×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOKS: SI LOLA APURA AT SI LOLO UN MOMENTO WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOKS: SI LOLA APURA AT SI LOLO UN MOMENTO WITH TAGALOG SUBTITLES

Si Lola Apura at si Lolo Un Momento

Kuwento ni I.S. A Lopez

Guhit ni Vanessa Tamayo

(MUSIC)

Isang mag-asawang talagang nakatutuwa iyan sina Lolo 'Un Momento' at Lola 'Apura'.

Sa edad na walumpu, sila ay kapuwa malusog at masigla!

Ngunit sila ay may pagkakaiba.

Balingkinitan ang katawan ni Lola.

Si Lolo naman ay bilugan na parang bola.

Pagdating sa kulay ay magkaiba rin.

Maputi si Lola na parang araw sa umaga.

Kayumanggi naman si Lolo, sa gabi ay parang anino.

Maliksi at mabilis -- iyan si Lola!

"Daig ng maagap ang masipag. Kaya madali kayo!

Kilos na!" ang madalas niyang sambit.

Kaya naman binansagan siyang Lola Apura!

Kabaligtaran naman si Lolo.

Pakiusap niya ay "Un Momento!"

"Huwag kayong padalos-dalos," madalas niyang sambit.

"Ang naglalakad nang matulin, kung matinik ay malalim."

Mabilis si Lola.

Mabagal si Lolo.

Kumbaga sa isang kanta, magkaiba sila ng tempo.

Ngunit magkasalungat man sa kilos at turing, iisa ang kanilang isip pagdating sa gawain.

Masipag at maagap si Lola-- ayaw na ayaw niyang mahuhuli sa umaga.

Kaya't maaga pa, siya'y gising na.

Sinasabayan ang tilaok ng manok na nag-aanyaya. "Bangon na! Kilos na!"

Masipag at masinop si Lolo.

Bagama't mabagal ay panigurado.

Iisa-isahin ang mga takdang gawain.

"Sa gabi pa lang, kailangang ayusin ang gamit!" madalas niyang sambit.

Ayaw na ayaw niyang sa pagmamadali ay may mawawaglit.

Nangunguna sa palengke si Lola.

Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa biyahe na siya.

"Sariwang gulay, prutas, karne, at isda para sa aking asawa," ang lagi niyang paalala sa tindera.

Maaasahan naman sa lahat ng lakaran si Lolo. Tila may Iistahan at mapa sa ulo.

"Inaral ko na agad ang aming pupuntahan.

Inilista ko na rin kung ano ang dadalhin para asawa ko ay wala nang alalahanin," buong pagmamalaki ni Lolo.

Kapag araw ng Linggo, maagang gumigising ang mag-asawa para magsimba.

"Madali ka at baka mahuli tayo sa misa!" wika ni Lola Apura.

Matapos magbihis ay nagpulbo si Lola.

Maingat namang nagbihis si Lolo saka ibinulsa ang pitaka at rosaryo.

"Bihis ka na ba?" tanong ni Lola Apura.

"Un Momento!" sagot ni Lolo.

Tiningnan muna niya kung may nawaglit sabay bitbit ng tungkod, abaniko, at sombrero.

Agad silang nakaupo pagdating sa simbahan.

Ilang sandali pa ay dumami na ang tao.

"Mabuti na lamang at nauna tayo," pasasalamat ni Lolo.

Dahil mainit at masikip, pinagpawisan ang dalawa.

"Sana pala ay nagdala ako ng abaniko." ani Lola.

"Abaniko ba kamo?" sabay abot ni Lolo.

"Mabuti at nadala mo ito.

Malaking tulong dahil tagaktak na ang pawis ko," tuwang-tuwang sabi ni Lola.

Napangiti si Lolo.

"Alam kong sa pagmamadali mo ay hindi mo naisip magdala ng abaniko kaya nagbitbit ako."

"Salamat," sabi ni Lola.

"Kahit sa pagmamadali ko, nariyan ka pa rin, tumutulong at gumagabay sa akin."

"Salamat din," wika ni Lolo.

"Alam kong ikaw ay mabilis at ako ay mabagal.

Ngunit sa kabila ng lahat, hinihintay mo pa rin ako at inaakay."

