×

Utilizziamo i cookies per contribuire a migliorare LingQ. Visitando il sito, acconsenti alla nostra politica dei cookie.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: NIÑA INOCENTE with TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: NIÑA INOCENTE with TAGALOG SUBTITLES

Niña Inocente

Kuwento ni Augie Rivera

Guhit ni Juno Abreu

Paalala Lang Po:

Ang kuwentong ito ay rekomendadong basahin ng batang edad 8 at pataas nang may patnubay ng magulang, guro at tagapag-alaga.

Maghapong laman ng computer shop ang walong taong gulang na si Niña. Gustong-gusto kasi niyang maglaro ng 'RPG' or role-playing games.

Tuwing naglalaro siya, pakiramdam niya'y nakapupunta siya sa pambihirang mga mundo...humaharap sa iba't-ibang mga kalaban....at puwede siyang maging kahit na ano at sino!

Isang araw, habang naglalaro ng computer game, napalingon si Niña sa manyikang dala ng batang katabi niya.

Hahawakan niya sana ang manyika, pero bigla itong hinablot palayo ng bata, sabay tayo at labas ng computer shop.

"Gusto mo'yung manyika, ano?" tanong ng may-ari ng computer shop na si Ate Guapa.

"Opo, kaya lang wala akong pera."

"May bago akong 'game' sa itaas. Parang 'RPG' lang, pero 'live'character. Gagawin mo lang lahat ng 'utos' sa 'yo. Tapos....pak! May premyo ka! Bongga!

"Anong premyo?"

"EEh, di pera!"

"Pag meron akong pera, puwede na kong bumili ng manyika!" naisip ni Niña.

"O, ano? 'G' ka na? Game? Tara sa itaas!"

Malamlam ang ilaw sa kuwarto sa itaas. Malamig ang buga ng hangin mula sa aircon. Natanaw ni Niña ang isang computer na may camera.

Nasabik siyang maglaro ng bagong 'game'. Pero, nagulat siya sa unang 'utos'.

"O, hubarin mo na ang damit mo," sabi ni Ate Guapa.

"Bakit po?"

"Ganoon talaga....sa simula, wala ka pang costume at powers. Parang RPG lang...sige, go!"

Sa isang iglap, tila napunta sa kakaibang mundo si Niña.Pero naguguluhan siya. Kung isa siyang mandirigma...bakit wala siyang suot na bakal.

Walang makapal na kalasag, o matalas na sandata? At nang lumitaw ang 'kalaban', lalo pa siyang nagtaka.

Hindi ito galit, imbes na nanlilisik ang mga mata o umuusok ang ilong...ito ay...nakangiti?

Kumurap si Niña, at biglang nasa kuwarto na uli siya - kaharap sa computer screen ang mukha ng isang matandang lalaking may puting buhok at balat, nakangiti, at tila may sinasabi sa camera.

"O, sayaw daw!" sabi ni Ate Guapa, na may suot na earphones at kausap pala ang matandang lalaki.

"Po?"

"Sayaw na! Ganito lang, o!"

May pinindot sa cellphone niya si ATe Guapa at tumugtog ang isang pamilyar na kanta - na paboritong sayawan ni Niña!

"Sasayaw lang...may 'premyo' pang pera! Ang dali lang, di ba?"

Kahit nagdadalawang isip, tila nahalina si Niña sa sumunod na inuutos sa kaniya.

Tumanggap si Niña ng 300 pesos na 'premyo' mula kay Ate Guapa.

Kaya noong gabing 'yon, masaya siya at may pasalubong siya kay Lolo Teban na siyang nag-aalaga sa kaniya mula nang maulila siya.

"Teka, inutang mo na naman ba ang pambili nitong pansit?"

"Hindi po, 'lo,premyo ko po...doon sa 'computer game,' pagbibida ni Niña.

Kinabukasan, sumali uli si Niña sa 'game' ni Ate Guapa, pero lalo siyang nalito dahil may kasabay siyang isang batang lalaki na walang damit.

"O, hawakan mo siya."

"Ayoko po 'te...n-nakakahiya."

"Wag kang mag-inarte diyan!" biglang nag-iba ang boses ni Ate Guapa. "Hindi kita bibigyan ng premyo mo! Dali na!"

Mas malaki ang inabot na 'premyo' ni Ate Guapa, dahil nakabili na si Niña ng manyikang inaasam niya.

"Aba! Bago 'yan ah! Saan galing 'yan!"

"Premyo ko po,'lo. Sa computer game."

Kumunot ang noo ni Lolo Teban nang mapansin ang kakaibang ginagawa ng apo niya.

