×

Nous utilisons des cookies pour rendre LingQ meilleur. En visitant le site vous acceptez nos Politique des cookies.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (1)

FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (1)

Aha! May allergy ka pala!

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Pergyline Acuna

Kids, napagbawalan na ba kayong laruin ang paborito n'yong stuffed toys? Hindi na ba kayo binibigyan ng ilang pagkaing gustong-gusto nyo?

Bawal na bang papasukin sa loob ng inyong bahay ang mga alagang aso at pusa? Baka may allergy kayo!

Ano nga ba ang nangyayari sa loob ng katawan ng taong may allergy?

Sumama muna tayo sa masayang picnic nina Julia at ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa beach.

Minsan isang taon nagpupunta ang buong angkan nina Lolo Bayani at Lola Ada sa isang lugar para sa kanilang family reunion.

Ngayong taong ito, sa isang beach resort sa Batangas nagyaya si Lola Ada.

Excited ang magpipinsang Joshua, KC, Patrick, Tricia at Julia. Noon lamang sila ulit magkakasama nang matagal-tagal.

Sa iba-ibang lugar kasi sila nakatira. Ang magkapatid na Joshua at KC ay balikbayan mula sa Amerika.

Ang magkapatid namang Patrick at Tricia ay taga Nueva Ecija.

Si Julia naman, na nag-i-isang anak, ay nakatira sa Maynila.

At tuwing nag-re-reunion sila, may kanya-kanyang dalang pagkain ang bawat pamilya.

Potluck ang tawag sa ganitong handaan apo," sabi ni Lola Ada.

Nagtataka kasi si Julia kung bakit dalawang klaseng ulam lang ang dala nila. May dalang pagkain ang bawat pamilya para ipatikim sa iba.

Pagsasaluhan natin ang lahat ng dalang pagkain. Pero higit sa pagkain, ang higit na mahalaga ay kakain tayong sama-sama.

"Yehey! Parang piknik!" "Tama. Ang Tita Leah mo, may dalang kare-kare at fried chicken. Ang Tita Tessie mo naman, naglalakihang alimango at mapipintog na sugpo ang dala.

Ang Mommy mo, macaroni salad at spaghetti ang dala.

" E di marami rin po tayong handa?" "Aba, kapag pinagsama-sama lahat yun, marami talaga!

Takot ka yatang magutom, apo ah! biro pa ni Lolo Bayani na tumutulong din sa paghahanda.

Sa beach resort habang nagkakasayahan ang lahat, abalang-abala naman sa pag-iihaw ng barbecue at porkchop si Tito Bong.

Kay Tito Bill napunta ang pagbabalat ng pinya at paghiwa ng pakwan. Si Daddy Dexter naman ang masigasig magbukas ng buko.

Maya-maya pa ay nakahanda na ang lahat ng pagkain sa isang mahabang-mahabang dulang.

"Kainan na!" Tawag ni Tita Tessi sa mga bata.

"Mga apo, ahon na kayo! Huwag paghintayin ang pagkain! Parine na!" segunda ni Lola Ada.

Ilang saglit pa at nakapila na sila sa nakahandang pagkain. "O, pwedeng bumalik ulit kapag gusto pa," paalala pa ni Tita Tessie.

Siyempre pa, nag-sama-sama sa isang sulok ang mag-kakaedad. At dahil halos kasinggulang ni Julia sina Patrick at Tricia, yung ang naging kagrupo niya.

"Wow, ang lalaki naman ng hipon! Ang sarap siguro niyan!" sabi ni Julia.

"Sugpo ang tawag diyan!" hirit naman ni KC.

Tinikman nilang lahat ang mga pagkaing inihanda sa potluck. Makalipas ang 30 minuto, may kakaibang naramdaman si Julia.

Parang nag-iinit ang pakiramdam ng kanyang mukha. Parang nag-sisimulang magpantal at mangati ang kanyang balat.

"O, Julia okey ka lang ba? Ang pula-pula mo ah!", pansin ni Joshua.

"Di ko alam eh. Nangangati na nga ako!"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Julia nang banggitin ni KC na baka may allergy ito sa mga kinaing ulam.

"Sabihin natin sa mga tito at tita agad, dali!" payo ni Tricia.

Natigil ang pagkain ng lahat. Nagmamadaling dinaluhan nina Daddy Dexter at Mommy Mavee si Julia.

Mabuti na lamang at laging may dalang gamot si Tita Leah na isang nurse. Kinuha nito sa bag ang isang maliit na tableta kontra-allergy.

"O, Julia, inumin mo ito agad..." sabay abot ni Tita Leah ng isang baso ng tubig.

Makalipas ang 15 minuto, muling bumalik sa dati ang hitsura ni Julia.

Kung kanina'y kasingkulay ng kanyang balat ang mapupulang alimango, ngayo'y maayos na ulit. Parang himala! Parang walang nangyari!

"Wow, ang galing po ng gamot na ipinainom ninyo sa kanya!"

"Pangontra yun sa allergy, Joshua," paliwanang ni Tita Leah.

"E, saan po may allergy si Julia?"

