×

Nous utilisons des cookies pour rendre LingQ meilleur. En visitant le site vous acceptez nos Politique des cookies.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: ANG SIOPAO NA AYAW SA BATANG MATAKAW | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: ANG SIOPAO NA AYAW SA BATANG MATAKAW | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Siopao na Ayaw Sa Batang Matakaw

Kuwento ni Amang Medina

Guhit ni Dominic Agsaway

(MUSIC)

Dito sa bakery ni Aling Bising, maaarte at mayayabang ang mga siopao.

Ayaw nila sa mga batang matakaw.

"Kung ano-ano ang kinakain ng mga batang matatakaw.

Ayaw naming makihalo sa mga pagkaing nasa tiyan nila," katwiran ng isa.

"Lalo na yong mga batang malalaki ang tiyan,

yong mga pulubi sa kalsada!" sang-ayon ng ikalawang siopao.

"Naku, siguradong pulos bulate ang laman ng tiyan ng mga yan!

Sayang ang mga sustansiya natin kung sa mga bulate lang mapupunta!".

"Ang aarte n'yo naman!" nasabi tuloy ng mga ensaymada.

"Nilikha tayo at niluto para kainin ng sinumang tao.

Wala nang pili-pili pa "

Siyangang pagsang-ayon ng mga pan de sal.

"Tayong mga tinapay ay para sa lahat.

Layunin nating busugin ang sinumang kumain sa atin,

at palakasin sila sa mga sustansiyang makukuha nila sa atin, pulubi man o mayaman."

"Tse!" Ismid ng isang siopao.

"Sinasabi n'yo lang yan dahil ang mumura ninyo, puwede kayong bilhin ng kahit na sino."

"Eh, kami? Bongga ang aming presyo!

Hindi lahat ay maaaring makatikim ng taglay naming sarap!"

"Saka para ano pa at nilikha kaming makikinis at mapuputi ang kutis?

Natural, para kainin kami ng mga taong malilinis at mapuputi, tulad ng mayayaman."

Walang nakakaalam kung saan nakukuha ng mga siopao ang ganoong paniniwala.

Tinimpla naman sila nang tama, minasang mabuti ng mga panadero,

at niluto sa oven nang may sapat na init.

Ano ang nangyari at naging mapait ang kanilang pag-uugali?

Hindi tuloy maiwasan ng ibang tinapay na kainisan sila.

"Masyado silang matapobre!" sabi ng mga pudding*.

"Akala mo kung sino sila!" wika naman ng mga monay.

"Ang pagkakaiba lang naman nila sa atin ay may palaman silang karne," sambit ng mga pan de siosa.

"Pero sapat na ba yon para magmalaki sila nang ganyan?" angal ng mga pan de coco.

"Hindi!" sabay-sabay na pagsang-ayon ng mga ito.

Minsan, isang batang nagtitinda ng diyaryo ang napadaan sa bakery.

Hindi ito katabaan, pero halatang matakaw.

Kung makatitig sa mga tinapay, kulang na lang ay dukutin nito ang mga iyon at kainin kaagad.

Inis na inis ang mga siopao sa bata.

"Huwag sana tayong bilhin at kainin ng batang yan," sabi ng isa.

"Hindi tayo nararapat sa tiyan ng batang yan.

"Kadiri!" wika naman ng isa pa.

Pero nang makita ng bata ang mga siopao, mukhang nagustuhan din sila nito.

Nakita pa nilang inilabas nito ang dila na para bang takam na takam itong matikman sila.

Sigawan silang mga siopao.

Halos magtago sila sa likod ng isa't isa.

"Eeek! Ayokong mabili ng batang yan!"

"Eeek, ayaw ko rin!"

"Magsitigil nga kayo!" sabi ng mga pan de sal.

"Huwag kayong mag-alala at nagsabi na ang bata kay Aling Bising na kami ang bibilhin niya."

Napabuntong-hininga ang mga siopao.

"Hay, salamat.

Mabuti na lang at mahal ang ating presyo, si Pan de Sal lang ang kayang bilhin ng batang dukha."

Pero nangako ang bata.

"Kapag nagkapera ako, titikman ko rin kayong mga siopao."

Alalang-alala tuloy ang mga siopao.

"Sana, hindi siya magkapera."

