×

Utilizziamo i cookies per contribuire a migliorare LingQ. Visitando il sito, acconsenti alla nostra politica dei cookie.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK ABOUT BULLYING: APOLAKUS! WITH TAGALOG SUBTITLES)

FILIPINO BOOK ABOUT BULLYING: APOLAKUS! WITH TAGALOG SUBTITLES)

Apolakus!

Kuwento ni Alice Mallari

Guhit ni Leo Agtuca

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Isang Lunes ng umaga, hindi mahanap-hanap ang batang si Dadoy.

Sa halip, may isang batang sumulpot at nagpakilala.

"Isa po akong madyikero!"

Sa isip-isip ng mama ni Dadoy na si Aling Amanda:

Hmmm, baka namamalikmata lang ako.

Sangkaterba ang mga gamit ng batang madyikero.

May patpat, bato, lata, bolang walang hangin, kapa, at kung anu-ano pa.

Mga pampalakas daw ito sa magic power niya.

Isa lang ang pakay ng batang madyikero:

sugpuin ang mga kalaban.

Bitin ang baon ko!" angal ni Jay-Jay, na umaalog ang tatlong baba.

"Gusto ko ng inumin!" sigaw ni Yuki,

na parang bagong usbong na palay ang tusok-tusok na buhok.

Magsisimula na ang engkuwentro.

Sa isang kumpas ng mahiwagang patpat

at isang tumataginting na "Gimokus apolakus!"

pagugulungin niya ang ga-higanteng bola patungo sa mga kalaban.

Napahagikgik siya,

dahil sa tagdan ng bandila ang bagsak ng dalawa.

Pero kulang pa 'yon.

Magpupulupot siya ng matabang lubid sa mga ito at papaikutin sila na parang turumpo!

Sa hilo, magkakandarapa sila sa paghabol sa kaniya!

"Sa wakas, hindi na nila ako malalapitan," bulong niya.

Maya-maya'y nagsalpukan ang mga tingin ng tatlo.

Simbilis ng kidlat na sinunggaban ng dalawa ang kaniyang baunan.

Gusto man niyang sumigaw, tumiklop ang kaniyang mga labi.

Hindi na gagana ang magic power ko!

Hiyaw niya sa sarili.

"Astig ang baon mo, a. Bukas ulit, ha,"

tuya ni Yuki sabay pitik sa nanlalamig niyang tainga.

Ni dulo ng kaniyang hintuturo ay hindi niya maikilos.

Nilulusaw na ng mga kalaban ang kaniyang mga mahiwagang patpat at kapa.

Tatlong araw na ang nakalipas, hindi pa rin nakababalik si Dadoy.

Samantala, panay ang ensayo ng batang madyikero sa harap ng salamin.

"Abrakadabrus apolakus!"

Kinumpas-kumpas niya ang kaniyang mga kamay sa hangin.

Biglang umentra si Aling Amanda.

"Nasaan na naman ang baunan mo?"

"E ... " Napangatngat ng kuko ang batang madyikero.

"May naligaw na dalawang gutom na unggoy kahapon sa eskuwelahan.

Inagaw po nila ang baunan ko."

Kinabukasan, pumasok ang batang madyikero na handa para sa panibagong labanan.

Sa isang dakot ng mahiwagang pulbos, at isang dumadagundong na

"Tendegus apolakus!"

mapapalitan ng atungal ang mga pagtawa nila.

Hindi na sila makakapag-ha-ha-ha-ha,

kundi puro hu-hu-hu-hu na lang!

Hindi lang 'yon.

Tutubo sa tiyan nila ang mga binhing isiningit niya sa baon niyang tinapay

at magluluwa sila ng umuusbong na mga sanga.

Napapalakpak siya sa tuwa.

"Hindi na nila ako makakayang tuksuhin at pagtawanan."

Pero winasak ni Yuki ang eksenang iyon.

"Si payatot, o!" bati sa kaniya ni Yuki.

Umusok ang ilong ni Dadoy.

"Hoy, kalansay! Ano'ng baon mo ngayon?"

Oras na, sabi niya sa sarili.

"Ano 'yan?" tatawa-tawang bulalas ni Jay-Jay. "Pulbos?"

Ipinaligo nito ang mahiwagang pulbos sa batang madyikero.

''Ayos, mukhang espasol."

Hindi niya mapigilang umiyak nang dumagsa na ang mga batang naghahalakhakan.

Nang Biyernes ng umaga, halos mamaos si Aling Amanda sa katatawag sa anak.