"Ba't mo hinuhubaran 'yang manyika? Papalitan mo ba ng damit?"

"Hindi po...maglalaro kami."

"Eh ba't nakahubad?"

"Ginagaya ko lang po 'yung laro namin kina Ate Guapa."

"A-ano bang laro 'yun?"

Nagsikip ang dibdib ni Lolo Teban nang marinig ang inosente at dire-diretsong kuwento ni Niña tungkol sa mga ginagawa niya sa computer shop.

Hindi siya makapaniwalang hindi pala laro kundi karumal-dumal na pang-aabuso na ang ginagawa sa apo niya!

Dali-daling nagpunta sa barangay si Lolo Teban at humingi ng tulong kay Kapitanang Neneng, na agad namang dumulog sa mga social worker at pulisya.

Nagpulong ang grupo at nagplano ng isang raid.

Nang sumugod ang grupo sa computer shop,nadatnan nila ang ilang mga batang nakahubad sa harap ng camera.

Nang inspeksyunin nila ang mga computer, nadiskubre nila ang mga laman nitong malalaswang video at larawan ng mga bata.

"'Lo, bakit po nila hinuli si Ate Guapa? Kawawa naman..."

"Dahil masama ang ginawa niyang pang-aabuso sa 'yo...pati sa iba pang mga inosenteng bata."

"Dapat po ba...'di ko na lang ikinuwento sa inyo?"

"Wala kang kasalanan. Tandaan mo: kapag nangyari uli ang ganoon' wag kang matakot na magsabi sa akin. Nandito lang ang Lolo mo."

Sa tulong ng isang NGO, nabigyan ng therapy sessions si Niña at iba pang mga batang naging biktima.

Matutulungan daw sila nitong malampasan ang matinding karanasan ng pang-aabuso at pananamantala na sinapit nila.

Sampung taon ang lumipas. Kahit pumanaw na si Lolo Teban,ang pagmamahal at mga pangaral niya ay nagbigay ng lakas at bagong pag-asa kay Niña.

Ngayon, naglilibot si Niña sa iba't-ibang eskuwelahan at komunidad para magturo sa mga bata na pangalagaan ang kanilang katawan, magkaroon ng tiwala sa sarili, at maging ligtas sa anomang uri ng pang-aabuso.

Ang tanging pangarap ni Niña ay hindi na maranasan ng ibang bata ang mga pinagdaanan niya.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: NIÑA INOCENTE with TAGALOG SUBTITLES Filipino|||||| PHILIPPINISCHES BUCH: NIÑA INOCENTE mit TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: NIÑA INOCENTE with TAGALOG SUBTITLES KSIĄŻKA FILIPIŃSKA: NIÑA INOCENTE Z NAPISAMI TAGALOGOWYMI

Niña Inocente Niña Inocente

Kuwento ni Augie Rivera ||Augie Rivera| Augie Rivera's story

Guhit ni Juno Abreu Drawing by Juno Abreu

Paalala Lang Po: Just a reminder:

Ang kuwentong ito ay rekomendadong basahin ng batang edad 8 at pataas nang may patnubay ng magulang, guro at tagapag-alaga. This story is recommended for children ages 8 and up to read with the guidance of parents, teachers and guardians.

Maghapong laman ng computer shop ang walong taong gulang na si Niña. Gustong-gusto kasi niyang maglaro ng 'RPG' or role-playing games. ||||||||||||wants|really likes||she|play|||||| Eight-year-old Niña spent the whole day stocking a computer shop. Because he really likes to play 'RPG' or role-playing games.

Tuwing naglalaro siya, pakiramdam niya'y nakapupunta siya sa pambihirang mga mundo...humaharap sa iba't-ibang mga kalaban....at puwede siyang maging kahit na ano at sino! |||||can go|||||||||||||can|he||even|||| Every time he plays, he feels like he's going to extraordinary worlds...facing different enemies....and he can be anything and anyone!

Isang araw, habang naglalaro ng computer game, napalingon si Niña sa manyikang dala ng batang katabi niya. One day, while playing a computer game, Niña turned her attention to the doll carried by the boy next to her.

Hahawakan niya sana ang manyika, pero bigla itong hinablot palayo ng bata, sabay tayo at labas ng computer shop. He was about to hold the doll, but the boy suddenly snatched it away, and we went out of the computer shop together.

"Gusto mo'yung manyika, ano?" tanong ng may-ari ng computer shop na si Ate Guapa. "You want the doll, what?" asked computer shop owner Ate Guapa.

"Opo, kaya lang wala akong pera." "Yes, it's just that I don't have any money."