Mukhang sa hipon. Mas maraming tao ang nagkaka-allergy sa hipon, pusit, at alimango," dagdag pa ni Tita Leah.

Matapos kumain ng pakwan at humigop ng buko juice muling nagbalikan sa dalampasigan ang mga bata.

Nagsimulang gumawa ng sand castles sina KC, Tricia at Julia. Nag-swimming naman ulit sina Joshua at Patrick.

"Mga bata, magdagdag kayo ng sunblock! Mahirap magka-sunburn!" dagdag pang paalala ni Tita Tessie.

Malapit nang lumubog ang araw sa beach pero nakababad pa rin sa tubig ang mag-pipinsan. Muling napag-usapan ang nangyaring allergy kay Julia.

"O, paano Julia, dapat ay huwag ka munang kakain ng hipon...bilin ni Patrick.

"Oo nga, natakot kami kanina para sa iyo..." sabi naman ni Tricia. "Mas mapula ka pa sa alimango!"

Naikuwento na rin tuloy ni Joshua ang nangyari noong minsang nagbubuklat sila ng lumang magasin ng kanyang Tita Yna.

"May project kasi kami sa iskul noon. Tapos, ginugupit namin ni Tita Yna ang ilang pictures sa magasin para sa scrapbook. Tapos, biglang bumahing ako nang bumahing! Sunud-sunod!"

"Siguro, puro alikabok na yung magasin!" sabad ni Tricia.

"Oo nga, sabi mo, luma na yung mga magasin. Naipon na ang mga alikabok dun!" paliwanag ni Julia.

"At hindi lang ako bumahing! Parang sinipon ako at nagluha-luha rin ang mata ko. Sabay nga kaming bahing nang bahing ni Tita Yna."

"Naku, allergic ka pala sa alikabok!" dagdag pa ni Julia.

"May ipinainom ding tableta si Tita Yna sa akin, tapos okey na kami. Biglang nawala yung parang sipon na tulo lang nang tulo. Natigil rin ang pagluluha ng mata ko."

Kahit nakahiga na sila sa loob ng inuupahang kuwarto sa resort, tungkol pa rin sa allergy ang pinag-uusapan nila.

Doon naikuwento ni Tricia ang nangyari sa kanya noong minsang sumakit ang kanyang ngipin at may ipinainom ang kanyang nanay Tessie.

"Pero sa halip na maalis ang sakit ng ngipin ko, biglang namantal ang buong katawan ko! Tapos, namaga ang paligid ng mga mata ko, muntik na kong di makakita! Kumapal pa ang labi ko. Magang-maga. Ampangit ko nun! Matatakot ka sa naging hitsura ko!

Napaupo ang apat na magpipinsan na nakikinig at sabay-sabay na nagsabing, "Yuck! O, anong nangyari?"

"May allergy pala ako sa ininom kong gamot para sa sumakit kong ngipin! Hindi ko 'yun alam!"

"Ha? Puwede rin palang may allergy sa gamot?" gulat na tanong ni Julia.

"Oo, puwede raw sabi ng mga duktor." "Tapos...?" Hindi na makahintay si KC.

"Tapos, dinala ako sa clinic. Ininjectionan ako nung doktor. Ang galing nga kasi nagmadyik yung pakiramdam ko.

Pagkatapos ng injection, maya-maya lang ay nawala na ang maga sa paligid ng mata ko. Nawala yung mga pantal saka pangangati. Tapos, bumalik na ulit sa dati ang hitsura ko!"

"Masakit ba yung injection?" tanong ni Julia.

"Medyo masakit pero mas masakit yata yung pagtawanan ako dahil sa hitsura ko!" matapang na sagot ni Tricia.

Nauwi sa malakas na tawanan ang usapan ng magpipinsan.

Hindi na rin nagpatalo sa usapan si Patrick. Bigla niya kasing naalala nung minsang nabulabog niya ang bahay ng mga putakti.

Namimitas daw sila ni Lolo Bayani ng mga hinog na chico nang masundot niya ang bahay ng mga putakti.

"Naku, kinagat ba kayo ng mga putakti?" nahihintakutang tanong ni KC.

"Oo. HInabol kami! Pati si Lolo Bayani ay nakagat din sa mukha! Ang bibilis lumipad nito.

"Naku, kung nakita mo ko, matatakot ka rin sa hitsura ko. Umalsa ang labi ko. Sumara mga mata ko. At biglang-bigla nahirapan akong makahinga..."

"Ang sakit sigurong makagat ng putakti..." sabad na naman ni Julia.

"Oo, pero kahit pareho kaming kinagat ni Lolo Bayani ng putakti ako lang ang namaga ang mukha."

"Walang nangyari kay Lolo?" gulat na tanong ng lahat.

"Ganun na nga! Ako lang ang nahirapang huminga at pumangit ang mukha!"

"O, anong nangyari pagkatapos?"

"Dinala ako sa Emergency Room ng ospital! Tapos ininjectionan ako! Kasi nahihirapan na akong huminga noon. Puwede raw akong mamatay sa matinding allergy, sabi ng doktor kay Lolo."