"Dadoy, tanghali na!"

Pero bakit kaya walang sumasagot?

Hindi pa rin ba nakababalik si Dadoy?

"O, bakit hindi ka pa bumabangon?"

"May sakit po ako," sagot ni Dadoy habang namamaluktot sa kama.

Hinipo ni Aling Amanda ang noo, leeg, at pisngi ni Dadoy.

Kabisado niya ang anak, alam niyang nagdadahilan lang ito.

"Hindi ka puwedeng mag-absent.

Malapit na ang test ninyo.

Bakit hindi ka gumamit ng magic power para gumaling ka na?"

"Wala na po akong magic power," mahinang sagot ni Dadoy,

"Mas magagaling ang mga kalaban ko.

May kapangyarihan po silang mang-agaw ng baon at manukso nang hindi napapagod."

Tumahimik ang dalawa.

Tama nga ang kutob ni Aling Amanda kung bakit may kakaiba kay Dadoy nitong mga nakaraang araw.

"Alam mo, Dadoy, hindi mo kailangan ng magic power kapag may kumakalaban sa iyo,"

malambing na sabi ni Aling Amanda, habang hinahagod ang likod ng anak.

"May alam akong mabisang paraan para masolusyonan 'yan."

Nang umagang iyon, inihatid ng kaniyang mama si Dadoy sa eskuwelahan.

Kinausap ni Aling Amanda ang guro ni Dadoy tungkol sa mga batang gumugulo sa kaniyang anak.

Nangako ang guro na ipaaalam niya iyon sa kanilang guidance counselor.

Nang oras na ng recess, nilusob ni Dadoy ang silid-aralan nina Jay-Jay at Yuki.

"Pandagdag ninyo ito sa baon ninyo.

Kami ng Mama ko ang naghanda niyan," ngiti ni Dadoy.

Sumabad ang guro ng dalawa. "Ang bait naman ng kaibigan ninyo.

O, Jay-Jay at Yuki, ano'ng dapat ninyong sabihin?"

Namula ang mukha nina Jay-Jay a t Yuki sa hiya.

Napatingin sa kanilang mga sapatos at napilitang magduweto. "Sa....salamat."

Salamat ang sagot ng dalawa nang kinumbida sila sa kaarawan ni Dadoy.

Salamat din ang sagot nila nang nakatanggap sila ng tig-isang kuting.

Parang nagkaroon ng magic power ang salitang iyon.

Dahil unti-unti nang nanumbalik sa dati si Dadoy.

At naging magkakalaro pa ang tatlo.

Ayon naman kay Aling Amanda, hindi na raw ulit nagpakita ang batang madyikero.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK ABOUT BULLYING: APOLAKUS! WITH TAGALOG SUBTITLES) |||Mobbing|Apolakus||| Filipino||||||| Philippinisches Buch über Mobbing: APOLOKUS! MIT TAGALOG-UNTERTITELN) FILIPINO BOOK ABOUT BULLYING: APOLOKUS! WITH TAGALOG SUBTITLES) いじめに関するフィリピンの本: Apolokus!タガログ語字幕付き) FILIPINO BOEK OVER PESTEN: APOLKUS! MET TAGALOG ONDERTITELS)

Apolakus! Apocalypse!

Kuwento ni Alice Mallari ||Alice| Story by Alice Mallari Verhaal van Alice Mallari

Guhit ni Leo Agtuca |||Agtuca Drawing by Leo Agtuca Tekening door Leo Agtuca

Inilathala ng Adarna House Veröffentlicht von Adarna House||| Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC) (MUZIEK)

Isang Lunes ng umaga, hindi mahanap-hanap ang batang si Dadoy. Ein|Montag|||||||||Dadoy An einem Montagmorgen konnte der Junge Dadoy nicht gefunden werden. One Monday morning, the boy Dadoy could not be found. Op een maandagochtend kon de jongen Dadoy niet worden gevonden.

Sa halip, may isang batang sumulpot at nagpakilala. |||||auftauchte||stellte sich vor Stattdessen erschien ein Junge und stellte sich vor. Instead, a boy appeared and introduced himself. In plaats daarvan verscheen er een jongen die zichzelf voorstelde.

"Isa po akong madyikero!" Eins|||Ich bin Zauberer! „Ich bin ein Zauberer!“ "I'm a magician!" "Ik ben een goochelaar!"

