×

Utilizziamo i cookies per contribuire a migliorare LingQ. Visitando il sito, acconsenti alla nostra politica dei cookie.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO READ ALOUD BOOK: SANDOSENANG KUYA (A DOZEN BROTHERS) WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO READ ALOUD BOOK: SANDOSENANG KUYA (A DOZEN BROTHERS) WITH TAGALOG SUBTITLES

Sandosenang Kuya

Kuwento ni Russell Molina

Guhit in Hubert Fucio

(MUSIC)

"Ano ba 'tong mga batang itoooo!"

Hayun, nagalit na naman si Tatay.

Aug gulo-gulo kasi naming magkakapatid.

"Huwag kayong magtakbuhan dito sa loob," yan ang lagi niyang saway.

Mahirap talaga pag kami'y nagkasabay-sabay.

Alam mo ba kung ilan kaming lahat?

Labintatlo!

Dami no?

Ako ang pinakabunso.

(HAGALPAK NG TAWANAN)

Sandosena ang kuya ko.

Iba-iba ang itsura, iba-iba ang porma.

May bilugan, may malapad, meron ding higante sa tangkad.

May pormang artista, may pormang henyo, at 'yung isa nama'y tinutukso naming isda! (ang laki kasi ng mata niya)

Pero kahit na iba-iba ang kanilang hugis at itsura,

iisa lang ang tawag ko sa kanila ... kuya.

(TAWANAN ULIT)

Sandosenang ngiti ang bumabati sa akin tuwing umaga.

Sandosena ang kalaro ko ng taguan sa plasa.

Sandosenang tsinelas ang lumilipad sa tumbang preso.

Sandosenang nakabantay sa patintero.

(MGA BATANG HUMIHIYAW)

Noong ako'y nagutom, sandosenang kalawit ang pumitas ng mangga sa kapitbahay.

Sandosena rin ang nagtakbuhan nang mahuli kami ng asong-bantay.

Sandosena ang katulong ko sa pagwawalis ng kalat.

Sandosenang titser ang nagturo sa akin magbasa at magsulat.

Sandosenang doktor din ang gumagamot kapag ako'y may lagnat.

Sa harap ng TV, sandosenang "ha-ha-ha!" at "hi-hi-hi!" ang maririnig mo.

Sandosena ang kumakanta kasabay ng radyo

(pero wala namang tumatama sa tono).

(TAWANAN NA NAMAN!)

(KANTANG WALA SA TONO!)

Sa bawat problema ko, sandosenang solusyon at payo.

Pag malungkot naman, sandosenang masasayang kuwento.

Ako na talaga ang pinakasuwerte sa buong mundo!

(MASAYANG TAWANAN NG TAWANAN ULIT!

Laking gulat ko nang isang araw, lumapit sa akin ang pinakamatanda kong kuya.

"'Noy, aalis na ako sa makalawa," ang bungad niya.

"Magpakabait ka, 'wag mong pahirapan ang mga kuya mo ha."

"Saan ka pupunta, Kuya?"

"Kailangan ko nang umalis ng bahay.

Nasa tamang gulang na ako at kaya ko nang mag-isa."

Hindi ako makapaniwala.

Bakit kailangang umalis ni kuya?

"Ganiyan talaga iho," ang paliwanag ni Tatay, "pag nasa wastong edad na'y kailangang umalis na rito.

Hindi ka naman titira nang habambuhay dito sa Bahay Kalinga, di ba?"

Oo nga pala, hindi ko nasabi sa 'yo, sa Bahay Kalinga kami lahat nakatira.

Dito napupunta ang mga batang ulila na kagaya ko - wala nang magulang o kamag-anak na makapag-aalaga.

Dito kami dinadala upang sa kalye ay hindi magpagala-gala.

Suwerte nga namin at nandito si Tatay.

Siya ang aming kinikilalang ama.

Siya at ang aking sandosenang kuya ang nakagisnan kong pamilya.

(MAY SUMISIPOL NA PAKANTA).

Darating ang araw, sabi ni Tatay, na may iba pang mga bata na mapupunta rito.

Mga bagong kapatid ko. Mas bata nga lang sila sa akin.

At sila na ang magiging bunso.

"Iba-iba ang kanilang itsura, iba-iba ang kanilang porma,"

dugtong ni Tatay, "pero lahat sila ay tatawagin kang ....... kuya."

Nagkumpol-kumpol kami sa labas ng bahay para magpaalam sa aming panganay.

Sandosenang kamay ang sabay-sabay na kumakaway.

