×

Nous utilisons des cookies pour rendre LingQ meilleur. En visitant le site vous acceptez nos Politique des cookies.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: HATING KAPATID WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: HATING KAPATID WITH TAGALOG SUBTITLES

HATING KAPATID

Kuwento ni Raissa Rivera Falgui

Guhit ni Fran Alvarez

(MUSIC)

Sabay kami ni Kuyang umuuwi galing eskuwela.

Laging may masarap na meryendang naghihintay sa amin.

Sa araw na ito, bibingkang bagong bili ni Nanay ang meryenda.

Ang sarap!

Pagkahalik sa aming dalawa, pinaupo kami ni Nanay sa kusina.

"Ikaw na ang bahalang maghati ng pagkain," sabi niya kay Kuya.

"At tandaan mo, hating kapatid."

Nakahati na sa apat ang bibingka.

Tatlong piraso ang kinuha ni Kuya at ang natitira'y sa akin na.

"Mas malaki ako, kaya mas gutom ako.

Kailangang mas marami sa akin."

Mas malaki nga siya sa akin, kaya hindi na ako umalma.

Minsan, nagprito si Nanay ng saging.

Tinulungan ko siyang hatiin sa gitna ang apat na saging na saba bago lutuin.

May walong piraso.

Pagkalabas ni Nanay sa kusina, kumuha agad Si Kuya ng anim.

"O, hating kapatid," ang sabi pa niya sa akin.

Ganoon din noong nag-uwi si Tatay ng paborito naming buko pie.

Noong gumawa si Nanay ng keyk.

At noong ang meryenda namin ay sandosenang maliliit na puto.

Kung may magbibigay sa amin ng isang bundok ng kendi, siguro dalawa o tatlo lang ang makukuha ko.

Buti pa ang kaklase kong si Dina.

Wala siyang kapatid.

Wala siyang kahati sa kahit ano.

Kung gugustuhin niya, puwede siyang kumain ng buong bibingka o buko pie o keyk!

Pero noong isang araw, walang pagkain si Dina.

Nakalimutan niya ang baon niya.

"Gusto mo ng kalahati ng sandwich ko?" tanong ko.

Maingat kong hinati ang sandwich ko, at ibinigay ko sa kaniya ang kalahati.

"Ang ingat mong maghati.

Mukhang hating kapatid," sabi ni Dina.

"Hindi ha, pareho lang ang laki," sagot ko.

Hindi yata alam ni Dina ang ibig sabihin ng hating kapatid.

Wala nga pala siyang kapatid.

Inimbitahan ako ni Dina na minsa'y magpunta sa bahay nila.

"Wala akong kalaro sa amin," sabi niya.

Masaya kaming naglaro ng piko sa kanila.

Pagdating ng tatay niya, may dala siyang mamon para kay Dina.

"Sori, hindi ko alam na may bisita ka, anak.

Hati na lang kayo sa pasalubong ko," sabi ng tatay niya.

"Ikaw na ang maghati. Hating kapatid," sabi ni Dina.

Mukhang alam na niya kung ano'ng ibig sabihin!

Pero paano kaya ang hating kapatid sa aming dalawa?

Pareho lang ang edad namin, pareho ang tangkad (mataba lang siya nang kaunti).

"Ayokong gawing hating kapatid," sabi ko.

"Magkaibigan tayo.

Gawin na lang nating hating kaibigan." Napatawa si Dina.

"Hating kaibigan? Ano 'yon?

Ganito na lang, hatiin mo 'yung mamon tapos pipiliin ko ang pirasong kukunin ko."

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahati ang mamon sa dalawa.

Tiningnan ni Dina ang dalawang piraso.

"Mukhang pareho lang ang laki.

Pareho lang pala ang hating kapatid at hating kaibigan," sabi niya.

Dumating naman ang nanay ni Dina.

"Nagmeryenda na ba kayo?" tanong nito habang inilalabas ang pasalubong naman niya—sapin-sapin!

Kailangan ko nang umuwi, pero binigyan niya ako ng isang maliit na bilao ng sapin-sapin.

Wala pa si Tatay pagdating ko sa bahay.

Nagluluto naman si Nanay.

Mukhang gutom na si Kuya dahil nakabantay na siya sa mesa.