"E, bakit si Lolo, hindi nag-ka allergy sa kagat ng putakti? Pareho lang kayong kinagat, di ba?" takang tanong ni KC.

"Hhmmm...oo nga ano? Itanong natin kina tito at tital bukas."

Nakatulog na ang magpipinsan. Presko ang hangiging pumapasok sa loob ng beach house kaya mahimbing ang tulog ng lahat.

Umaga na. Ginising silang lahat ng paulit-ulit na pagbahing, pagsinga, at pagsinghot-singhot ni KC.

"Hatsinggg! Hatsinggg! Prrrrrttttt!"

"Naku, sinisipon ka ba, Ate KC?" tanong ni Tricia.

"Ewan ko ba, Tricia. Kagabi, okay naman ako bago tayo matulog. Ngayon, paggising ko, tumutulo na ang sipon ko. Prrrrrt! Prrrrt! Prrrrt!

Parang mainit ang pakiramdam ko sa mukha. Nangangati ang mata ko at parang nagluluha.... Hat-singgggg!"

"A, kaya pala mapula ang mga mata mo!"

Siya namang pagpasok ni Tito Bill sa kuwarto ng mga bata. "O, gising na pala kayong lahat. Masarap ang breakfast natin!"

"Hatsing! Hatsingggggg! Ha-ha-hatsingggggg!"

"Aba, sinisipon ba si KC? Kagabi, okey ka naman ah. Teka...."

"Hmmm...Isinara n'yo ba ang bintana n'yo kagabi?"

Iling ang naging sagot ng grupo.

"Mukhang may allergic rhinitis si KC! Kay rami kasing punong mabulaklak rito sa resort.

May mga nahuhulog na pollen mula rito. Sumasama ito sa hangin. At baka nalanghap ito ni KC habang siya'y natutulog."

"Haaa? May allergy rin si Ate KC?" "Akala ko, kami lang ang may allergy. pati pala si Ate KC!" Nagtawanan ang lahat ng mga bagong gising.

"Aha, kayo palang magpipinsan ay may allergy sa kung anu-ano. Talagang magkakamag-anak nga kayo." biro pa ni Tito Bill. Inisa-isa pa nito ang allergy ng magpipinsan.

"Si Julia may allergy sa pagkain. Si Joshua may allergy sa alikabok. Si Tricia, may allergy sa ilang gamot. Si Patrick, nagka-allergy sa kagat ng putakti. Si KC, may allergic rhinitis dala ng pollen. E, meron kayang may allergy sa ice cream?"

"Wala po!" ang malakas na sagot ng magpipinsan. "Sige, mamaya bibili ako ng ice cream. Pero ngayon, iinom muna ng gamot laban sa allergy si KC," pahayag ni Tito Bill.

"May ilan pa akong natirang tableta sa bag ko," pagpiprisinta ni Tita Leah.

Habang kumakain ng ice cream, ipinaliwanang ni Tita Leah sa buong angkan kung ano ang nangyayari sa katawan ng taong may allergy.

Kung bakit si Julia lang sa magpipinsan ang allergic sa hipon. Kung bakit namaga ang mukha ni Tricia sa ininom na gamot.

Kung bakit si Patrick lang at hindi si Lolo Bayani ang nahirapang huminga nang makagat ng putakti. Kung bakit sina Joshua at KC lang ang sensitibo sa mga alikabok at pollen mula sa puno at halaman.

"Di ba't bawat katawan ng tao ay magkakaiba? Walang eksaktong magkamukha. Agree ba tayo yu'n?" tanong ni Tita Leah.

"Agree!" hiyaw ng lahat.

"At sa loob ng ating katawan, inilagay ng Diyos ang tinatawag na Immune System."

'Im-yun Sistem?" Ano pong ginagawa ng Im-yun Sistem?" tanong agad ni Julia.

"Ito ang sistemang panlaban ng katawan sa pumapasok na sakit at mikrobyo. Kakampi natin ito. Kaya nitong alamin kung aling cells ng katawan natin ang may taglay na mikrobyo."

"E, ano po ang kinalaman ng Immune System sa allergy namin?" pangungulit ni Patrick.

"Ganito yan. Minsan, nalilito ang ating Immune System, nagkakamali rin ito. Kapag nakakain tayo ng isang uri ng pagkain, akala ng Immune System, napasok na ito ng kaaway. Sobra itong nagre-react!"

"E, hindi naman po kaaway ang hipon o gamot, di po ba?

"Oo nga, pero napagkakamalan itong kalaban ng ating Immune System. Alam nyo, may taglay kasing PROTEIN ang hipon, itlog, gamot, pollen at pati na yung lason mula sa kagat ng insekto. Dun sobrang nagre-react ang ating Immune System."

"Pro-tin? Ayaw pala ng Immune System sa pro-tin na ito," pagwawari ni Julia.

"Dahil dito, agad na mag-pupundar ang Immune System ng katawan ng mga sundalong ipanlalaban sa protein ng hipon o gamot o pollen. Bubuksan ng mga sundalo ang mga cells upang maglabas ng kemikal na HISTAMINE bilang panlaban...." paliwanag pa ni Tital Leah.


FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (1) PHILIPPINISCHES BUCH: AHA! SIE HABEN EINE ALLERGIE! (Sie haben eine Allergie!) mit Tagalog-Untertiteln (1) FILIPINO BOOK: AHA! YOU HAVE AN ALLERGY! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (1)

Aha! May allergy ka pala! Aha! You have allergies!

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan Story of Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Pergyline Acuna Drawing by Pergyline Acuna

Kids, napagbawalan na ba kayong laruin ang paborito n'yong stuffed toys? Hindi na ba kayo binibigyan ng ilang pagkaing gustong-gusto nyo? Kids, have you been banned from playing with your favorite stuffed toys? Are you no longer given some of the foods you love? Kinderen, is het jullie verboden om met je favoriete knuffels te spelen? Krijgt u sommige van de voedingsmiddelen waar u van houdt niet meer?

Bawal na bang papasukin sa loob ng inyong bahay ang mga alagang aso at pusa? Baka may allergy kayo! Are pet dogs and cats not allowed inside your house? Maybe you have allergies!

Ano nga ba ang nangyayari sa loob ng katawan ng taong may allergy? What exactly happens inside the body of a person with allergies?

Sumama muna tayo sa masayang picnic nina Julia at ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa beach. Let's join Julia and her family and relatives' happy picnic on the beach.

Minsan isang taon nagpupunta ang buong angkan nina Lolo Bayani at Lola Ada sa isang lugar para sa kanilang family reunion. Once a year, the entire clan of Lolo Bayani and Lola Ada goes to a place for their family reunion. Een keer per jaar gaat de hele clan van Lolo Bayani en Lola Ada naar een plek voor hun familiereünie.

Ngayong taong ito, sa isang beach resort sa Batangas nagyaya si Lola Ada. This year, at a beach resort in Batangas, Lola Ada invited.

Excited ang magpipinsang Joshua, KC, Patrick, Tricia at Julia. Noon lamang sila ulit magkakasama nang matagal-tagal. Cousins Joshua, KC, Patrick, Tricia and Julia are excited. Only then were they together again for a long time.

Sa iba-ibang lugar kasi sila nakatira. Ang magkapatid na Joshua at KC ay balikbayan mula sa Amerika. Because they live in different places. The brothers Joshua and KC are back from America.

Ang magkapatid namang Patrick at Tricia ay taga Nueva Ecija. The siblings Patrick and Tricia are from Nueva Ecija.

Si Julia naman, na nag-i-isang anak, ay nakatira sa Maynila. Julia, who is an only child, lives in Manila.

At tuwing nag-re-reunion sila, may kanya-kanyang dalang pagkain ang bawat pamilya. And every time they have a reunion, each family brings their own food.

Potluck ang tawag sa ganitong handaan apo," sabi ni Lola Ada. This kind of party is called a potluck, grandpa," said Lola Ada.

Nagtataka kasi si Julia kung bakit dalawang klaseng ulam lang ang dala nila. May dalang pagkain ang bawat pamilya para ipatikim sa iba. Julia was wondering why they only brought two kinds of dishes. Each family brought food for the others to taste.

Pagsasaluhan natin ang lahat ng dalang pagkain. Pero higit sa pagkain, ang higit na mahalaga ay kakain tayong sama-sama. We will share all the food we bring. But more than food, what is more important is that we eat together.

"Yehey! Parang piknik!" "Tama. Ang Tita Leah mo, may dalang kare-kare at fried chicken. Ang Tita Tessie mo naman, naglalakihang alimango at mapipintog na sugpo ang dala. "Yehey! It's like a picnic!" "That's right. Your Aunt Leah, brought kare-kare and fried chicken. Your Aunt Tessie, on the other hand, brought giant crabs and puffy prawns.

Ang Mommy mo, macaroni salad at spaghetti ang dala. Your Mommy brings macaroni salad and spaghetti.

" E di marami rin po tayong handa?" "Aba, kapag pinagsama-sama lahat yun, marami talaga! "And don't we have many ready?" "Well, when you put it all together, it's a lot!

Takot ka yatang magutom, apo ah! biro pa ni Lolo Bayani na tumutulong din sa paghahanda. You're afraid of being hungry, grandpa! Lolo Bayani joked that he was also helping with the preparations.

Sa beach resort habang nagkakasayahan ang lahat, abalang-abala naman sa pag-iihaw ng barbecue at porkchop si Tito Bong. At the beach resort while everyone is having fun, Tito Bong is busy grilling barbecue and porkchop.

Kay Tito Bill napunta ang pagbabalat ng pinya at paghiwa ng pakwan. Si Daddy Dexter naman ang masigasig magbukas ng buko. Peeling the pineapple and slicing the watermelon went to Uncle Bill. Daddy Dexter is the one who is eager to open the door.

Maya-maya pa ay nakahanda na ang lahat ng pagkain sa isang mahabang-mahabang dulang. Soon all the food was ready on a long table.

"Kainan na!" Tawag ni Tita Tessi sa mga bata. "Let's eat!" Aunt Tessi called to the children.

