×

Utilizziamo i cookies per contribuire a migliorare LingQ. Visitando il sito, acconsenti alla nostra politica dei cookie.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 20: Rizal Day

20: Rizal Day

Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang Araw ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal ay isa sa mga pampublikong holiday na ipinapagdiriwang tuwing ika-30 ng Disyembre, taun-taon.

Dito, ginugunita ng mga Pilipino ang kabayanihan ni Dr Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Pero, sino nga ba si Dr Jose Rizal?

At paano siya inaalala ng mga Pilipino?

Sa lesson na ito malalaman niyo kung paano ginugunita ng mga Pilipino ang mga nagawang kabayanihan ni Dr Jose Rizal ...

- Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Una, sino nga ba talaga si Jose Rizal?

Sa araw na ito, inaalala siya bilang isa sa mga lider ng kilusang pang-reporma na naglalayong gawing pantay ang karapatan ng mga PIlipino at ng mga mananakop na Espanyol noong ang bansa ay nasa ilalim ng kolonisasyon ng Espanya.

Ang araw ng paggunita sa pambansang bayani ay ginagawa sa Rizal Park, dating tinawag na Bagumbayan at kilala sa ngayon bilang Luneta Park.

Sa Rizal Park, na tinuturing na isang national park, naroon ang monumento ni Jose Rizal.

Isinapubliko ang monumento ni Rizal noong taong 1913 at ang kanyang tulang Huling Paalam o Mi Ultimo Adios ay iniukit sa memorial plaque ng monumento.

Mayroong mga seremonyang ginagawa na dinadaluhan at pinangungunahan ng presidente at bise-presidente ng bansa.

Nag-aalay ang presidente ng mga bulaklak at pinapasinayaan ang pagbibigay sa bayani ng 21-gun salute.

May mga pagdiriwang rin na isinasagawa sa iba't ibang mga probinsiya.

Karaniwang pinasisinayaan ng mga matataas na opsiyal ng probinsiya, kasama sa pagdiriwang ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas ...

Alam niyo ba na ipinagbabawal ang sabong, karera ng kabayo, at jai-alai tuwing araw na ito?

Isinasaad rin sa batas na dapat itaas ang bandila ng naka half-mast.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?

Sa araw na ito binigay ni Jose Rizal ang kanyang buhay para sa bansa.

Mula sa kanyang piitan sa Fort Santiago, siya'y naglakad patungong Bagumbayan upang harapin ang kanyang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Paano niyo ginugunita ang inyong pambansang bayani?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

20: Rizal Day 20: Rizal-Tag Rizal Day 20: リサールの日 20: Dia de Rizal

Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Ang Araw ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal ay isa sa mga pampublikong holiday na ipinapagdiriwang tuwing ika-30 ng Disyembre, taun-taon. The Heroism Day of Dr Jose Rizal is one of the public holidays celebrated every December 30th, every year.

Dito, ginugunita ng mga Pilipino ang kabayanihan ni Dr Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Here, Filipinos commemorate the heroism of Dr. Jose Rizal, the national hero of the Philippines.

Pero, sino nga ba si Dr Jose Rizal? But, who is Dr. Jose Rizal?

At paano siya inaalala ng mga Pilipino? And how do Filipinos remember him?

Sa lesson na ito malalaman niyo kung paano ginugunita ng mga Pilipino ang mga nagawang kabayanihan ni Dr Jose Rizal ... In this lesson you will learn how Filipinos commemorate the heroic deeds of Dr. Jose Rizal...

**- Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?** - Do you know why Rizal Day is celebrated every December 30th?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Una, sino nga ba talaga si Jose Rizal? First, who is Jose Rizal really?

Sa araw na ito, inaalala siya bilang isa sa mga lider ng kilusang pang-reporma na naglalayong gawing pantay ang karapatan ng mga PIlipino at ng mga mananakop na Espanyol noong ang bansa ay nasa ilalim ng kolonisasyon ng Espanya. Today, he is remembered as one of the leaders of the reform movement that aimed to equalize the rights of the Filipinos and the Spanish conquerors when the country was under Spanish colonization.

Ang araw ng paggunita sa pambansang bayani ay ginagawa sa Rizal Park, dating tinawag na Bagumbayan at kilala sa ngayon bilang Luneta Park. The national hero's commemoration day is held at Rizal Park, formerly known as 'Bagumbayan' and now known as 'Luneta Park'.

Sa Rizal Park, na tinuturing na isang national park, naroon ang monumento ni Jose Rizal. In Rizal Park, which is considered a national park, there is the monument of Jose Rizal.

Isinapubliko ang monumento ni Rizal noong taong 1913 at ang kanyang tulang Huling Paalam o Mi Ultimo Adios ay iniukit sa memorial plaque ng monumento. Rizal's monument was made public in 1913 and his poem 'Huling Paalam' or 'Mi Ultimo Adios' was engraved on the monument's memorial plaque.

Mayroong mga seremonyang ginagawa na dinadaluhan at pinangungunahan ng presidente at bise-presidente ng bansa. There are ceremonies that are attended and presided over by the president and vice-president of the country.

Nag-aalay ang presidente ng mga bulaklak at pinapasinayaan ang pagbibigay sa bayani ng 21-gun salute. The president offers flowers and officiates giving the hero a 21-gun salute.

May mga pagdiriwang rin na isinasagawa sa iba't ibang mga probinsiya. There are also festivals held in different provinces.

Karaniwang pinasisinayaan ng mga matataas na opsiyal ng probinsiya, kasama sa pagdiriwang ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas ... Usually inaugurated by high provincial officials, the celebration includes the raising of the Philippine flag ...

Alam niyo ba na ipinagbabawal ang sabong, karera ng kabayo, at jai-alai tuwing araw na ito? Did you know that cockfighting, horse racing, and jai-alai are prohibited on this day?

Isinasaad rin sa batas na dapat itaas ang bandila ng naka half-mast. The law also states that the flag must be flown at half-mast.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?** - Do you know why Rizal Day is celebrated every December 30th?

Sa araw na ito binigay ni Jose Rizal ang kanyang buhay para sa bansa. On this day Jose Rizal gave his life for the country.

Mula sa kanyang piitan sa Fort Santiago, siya'y naglakad patungong Bagumbayan upang harapin ang kanyang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. From his dungeon in Fort Santiago, he walked to 'Bagumbayan' to face his death by firing squad.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Paano niyo ginugunita ang inyong pambansang bayani? How do you commemorate your national hero?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!