Sina Lolo 'Un Momento' at Lola 'Apura' magkaiba man sa kilos at itsura, palaging nagtutulungan at palaging masaya!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOKS: SI LOLA APURA AT SI LOLO UN MOMENTO WITH TAGALOG SUBTITLES ||||Hurry Up||||one moment|A moment||| PHILIPPINISCHE BÜCHER: SI LOLA APURA UND SI LOLO UN MOMENTO MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOKS: SI LOLA APURA AND SI LOLO UN MOMENTO WITH TAGALOG SUBTITLES LIBROS FILIPINOS: SI LOLA APURA Y SI LOLO UN MOMENTO CON SUBTÍTULOS EN TAGALOG フィリピン語の本: SI LOLA APURA および SI LOLO UN MOMENTO (タガログ語字幕付き) 필리핀 도서: SI LOLA APURA 및 SI LOLO UN MOMENTO(타갈로그어 자막 포함) KSIĄŻKI FILIPIŃSKIE: SI LOLA APURA I SI LOLO UN MOMENTO Z TAGALOGOWYMI NAPISAMI LIVROS FILIPINOS: SI LOLA APURA E SI LOLO UN MOMENTO COM LEGENDAS EM TAGALOG

Si Lola Apura at si Lolo Un Momento ||Hurry up||||| Grandma Apura and Grandpa Un Momento

Kuwento ni I.S. A Lopez |||||Lopez IS A Lopez's story

Guhit ni Vanessa Tamayo ||Vanessa's Drawing|Tamayo Drawing by Vanessa Tamayo

(MUSIC) (MUSIC)

Isang mag-asawang talagang nakatutuwa iyan sina Lolo 'Un Momento' at Lola 'Apura'. ||||really amusing||||||||Hurry up Lolo 'Un Momento' and Lola 'Apura' are a really happy couple.

Sa edad na walumpu, sila ay kapuwa malusog at masigla! |age|||||both|healthy||energetic At the age of eighty, they are both healthy and energetic!

Ngunit sila ay may pagkakaiba. ||||difference But they are different.

Balingkinitan ang katawan ni Lola. Slim||body|| Lola's body is slender.

Si Lolo naman ay bilugan na parang bola. ||||round|||ball Grandpa is rounded like a ball.

Pagdating sa kulay ay magkaiba rin. When it comes||||different| When it comes to color it is also different.

Maputi si Lola na parang araw sa umaga. Fair-skinned||||||| Grandma is as white as the sun in the morning.

Kayumanggi naman si Lolo, sa gabi ay parang anino. Brown-skinned||||||||shadow Lolo is brown, at night he looks like a shadow.

Maliksi at mabilis -- iyan si Lola! Agile||quick||| Nimble and quick -- that's Grandma!

"Daig ng maagap ang masipag. Kaya madali kayo! Outdo||Prompt||diligent||| "Prompt beats hardworking. So take it easy!

Kilos na!" ang madalas niyang sambit. "Move"||the|often|her|utterance Let's move!" he often said.

Kaya naman binansagan siyang Lola Apura! ||nicknamed||| That's why she was nicknamed Lola Apura!

Kabaligtaran naman si Lolo. The opposite||| Lolo is the opposite.

Pakiusap niya ay "Un Momento!" He pleads "Un Momento!"

"Huwag kayong padalos-dalos," madalas niyang sambit. Don't||hasty|hasty|often|| "Don't rush," he often said.

"Ang naglalakad nang matulin, kung matinik ay malalim." |walking quickly||fast|if|gets pricked deeply||deep "He who walks swiftly, if thorny is deep."

Mabilis si Lola. Grandma is fast.

Mabagal si Lolo. slow|| Grandpa is slow.

Kumbaga sa isang kanta, magkaiba sila ng tempo. "Like in"||||different|||pace It's like in a song, they have different tempos.

Ngunit magkasalungat man sa kilos at turing, iisa ang kanilang isip pagdating sa gawain. |opposite|even if||actions||treatment|||||"when it comes"||task But even though they are opposite in demeanor and demeanor, they have one mind when it comes to work.

Masipag at maagap si Lola-- ayaw na ayaw niyang mahuhuli sa umaga. Hardworking||prompt||||||||| Lola is diligent and punctual-- she hates being late in the morning.

Kaya't maaga pa, siya'y gising na. So|||he/she is|| So it's early, he's already awake.

Sinasabayan ang tilaok ng manok na nag-aanyaya. "Bangon na! Kilos na!" Accompanying||Crow of rooster|||||inviting|"Get up"||Move| Accompanied by the crowing of the inviting chicken. "Get up! Move!"

Masipag at masinop si Lolo. Hardworking||diligent and thrifty|| Grandpa is hardworking and careful.

Bagama't mabagal ay panigurado. Although|||sure thing Although slow for sure.

Iisa-isahin ang mga takdang gawain. |Go through|||assigned tasks| list the tasks.

"Sa gabi pa lang, kailangang ayusin ang gamit!" madalas niyang sambit. |||||"organize"||belongings|often||often says "It's just at night, the stuff needs to be fixed!" he often said.