"Mga apo, ahon na kayo! Huwag paghintayin ang pagkain! Parine na!" segunda ni Lola Ada. "Grandchildren, come on! Don't wait for the food! Come on!" Grandma Ada's second.

Ilang saglit pa at nakapila na sila sa nakahandang pagkain. "O, pwedeng bumalik ulit kapag gusto pa," paalala pa ni Tita Tessie. A few moments later and they were already lining up for the prepared food. "Oh, you can come back whenever you want," Aunt Tessie reminded.

Siyempre pa, nag-sama-sama sa isang sulok ang mag-kakaedad. At dahil halos kasinggulang ni Julia sina Patrick at Tricia, yung ang naging kagrupo niya. Of course, the same age groups gathered together in a corner. And because Patrick and Tricia are almost the same age as Julia, they became her groupmates.

"Wow, ang lalaki naman ng hipon! Ang sarap siguro niyan!" sabi ni Julia. "Wow, the shrimp man! That must be delicious!" Julia said.

"Sugpo ang tawag diyan!" hirit naman ni KC. "That's called suppression!" KC screamed.

Tinikman nilang lahat ang mga pagkaing inihanda sa potluck. Makalipas ang 30 minuto, may kakaibang naramdaman si Julia. They all tasted the food prepared at the potluck. 30 minutes later, Julia felt something strange.

Parang nag-iinit ang pakiramdam ng kanyang mukha. Parang nag-sisimulang magpantal at mangati ang kanyang balat. His face felt like it was getting hot. It seems like his skin is starting to break out and itch.

"O, Julia okey ka lang ba? Ang pula-pula mo ah!", pansin ni Joshua. "Oh, Julia, are you okay? You're so red!", Joshua noticed.

"Di ko alam eh. Nangangati na nga ako!" "I don't know. I'm itching!"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Julia nang banggitin ni KC na baka may allergy ito sa mga kinaing ulam. Julia had not finished what she was saying when KC mentioned that she might have an allergy to the dishes she had eaten.

"Sabihin natin sa mga tito at tita agad, dali!" payo ni Tricia. "Let's tell the aunts and uncles immediately, quickly!" Tricia advises.

Natigil ang pagkain ng lahat. Nagmamadaling dinaluhan nina Daddy Dexter at Mommy Mavee si Julia. Everyone stopped eating. Daddy Dexter and Mommy Mavee hurried to attend Julia.

Mabuti na lamang at laging may dalang gamot si Tita Leah na isang nurse. Kinuha nito sa bag ang isang maliit na tableta kontra-allergy. Fortunately, Aunt Leah, who is a nurse, always has medicine with her. He took a small anti-allergy pill from the bag.

"O, Julia, inumin mo ito agad..." sabay abot ni Tita Leah ng isang baso ng tubig. "Oh, Julia, drink this immediately..." Aunt Leah held out a glass of water.

Makalipas ang 15 minuto, muling bumalik sa dati ang hitsura ni Julia. 15 minutes later, Julia's appearance returned to normal.

Kung kanina'y kasingkulay ng kanyang balat ang mapupulang alimango, ngayo'y maayos na ulit. Parang himala! Parang walang nangyari! If earlier the red crab was the same color as his skin, now it's fine again. Like a miracle! Like nothing happened!

"Wow, ang galing po ng gamot na ipinainom ninyo sa kanya!" "Wow, the medicine you gave him is great!"

"Pangontra yun sa allergy, Joshua," paliwanang ni Tita Leah. "That's an antidote to allergies, Joshua," explained Aunt Leah.

"E, saan po may allergy si Julia?" "Well, where does Julia have an allergy?"

Mukhang sa hipon. Mas maraming tao ang nagkaka-allergy sa hipon, pusit, at alimango," dagdag pa ni Tita Leah. It looks like shrimp. More people are allergic to shrimp, squid, and crab," added Tita Leah.

Matapos kumain ng pakwan at humigop ng buko juice muling nagbalikan sa dalampasigan ang mga bata. After eating watermelon and sipping buko juice, the children returned to the beach.

Nagsimulang gumawa ng sand castles sina KC, Tricia at Julia. Nag-swimming naman ulit sina Joshua at Patrick. KC, Tricia and Julia started making sand castles. Joshua and Patrick went swimming again.

"Mga bata, magdagdag kayo ng sunblock! Mahirap magka-sunburn!" dagdag pang paalala ni Tita Tessie. "Kids, add sunblock! It's hard to get a sunburn!" Aunt Tessie added a reminder.

Malapit nang lumubog ang araw sa beach pero nakababad pa rin sa tubig ang mag-pipinsan. Muling napag-usapan ang nangyaring allergy kay Julia. The sun is about to set on the beach but the cousins are still soaking in the water. Julia's allergy was discussed again.

"O, paano Julia, dapat ay huwag ka munang kakain ng hipon...bilin ni Patrick. "Oh, how about Julia, you shouldn't eat the shrimp first...Patrick ordered.

"Oo nga, natakot kami kanina para sa iyo..." sabi naman ni Tricia. "Mas mapula ka pa sa alimango!" "Yes, we were afraid for you earlier..." Tricia said. "You're redder than a crab!"