Sa isip-isip ng mama ni Dadoy na si Aling Amanda: ||||||||||In Gedanken von In den Gedanken von Dadoys Mutter Aling Amanda: In the thoughts of Dadoy's mother, Aling Amanda: In de gedachten van Dadoy's moeder, Aling Amanda:

Hmmm, baka namamalikmata lang ako. |Vielleicht|Hmmm, vielleicht Halluzinationen.|Hmm, vielleicht täusche ich mich.|ich Hmmm, vielleicht übersehe ich einfach etwas. Hmmm, maybe I'm just missing something. Hmmm, misschien mis ik gewoon iets.

Sangkaterba ang mga gamit ng batang madyikero. Unzählige||die|Utensilien||| Die Werkzeuge des jungen Zauberers sind durcheinander. The boy magician's tools are in disarray. Het gereedschap van de jonge goochelaar is in de war.

May patpat, bato, lata, bolang walang hangin, kapa, at kung anu-ano pa. ||Stein|||||Umhang||||| Es gibt Stöcke, Steine, Dosen, Bälle ohne Luft, Umhänge und alles andere. There are sticks, rocks, cans, balls without air, capes, and anything else. Er zijn stokken, stenen, blikken, ballen zonder lucht, capes en al het andere.

Mga pampalakas daw ito sa magic power niya. |Kraftverstärker||||Magie|| Sie sollen seine magische Kraft verstärken. It is said that these are reinforcements for his magic power. Er wordt gezegd dat dit versterkingen zijn voor zijn magische kracht.

Isa lang ang pakay ng batang madyikero: |||Ziel||Kind|junger Zauberer Der junge Zauberer hat nur ein Ziel: The young magician has only one goal: De jonge goochelaar heeft maar één doel:

sugpuin ang mga kalaban. die Feinde besiegen||| unterdrücke die Feinde. suppress the enemies. onderdruk de vijanden.

Bitin ang baon ko!" angal ni Jay-Jay, na umaalog ang tatlong baba. ||||||Jay-Jay|||wackelt||drei|Doppelkinn „Häng meine Tasche auf!“, schrie Jay-Jay mit zitternden drei Kinnen. Hang my pocket!" Jay-Jay yelled, his three chins shaking. Hang mijn zak op!" riep Jay-Jay, zijn drie kinnen trilden.

"Gusto ko ng inumin!" sigaw ni Yuki, ||||||„Ich will trinken!“, rief Yuki. "Ich will ein Getränk!" schrie Yuki, "I want a drink!" shouted Yuki, "Ik wil een drink!" riep Yuki,

na parang bagong usbong na palay ang tusok-tusok na buhok. |||neue Triebe||junger Reis||stachelig|||Haar wie frisch gekeimter Reis mit stacheligen Haaren. like newly sprouted rice with spiky hair. als pas gekiemde rijst met stekelig haar.

Magsisimula na ang engkuwentro. |||Die Auseinandersetzung beginnt. Die Begegnung wird beginnen. The encounter will begin. De ontmoeting gaat beginnen.

Sa isang kumpas ng mahiwagang patpat Mit einer Welle des Zauberstabs With a wave of the magic wand Met een zwaai van de toverstaf

at isang tumataginting na "Gimokus apolakus!" ||klingender||Gimokus apolakus| und ein lautes „Gimokus apolakus!“ and a resounding "Gimokus apolakus!" en een volmondig "Gimokus apolakus!"

pagugulungin niya ang ga-higanteng bola patungo sa mga kalaban. rollen|||riesige||Kugel||||Gegner Er wird den riesigen Ball auf die Gegner zurollen. he will roll the giant ball towards the opponents.

Napahagikgik siya, Er kicherte.| Er kicherte, He giggled, Hij giechelde,

dahil sa tagdan ng bandila ang bagsak ng dalawa. ||||||Sturz|| An der Fahne scheiterten die beiden. because of the flag the two failed. vanwege de vlag faalden de twee.

Pero kulang pa 'yon. Aber das ist immer noch nicht genug. But that's still not enough.

Magpupulupot siya ng matabang lubid sa mga ito at papaikutin sila na parang turumpo! Er wird wickeln|||dick||||||drehen||||Kreisel Er wird ein dickes Seil um sie wickeln und sie wie eine Trommel drehen lassen! He will wrap a fat rope around them and make them spin like a drum!

Sa hilo, magkakandarapa sila sa paghabol sa kaniya! |im Taumel|durcheinander rennen|||im Hinterherjagen|| Im Faden werden sie ihm nachjagen! In the thread, they will stumble in pursuit of him!