Inilagay ko sa gitna ang bigay sa aking sapin-sapin.

"Hati tayo," sabi ko.

Kumuha ako ng kutsilyo at hinati ko sa dalawa.

Tapos hinati ko ulit sa gitna.

"Ito, Kuya." Binigyan ko siya ng isang piraso.

"Sabi ng kaibigan kong si Dina, ganito ang hating kapatid."

Bumilog ang mata ni Kuya, at pagkatapos ay parang namula ang kaniyang mukha.

"Tama ang sabi ng kaibigan mo, ganiyan nga ang hating kapatid," imik niya. Lumiit ang boses niya.

Pakiramdam ko, ako ang mas malaki at nakatatanda.

"Pero ngayon, siguro dapat hating pamilya tayo," sabi ko.

Itinabi ko ang isang piraso. "Para kay Nanay 'to."

"At ang isang piraso naman ay para kay Tatay," dagdag ni Kuya.

Tuwang-tuwa ako dahil natikman naming lahat ang uwi kong sapin-sapin.

Napasaya ko ang buo kong pamilya.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: HATING KAPATID WITH TAGALOG SUBTITLES Filipino||Half-sibling|sibling||| PHILIPPINISCHES BUCH: KAPATID MIT TAGALOG-UNTERTITELN HASSEN FILIPINO BOOK: HATING KAPATID WITH TAGALOG SUBTITLES LIBRO FILIPINO: ODIO A KAPATID CON SUBTÍTULOS EN TAGALOG FILIPINO BOEK: HAAT KAPATID MET TAGALOG ONDERTITELS FILIPIŃSKA KSIĄŻKA: NIENAWIDZĄCY KAPATID Z TAGALOGOWYMI NAPISAMI LIVRO FILIPINO: ODIANDO KAPATID COM LEGENDAS EM TAGALOG

HATING KAPATID Equal sharing|Half-sibling HALF BROTHER

Kuwento ni Raissa Rivera Falgui ||Raissa's Story|Rivera|Falgui Story by Raissa Rivera Falgui

Guhit ni Fran Alvarez Drawing||Fran|Alvarez Drawing by Fran Alvarez

(MUSIC) (MUSIC)

Sabay kami ni Kuyang umuuwi galing eskuwela. Together|we||big brother|going home||school My brother and I were coming home from school together.

Laging may masarap na meryendang naghihintay sa amin. Always||delicious||delicious snack|waiting for us||us There is always a delicious snack waiting for us.

Sa araw na ito, bibingkang bagong bili ni Nanay ang meryenda. ||||rice cake|newly bought|newly bought||||snack On this day, Mom bought a freshly-made bibingka for our snack.

Ang sarap! |delicious It's delicious!

Pagkahalik sa aming dalawa, pinaupo kami ni Nanay sa kusina. After kissing||our||sat us down|we||||kitchen After kissing the two of us, Mom seated us in the kitchen.

"Ikaw na ang bahalang maghati ng pagkain," sabi niya kay Kuya. |||responsible for|divide|||||to| "You can divide the food," he said to Kuya.

"At tandaan mo, hating kapatid." |"Remember"||half-sibling|sister "And remember, dear sibling."

Nakahati na sa apat ang bibingka. Divided into four|||||rice cake The bibingka is already divided into four parts.

Tatlong piraso ang kinuha ni Kuya at ang natitira'y sa akin na. Three|pieces||took|||||the rest||| Kuya took three pieces and the rest is for me.

"Mas malaki ako, kaya mas gutom ako. |bigger||so||hungry| "I'm bigger, so I'm hungrier.

Kailangang mas marami sa akin." Must be||||"than me" There needs to be more of me."

Mas malaki nga siya sa akin, kaya hindi na ako umalma. |bigger|indeed||||so||||object He is indeed bigger than me, so I didn't complain anymore.

Minsan, nagprito si Nanay ng saging. Sometimes|fried||Mom||banana Sometimes, Mom fries bananas.

Tinulungan ko siyang hatiin sa gitna ang apat na saging na saba bago lutuin. Helped|||split||middle||||bananas||cardaba banana|before|cook I helped her slice the four cardaba bananas in the middle before cooking.

May walong piraso. there are|eight|pieces There are eight pieces.

