa bintana ay nasaksihan ni Haring Lang-ao ang labanan ng kanyang mga kawal at ng mga dayuhan. Marami sa kanyang mga kawal ang nasugatan at namatay. ||||witnessed||||||battle||||soldiers|||||||||||wounded||died From the window, King Lang-ao witnessed the battle between his soldiers and the foreigners. Many of his soldiers were wounded and died.

Hindi nagtagal ang digmaan. Nagwagi ang mga dayuhan. |||war|prevailed|||foreigners The war did not last long. The aliens won.

"Ipagpaumanhin po ninyo, Mahal na Hari. Sadyang napakarami ang mga dayuhang kawal. "Forgive"||||||"Truly"|"so many"|||| "Excuse me, Dear King. There are too many foreign soldiers.

Napakarami rin at pulos makabago ang kanilang mga sandata," paliwanag ng pinuno ng mga kawal kung bakit nasakop ng mga dayuhan ang kalahati ng kaharian. "So many"|||entirely|modern||||weapons|explanation||leader||||||conquered|||||half of||kingdom Their weapons are also very numerous and completely modern," explained the leader of the soldiers as to why the foreigners conquered half of the kingdom.

Pero hindi nabahala si Haring Lang-ao sa pangyayari. Higit na mahalaga sa kanya kung ano ang ulam na ihahain sa kanya tuwing oras ng pagkain. ||disturbed||||||event|"More"||||||||viand||will be served|||||| But King Lang-ao was not concerned about the incident. It is more important to him what dish will be served to him every meal time.

Minsan sa harapan ng hapag-kainan... "Senyang! Senyang!" singhal ng hari. ||in front of||dining table||Senyang|||| Once in front of the dining table... "Senyang! Senyang!" snorted the king.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayokong inuulit ang pagkain? Ito ang ulam kaninang tanghali! |||||||||repeated||||||earlier this noon| "How many times do I have to tell you that I don't want to repeat the food? This is the dish from yesterday afternoon!

At ngayong hapunan, ito pa rin? Hindi ba't iyan ang bilin ko sa iyo lagi? Huwag na huwag kang nag-uulit ng pagkain!" galit na sabi niya sa kusinera. |||||||isn't it|||instruction||||||||||repeating the food|||||||| And this dinner, still this? Isn't that what I always tell you? Don't repeat the food!" he said angrily to the cook.

"Pero, Mahal na Hari, ang dami pa pong ulam na natira. Sayang naman kung magluluto pa ako..." malumanay na pangangatwiran ng kusinera. |||||many||still, your majesty|||left over|What a waste||||||gently reasoning||gentle reasoning|| "But, Dear King, there are still many dishes left. It would be a shame if I cook more..." the cook gently reasoned.

"Wala akong pakialam!" Pagkasabi niyon ay itinapon ng hari ang pagkain. Muli, pinulot ni Senyang Kusinera ang itinapon na pagkain sa sahig. ||"I don't care!"|"After saying"|"of that"||threw away||||||picked up||||||||| "I do not care!" After saying that the king threw away the food. Again, Senyang Kusinera picked up the thrown food on the floor.

Sayang naman ito. Sana'y ibinigay ko na lamang sa mga anak kong nagugutom ang mga pagkain, sabi ni Senyang Kusinera sa isip. Iyon ang lagi niyang nasasabi sa sarili tuwing pinupulot niya ang mga pagkaing itinapon ng hari. ||||gave|||"only" or "just"|||||||||||||||||||keeps telling herself||||picks up||||||| It's a shame. I wish I had just given the food to my hungry children, Senyang Kusinera said in her mind. That's what he always told himself every time he picked up the food thrown by the king.

Sa kanyang diwa ay nakikita niyang maligayang kumakain sa harap ng hapag-kainan ang kanyang mga anak. "Sayang..." bulong niya. ||mind|||||||"in front of"||dining table|||||||whispered| In his mind he sees his children happily eating in front of the dining table. "Too bad..." he whispered.