Naikuwento na rin tuloy ni Joshua ang nangyari noong minsang nagbubuklat sila ng lumang magasin ng kanyang Tita Yna. Joshua also recounted what happened when they were flipping through an old magazine of his Aunt Yna.

"May project kasi kami sa iskul noon. Tapos, ginugupit namin ni Tita Yna ang ilang pictures sa magasin para sa scrapbook. Tapos, biglang bumahing ako nang bumahing! Sunud-sunod!" "Because we had a project at school then. Then, Tita Yna and I cut out some pictures from a magazine for a scrapbook. Then, suddenly I sneezed and sneezed! One after another!"

"Siguro, puro alikabok na yung magasin!" sabad ni Tricia. "Maybe, the magazine is all dust!" Tricia interrupted.

"Oo nga, sabi mo, luma na yung mga magasin. Naipon na ang mga alikabok dun!" paliwanag ni Julia. "Yes, you said, the magazines are old. The dust has accumulated there!" Julia explained.

"At hindi lang ako bumahing! Parang sinipon ako at nagluha-luha rin ang mata ko. Sabay nga kaming bahing nang bahing ni Tita Yna." "And I didn't just sneeze! I felt like I had a cold and my eyes were watering. Aunt Yna and I sneezed at the same time."

"Naku, allergic ka pala sa alikabok!" dagdag pa ni Julia. "Oh, you're allergic to dust!" Julia added.

"May ipinainom ding tableta si Tita Yna sa akin, tapos okey na kami. Biglang nawala yung parang sipon na tulo lang nang tulo. Natigil rin ang pagluluha ng mata ko." "Aunt Yna also gave me some pills to take, and then we were fine. Suddenly, the cold that just dripped drop by drop disappeared. My eyes also stopped tearing."

Kahit nakahiga na sila sa loob ng inuupahang kuwarto sa resort, tungkol pa rin sa allergy ang pinag-uusapan nila. Even though they are lying in a rented room at the resort, they are still talking about allergies.

Doon naikuwento ni Tricia ang nangyari sa kanya noong minsang sumakit ang kanyang ngipin at may ipinainom ang kanyang nanay Tessie. There, Tricia told the story of what happened to her when she once had a toothache and her mother Tessie gave her something to drink.

"Pero sa halip na maalis ang sakit ng ngipin ko, biglang namantal ang buong katawan ko! Tapos, namaga ang paligid ng mga mata ko, muntik na kong di makakita! Kumapal pa ang labi ko. Magang-maga. Ampangit ko nun! Matatakot ka sa naging hitsura ko! "But instead of getting rid of my toothache, my whole body suddenly became itchy! Then, the area around my eyes swelled up, I almost couldn't see! My lips got even thicker. Swollen. I'm ugly! It's scary you look like me!

Napaupo ang apat na magpipinsan na nakikinig at sabay-sabay na nagsabing, "Yuck! O, anong nangyari?" The four cousins sat listening and said at the same time, "Yuck! Oh, what happened?"

"May allergy pala ako sa ininom kong gamot para sa sumakit kong ngipin! Hindi ko 'yun alam!" "I'm allergic to the medicine I took for my toothache! I didn't know that!"

"Ha? Puwede rin palang may allergy sa gamot?" gulat na tanong ni Julia. "Huh? Could there be an allergy to the medicine?" Julia asked in shock.

"Oo, puwede raw sabi ng mga duktor." "Tapos...?" Hindi na makahintay si KC. "Yes, the doctors say they can." "Then...?" KC can't wait.

"Tapos, dinala ako sa clinic. Ininjectionan ako nung doktor. Ang galing nga kasi nagmadyik yung pakiramdam ko. "Then, I was taken to the clinic. The doctor injected me. It was great because I felt like magic.

Pagkatapos ng injection, maya-maya lang ay nawala na ang maga sa paligid ng mata ko. Nawala yung mga pantal saka pangangati. Tapos, bumalik na ulit sa dati ang hitsura ko!" After the injection, the swelling around my eyes soon disappeared. The rashes and itching are gone. Then, my appearance is back to normal!"

"Masakit ba yung injection?" tanong ni Julia. "Does the injection hurt?" asked Julia.

"Medyo masakit pero mas masakit yata yung pagtawanan ako dahil sa hitsura ko!" matapang na sagot ni Tricia. "It hurts a little, but I think it hurts more to be laughed at because of my appearance!" Tricia answered bravely.

Nauwi sa malakas na tawanan ang usapan ng magpipinsan. The cousin's conversation ended in loud laughter.

Hindi na rin nagpatalo sa usapan si Patrick. Bigla niya kasing naalala nung minsang nabulabog niya ang bahay ng mga putakti. Patrick didn't lose the conversation either. He suddenly remembered when he once blew up the house of wasps.

Namimitas daw sila ni Lolo Bayani ng mga hinog na chico nang masundot niya ang bahay ng mga putakti. It is said that he and Lolo Bayani were picking ripe chicos when he poked the house of wasps.

"Naku, kinagat ba kayo ng mga putakti?" nahihintakutang tanong ni KC. "Oh, did the wasps bite you?" KC asked fearfully.