"Sa wakas, hindi na nila ako malalapitan," bulong niya. ||||||"erreichen"|| „Endlich dürfen sie nicht in meine Nähe kommen“, flüsterte er. "Finally, they can't get near me," he whispered.

Maya-maya'y nagsalpukan ang mga tingin ng tatlo. |Bald|kreuzten sich|||Blicke|| Bald trafen die Augen der drei aufeinander. Soon the three's eyes collided.

Simbilis ng kidlat na sinunggaban ng dalawa ang kaniyang baunan. Blitzschnell||||gepackt||||| Blitzschnell schnappten sich die beiden seine Tasche. As fast as lightning, the two grabbed his bag.

Gusto man niyang sumigaw, tumiklop ang kaniyang mga labi. ||||zusammenpressen|||| Obwohl er schreien wollte, verzogen sich seine Lippen. Even though he wanted to scream, his lips curled up.

Hindi na gagana ang magic power ko! ||funktionieren|||| Meine Zauberkraft funktioniert nicht mehr! My magic power won't work anymore!

Hiyaw niya sa sarili. Er schrie vor sich hin. He shouted to himself.

"Astig ang baon mo, a. Bukas ulit, ha," "Cool"||||||| „Deine Tasche ist cool, a. Wieder aufmachen, hm.“ "Your pocket is cool, a. Open again, huh,"

tuya ni Yuki sabay pitik sa nanlalamig niyang tainga. Lachen||||schnippen||kalt werdend||Ohr Yuki höhnte und drehte sein kaltes Ohr. Yuki taunted, flipping his cold ear.

Ni dulo ng kaniyang hintuturo ay hindi niya maikilos. ||||Zeigefinger||||bewegen kann Er konnte nicht einmal die Spitze seines Zeigefingers bewegen. He could not even move the tip of his index finger.

Nilulusaw na ng mga kalaban ang kaniyang mga mahiwagang patpat at kapa. schmelzen||||||||||| Feinde lösen seine magischen Stöcke und Umhänge auf. Enemies are dissolving his magical sticks and capes.

Tatlong araw na ang nakalipas, hindi pa rin nakababalik si Dadoy. ||||vergangen||||zurückgekehrt|| Vor drei Tagen ist Dadoy immer noch nicht zurückgekehrt. Three days ago, Dadoy still hasn't returned.

Samantala, panay ang ensayo ng batang madyikero sa harap ng salamin. |||Übung|||||vor dem Spiegel||Spiegel Währenddessen probte der junge Zauberer ständig vor dem Spiegel. Meanwhile, the young magician was constantly rehearsing in front of the mirror.

"Abrakadabrus apolakus!" Abrakadabrus apolakus!| "Abrakadabrus apolakus!"

Kinumpas-kumpas niya ang kaniyang mga kamay sa hangin. Er schwenkte|||||||| Er wedelte mit den Händen in der Luft. He waved his hands in the air.

Biglang umentra si Aling Amanda. |plötzlich eingetreten||| Plötzlich kam Aling Amanda herein. Aling Amanda suddenly entered.

"Nasaan na naman ang baunan mo?" „Wo ist nochmal deine Tasche?“ "Where's your bag again?"

"E ... " Napangatngat ng kuko ang batang madyikero. |"knabberte"||||| „E…“ Der junge Zauberer biss sich in die Nägel. "E ... " The young magician bit his nails.

"May naligaw na dalawang gutom na unggoy kahapon sa eskuwelahan. |verirrt|||||||| „Zwei hungrige Affen haben sich gestern in der Schule verirrt. "Two hungry monkeys got lost at school yesterday.

Inagaw po nila ang baunan ko." Sie haben meine Tasche gestohlen. They stole my bag."

Kinabukasan, pumasok ang batang madyikero na handa para sa panibagong labanan. The next day, the young magician entered ready for another battle.

Sa isang dakot ng mahiwagang pulbos, at isang dumadagundong na Mit einer Handvoll magischem Pulver und einem donnernden With a handful of magical powder, and a rumbling already

"Tendegus apolakus!" "Tendegus apolakus!" "Tendegus apolakus!"

mapapalitan ng atungal ang mga pagtawa nila. durch ersetzt werden||Gebrüll|||Lachen| werden ihre Lachen durch ein lautes Schreien ersetzt. their laughter will be replaced by roars.

Hindi na sila makakapag-ha-ha-ha-ha, |||nicht mehr können||||lachen Sie werden nicht mehr lachen können, They can't ha-ha-ha-ha,

kundi puro hu-hu-hu-hu na lang! |||||weinen|| sondern nur noch weinen! but just hu-hu-hu-hu!