"Wala sanang bumili ng mga diyaryo na itinitinda niya," sabi ng isa pa.

"Sa halip na mangamba kayo nang ganyan, tanggapin n'yo na ang katotohanang kakainin din tayo ng kahit na sino," paliwanag ng mga pan de sal.

"At paano kung magbalik ang batang dukha?

May magagawa ba kayo kung sakaling ang isa sa inyo ay bibilhin niya?" tanong ng mga ensaymada.

Hindi nakasagot ang mga siopao.

Ang totoo ay ayaw nilang dumating ang sandaling iyon.

Pero tuwing umaga ay laging dinadalaw ng batang nagtitinda ng diyaryo ang mga siopao sa bakery.

Bawat araw, bumibili ito ng isang tinapay kay Aling Bising, at pataas nang pataas ang panlasa nito!

Pamahal nang pamahal ang binibili nito!

Bawat tinapay ay nais nitong matikman!

"At hindi malayong tayo ang susunod!" nangangambang wika ng mga siopao.

Hanggang sa dumating nga ang pinakakinatatakutang araw.

Nagbalik sa bakery ang batang nagtitinda ng diyaryo upang tuparin ang isang pangako.

Ang matikman ang maputi at makinis na siopao!

Pinakatitigan pa nito ang mga siopao, pagkatapos ay ngumiti.

Nang makita ng mga siopao ang maruming ngipin ng bata ay nandiri sila.

Naghisterya ang isa sa kanila.

"Ayoko! Ayokong mapunta sa batang yan!

Ilabas n'yo ako rito!"

Pero batid ng mga siopao na wala na silang magagawa.

Buo at sapat na ang dalang pera ng bata.

Iniabot nito iyon kay Aling Bising saka itinuro ang siopao na nagustuhan nito.

Agad na hinango ni Aling Bising mula sa eskaparateng kinalalagyan nilang mga siopao ang naibigan ng bata.

Sigawan silang mga siopao.

Pero walang naririnig si Aling Bising.

Awang-awa ang mga siopao sa kasama nila habang iniaabot ito ni Aling Bising sa maruming kamay ng bata.

"Paalam, Asado!" sabi ng mga siopao sa kasama. "Malas mo lang at ikaw ang naibigan ng batang yan."

Tuwang-tuwa namang pinagmasdan ng bata ang biniling siopao.

Sa wakas ay makakatikim na rin ito ng siopao.

Dahan-dahan pa nitong inamoy iyon.

"Hmm, sarap!" wika nito.

Pigil ang hininga ng ibang mga siopao habang pinapanood nila ang nakatakdang sapitin ng kasamahan nila.

Maging ang ibang mga tinapay ay nanonood din sa pagkain ng bata sa siopao.

Unti-unting inilapit ng bata ang katakam-takam na siopao sa bibig nito.

Isa... Dalawa... Tatlo...

Kakagatin na lamang nito ang malambot na laman nang bigla itong matigilan.

Nagtaka ang mga siopao sa kanilang nasaksihan.

Bakit tumigil ang bata?

Nagbago ba ng isip nito kay Asado?

Maging ang ibang mga tinapay ay nagtaka rin.

Noon nila napansin ang presensiya ng iba pang mga Bata.

Dalawang batang pulubi ang nasa di-kalayuan ng batang nagtitinda ng diyaryo.

Nakatingin ang mga ito habang gutom na gutom.

Noon nagdalawang-isip ang batang nagtitinda ng diyaryo.

Kakainin ba niya ang siopao at hahayaan ang mga batang pulubing nakatingin habang kumakain siya?

O titiisin na lamang niya ang sarili at ipagkakaloob ang siopao sa mga batang mas gutom pa sa kanya?

Isang desisyon iyon na napakahirap gawin!

Laking gulat ng lahat nang makita nilang ibinigay ng batang nagtitinda ng diyaryo ang siopao sa dalawang batang gusgusin.

"Hindi ko maintindihan!" sabi ng isang siopao.

"Akala ko ba ay gustong-gusto tayong tikman ng batang 'yan?

Eh, bakit niya tayo ipinamigay sa iba?"

"Hindi n'yo talaga maiintindihan ang ginawa ng batang 'yan dahil buong buhay ninyo ay wala kayong ibang inisip kundi ang mga sarili n'yo," sabi ng mga pan de sal.