Pagkalipas ng ilang araw, muling sumalakay ang mga dayuhan sa kaharian ni Haring Lang-ao. Nakapasok ang mga ito sa palasyo. "After"||||again|attacked again||||||||||got inside|||||palace A few days later, the foreigners attacked King Lang-ao's kingdom again. They entered the palace.

Pinalayas ng mga dayuhan si Haring Lang-ao at kinamkam ng mga ito ang lahat ng kanyang ari-arian at kayamanan. Drove out|||||||||seized||||||||possessions|property and wealth||wealth The foreigners drove King Lang-ao away and looted all his property and wealth.

Iniwan na rin siya ng kanyang mga kawal at mga utusan, maliban kay Senyang Kusinera na nanatiling tapat sa kanya. Left behind||||||||||servants|except for|||||remained|loyal to him|| His soldiers and servants also left him, except Senyang Kusinera who remained loyal to him.

Nakiusap si Haring Lang-ao sa mga dayuhan na manatili siya kahit sa kamalig lamang ng palasyo dahil wala siyang matitirahan. Pumayag naman ang mga ito sa pakiusap niya. Pleaded|||||||||stay||even if||barn|||palace||||place to stay|Agreed||||||| King Lang-ao begged the foreigners to let him stay at least in the palace barn because he had nowhere to live. They agreed to his request.

Minsan, habang kumakain siya... "Senyang! Senyang!" galit na sigaw niya. Once, while he was eating... "Senyang! Senyang!" he shouted angrily.

"Bakit po, Mahal na Hari?" "Why, Dear King?"

"Bakit callos ang ulam? Hindi ako kumakain ng callos, alam mo 'yan. Nawalan na ako ng gana! Hindi na ako kakain!" Itinapon niya ang pagkaing nakahain sa mesa. |tripe stew|||||||||||lost appetite||||appetite|||||Threw away||||served on|| "Why is the dish callos? I don't eat callos, you know that. I've lost my appetite! I won't eat any more!" He threw the food on the table.

Sa hindi maintindihang pakiramdam, umusbong ang galit sa dibdib ni Senyang Kusinera. ||incomprehensible||arose||||chest||| With an incomprehensible feeling, Senyang Kusinera's chest swelled with anger.

"Sumosobra na kayo... Hindi n'yo ba alam na importante sa akin ang bawat pagkaing itinatapon ninyo sa hapag-kainan? "Going too far"||||"you all"||||||||each||throwing away|||| "You're going too far... Don't you know that every piece of food you throw away on the dining table is important to me?

Nagugutom ang mga anak ko sa bahay namin. Kung ang pagkaing itinatapon ninyo ay ipinakakain ko na lang sana sa kanila hindi lamang sila matutuwa kundi matutugunan ko pa ang pangangailangan nila para lumaki silang malulusog. ||||||||||||||feed||||||||||be happy|but|be met||||needs|||||healthy and strong My children are hungry in our house. If the food you throw away, I would have fed them, not only would they be happy, but I would also be able to meet their needs so that they grow up healthy.

"Masyado kayong pihikan at maselan sa pagkain. Dapat ay kainin ninyo ang kung ano man ang ihanda sa inyo. Mula ngayon, kakainin ninyo ang lahat ng pagkain na ihahain ko!" ||"picky"||picky or delicate||||||||||||prepare||||||||||||| "You are too picky and picky about food. You must eat whatever is prepared for you. From now on, you will eat all the food I serve!"

Hindi nakapagsalita si Haring Lang-ao sa narinig mula sa kusinera. |was speechless|||||||||cook King Lang-ao was speechless when he heard from the cook.

"Dapat ay maparusahan kayo ni Bathala at ng lahat ng mga Diyos at Diyosa sa inyong maling pag-uugali." ||be punished|||God||||||||Goddesses||your|wrong|| "Bathala and all the Gods and Goddesses must punish you for your misbehavior."

