×

Nous utilisons des cookies pour rendre LingQ meilleur. En visitant le site vous acceptez nos Politique des cookies.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), MOMMY IS SUPERWOMAN | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

MOMMY IS SUPERWOMAN | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Superwoman si Inay

Kuwento ni Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Ghani Madueno

"Magaling yata si Inay!"

lyan ang lagi kong ibinibida sa aking mga kalaro.

Lagi akong kasa-kasama ni Inay tuwing hapon.

Naglalakad siya sa buong baryo habang kipkip niya ako sa isang braso.

Isang malaking bayong naman ang bitbit niya sa isang kamay.

Kilala si Inay ng mga taga-sa amin.

"Doris!" laging tawag sa kanya ng mga suki niya.

Kilala ang Inay ko dahil marunong siyang mag-manicure at pedicure.

Pero hindi lang naman doon siya kilala—

dahil sa malaking bayong na dala-dala niya, sarisaring damit

at minsan naman ay mga sapatos ang naroon para itinda niya.

Pahulugan kung magtinda si Inay kaya lagi siyang may dalang makapal na notebook

at doon inililista ang mga napagbilhan niya.

Kaya laging maraming pera si Inay dahil hindi siya napapagod sa pagtitinda.

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Pero hindi iyon ang ipinagtataka ko kay Inay.

Tuwing may kailangan kami ng aking kapatid, kapag tinatawag namin siya,

bakit kayang-kaya niyang ibigay ang aming mga hinihingi?

Katulad na lang nang minsang mag-brownout ang buong bayan ng San Gabriel.

Napakadilim at wala pa si Itay.

Takot na takot kami at sumisigaw kami ng "Ilaw!

Ilaw!"

Mayamaya, hindi namin namalayan, may dala na siyang kandila!

Saan niya nakuha iyon?

Samantalang saglit lang nawala si Inay.

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Noong nagkasakit ako, nakatulog ako sa sobrang taas ng aking lagnat.

Parang rapido na itinakbo ako ni Inay sa ospital.

Ang dinig ko na sinabi ng doktor, mabuti na lang daw, nadala kaagad ako sa ospital

at naagapan, kung hindi'y baka may masamang nangyari sa akin.

Ay, superwoman yata si Inay!

Lumilipad din kaya siya?

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Minsan naman, nangailangan si Ate Jenny ng kabibe para sa isang project niya sa paaralan.

Umiiyak na ang kapatid ko dahil

baka raw mapagalitan siya ng teacher niya kapag wala siyang makitang kabibe.

Paano makakahanap ng kabibe ang ate ko, wala namang dagat sa amin?

Dagling kinuha ni Inay ang kanyang payong at lumabas ng bahay.

Maghahanap daw siya ng kabibe.

May pakpak nga ba siya at nakalilipad para makarating sa dagat?

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Napansin ko, kahit ano ang project ng kapatid ko,

kapag hindi siya makakita ng mga kailangan niyang gamit,

si Inay palagi ang nakahahanap.

Kagaya ng balat ng itlog, ng mga larawan ng mga hayop, prutas, at kung anu-ano pa na

ipinahahanap ng kanyang teacher para daw sa mga album.

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Hindi lang iyon.

Paggising pa lang ni may sa umaga,

magluluto na siya ng almusal para sa amin,

magpapakain ng mga manok at bibe sa bakuran,

magsisiga ng mga basura at mga tuyong dahon sa likod-bahay...

Maglalaba si Inay, mamamalantsa, maglilinis ng bahay...

Magluluto si Inay ng pananghalian at hapunan, magma-manicure, magpe-pedicure,

at magtitinda pa ng mga damit at sapatos.

Parang hindi napapagod si Inay.

Ang galing-galing talaga ni inay!

Minsan ay nasira ang ipinapasadang jeep ni Itay.

"Doris, kukulangin tayo ng pera.

Baka walang baon si Jenny nang isang linggo

at wala tayong ipambayad sa kuryente

dahil nasira at nasa talyer ang jeep," sabi ni Itay.

"Ako'ng bahala," sagot ni Inay.