"Ano'ng ibig n'yong sabihin?" Tanong ng mga siopao.

"Ang batang inaayawan ninyo...Ang batang pinandidirihan ninyo...

Ang batang ayaw ninyong kumain sa inyo... ay isang batang mabuti at dakila

dahil marunong siyang mag-bigay sa kapwa,"paliwanag ng mga pan de sal.

"Natutuwa kaming Iahat at kahit paano ay naging bahagi kami ng katawan ng batang yan,"

sabi ng iba pang tinapay na natikman na ng batang nagtitinda ng diyaryo.

"Ang taglay naming sustansiya ay hindi nasayang dahil ang binigyan nito ng lakas ay isang batang maipagmamalaki sa kanyang kabutihan."

Natahimik ang mga siopao.

Napahiya sila sa kadakilaang ipinamalas ng batang kanilang pinandirihan at inayawan.

Kaya nang muling masdan nila ang bata, nakita nilang nakangiti uli ito sa kanila.

"Pagbilhan uli ng isa pang siopao, Aling Bising!" masayang sabi nito.

At lahat silang mga siopao ay nag-unahang makuha ni Aling Bising

upang ibigay sa batang bayani!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: ANG SIOPAO NA AYAW SA BATANG MATAKAW | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES Filipino|||||||||||||| Philippinisches Buch: Der Siopao, der nicht will, dass die Jugend gierig ist | KINDERBUCH MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: THE SIOPAO WHO DOESN'T WANT THE YOUNG TO BE GREEDY | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES フィリピンの本: 若者に貪欲になってほしくないシオパオ |英語/タガログ語字幕付き児童書 FILIPIJNS BOEK: DE SIOPAO DIE NIET WIL DAT JONG HEBZIG IS | KINDERBOEK MET ENGELSE/TAGALOG ONDERTITELS

Ang Siopao na Ayaw Sa Batang Matakaw The Siopao Who Does not Like Greedy Children

Kuwento ni Amang Medina Story by Amang Medina

Guhit ni Dominic Agsaway Illustrations by Dominic Agsaway

(MUSIC) (MUSIC)

Dito sa bakery ni Aling Bising, maaarte at mayayabang ang mga siopao. Here in Aling Bising's bakery, the siopaos are fussy and arrogant.

Ayaw nila sa mga batang matakaw. They hate children who are gluttons.

"Kung ano-ano ang kinakain ng mga batang matatakaw. "Gluttonous children eat anything and everything.

Ayaw naming makihalo sa mga pagkaing nasa tiyan nila," katwiran ng isa. We don't want to mix with the food in their stomachs," one reasoned out.

"Lalo na yong mga batang malalaki ang tiyan, "Especially the children with bulging stomachs,

yong mga pulubi sa kalsada!" sang-ayon ng ikalawang siopao. the beggars on the streets," agreed the second siopao.

"Naku, siguradong pulos bulate ang laman ng tiyan ng mga yan! "Oh, dear, surely their stomachs are full of worms!

Sayang ang mga sustansiya natin kung sa mga bulate lang mapupunta!". It's a pity if our nutrients only go to those worms!"

"Ang aarte n'yo naman!" nasabi tuloy ng mga ensaymada. "How finicky you are!" commented the group of ensaimadas.

"Nilikha tayo at niluto para kainin ng sinumang tao. All of us were prepared and baked for everyone.

Wala nang pili-pili pa " There's no need to choose who are going to eat us!"

Siyangang pagsang-ayon ng mga pan de sal. "True!" agreed the group of salt bread.

"Tayong mga tinapay ay para sa lahat. "All of us bread are for everyone.

Layunin nating busugin ang sinumang kumain sa atin, It's our purpose to satisfy everyone who eat us,

at palakasin sila sa mga sustansiyang makukuha nila sa atin, pulubi man o mayaman." and make them strong with the nutrients they get from us, whether they are beggars or rich."

"Tse!" Ismid ng isang siopao. "Pfftl" sneered one siopao.

"Sinasabi n'yo lang yan dahil ang mumura ninyo, puwede kayong bilhin ng kahit na sino." "You say that because you are sold cheaply, anyone can buy you."

"Eh, kami? Bongga ang aming presyo! "Oh, us? Our prices are fabulous!"