Pagkalabas ni Nanay sa kusina, kumuha agad Si Kuya ng anim. Upon leaving||||kitchen|grabbed|immediately|||| As soon as Mom came out of the kitchen, Kuya immediately took six.

"O, hating kapatid," ang sabi pa niya sa akin. |half|sibling||said|still||| "Oh, sibling," he said to me.

Ganoon din noong nag-uwi si Tatay ng paborito naming buko pie. Like that||when||brought home||||favorite|our|coconut|coconut pie It was the same when Dad brought home our favorite coconut pie.

Noong gumawa si Nanay ng keyk. |made||||cake When Mom made a cake.

At noong ang meryenda namin ay sandosenang maliliit na puto. |||snack|our||dozen|small||rice cakes And when our snack was dozens of small balls.

Kung may magbibigay sa amin ng isang bundok ng kendi, siguro dalawa o tatlo lang ang makukuha ko. ||will give||us|||mountain||candy|maybe||||||get| If someone gives us a mountain of candy, I'll probably only get two or three.

Buti pa ang kaklase kong si Dina. Good for|at least||classmate|||Dina My classmate Dina is better.

Wala siyang kapatid. No||sibling He has no siblings.

Wala siyang kahati sa kahit ano. ||share||at all| She has no one to share anything with.

Kung gugustuhin niya, puwede siyang kumain ng buong bibingka o buko pie o keyk! |wants||||eat|||rice cake||coconut||| If she wants to, she can eat a whole bibingka or buko pie or cake!

Pero noong isang araw, walang pagkain si Dina. ||||no food||| But one day, Dina had no food.

Nakalimutan niya ang baon niya. forgot|||packed lunch| He forgot his packed lunch.

"Gusto mo ng kalahati ng sandwich ko?" tanong ko. |||half||sandwich||question| "Do you want half of my sandwich?" I asked.

Maingat kong hinati ang sandwich ko, at ibinigay ko sa kaniya ang kalahati. carefully||divided|||||gave|||him||half I carefully divided my sandwich and gave half to him.

"Ang ingat mong maghati. |be careful|you|"to share" "Be careful in splitting that."

Mukhang hating kapatid," sabi ni Dina. Looks like|half|sister|said|| "Looks like long lost siblings," said Dina.

"Hindi ha, pareho lang ang laki," sagot ko. |right|same|||size|I said| "No, they're just the same size," I replied.

Hindi yata alam ni Dina ang ibig sabihin ng hating kapatid. |"seems"|know|||||say||half|sibling Dina probably doesn't know the meaning of a half sibling.

Wala nga pala siyang kapatid. |emphasis marker|by the way|| She actually doesn't have any siblings.

Inimbitahan ako ni Dina na minsa'y magpunta sa bahay nila. invited|||||one time|to go|||their Dina invited me to their house once.

"Wala akong kalaro sa amin," sabi niya. "I have no"||playmate|at our|our house|| "I have no playmates in our place," she said.

Masaya kaming naglaro ng piko sa kanila. happy|we|played||hopscotch||them We had fun playing hopscotch at their place.

Pagdating ng tatay niya, may dala siyang mamon para kay Dina. arrival|||||brought||sponge cake|for|for| When her father arrived, he brought something for Dina.

"Sori, hindi ko alam na may bisita ka, anak. Sorry|||know|||visitor||child "Sorry, I didn't know you had a visitor, son.

Hati na lang kayo sa pasalubong ko," sabi ng tatay niya. Share|||||gift from trip||||| "Just split my pasalubong between yourselves," her father said.

"Ikaw na ang maghati. Hating kapatid," sabi ni Dina. |||divide|dividing|||| "You split it. Sibling split," Dina said.

Mukhang alam na niya kung ano'ng ibig sabihin! Looks like|knows|already|||what|mean|to say Looks like she already knows what it means!

Pero paano kaya ang hating kapatid sa aming dalawa? |"how"|"can it be"||half|||our| But I wonder how my younger sibling feels about the two of us?

Pareho lang ang edad namin, pareho ang tangkad (mataba lang siya nang kaunti). same|||age|our|same||height|a bit fat|||by|a little We are the same age, same height (she's just a bit chubby).

"Ayokong gawing hating kapatid," sabi ko. I don't want|make|half||| "I don't want to treat her as a younger sibling," I said.