Hindi lang 'yon. Das ist nicht alles. That's not all.

Tutubo sa tiyan nila ang mga binhing isiningit niya sa baon niyang tinapay ||||||Samenkörner|eingefügt|||||Brot In ihren Bäuchen werden die Samen keimen, die sie in ihr mitgebrachtes Brot gesteckt hat The seeds he put in his bread bag will grow in their stomachs

at magluluwa sila ng umuusbong na mga sanga. |ausstoßen|||aufkeimende||| und sie werden aufkeimende Zweige hervorbringen. and they will put forth sprouting branches.

Napapalakpak siya sa tuwa. Klatscht vor Freude|||Freude Er freut sich und applaudiert. He clapped for joy.

"Hindi na nila ako makakayang tuksuhin at pagtawanan." ||||mich ärgern können|"verspotten"||auslachen "Sie können mich nicht mehr verspotten und auslachen." "They can no longer tease and laugh at me."

Pero winasak ni Yuki ang eksenang iyon. |||||Szene| Aber Yuki zerstörte diese Szene. But Yuki ruined that scene.

"Si payatot, o!" bati sa kaniya ni Yuki. "Schlanker, oh!" begrüßte sie ihn. "Si payatot, oh!" Yuki greeted him.

Umusok ang ilong ni Dadoy. Dadoy's nose swelled.

"Hoy, kalansay! Ano'ng baon mo ngayon?" "Hey, skeleton! What's in your pocket now?"

Oras na, sabi niya sa sarili. Es ist Zeit, sagte er zu sich selbst. It's time, he told himself.

"Ano 'yan?" tatawa-tawang bulalas ni Jay-Jay. "Pulbos?" "Was ist das?" lachte Jay-Jay. "Pulver?" "What is that?" Jay-Jay exclaimed with laughter. "Powder?"

Ipinaligo nito ang mahiwagang pulbos sa batang madyikero. Er tauchte das magische Pulver in das Bad des magischen Kindes. It showered the magical powder on the young magician.

''Ayos, mukhang espasol." ''In Ordnung, sieht aus wie Espasol." "Alright, looks like a spazal."

Hindi niya mapigilang umiyak nang dumagsa na ang mga batang naghahalakhakan. ||||||||||laut lachend Sie konnte nicht aufhören zu weinen, als die Kinder hereinströmten und lachten. He couldn't stop crying when the children started to laugh.

Nang Biyernes ng umaga, halos mamaos si Aling Amanda sa katatawag sa anak. ||||||||||beim Anrufen||Kind Am Freitagmorgen war Frau Amanda fast heiser vom ständigen Rufen nach ihrem Kind. On Friday morning, Aling Amanda almost cried when she called her son.

"Dadoy, tanghali na!" "Dadoy, es ist mittag!" "Dadoy, it's noon!"

Pero bakit kaya walang sumasagot? Aber warum antwortet niemand? But why is no one answering?

Hindi pa rin ba nakababalik si Dadoy? Ist Dadoy immer noch nicht zurück? Is Dadoy still not coming back?

"O, bakit hindi ka pa bumabangon?" "Oh, why haven't you gotten up yet?"

"May sakit po ako," sagot ni Dadoy habang namamaluktot sa kama. ||||||||sich zusammenkrümmend|| "Ich bin krank," antwortete Dadoy, der sich krümmte, während er im Bett lag. "I'm sick," Dadoy answered while curling up on the bed.

Hinipo ni Aling Amanda ang noo, leeg, at pisngi ni Dadoy. Aling Amanda berührte Dadoys Stirn, Hals und Wangen. Aling Amanda touched Dadoy's forehead, neck, and cheek.

Kabisado niya ang anak, alam niyang nagdadahilan lang ito. Er kennt genau|||||||| Sie kannte ihr Kind gut und wusste, dass es nur Ausreden machte. He knew the son, he knew he was just making excuses.

"Hindi ka puwedeng mag-absent. "You can't be absent.

Malapit na ang test ninyo. Eure Prüfung ist bald. Your test is coming soon.

Bakit hindi ka gumamit ng magic power para gumaling ka na?" "Warum benutzt du nicht deine Zauberkräfte, um dich zu heilen?" Why didn't you use magic power to heal yourself?"