Sandosenang "Ingat ka!" at "Babay!"

Sandosenang retrato ang aming pabaon.

Kasama ang sandosenang mangga sa loob ng karton.

Siguradong hindi kami makalilimutan ni Kuya.

Lalo na ang magagandang alaala na hihigit pa sa sandosena.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO READ ALOUD BOOK: SANDOSENANG KUYA (A DOZEN BROTHERS) WITH TAGALOG SUBTITLES |READ|reading|||||a dozen|brothers||| FILIPINO-BUCH VORLESEN: SANDOSENANG KUYA (EIN DUTZEND BRÜDER) MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO READ ALOUD BOOK: SANDOSENANG KUYA (A DOZEN BROTHERS) WITH TAGALOG SUBTITLES FILIPIJNS VOORLEESBOEK: SANDOSENANG KUYA (EEN DOZEN BROERS) MET TAGALOG ONDERTITELS

Sandosenang Kuya Hundreds of older brothers

Kuwento ni Russell Molina Story by Russell Molina

Guhit in Hubert Fucio ||Hubert Fucio| Drawing by Hubert Fucio

(MUSIC) (MUSIC)

"Ano ba 'tong mga batang itoooo!" ||these|||these "What are these kids!"

Hayun, nagalit na naman si Tatay. there it is||||| Well, Dad got angry again.

Aug gulo-gulo kasi naming magkakapatid. August|||||siblings Aug because our siblings are in a mess.

"Huwag kayong magtakbuhan dito sa loob," yan ang lagi niyang saway. ||run around||||||||scolding "Don't run around here," that's what he always scolded.

Mahirap talaga pag kami'y nagkasabay-sabay. ||||all together| It's really hard when we're together.

Alam mo ba kung ilan kaming lahat? Do you know how many we all have?

Labintatlo! Thirteen Thirteen!

Dami no? How many?

Ako ang pinakabunso. ||youngest I am the youngest.

(HAGALPAK NG TAWANAN) bursting out|| (APPLAUSE OF LAUGHTER)

Sandosena ang kuya ko. is Sandosena||| My brother is Sandosena.

Iba-iba ang itsura, iba-iba ang porma. Different looks, different forms.

May bilugan, may malapad, meron ding higante sa tangkad. |round||wide|||||height Some are round, some are wide, some are giant in stature.

May pormang artista, may pormang henyo, at 'yung isa nama'y tinutukso naming isda! (ang laki kasi ng mata niya) |||||||||that|teasing|||||||| There is an artist form, there is a genius form, and the other one we tempt fish! (because his eyes are big)

Pero kahit na iba-iba ang kanilang hugis at itsura, |||||||shape|| But even though their shape and appearance are different,

iisa lang ang tawag ko sa kanila ... kuya. I only call them one thing ... big brother.

(TAWANAN ULIT) (LAUGHTER AGAIN)

Sandosenang ngiti ang bumabati sa akin tuwing umaga. |||greet|||| Dozens of smiles greet me every morning.

Sandosena ang kalaro ko ng taguan sa plasa. |||||hide and seek||plaza Sandosena is my game of hide and seek in the square.

Sandosenang tsinelas ang lumilipad sa tumbang preso. |slippers||flying||| Dozens of slippers fly over the fallen prisoner.

Sandosenang nakabantay sa patintero. |watching||game of tag Dozens of people guard the prison.

(MGA BATANG HUMIHIYAW) ||shouting children (CHILDREN Screaming)

Noong ako'y nagutom, sandosenang kalawit ang pumitas ng mangga sa kapitbahay. ||I was hungry||||picked||||neighbor's When I was hungry, dozens of people picked mangoes from the neighbor.

Sandosena rin ang nagtakbuhan nang mahuli kami ng asong-bantay. |||||we were caught||||guard dog Sandosena also ran away when the guard dog caught us.

Sandosena ang katulong ko sa pagwawalis ng kalat. |||||sweeping||mess or clutter Sandosena is my assistant in sweeping the mess.

Sandosenang titser ang nagturo sa akin magbasa at magsulat. |||taught||||| Dozens of teachers taught me to read and write.

Sandosenang doktor din ang gumagamot kapag ako'y may lagnat. ||||||||fever Dozens of doctors also treat me when I have a fever.

Sa harap ng TV, sandosenang "ha-ha-ha!" at "hi-hi-hi!" ang maririnig mo. In front of the TV, dozens of "ha-ha-ha!" and "hi-hi-hi!" what you will hear.