"Magkaibigan tayo. We are friends|we are "We're friends.

Gawin na lang nating hating kaibigan." Napatawa si Dina. Let's make|||our|half||laughed|| Let's just be friends." Dina laughed.

"Hating kaibigan? Ano 'yon? Hating friend|||that "Half friend? What is that?

Ganito na lang, hatiin mo 'yung mamon tapos pipiliin ko ang pirasong kukunin ko." Like this|||split|||sponge cake|"then"|"will choose"|||piece|"I will take"| It's like this, divide the mammon and then I'll choose the piece I'll take."

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahati ang mamon sa dalawa. Trembling|||hands||while|cutting||sponge cake|| My hands were shaking as I split the mammon in two.

Tiningnan ni Dina ang dalawang piraso. Looked at|||||pieces Dina looked at the two pieces.

"Mukhang pareho lang ang laki. |same|||size "It just looks the same size.

Pareho lang pala ang hating kapatid at hating kaibigan," sabi niya. same||"it turns out"||half|||half||| Half brothers and half friends are the same," he said.

Dumating naman ang nanay ni Dina. arrived|also|||| Dina's mother came.

"Nagmeryenda na ba kayo?" tanong nito habang inilalabas ang pasalubong naman niya—sapin-sapin! Had a snack||||question|he|while|bringing out||gift from travel|as for||layered rice cake|layered dessert "Have you had your snack yet?" he asked while taking out his pasalubong—layer by layer!

Kailangan ko nang umuwi, pero binigyan niya ako ng isang maliit na bilao ng sapin-sapin. I need||already|go home||gave|||||small||woven tray||layered dessert| I had to go home, but he gave me a little bit of layering.

Wala pa si Tatay pagdating ko sa bahay. Not yet|not yet|||arrival||| Dad wasn't there when I got home.

Nagluluto naman si Nanay. cooking|also|| Mom is cooking.

Mukhang gutom na si Kuya dahil nakabantay na siya sa mesa. seems|hungry|||||watching over||||table Kuya looks hungry because he is already watching the table.

Inilagay ko sa gitna ang bigay sa aking sapin-sapin. Placed|||middle||gift|||layered dessert| I put the gift in the middle of my layers.

"Hati tayo," sabi ko. let's share||| "Let's split," I said.

Kumuha ako ng kutsilyo at hinati ko sa dalawa. I took|||knife||cut||| I took a knife and cut it in two.

Tapos hinati ko ulit sa gitna. Then|split||again||middle Then I divided it in the middle again.

"Ito, Kuya." Binigyan ko siya ng isang piraso. ||I gave|||||piece "This, Big Brother." I gave him a piece.

"Sabi ng kaibigan kong si Dina, ganito ang hating kapatid." ||||||this is||half|sister "My friend Dina said, this is how half siblings are."

Bumilog ang mata ni Kuya, at pagkatapos ay parang namula ang kaniyang mukha. Eyes widened||eyes||||after that||seemed like|turned red||his|face Kuya's eyes widened, and then his face seemed to turn red.

"Tama ang sabi ng kaibigan mo, ganiyan nga ang hating kapatid," imik niya. Lumiit ang boses niya. Correct||||||"like that"|indeed||half|sibling|"remarked"||"Softened"||voice got softer| "Your friend is right, half brothers are like that," he said. His voice dropped.

Pakiramdam ko, ako ang mas malaki at nakatatanda. I feel|||||bigger||older person I feel like I'm the bigger and older one.

"Pero ngayon, siguro dapat hating pamilya tayo," sabi ko. "But"||maybe|should|half|||| "But now, maybe we should split up as a family," I said.

Itinabi ko ang isang piraso. "Para kay Nanay 'to." Set aside||||piece||for|| I put a piece aside. "It's for Mom."

"At ang isang piraso naman ay para kay Tatay," dagdag ni Kuya. |||piece|on the other hand|||to||add|| "And one piece is for Dad," added Kuya.

Tuwang-tuwa ako dahil natikman naming lahat ang uwi kong sapin-sapin. joyful|very happy|||tasted|we|everyone||home||layered dessert| I was very happy because we all tasted my home layer by layer.

Napasaya ko ang buo kong pamilya. Made happy|||whole|| I made my whole family happy.