"Wala na po akong magic power," mahinang sagot ni Dadoy, "Ich habe keine Zauberkräfte mehr", antwortete Dadoy schwach. "I don't have magic power anymore," Dadoy answered weakly,

"Mas magagaling ang mga kalaban ko. "Meine Gegner sind besser." "My opponents are better.

May kapangyarihan po silang mang-agaw ng baon at manukso nang hindi napapagod." "Sie haben die Macht, Essen zu stehlen und zu verführen, ohne müde zu werden." They have the power to steal money and tease without getting tired."

Tumahimik ang dalawa. "Die beiden schwiegen." The two fell silent.

Tama nga ang kutob ni Aling Amanda kung bakit may kakaiba kay Dadoy nitong mga nakaraang araw. Aling Amanda's hunch was correct as to why there is something strange about Dadoy these past few days.

"Alam mo, Dadoy, hindi mo kailangan ng magic power kapag may kumakalaban sa iyo," "You know, Dadoy, you don't need magic power when someone is fighting you,"

malambing na sabi ni Aling Amanda, habang hinahagod ang likod ng anak. |||||||||Rücken|| sanft sagte Frau Amanda und strich dabei über den Rücken ihres Kindes. Aling Amanda said softly, while stroking her son's back.

"May alam akong mabisang paraan para masolusyonan 'yan." "Ich kenne einen effektiven Weg, um das zu lösen." "I know an effective way to solve that."

Nang umagang iyon, inihatid ng kaniyang mama si Dadoy sa eskuwelahan. |jenen Morgen||||||||| An diesem Morgen begleitete seine Mutter Dadoy zur Schule. That morning, his mom took Dadoy to school.

Kinausap ni Aling Amanda ang guro ni Dadoy tungkol sa mga batang gumugulo sa kaniyang anak. ||||||||||||stören||| Aling Amanda sprach mit Dadoys Lehrer über die Kinder, die ihr Kind belästigten. Aling Amanda talked to Dadoy's teacher about the kids who are bothering her son.

Nangako ang guro na ipaaalam niya iyon sa kanilang guidance counselor. ||||||||||Berater Der Lehrer versprach, es dem Schulberater mitzuteilen. The teacher promised to inform their guidance counselor.

Nang oras na ng recess, nilusob ni Dadoy ang silid-aralan nina Jay-Jay at Yuki. Während der Pause stürmte Dadoy das Klassenzimmer von Jay-Jay und Yuki. When it was recess time, Dadoy invaded Jay-Jay and Yuki's classroom.

"Pandagdag ninyo ito sa baon ninyo. "Add it to your pocket.

Kami ng Mama ko ang naghanda niyan," ngiti ni Dadoy. Meine Mama und ich haben das vorbereitet," sagte Dadoy lächelnd. My mom and I prepared that," Dadoy smiled.

Sumabad ang guro ng dalawa. "Ang bait naman ng kaibigan ninyo. Eingemischt||||||sehr nett|auch||Freundin| Der Lehrer mischte sich ein. "Euer Freund ist wirklich nett. The teacher interrupted the two. "Your friend is smart.

O, Jay-Jay at Yuki, ano'ng dapat ninyong sabihin?" Also, Jay-Jay und Yuki, was solltet ihr sagen?" Oh, Jay-Jay and Yuki, what should you say?"

Namula ang mukha nina Jay-Jay a t Yuki sa hiya. Jay-Jay and Yuki's faces turned red from embarrassment.

Napatingin sa kanilang mga sapatos at napilitang magduweto. "Sa....salamat." Looked at their shoes and was forced to do a duet. "To….thank you."

Salamat ang sagot ng dalawa nang kinumbida sila sa kaarawan ni Dadoy. The two answered thank you when they were invited to Dadoy's birthday.

Salamat din ang sagot nila nang nakatanggap sila ng tig-isang kuting. They also responded with thanks when they received a kitten each.

Parang nagkaroon ng magic power ang salitang iyon. Das Wort schien wie zauberhaft zu wirken. It was as if that word had magic power.

Dahil unti-unti nang nanumbalik sa dati si Dadoy. Denn langsam kehrte Dadoy zu seiner alten Form zurück. Because Dadoy has gradually returned to his old self.

At naging magkakalaro pa ang tatlo. ||spielten zusammen weiter||| Und die drei wurden sogar wieder Freunde. And the three even became players.

Ayon naman kay Aling Amanda, hindi na raw ulit nagpakita ang batang madyikero. Laut Aling Amanda, der kleine Magier zeigte sich angeblich nicht mehr. According to Aling Amanda, the young magician never appeared again.