Nakita kong namitas ng mga saging at gulay si Inay

sa likod-bahay at isinakay ang mga iyon sa tricycle kasama ang napakatabang baboy namin.

Aba! Tama nga si Inay.

Nakabayad kami ng kuryente

at may baon na si Ate para sa buong linggo!

Ang dinig ko'y ipinagbili ni Inay sa bayan ang mga isinakay niya sa tricycle.

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Pero bakit ganoon?

Isang araw, biglang tumamlay ang aking inay.

Hindi raw siya makabangon.

Hindi siya pinagtrabaho ng aking Itay.

Si Itay ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at ang inay ko naman ay palaging nakahiga.

May sakit ba ang inay ko?

"Wala akong sakit, anak," sagot niya sa akin.

"Malapit ka nang masundan..."

Masundan?

Malapit na raw akong magkaroon ng isa pang kapatid.

Nagdaan ang ilang araw, unti-unting lumalaki ang tiyan ni Inay.

Namangha ako sa sinabi sa akin ni Inay.

"Narito sa loob ng tiyan ko ang bunsong kapatid mo.

Ano mang oras ay lalabas na siya sa akin."

Ang aking kapatid?

Nasa loob ng tiyan ni Inay?

At lumalaki raw sa loob ng kanyang tiyan ang aking kapatid?

At lalabas daw siya roon balang-araw.

Kaya lalaki nang lalaki rin ang tiyan ng aking inay.

Ang sabi niya, ganoon din daw kami ni Ate, galing kami sa kanyang tiyan!

Ang galing-galing talaga ni Inay!

Dumating ang araw nang isilang ni Inay si bunso.

"Gabriel!" "Gabriel" ang sabi kong

ipapangalan sa kanya, isinunod ko sa pangalan ng patron namin.

Hinaplos ko ang mukha ni Gabriel.

Ang cute-cute ng mga mata niya, napakabango niya at ang pula ng mga labi niya.

Ang kinis-kinis ng kanyang balat at napakatangos ng kanyang ilong.

Lagi niya akong nginingitian.

Nagmana raw siya sa akin, sabi ni Inay.

Gaya ko raw at ni Ate ay isa rin itong anghel.

Ang galing-galing talaga ni lnay!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

MOMMY IS SUPERWOMAN | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES MAMA IST SUPERFRAU | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN MOMMY IS SUPERWOMAN | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES MAMA IS SUPERVROUW | KINDERBOEK IN TAGALOG MET ENGELS/TAGALOG ONDERTITELS

Superwoman si Inay Mommy is Superwoman

Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Story by Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Ghani Madueno Illustrations by Ghani Madueno

"Magaling yata si Inay!" "My mommy is awesome!"

lyan ang lagi kong ibinibida sa aking mga kalaro. That's what I always tell my playmates.

Lagi akong kasa-kasama ni Inay tuwing hapon. Mommy always takes me along with her every afternoon.

Naglalakad siya sa buong baryo habang kipkip niya ako sa isang braso. She walks all around town while carrying me under one arm.

Isang malaking bayong naman ang bitbit niya sa isang kamay. And in one hand she carries a big bayong*.

Kilala si Inay ng mga taga-sa amin. Mommy is well known to the people in our town.

"Doris!" laging tawag sa kanya ng mga suki niya. "Doris!" her customers always call out to her.

Kilala ang Inay ko dahil marunong siyang mag-manicure at pedicure. My mother is well known because she does manicures and pedicures.

Pero hindi lang naman doon siya kilala— But those aren't the only things she's known for because

dahil sa malaking bayong na dala-dala niya, sarisaring damit inside the big bayong she carries are various clothes,

at minsan naman ay mga sapatos ang naroon para itinda niya. and sometimes shoes, which she offers for sale.

Pahulugan kung magtinda si Inay kaya lagi siyang may dalang makapal na notebook Mommy sells on installment, so she always brings a thick notebook and

at doon inililista ang mga napagbilhan niya. makes a list of people she has sold her wares to.

Kaya laging maraming pera si Inay dahil hindi siya napapagod sa pagtitinda. Mommy always has a lot of money because she never grows tired of selling.