Ayaw na ayaw niyang sa pagmamadali ay may mawawaglit. |||||rush|||be left behind He doesn't want someone to be upset in a hurry.

Nangunguna sa palengke si Lola. Leading|||| Lola leads the market.

Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa biyahe na siya. ||rising||||||| Before the sun rose he was already on his way.

"Sariwang gulay, prutas, karne, at isda para sa aking asawa," ang lagi niyang paalala sa tindera. Fresh|||||||||||||reminder|| "Fresh vegetables, fruits, meat, and fish for my husband," he always reminded the shopkeeper.

Maaasahan naman sa lahat ng lakaran si Lolo. Tila may Iistahan at mapa sa ulo. Reliable|||||every situation|||Seems like||mental checklist||||head Lolo can be relied on in all walks of life. It seems that there is an Iistahan and a map in the head.

"Inaral ko na agad ang aming pupuntahan. Studied||||||will be visited "I immediately studied where we were going.

Inilista ko na rin kung ano ang dadalhin para asawa ko ay wala nang alalahanin," buong pagmamalaki ni Lolo. Listed|||||||will bring|||||||worries or concerns|with|pride|| I've also listed what to bring so that my wife doesn't have to worry," Lolo proudly said.

Kapag araw ng Linggo, maagang gumigising ang mag-asawa para magsimba. ||||early|wake up early|||||go to church When it's Sunday, the couple wakes up early to go to church.

"Madali ka at baka mahuli tayo sa misa!" wika ni Lola Apura. |||maybe|to be late|||mass|||| "You're easy and we might get caught in the mass!" Grandma Apura said.

Matapos magbihis ay nagpulbo si Lola. After|get dressed||put on powder|| After getting dressed, Lola powdered herself.

Maingat namang nagbihis si Lolo saka ibinulsa ang pitaka at rosaryo. Careful||||||put in pocket||wallet||rosary Grandfather dressed carefully then pocketed the wallet and rosary.

"Bihis ka na ba?" tanong ni Lola Apura. Dressed||||||| "Are you dressed yet?" Grandma Apura asked.

"Un Momento!" sagot ni Lolo. "One Moment!" Grandfather replied.

Tiningnan muna niya kung may nawaglit sabay bitbit ng tungkod, abaniko, at sombrero. |||||left behind||carried||walking cane|fan|| He first looked to see if anyone was upset while carrying a staff, a fan, and a hat.

Agad silang nakaupo pagdating sa simbahan. They immediately sat down when they arrived at the church.

Ilang sandali pa ay dumami na ang tao. ||||increased in number||| A few moments later, the number of people increased.

"Mabuti na lamang at nauna tayo," pasasalamat ni Lolo. ||||got ahead||gratitude|| "It's a good thing we were first," Lolo thanked.

Dahil mainit at masikip, pinagpawisan ang dalawa. |||tight|sweated|| Because it was hot and tight, the two were sweating.

"Sana pala ay nagdala ako ng abaniko." ani Lola. |||brought|||"hand fan"|said| "I wish I had brought a fan." said Grandma.

"Abaniko ba kamo?" sabay abot ni Lolo. ||"you all"|||| "Are you a fan?" Grandpa arrived at the same time.

"Mabuti at nadala mo ito. ||brought|| "Good and you brought it.

Malaking tulong dahil tagaktak na ang pawis ko," tuwang-tuwang sabi ni Lola. |||dripping|||sweat|||||| It's a big help because I'm starting to sweat," Lola said happily.

Napangiti si Lolo. Grandpa smiled.|| Grandfather smiled.

"Alam kong sa pagmamadali mo ay hindi mo naisip magdala ng abaniko kaya nagbitbit ako." |||||||||||||brought along| "I know in your hurry you didn't think to bring a fan so I carried one."

"Salamat," sabi ni Lola. "Thank you," said Grandma.

"Kahit sa pagmamadali ko, nariyan ka pa rin, tumutulong at gumagabay sa akin." ||hurry||"still there"||||||guiding|| "Even when I'm in a hurry, you're still there, helping and guiding me."

"Salamat din," wika ni Lolo. "Thank you too," said Grandpa.

"Alam kong ikaw ay mabilis at ako ay mabagal. "I know you're fast and I'm slow.

Ngunit sa kabila ng lahat, hinihintay mo pa rin ako at inaakay." ||"despite"|||||||||guiding But despite everything, you still wait for me and lead me."

Sina Lolo 'Un Momento' at Lola 'Apura' magkaiba man sa kilos at itsura, palaging nagtutulungan at palaging masaya! ||||||||man||||||help each other||| Lolo Un Memento and Lola Apura are different in behavior and appearance, always work together and are always happy!