×

LingQをより快適にするためCookieを使用しています。サイトの訪問により同意したと見なされます クッキーポリシー.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), DIWAYEN BEFORE THE SPANISH CAME | READ ALOUD TAGALOG BOOKS WITH TAGALOG AND ENGLISH SUBTITLES

DIWAYEN BEFORE THE SPANISH CAME | READ ALOUD TAGALOG BOOKS WITH TAGALOG AND ENGLISH SUBTITLES

SI DIWAYEN NOONG BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL

Kuwento ni Augie Rivera

Guhit ni Paolo Lim

(SINGKIL MUSIC)

Naglalambitin si Diwayen sa punong kaymito nang dumating ang libo-libong balang.

Halos dumilim ang buong kalangitan.

Nakapangingilabot ang ugong ng mga ito habang sinasalanta ang palayan

at iba pang mga pananim na dalawang araw na lang ay handa na sanang anihin.

Agad sumirko pababa ng puno si Diwayen.

"Kailangang malaman ito ni Ama." aniya sabay lilis ng kaniyang malong at karipas ng takbo pauwi.

Poot daw ng diwatang Lalawon ang nagdulot ng mga balang ayon sa haka-haka ng marami.

Ngunit ang tiyak, hudyat 'yon ng tag-gutom sa malayong bayan nina Diwayen.

Dahil walang ani, nagkaroon ng matinding kakulangan sa pagkain.

At nang magpatuloy pa ito sa loob ng maraming buwan,

napilitan ang maraming pamilya na gawing gaon o pan-sangla ang kani-kanilang mga anak para lang makautang ng ikabubuhay.

"Magsisilbi ka muna sa tahanan nina Datu Bulawan, 'yang datu sa kabilang bayan."

paliwanag ng ama ni Diwayen habang tinatalian ang balutan ng kaniyang mga damit.

Tahimik namang sinusuklay at nilalangisan ng kaniyang ina ang buhok niy ang halos lampas-baywang.

"Paghuhusayan mo ang trabaho doon, anak," dagdag pa nito.

"Hanggang kailan po ako doon, ina?" usisa ni Diwayen.

"Kapag nakaipon na kami ng pambayad ay tutubusin ka namin agad." buntong-hininga ng kaniyang ama.

Sa gulang na siyam na taon, isa na si Diwayen sa pinakabatang alipin ng datu.

Bahagi ng kaniyang tungkulin ang tumulong sa paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng pinggan, paghahabi at iba pang mga gawaing bahay.

Minsan, habang nag-iisis ng sahig na kawayan, nasulyapan niya ang datu habang kausap ang kaniyang mga tagapayo.

Kapansin-pansin ang sarisaring tattoo nito sa iba't ibang bahagi ng katawan,

na ayon sa isang nakatatandang alipin, ay tanda raw ng kagitingan at katapangan ng datu sa pakikidigma.

"Mukha naman siyang mabait," ani Diwayen, "lagi lang nakakunot ang noo."

Sa gabi, tuwing dinadalaw ng lungkot si Diwayen, taimtim niyng pinatutugtog ang kaniyang tolali, isang uri ng plawtang hinihipan sa ilong.

Marahil, umaasa siyang tatangayin ng hangin ang kaniyang malamyos na pagbati patungo sa kaniyang ama, ina at tatlong nakababatang kapatid na lalaki.

Isang araw di sinasadyang nagawi si Diwayen sa isang tagong silid sa loob ng bahay.

Nandoon si Prinsesa Lunhaw, isang walong taong gulang na binukot.

Binukot ang tawag sa mga anak ng datu na hindi lumalabas ng bahay.

Itinatago sila ng datu at ni hindi pinatatapak sa lupa.

"Sa wakas! May makakalaro na rin ako ang masayang sigaw ng prinsesa.

Nagkasundo agad ang dalawang batang babae.

Inilabas ng prinsesa ang kaniyang mga laruan.

Naglaro din sila ng kunggit, isang larong gumagamit ng mga sigay na tulad ng sungka.