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Pero hindi iyon ang ipinagtataka ko kay Inay. But that's not what puzzles me about Mommy.

Tuwing may kailangan kami ng aking kapatid, kapag tinatawag namin siya, Every time my sister and I need something, when we call out to her,

bakit kayang-kaya niyang ibigay ang aming mga hinihingi? how is she able to give us so easily what we need?

Katulad na lang nang minsang mag-brownout ang buong bayan ng San Gabriel. Just like that time when the entire town of San Gabriel was caught in a brownout.

Napakadilim at wala pa si Itay. It was terribly dark and Daddy wasn't home yet.

Takot na takot kami at sumisigaw kami ng "Ilaw! We were terrified, and we were screaming "Light!

Ilaw!" We need light!"

Mayamaya, hindi namin namalayan, may dala na siyang kandila! An instant later, without us noticing, she brought in a candle!

Saan niya nakuha iyon? Where did she get it?

Samantalang saglit lang nawala si Inay. She was only gone for a moment.

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Noong nagkasakit ako, nakatulog ako sa sobrang taas ng aking lagnat. When I got sick, I fell asleep because of my high fever.

Parang rapido na itinakbo ako ni Inay sa ospital. Mommy rushed me to the hospital as fast as gunfire.

Ang dinig ko na sinabi ng doktor, mabuti na lang daw, nadala kaagad ako sa ospital I heard the doctor say that it was a good thing I was brought to the hospital

at naagapan, kung hindi'y baka may masamang nangyari sa akin. right away, or something bad would have happened to me.

Ay, superwoman yata si Inay! Ay, I think Mommy is a superwoman!

Lumilipad din kaya siya? I wonder if she can fly, too?

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Minsan naman, nangailangan si Ate Jenny ng kabibe para sa isang project niya sa paaralan. One time, Ate* Jenny needed a seashell for a school project.

Umiiyak na ang kapatid ko dahil My sister was already in tears because her teacher

baka raw mapagalitan siya ng teacher niya kapag wala siyang makitang kabibe. might give her a scolding if she couldn't find a seashell.

Paano makakahanap ng kabibe ang ate ko, wala namang dagat sa amin? How can my ate find a seashell, when we're nowhere near the sea?

Dagling kinuha ni Inay ang kanyang payong at lumabas ng bahay. Mommy quickly got her umbrella and stepped out of the house.

Maghahanap daw siya ng kabibe. She said she was going to look for a seashell.

May pakpak nga ba siya at nakalilipad para makarating sa dagat? Can it be that she has wings so she can fly to the sea?

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Napansin ko, kahit ano ang project ng kapatid ko, I've noticed that whatever my sister's project might be,

kapag hindi siya makakita ng mga kailangan niyang gamit, if she can't find the materials that she needs,

si Inay palagi ang nakahahanap. it's always Mommy who is able to find them.

Kagaya ng balat ng itlog, ng mga larawan ng mga hayop, prutas, at kung anu-ano pa na Like eggshells, pictures of animals, fruits, and all sorts of things her

ipinahahanap ng kanyang teacher para daw sa mga album. teacher asks them to find for their albums.

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Hindi lang iyon. That's not all.

Paggising pa lang ni may sa umaga, As soon as Mommy gets up in the morning,

magluluto na siya ng almusal para sa amin, she'll make breakfast for us,

magpapakain ng mga manok at bibe sa bakuran, feed the chickens and the ducks in the yard,

magsisiga ng mga basura at mga tuyong dahon sa likod-bahay... burn the garbage and the dry leaves in the backyard...

Maglalaba si Inay, mamamalantsa, maglilinis ng bahay... Mommy will do the laundry, do the ironing, clean the house...

Magluluto si Inay ng pananghalian at hapunan, magma-manicure, magpe-pedicure, Mommy will cook lunch and dinner, give manicures and pedicures,

at magtitinda pa ng mga damit at sapatos. and sell clothes and shoes after that.

Parang hindi napapagod si Inay. Mommy doesn't seem to get tired.

Ang galing-galing talaga ni inay! Mommy's really awesome!

Minsan ay nasira ang ipinapasadang jeep ni Itay. One time, Daddy's passenger jeep broke down.