"May bago akong 'game' sa itaas. Parang 'RPG' lang, pero 'live'character. Gagawin mo lang lahat ng 'utos' sa 'yo. Tapos....pak! May premyo ka! Bongga! "I have a new 'game' above. It's just like an 'RPG', but with 'live' characters. You just do all the 'commands' to you. Then....bang! You have a prize! Awesome!

"Anong premyo?" "What prize?"

"EEh, di pera!" "Eh, not money!"

"Pag meron akong pera, puwede na kong bumili ng manyika!" naisip ni Niña. "When I have money, I can buy a doll!" Niña thought.

"O, ano? 'G' ka na? Game? Tara sa itaas!" "Oh, what? You're 'G'? Game? Let's go upstairs!"

Malamlam ang ilaw sa kuwarto sa itaas. Malamig ang buga ng hangin mula sa aircon. Natanaw ni Niña ang isang computer na may camera. The light was dim in the room above. The air from the air conditioner is cold. Niña saw a computer with a camera.

Nasabik siyang maglaro ng bagong 'game'. Pero, nagulat siya sa unang 'utos'. He was excited to play a new 'game'. But, he was surprised by the first 'order'.

"O, hubarin mo na ang damit mo," sabi ni Ate Guapa. "Oh, take off your clothes," Ate Guapa said.

"Bakit po?" "Why?"

"Ganoon talaga....sa simula, wala ka pang costume at powers. Parang RPG lang...sige, go!" "That's right....in the beginning, you don't have a costume and powers. It's just like an RPG...alright, go!"

Sa isang iglap, tila napunta sa kakaibang mundo si Niña.Pero naguguluhan siya. Kung isa siyang mandirigma...bakit wala siyang suot na bakal. In an instant, Niña seemed to be in a strange world. But she was confused. If he's a warrior...why isn't he wearing steel.

Walang makapal na kalasag, o matalas na sandata? At nang lumitaw ang 'kalaban', lalo pa siyang nagtaka. No thick shields, or sharp weapons? And when the 'adversary' appeared, he was even more surprised.

Hindi ito galit, imbes na nanlilisik ang mga mata o umuusok ang ilong...ito ay...nakangiti? It's not angry, instead of glaring eyes or snotty nose...it's...smiling?

Kumurap si Niña, at biglang nasa kuwarto na uli siya - kaharap sa computer screen ang mukha ng isang matandang lalaking may puting buhok at balat, nakangiti, at tila may sinasabi sa camera. Niña blinked, and suddenly she was in the room again - facing the computer screen was the face of an old man with white hair and skin, smiling, and seemingly speaking to the camera.

"O, sayaw daw!" sabi ni Ate Guapa, na may suot na earphones at kausap pala ang matandang lalaki. "Oh, dance!" said Ate Guapa, who was wearing earphones and was talking to the old man.

"Po?" "Yes?"

"Sayaw na! Ganito lang, o!" "Dance now! Just like this, o!"

May pinindot sa cellphone niya si ATe Guapa at tumugtog ang isang pamilyar na kanta - na paboritong sayawan ni Niña! ATe Guapa pressed something on her cellphone and a familiar song played - which is Niña's favorite dance!

"Sasayaw lang...may 'premyo' pang pera! Ang dali lang, di ba?" "Just dancing...there's a 'prize' money! It's easy, isn't it?"

Kahit nagdadalawang isip, tila nahalina si Niña sa sumunod na inuutos sa kaniya. Even though he hesitated, Niña seemed to be attracted to what was being ordered next.

Tumanggap si Niña ng 300 pesos na 'premyo' mula kay Ate Guapa. Niña received a 300 pesos 'prize' from Ate Guapa.

Kaya noong gabing 'yon, masaya siya at may pasalubong siya kay Lolo Teban na siyang nag-aalaga sa kaniya mula nang maulila siya. So that night, he was happy and he had a welcome from Lolo Teban who had been taking care of him since he was orphaned.

"Teka, inutang mo na naman ba ang pambili nitong pansit?" "Wait, did you go into debt again to buy these noodles?"

"Hindi po, 'lo,premyo ko po...doon sa 'computer game,' pagbibida ni Niña. "No, lo, it's my prize...there in the 'computer game,' starring Niña.

Kinabukasan, sumali uli si Niña sa 'game' ni Ate Guapa, pero lalo siyang nalito dahil may kasabay siyang isang batang lalaki na walang damit. The next day, Niña joined Ate Guapa's 'game' again, but she was even more confused because she was accompanied by a boy with no clothes on.

"O, hawakan mo siya." "Oh, hold him."