Hindi lahat ay maaaring makatikim ng taglay naming sarap!" "Not everyone can experience our deliciousness!"

"Saka para ano pa at nilikha kaming makikinis at mapuputi ang kutis? "And for what reason were we created with smooth and fair skin?"

Natural, para kainin kami ng mga taong malilinis at mapuputi, tulad ng mayayaman." Of course, so that neat and fair-skinned people will eat us, just like rich people."

Walang nakakaalam kung saan nakukuha ng mga siopao ang ganoong paniniwala. Nobody knew where the siopaos got such silly reasoning.

Tinimpla naman sila nang tama, minasang mabuti ng mga panadero, They were mixed properly, carefully kneaded by the bakers,

at niluto sa oven nang may sapat na init. and baked in the oven with the right amount of heat.

Ano ang nangyari at naging mapait ang kanilang pag-uugali? What happened that made their behavior turn bitter?

Hindi tuloy maiwasan ng ibang tinapay na kainisan sila. No wonder the other breads were irritated by them,

"Masyado silang matapobre!" sabi ng mga pudding*. "They look down on others too much," the puddings chorused.

"Akala mo kung sino sila!" wika naman ng mga monay. "Who do they think they are?" said the group of milk bread,

"Ang pagkakaiba lang naman nila sa atin ay may palaman silang karne," sambit ng mga pan de siosa. "The only thing that makes them different from us is their meat fillings," uttered the group of fruit bread.

"Pero sapat na ba yon para magmalaki sila nang ganyan?" angal ng mga pan de coco. "But is that enough reason for them to be so proud?" the group of coconut bread complained,

"Hindi!" sabay-sabay na pagsang-ayon ng mga ito. "No!" they declared in unison.

Minsan, isang batang nagtitinda ng diyaryo ang napadaan sa bakery. One time, a newspaper boy happened to pass by the bakery.

Hindi ito katabaan, pero halatang matakaw. He was not chubby, but he looked like he had a voracious appetite.

Kung makatitig sa mga tinapay, kulang na lang ay dukutin nito ang mga iyon at kainin kaagad. The bread seem to be staring, it almost feels as if they would grab and eat them immediately.

Inis na inis ang mga siopao sa bata. The siopao are very annoyed with the child.

"Huwag sana tayong bilhin at kainin ng batang yan," sabi ng isa. "Let's not buy and eat that child," one of them said.

"Hindi tayo nararapat sa tiyan ng batang yan. "We don't deserve to be in that boy's stomach.

"Kadiri!" wika naman ng isa pa. How disgusting!" said another.

Pero nang makita ng bata ang mga siopao, mukhang nagustuhan din sila nito. But when the boy saw the slopaos., he looked as if he liked them, too.

Nakita pa nilang inilabas nito ang dila na para bang takam na takam itong matikman sila. They even saw him stick his tongue out as If he was drooling to have a taste of them.

Sigawan silang mga siopao. The siopaos screamed in panic.

Halos magtago sila sa likod ng isa't isa. They tried to hide behind each other.

"Eeek! Ayokong mabili ng batang yan!" "Oh, oh, oh! I don't want that boy to buy me!"

"Eeek, ayaw ko rin!" "Oh, oh, oh! I don't want to either!"

"Magsitigil nga kayo!" sabi ng mga pan de sal. "Be quiet!" commanded the group of salt bread.

"Huwag kayong mag-alala at nagsabi na ang bata kay Aling Bising na kami ang bibilhin niya." "Don't worry," the child told Aling Bising that she will buy us.

Napabuntong-hininga ang mga siopao. The siopaos heaved a sigh of relief.

"Hay, salamat. "Oh, thank you.

Mabuti na lang at mahal ang ating presyo, si Pan de Sal lang ang kayang bilhin ng batang dukha." It's good we are priced expensively, that boy can only afford salt bread."

Pero nangako ang bata. But the boy made a promise.

"Kapag nagkapera ako, titikman ko rin kayong mga siopao." "Once I have enough money, I'll have a taste of you, siopaos."

Alalang-alala tuloy ang mga siopao. Again the siopaos became worried.

"Sana, hindi siya magkapera." "I hope he won't ever have enough money."

"Wala sanang bumili ng mga diyaryo na itinitinda niya," sabi ng isa pa. "Pray no one will buy the papers he's selling," said another.