"Oo. HInabol kami! Pati si Lolo Bayani ay nakagat din sa mukha! Ang bibilis lumipad nito. "Yes. We were chased! Even Lolo Bayani was bitten on the face! It flies so fast.

"Naku, kung nakita mo ko, matatakot ka rin sa hitsura ko. Umalsa ang labi ko. Sumara mga mata ko. At biglang-bigla nahirapan akong makahinga..." "Oh, if you saw me, you would also be afraid of my appearance. My lips curled up. My eyes closed. And suddenly I found it difficult to breathe..."

"Ang sakit sigurong makagat ng putakti..." sabad na naman ni Julia. "The pain must be like being bitten by a wasp..." Julia interrupted again.

"Oo, pero kahit pareho kaming kinagat ni Lolo Bayani ng putakti ako lang ang namaga ang mukha." "Yes, but even though Lolo Bayani and I were both bitten by a wasp, I was the only one with a swollen face."

"Walang nangyari kay Lolo?" gulat na tanong ng lahat. "Nothing happened to Grandpa?" everyone asked in shock.

"Ganun na nga! Ako lang ang nahirapang huminga at pumangit ang mukha!" "That's right! I was the only one who had trouble breathing and my face was disfigured!"

"O, anong nangyari pagkatapos?" "Oh, what happened then?"

"Dinala ako sa Emergency Room ng ospital! Tapos ininjectionan ako! Kasi nahihirapan na akong huminga noon. Puwede raw akong mamatay sa matinding allergy, sabi ng doktor kay Lolo." "I was taken to the Emergency Room of the hospital! Then I was injected! Because I was having trouble breathing by then. They said I could die from severe allergies, the doctor told Grandpa."

"E, bakit si Lolo, hindi nag-ka allergy sa kagat ng putakti? Pareho lang kayong kinagat, di ba?" takang tanong ni KC. "Well, Grandpa, why didn't you develop an allergy to the wasp sting? You both got bitten, didn't you?" KC wondered.

"Hhmmm...oo nga ano? Itanong natin kina tito at tital bukas." "Hhmmm...yes what? Let's ask uncle and tital tomorrow."

Nakatulog na ang magpipinsan. Presko ang hangiging pumapasok sa loob ng beach house kaya mahimbing ang tulog ng lahat. The cousin fell asleep. The fresh air enters the beach house so everyone sleeps soundly.

Umaga na. Ginising silang lahat ng paulit-ulit na pagbahing, pagsinga, at pagsinghot-singhot ni KC. It's morning. KC's repeated sneezing, sniffling, and sniffling woke them all up.

"Hatsinggg! Hatsinggg! Prrrrrttttt!" "Hassinggg! Hassinggg! Prrrrrttttt!"

"Naku, sinisipon ka ba, Ate KC?" tanong ni Tricia. "Oh, are you catching a cold, Sister KC?" Tricia asked.

"Ewan ko ba, Tricia. Kagabi, okay naman ako bago tayo matulog. Ngayon, paggising ko, tumutulo na ang sipon ko. Prrrrrt! Prrrrt! Prrrrt! "I don't know, Tricia. Last night, I was fine before we went to bed. Now, when I woke up, I had a runny nose. Prrrrt! Prrrrt! Prrrrt!

Parang mainit ang pakiramdam ko sa mukha. Nangangati ang mata ko at parang nagluluha.... Hat-singgggg!" My face feels hot. My eyes itch and it feels like tears.... Hat-singgggg!"

"A, kaya pala mapula ang mga mata mo!" "Ah, that's why your eyes are red!"

Siya namang pagpasok ni Tito Bill sa kuwarto ng mga bata. "O, gising na pala kayong lahat. Masarap ang breakfast natin!" Tito Bill entered the children's room. "Oh, you're all awake. Our breakfast is delicious!"

"Hatsing! Hatsingggggg! Ha-ha-hatsingggggg!" "Sneezing! Sneezinggggg! Ha-ha-sneezinggggg!"

"Aba, sinisipon ba si KC? Kagabi, okey ka naman ah. Teka...." "Why, is KC catching a cold? Last night, you were okay. Wait...."

"Hmmm...Isinara n'yo ba ang bintana n'yo kagabi?" "Hmmm...Did you close your window last night?"

Iling ang naging sagot ng grupo. Shaking was the group's response.

"Mukhang may allergic rhinitis si KC! Kay rami kasing punong mabulaklak rito sa resort. "Looks like KC has allergic rhinitis! Because there are so many flowers here at the resort.

May mga nahuhulog na pollen mula rito. Sumasama ito sa hangin. At baka nalanghap ito ni KC habang siya'y natutulog." There are falling pollens from it. It goes with the wind. And maybe KC inhaled it while he was sleeping."

"Haaa? May allergy rin si Ate KC?" "Akala ko, kami lang ang may allergy. pati pala si Ate KC!" Nagtawanan ang lahat ng mga bagong gising. "Haaa? Sister KC also has allergies?" "I thought we were the only ones with allergies. Sister KC too!" All the newly awakened people laughed.