"Doris, kukulangin tayo ng pera. "Doris, we're going to be short on cash.

Baka walang baon si Jenny nang isang linggo Jenny might not get her allowance for a week,

at wala tayong ipambayad sa kuryente and we won't have money to pay for the electricity

dahil nasira at nasa talyer ang jeep," sabi ni Itay. because the jeep broke down and is at the shop," Daddy said.

"Ako'ng bahala," sagot ni Inay. "Leave it to me," Mommy answered.

Nakita kong namitas ng mga saging at gulay si Inay I saw Mommy pick bananas and vegetables from the

sa likod-bahay at isinakay ang mga iyon sa tricycle kasama ang napakatabang baboy namin. backyard and load them into a tricycle, along with our very fat pig.

Aba! Tama nga si Inay. Ha! Mommy was right.

Nakabayad kami ng kuryente We were able to pay for the electricity,

at may baon na si Ate para sa buong linggo! and Ate got her allowance for the whole week!

Ang dinig ko'y ipinagbili ni Inay sa bayan ang mga isinakay niya sa tricycle. I heard that Mommy went to town and sold the goods she had loaded into the tricycle.

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's so awesome!

Pero bakit ganoon? But how did this happen?

Isang araw, biglang tumamlay ang aking inay. My mother suddenly felt weak one day.

Hindi raw siya makabangon. She said she couldn't get out of bed.

Hindi siya pinagtrabaho ng aking Itay. My father didn't let her work.

Si Itay ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at ang inay ko naman ay palaging nakahiga. Daddy did the household chores while my mother always stayed in bed.

May sakit ba ang inay ko? Was my mother sick?

"Wala akong sakit, anak," sagot niya sa akin. "I'm not sick, child," she said to me.

"Malapit ka nang masundan..." "A new baby is on the way..."

Masundan? A new baby?

Malapit na raw akong magkaroon ng isa pang kapatid. I was about to have another sibling!

Nagdaan ang ilang araw, unti-unting lumalaki ang tiyan ni Inay. A few days went by; little by little, Mommy's stomach got bigger.

Namangha ako sa sinabi sa akin ni Inay. I was amazed by what Mommy said to me.

"Narito sa loob ng tiyan ko ang bunsong kapatid mo. "Your younger sibling is here inside my belly.

Ano mang oras ay lalabas na siya sa akin." Anytime soon it's going to come out."

Ang aking kapatid? My sibling?

Nasa loob ng tiyan ni Inay? Inside Mommy's belly?

At lumalaki raw sa loob ng kanyang tiyan ang aking kapatid? My sibling is growing inside her belly?

At lalabas daw siya roon balang-araw. And it's going to come out of it someday soon.

Kaya lalaki nang lalaki rin ang tiyan ng aking inay. So my mother's stomach is going to get bigger and bigger, too.

Ang sabi niya, ganoon din daw kami ni Ate, galing kami sa kanyang tiyan! She says it was the same with me and Ate, we came from her belly, too!

Ang galing-galing talaga ni Inay! Mommy's really awesome!

Dumating ang araw nang isilang ni Inay si bunso. The day finally came when Mommy gave birth to our youngest.

"Gabriel!" "Gabriel" ang sabi kong "Gabriel, Gabriel!" I said

ipapangalan sa kanya, isinunod ko sa pangalan ng patron namin. he should be named "Gabriel," after our patron saint.

Hinaplos ko ang mukha ni Gabriel. I gently stroked Gabriel's face.

Ang cute-cute ng mga mata niya, napakabango niya at ang pula ng mga labi niya. His eyes are really cute, he smells really nice and he has such red lips.

Ang kinis-kinis ng kanyang balat at napakatangos ng kanyang ilong. His skin is so smooth and he has such a high-bridged nose.

Lagi niya akong nginingitian. He always smiles at me.

Nagmana raw siya sa akin, sabi ni Inay. Mommy says he takes after me.

Gaya ko raw at ni Ate ay isa rin itong anghel. She says he's an angel, just like me and Ate.

Ang galing-galing talaga ni lnay! Mommy's really awesome!