"Sa halip na mangamba kayo nang ganyan, tanggapin n'yo na ang katotohanang kakainin din tayo ng kahit na sino," paliwanag ng mga pan de sal. "Instead of worrying like that, accept the fact that we'll be eaten by just about anyone," explained the group of salt bread.

"At paano kung magbalik ang batang dukha? "What if the poor boy comes back?

May magagawa ba kayo kung sakaling ang isa sa inyo ay bibilhin niya?" tanong ng mga ensaymada. Can you stop him from buying one of you'?" asked the group of ensaimadas.

Hindi nakasagot ang mga siopao. The slopaos could not answer.

Ang totoo ay ayaw nilang dumating ang sandaling iyon. The truth was they did not want that moment to come.

Pero tuwing umaga ay laging dinadalaw ng batang nagtitinda ng diyaryo ang mga siopao sa bakery. But every morning the newspaper boy visited the siopaos in the bakery.

Bawat araw, bumibili ito ng isang tinapay kay Aling Bising, at pataas nang pataas ang panlasa nito! Every day he would buy a piece of bread from Aling Bising, and his taste was getting more sophisticated.

Pamahal nang pamahal ang binibili nito! What he was buying was getting more expensive.

Bawat tinapay ay nais nitong matikman! He wanted to try every kind of bread!

"At hindi malayong tayo ang susunod!" nangangambang wika ng mga siopao. "And soon we will be next!" the siopaos cried nervously to one another.

Hanggang sa dumating nga ang pinakakinatatakutang araw. Until the dreaded day arrived.

Nagbalik sa bakery ang batang nagtitinda ng diyaryo upang tuparin ang isang pangako. The newspaper boy came back to the bakery to keep a promise.

Ang matikman ang maputi at makinis na siopao! To have a taste of the smooth-skinned and white-complexioned siopao!

Pinakatitigan pa nito ang mga siopao, pagkatapos ay ngumiti. He regarded the siopaos appraisingly, and then he grinned.

Nang makita ng mga siopao ang maruming ngipin ng bata ay nandiri sila. When the siopaos saw the boy's rotten teeth, they turned to each other with disgust.

Naghisterya ang isa sa kanila. One of them became hysterical.

"Ayoko! Ayokong mapunta sa batang yan! "No way! I don't want to be sold to that boy!

Ilabas n'yo ako rito!" Get me out of here!"

Pero batid ng mga siopao na wala na silang magagawa. But the siopaos knew they could not do anything.

Buo at sapat na ang dalang pera ng bata. The boy had brought enough money.

Iniabot nito iyon kay Aling Bising saka itinuro ang siopao na nagustuhan nito. He gave it to Aling Bising and pointed at the siopao he wanted.

Agad na hinango ni Aling Bising mula sa eskaparateng kinalalagyan nilang mga siopao ang naibigan ng bata. Aling Bising immediately pulled out the siopao that the child liked from the display case where they were kept.

Sigawan silang mga siopao. The siopao were shouting.

Pero walang naririnig si Aling Bising. But Aling Bising heard nothing.

Awang-awa ang mga siopao sa kasama nila habang iniaabot ito ni Aling Bising sa maruming kamay ng bata. The siopaos felt pity for their kin as Aling Bising turned it over to the boy's dirty hand.

"Paalam, Asado!" sabi ng mga siopao sa kasama. "Malas mo lang at ikaw ang naibigan ng batang yan." "Good-bye, Roast One!" the siopaos uttered it's your bad luck that boy chose you."

Tuwang-tuwa namang pinagmasdan ng bata ang biniling siopao. The boy happily examined the siopao he had bought.

Sa wakas ay makakatikim na rin ito ng siopao. At last he had the chance to taste one.

Dahan-dahan pa nitong inamoy iyon. He even smelled its aroma slowly.

"Hmm, sarap!" wika nito. "Hmmm, delicious!" he uttered.

Pigil ang hininga ng ibang mga siopao habang pinapanood nila ang nakatakdang sapitin ng kasamahan nila. The siopaos held their breath as they watched what fate awaited their kin.

Maging ang ibang mga tinapay ay nanonood din sa pagkain ng bata sa siopao. Even the other breads watched how the boy would eat the slopao.

Unti-unting inilapit ng bata ang katakam-takam na siopao sa bibig nito. Slowly, the little boy brought the delicious siopao to his mouth.