"Aha, kayo palang magpipinsan ay may allergy sa kung anu-ano. Talagang magkakamag-anak nga kayo." biro pa ni Tito Bill. Inisa-isa pa nito ang allergy ng magpipinsan. "Aha, you two cousins are allergic to something. You're really related." Uncle Bill even joked. This further explains the cousin's allergy.

"Si Julia may allergy sa pagkain. Si Joshua may allergy sa alikabok. Si Tricia, may allergy sa ilang gamot. Si Patrick, nagka-allergy sa kagat ng putakti. Si KC, may allergic rhinitis dala ng pollen. E, meron kayang may allergy sa ice cream?" "Julia has a food allergy. Joshua has an allergy to dust. Tricia, has an allergy to some drugs. Patrick, has an allergy to a wasp sting. KC, has an allergic rhinitis caused by pollen. Well, there is something allergic to ice cream?"

"Wala po!" ang malakas na sagot ng magpipinsan. "Sige, mamaya bibili ako ng ice cream. Pero ngayon, iinom muna ng gamot laban sa allergy si KC," pahayag ni Tito Bill. "None!" the strong answer of the cousin. "Alright, I'll buy ice cream later. But now, KC will take some allergy medicine first," Tito Bill said.

"May ilan pa akong natirang tableta sa bag ko," pagpiprisinta ni Tita Leah. "I have a few pills left in my bag," Aunt Leah introduced.

Habang kumakain ng ice cream, ipinaliwanang ni Tita Leah sa buong angkan kung ano ang nangyayari sa katawan ng taong may allergy. While eating ice cream, Aunt Leah explained to the whole clan what happens in the body of a person with allergies.

Kung bakit si Julia lang sa magpipinsan ang allergic sa hipon. Kung bakit namaga ang mukha ni Tricia sa ininom na gamot. Why Julia is the only cousin allergic to shrimp. Why did Tricia's face swell from the medicine she took.

Kung bakit si Patrick lang at hindi si Lolo Bayani ang nahirapang huminga nang makagat ng putakti. Kung bakit sina Joshua at KC lang ang sensitibo sa mga alikabok at pollen mula sa puno at halaman. Why only Patrick and not Lolo Bayani had difficulty breathing after being stung by a wasp. Why only Joshua and KC are sensitive to dust and pollen from trees and plants.

"Di ba't bawat katawan ng tao ay magkakaiba? Walang eksaktong magkamukha. Agree ba tayo yu'n?" tanong ni Tita Leah. "Isn't every human body different? No one looks exactly alike. Do we agree on that?" asked Aunt Leah.

"Agree!" hiyaw ng lahat. "Agreed!" everyone screamed.

"At sa loob ng ating katawan, inilagay ng Diyos ang tinatawag na Immune System." "And inside our body, God put what is called the Immune System."

'Im-yun Sistem?" Ano pong ginagawa ng Im-yun Sistem?" tanong agad ni Julia. Im-yun Sistem?" What is Im-yun Sistem doing?" Julia immediately asked.

"Ito ang sistemang panlaban ng katawan sa pumapasok na sakit at mikrobyo. Kakampi natin ito. Kaya nitong alamin kung aling cells ng katawan natin ang may taglay na mikrobyo." "This is the body's defense system against incoming disease and germs. It is our ally. It can determine which cells of our body contain germs."

"E, ano po ang kinalaman ng Immune System sa allergy namin?" pangungulit ni Patrick. "Well, what does the Immune System have to do with our allergies?" Patrick grumbled.

"Ganito yan. Minsan, nalilito ang ating Immune System, nagkakamali rin ito. Kapag nakakain tayo ng isang uri ng pagkain, akala ng Immune System, napasok na ito ng kaaway. Sobra itong nagre-react!" "It's like this. Sometimes, our Immune System gets confused, it also makes mistakes. When we eat a certain type of food, the Immune System thinks the enemy has entered it. It overreacts!"

"E, hindi naman po kaaway ang hipon o gamot, di po ba? "Eh, shrimp or medicine is not an enemy, is it?

"Oo nga, pero napagkakamalan itong kalaban ng ating Immune System. Alam nyo, may taglay kasing PROTEIN ang hipon, itlog, gamot, pollen at pati na yung lason mula sa kagat ng insekto. Dun sobrang nagre-react ang ating Immune System." "Yes, but it is mistaken for an enemy of our Immune System. You know, there is PROTEIN in shrimp, eggs, medicine, pollen and even the poison from insect bites. Our Immune System overreacts there."

"Pro-tin? Ayaw pala ng Immune System sa pro-tin na ito," pagwawari ni Julia. "Pro-tin? The Immune System doesn't like this pro-tin," Julia said.

"Dahil dito, agad na mag-pupundar ang Immune System ng katawan ng mga sundalong ipanlalaban sa protein ng hipon o gamot o pollen. Bubuksan ng mga sundalo ang mga cells upang maglabas ng kemikal na HISTAMINE bilang panlaban...." paliwanag pa ni Tital Leah. "Because of this, the Immune System of the soldiers' body will immediately prepare to fight with shrimp protein or medicine or pollen. The soldiers will open the cells to release the chemical HISTAMINE as a defense..." he explained. Title Leah.