Sandosena ang kumakanta kasabay ng radyo Sandosena sings along with the radio

(pero wala namang tumatama sa tono). |||||pitch (but nothing hits the mark).

(TAWANAN NA NAMAN!) (LAUGH AGAIN!)

(KANTANG WALA SA TONO!) (SONG OUT OF TUNE!)

Sa bawat problema ko, sandosenang solusyon at payo. |every|||||| For every problem I have, dozens of solutions and advice.

Pag malungkot naman, sandosenang masasayang kuwento. ||||happy| When it's sad, dozens of happy stories.

Ako na talaga ang pinakasuwerte sa buong mundo! ||||luckiest||| I really am the luckiest person in the world!

(MASAYANG TAWANAN NG TAWANAN ULIT! |laughter||| (HAPPY LAUGHTER OF LAUGHTER AGAIN!

Laking gulat ko nang isang araw, lumapit sa akin ang pinakamatanda kong kuya. |surprise|||||||||oldest|| To my surprise one day, my oldest brother came to me.

"'Noy, aalis na ako sa makalawa," ang bungad niya. |will leave||||the day after tomorrow||opening| "Noy, I'm leaving at two," he said.

"Magpakabait ka, 'wag mong pahirapan ang mga kuya mo ha." ||don't||make it hard||||| "Be kind, don't make your brothers suffer."

"Saan ka pupunta, Kuya?" "Where are you going, Brother?"

"Kailangan ko nang umalis ng bahay. "I have to leave the house.

Nasa tamang gulang na ako at kaya ko nang mag-isa." |right||||||||| I'm old enough to be on my own."

Hindi ako makapaniwala. ||can't believe I can not believe.

Bakit kailangang umalis ni kuya? Why does brother have to leave?

"Ganiyan talaga iho," ang paliwanag ni Tatay, "pag nasa wastong edad na'y kailangang umalis na rito. ||son|||||||right|age|at|||| "That's just the way it is," Dad explained, "when you're at the right age you have to leave here.

Hindi ka naman titira nang habambuhay dito sa Bahay Kalinga, di ba?" |||will stay||forever||||House of Care|| You're not going to live here in Bahay Kalinga forever, are you?"

Oo nga pala, hindi ko nasabi sa 'yo, sa Bahay Kalinga kami lahat nakatira. |||||said|||||||| By the way, I didn't tell you, we all live in Bahay Kalinga.

Dito napupunta ang mga batang ulila na kagaya ko - wala nang magulang o kamag-anak na makapag-aalaga. This is where orphaned children like me end up - with no parents or relatives to care for.

Dito kami dinadala upang sa kalye ay hindi magpagala-gala. We are brought here so that we do not wander in the street.

Suwerte nga namin at nandito si Tatay. We are lucky that Dad is here.

Siya ang aming kinikilalang ama. He is our acknowledged father.

Siya at ang aking sandosenang kuya ang nakagisnan kong pamilya. |||||||grew up with|| He and my dozen older brothers are my family.

(MAY SUMISIPOL NA PAKANTA). |whistling||singing (A WHISTLING SONG).

Darating ang araw, sabi ni Tatay, na may iba pang mga bata na mapupunta rito. |||||||||||||will come| The day will come, said Dad, when other children will be here.

Mga bagong kapatid ko. Mas bata nga lang sila sa akin. My new brothers. They are younger than me.

At sila na ang magiging bunso. And they will be the youngest.

"Iba-iba ang kanilang itsura, iba-iba ang kanilang porma," "They look different, their form is different,"

dugtong ni Tatay, "pero lahat sila ay tatawagin kang ....... kuya." addition|||||||will call|| Dad added, "but they will all call you ....... big brother."

Nagkumpol-kumpol kami sa labas ng bahay para magpaalam sa aming panganay. gathered|||||||||||eldest child We huddled outside the house to say goodbye to our firstborn.

Sandosenang kamay ang sabay-sabay na kumakaway. ||||||waving Dozens of hands waved at once.

Sandosenang "Ingat ka!" at "Babay!" |Take care|||Goodbye Hundreds of "Be careful!" and "Woman!"

Sandosenang retrato ang aming pabaon. |portrait|||farewell gift Dozens of photos are on our way.

Kasama ang sandosenang mangga sa loob ng karton. |||||||box There are dozens of mangoes inside the carton.

Siguradong hindi kami makalilimutan ni Kuya. |||will be forgotten|| Kuya and I will definitely never forget.

Lalo na ang magagandang alaala na hihigit pa sa sandosena. ||||memories||will surpass||| Especially the good memories that will go beyond the sandosena.