Isa... Dalawa... Tatlo... One... Two... Three...

Kakagatin na lamang nito ang malambot na laman nang bigla itong matigilan. He was about to bite at the soft flesh when he suddenly stopped!

Nagtaka ang mga siopao sa kanilang nasaksihan. The siopaos were puzzled at what they saw.

Bakit tumigil ang bata? Why did the boy stop?

Nagbago ba ng isip nito kay Asado? Had he changed his mind about Roast One?

Maging ang ibang mga tinapay ay nagtaka rin. The rest of the breads were also puzzled.

Noon nila napansin ang presensiya ng iba pang mga Bata. That was when they noticed the presence of other children.

Dalawang batang pulubi ang nasa di-kalayuan ng batang nagtitinda ng diyaryo. Two young beggars were standing not far from the newspaper boy.

Nakatingin ang mga ito habang gutom na gutom. They were looking on hungrily.

Noon nagdalawang-isip ang batang nagtitinda ng diyaryo. The newspaper boy became suddenly undecided.

Kakainin ba niya ang siopao at hahayaan ang mga batang pulubing nakatingin habang kumakain siya? Would he eat the siopao and just let the other beggar kids watch him while he ate?

O titiisin na lamang niya ang sarili at ipagkakaloob ang siopao sa mga batang mas gutom pa sa kanya? Or would he endure his own hunger and give the siopao to the kids who were more hungry than him?

Isang desisyon iyon na napakahirap gawin! It was a difficult decision to make!

Laking gulat ng lahat nang makita nilang ibinigay ng batang nagtitinda ng diyaryo ang siopao sa dalawang batang gusgusin. Everyone was astonished when the newspaper boy gave the siopao to the two unkempt kids.

"Hindi ko maintindihan!" sabi ng isang siopao. "I don't understand," said one of the siopaos.

"Akala ko ba ay gustong-gusto tayong tikman ng batang 'yan? "Didn't that boy want to taste us?

Eh, bakit niya tayo ipinamigay sa iba?" Why did he give us away?"

"Hindi n'yo talaga maiintindihan ang ginawa ng batang 'yan dahil buong buhay ninyo ay wala kayong ibang inisip kundi ang mga sarili n'yo," sabi ng mga pan de sal. "You will never understand what the little boy did because all your life you thought of nothing but yourselves," said the group of salt bread.

"Ano'ng ibig n'yong sabihin?" Tanong ng mga siopao. "What do you mean?" the siopaos asked.

"Ang batang inaayawan ninyo...Ang batang pinandidirihan ninyo... "The boy whom you disliked...The boy you were disgusted with...

Ang batang ayaw ninyong kumain sa inyo... ay isang batang mabuti at dakila The boy you didn't want to eat you...is a good-hearted and noble kid,

dahil marunong siyang mag-bigay sa kapwa,"paliwanag ng mga pan de sal. because he knows how to share with his fellow kids," explained the group of salt bread.

"Natutuwa kaming Iahat at kahit paano ay naging bahagi kami ng katawan ng batang yan," "We are glad because somehow we became a part of that boy's body,"

sabi ng iba pang tinapay na natikman na ng batang nagtitinda ng diyaryo. said the other groups of bread which the newspaper boy had bought and tasted.

"Ang taglay naming sustansiya ay hindi nasayang dahil ang binigyan nito ng lakas ay isang batang maipagmamalaki sa kanyang kabutihan." "The nutrients we have were not wasted because they gave strength to a boy we can all be proud of for his kindness."

Natahimik ang mga siopao. The siopaos fell silent.

Napahiya sila sa kadakilaang ipinamalas ng batang kanilang pinandirihan at inayawan. They were shamed by the good deed shown by the boy they abhorred and disliked.

Kaya nang muling masdan nila ang bata, nakita nilang nakangiti uli ito sa kanila. So when they looked at the boy again, they saw him smiling at them.

"Pagbilhan uli ng isa pang siopao, Aling Bising!" masayang sabi nito. "Aling Bising, let me buy another siopao," he said happily.

At lahat silang mga siopao ay nag-unahang makuha ni Aling Bising And all of them siopaos raced to be picked up by Aling Bising

upang ibigay sa batang bayani! to be given to the boy-hero!