Hindi na nakasagot pa si Haring Lang-ao. Bigla ay may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili. Unti-unti, naramdaman niyang lumiliit ang kanyang katawan at hindi siya makapagsalita. ||answered back|||||||||||strange||||Gradually||||shrinking|||||||"could not speak" King Lang-ao was unable to answer. Suddenly he felt something strange about himself. Little by little, he felt his body shrinking and he could not speak.

"Aaah!"

"Sana ay isipin n'yo rin ang mga taong nagugutom bago n'yo itapon sa sahig ang pagkain—" |||||||||||throw away|||| "I hope you also think of the hungry people before you throw the food on the floor—"

Ngunit napahinto si Senyang Kusinera sa sinasabi nang makita nitong nagbabago ang anyo ng hari. |stopped|||||||||||appearance|| But Senyang Kusinera stopped what he was saying when he saw the king's appearance change.

Unti-unting lumaki ang mga mata ni Haring Lang-ao. Lumuwa pa ang mga ito. Paliit pa rin nang paliit ang kanyang katawan. |Gradually|||||||||Bulged out|||||Shrinking||||||| King Lang-ao's eyes gradually widened. They even spit. His body is still getting smaller and smaller.

Kitang-kita ni Senyang Kusinera ang pagbabago ng hari: Nagkaroon ito ng mga pakpak! Pagkatapos ay pumutok ang katawan nito at lumitaw mula roon ang isang insekto. clearly seen by|||||||||||||wings|||burst out|||||emerged||||| Senyang Kusinera can clearly see the king's transformation: It has wings! Then its body burst and an insect appeared from it.

Naging isang insekto si Haring Lang-ao! Nagsimulang lumipad-lipad ito sa paligid, at pagkatapos ay tumungo sa pagkain. |||||||||fly around|||||||headed towards|| King Lang-ao turned into an insect! It started flying around, and then headed for the food.

Nagimbal si Senyang at dagling napalabas ng kamalig. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon. Was shocked||||immediately|rushed out||barn|||will never forget||event| Senyang was shocked and rushed out of the barn. He will never forget that incident.

Mula noon, tuwing nagluluto si Senyang Kusinera ay lagi niyang nakikita sa kusina ang insektong iyon. ||||||||||||||insect| Since then, whenever Senyang Kusinera cooks, she always sees that insect in the kitchen.

Kahit sa paninilbihan niya sa ibang kaharian ay palagi niyang nakikita iyon, lilipad-lipad sa kusina at komedor, dumadapo sa mga pagkain. ||service||||kingdom||||||fly around|||||dining room|landing on||| Even when he was serving in another kingdom, he always saw it, flying around the kitchen and dining room, landing on the food.

Sa Kanyang pamamalengke, laging nakasunod ang insekto, nakadapo sa basket na kanyang dala-dala. ||marketing or shopping||following closely|||perched on|||||| When He went shopping, the insect always followed, perched on the basket he carried.

Dumadapo ang insekto sa lahat ng pagkaing makita nito, walang pinipiling pagkain! ||||||||||choosing any| The insect lands on all the food it finds, no choice of food!

At kahit sa dumi ay dumadapo rin ito! |||dirt||lands on|| And even in the dirt it also lands!

Kaya tuwing makikita ni Senyang Kusinera ang insektong tinawag niya "Lang-ao," sa kusina man o sa hapag kainan, ay itinataboy niya ito. ||||||||||||||||||||drives away|| So whenever Senyang Kusinera sees the insect he calls "Lang-ao," whether in the kitchen or on the dining table, he drives it away.

Oo, itinataboy niya ang dating haring kanyang pinagsilbihan na siyang kauna-unahang - - - - langaw. |||||||served under||||first ever|fly Yes, he is driving away the former king he served who was the first - - - - fly.