"Ayoko po 'te...n-nakakahiya." "I don't want to...it's embarrassing."

"Wag kang mag-inarte diyan!" biglang nag-iba ang boses ni Ate Guapa. "Hindi kita bibigyan ng premyo mo! Dali na!" "Don't act like that!" Ate Guapa's voice suddenly changed. "I won't give you your prize! Come on!"

Mas malaki ang inabot na 'premyo' ni Ate Guapa, dahil nakabili na si Niña ng manyikang inaasam niya. Ate Guapa's 'prize' was bigger, because Niña had already bought the doll she wanted.

"Aba! Bago 'yan ah! Saan galing 'yan!" "Wow! That's new! Where did that come from!"

"Premyo ko po,'lo. Sa computer game." "My prize, lo. In the computer game."

Kumunot ang noo ni Lolo Teban nang mapansin ang kakaibang ginagawa ng apo niya. Lolo Teban frowned when he noticed the strange behavior of his grandson.

"Ba't mo hinuhubaran 'yang manyika? Papalitan mo ba ng damit?" "Why are you undressing the doll? Are you going to change clothes?"

"Hindi po...maglalaro kami." "No...we're going to play."

"Eh ba't nakahubad?" "Why are you naked?"

"Ginagaya ko lang po 'yung laro namin kina Ate Guapa." "I'm just imitating our game with Ate Guapa."

"A-ano bang laro 'yun?" "W-what game is that?"

Nagsikip ang dibdib ni Lolo Teban nang marinig ang inosente at dire-diretsong kuwento ni Niña tungkol sa mga ginagawa niya sa computer shop. Lolo Teban's chest tightened when he heard Niña's innocent and straightforward story about what she was doing at the computer shop.

Hindi siya makapaniwalang hindi pala laro kundi karumal-dumal na pang-aabuso na ang ginagawa sa apo niya! He couldn't believe that what was being done to his grandson was not a game but a horrible abuse!

Dali-daling nagpunta sa barangay si Lolo Teban at humingi ng tulong kay Kapitanang Neneng, na agad namang dumulog sa mga social worker at pulisya. Lolo Teban quickly went to the barangay and asked Captain Neneng for help, who immediately went to the social workers and the police.

Nagpulong ang grupo at nagplano ng isang raid. The group met and planned a raid.

Nang sumugod ang grupo sa computer shop,nadatnan nila ang ilang mga batang nakahubad sa harap ng camera. When the group rushed to the computer shop, they found some children naked in front of the camera.

Nang inspeksyunin nila ang mga computer, nadiskubre nila ang mga laman nitong malalaswang video at larawan ng mga bata. When they inspected the computers, they discovered that they contained obscene videos and images of children.

"'Lo, bakit po nila hinuli si Ate Guapa? Kawawa naman..." "'Lo, why did they arrest Ate Guapa? Poor thing..."

"Dahil masama ang ginawa niyang pang-aabuso sa 'yo...pati sa iba pang mga inosenteng bata." "Because he abused you badly...as well as other innocent children."

"Dapat po ba...'di ko na lang ikinuwento sa inyo?" "Should I...not have told you?"

"Wala kang kasalanan. Tandaan mo: kapag nangyari uli ang ganoon' wag kang matakot na magsabi sa akin. Nandito lang ang Lolo mo." "It's not your fault. Remember: if something like that happens again, don't be afraid to tell me. Your Grandpa is right here."

Sa tulong ng isang NGO, nabigyan ng therapy sessions si Niña at iba pang mga batang naging biktima. With the help of an NGO, Niña and other child victims were given therapy sessions.

Matutulungan daw sila nitong malampasan ang matinding karanasan ng pang-aabuso at pananamantala na sinapit nila. It is said that this will help them overcome the intense experience of abuse and exploitation that happened to them.

Sampung taon ang lumipas. Kahit pumanaw na si Lolo Teban,ang pagmamahal at mga pangaral niya ay nagbigay ng lakas at bagong pag-asa kay Niña. Ten years passed. Even though Grandpa Teban passed away, his love and advice gave strength and new hope to Niña.

Ngayon, naglilibot si Niña sa iba't-ibang eskuwelahan at komunidad para magturo sa mga bata na pangalagaan ang kanilang katawan, magkaroon ng tiwala sa sarili, at maging ligtas sa anomang uri ng pang-aabuso. Today, Niña travels to different schools and communities to teach children to take care of their bodies, gain self-confidence, and be safe from any kind of abuse.

Ang tanging pangarap ni Niña ay hindi na maranasan ng ibang bata ang mga pinagdaanan niya. Niña's only dream is that no other child will experience what she went through.