Kinuwentuhan naman ni Diwayen ang prinsesa ng kaniyang mga kapana-panabik na karanasan sa kagubatan

lalo na kapag nangangaso sila ng kaniyang ama.

Mula noon, naging masayahin na uli si Diwayen.

Bihira na siyang makaramdam ng pagkabagot sa kaniyang mga gawaing-bahay.

Agad niyang tinatapos ang mga ito upang makapaglaro agad sila ni Prinsesa Lunhaw.

Ngunit minsan wala na siyang oras na makapaglaro o makapaglibang.

Tambak kasi ang mga gawain sa kusina, lalo na kapag may piging o may darating na mga bisita ang datu mula sa iba pang lupain.

Isang gabi napansin ni Datu Bulawan na tila nag-mumukmok ang anak na prinsesa.

"Ama, bakit po ba kailangan pang magtrabaho ni Diwayen? Wala na siyang inatupag kundi trabaho.

Wala na tuloy siyang panahong makipaglaro sa akin!" dabog ni Prinsesa Lunhaw.

"Ganoon talaga, anak..." "Si Diwayen ay isang alipin.

Ganiyan talaga ang kaayusan dito sa atin— may iba't ibang klase ng tao, may iba-iba ring tungkulin," paliwanag ni Datu Bulawan.

At ikaw, ang tungkulin mo ngayong gabi ay...ngumiti.

Sige na, isang matamis na ngiti?" lambing ng datu sa anak.

Ngunit nanatiling nakasimangot si Prinsesa Lunhaw.

Kinabukasan, sa pagpupumilit ni Prinsesa Lunhaw, ay pumuslit sila ni Diwayen para mamasyal at maglaro sa kagubatan.

"Umuwi na tayo! Siguradong pagagalitan ako ng mahal na datu pag nalamang dinala kita rito!" sabi ni Diwayen habang hinihila sa braso ng prinsesa.

"Wag kang mag-alala! May pulong ang ama kong datu sa kabilang bayan," paniniyak ng prinsesa.

"Tama ka, Diwayen! Ang sarap palang maglaro rito!"

At kumaripas ito papasok sa loob ng kagubatan.

Kung saan-saang sulok ng gubat nagtago si Prinsesa Lunhaw.

Halos mamaos na si Diwayen ay hindi pa rin lumalabas ang pilyang prinsesa.

"Prinsesa Lunhaw! Nasaan ka na? Kapag hindi ka lumabas...hindi na ako makikipaglaro sa iyo!

Maya-maya lang, narinig niya itong tumatawag: "Diwayen! Diwayen! Tulungan mo ako!"

Nasukol pala ng isang mabangis na baboy-ramo ang prinsesa.

"Wag kang gagalaw. Akong bahala!" tarantang sigaw ni Diwayen.

Pumulot siya ng isang matulis na sanga at sinimulang bugawin ang naglalaway-laway na kalaban.

Ngunit mukhang nayamot lang at hindi natakot kay Diwayen ang baboy-ramo. Patuloy pa rin itong sumugod sa umiiyak na prinsesa.

Agad-agad na isinibat ni Diwayen ang sanga.

At sa isang iglap, nakabulagta na sa lupa ang hayop, iigik-igik habang nakatusok sa likod nito ang matulis na sanga.

Sumambulat ang galit ng datu nang malaman ang buong pangyayari.

Katakot-takot na bulyaw ang inabot ng kanyang mga tauhan.

Binagyo naman ng pangaral si Prinsesa Lunhaw.

Wala itong nagawa kundi umiyak at humingi ng tawad sa ama.

Samantala nang harapin naman ng datu si Diwayen: "P-patawarin n'yo po ako mahal na Datu..hindi ko po dapat sinamahan ang mahal na prinsesa sa kagubatan..."

paumanhin ng batang alipin habang nakayuko na tila hinihintay ang mga bulyaw ng datu.

Sa halip, nagwika itong: "Mapanganib ang ginawa mong pagpuslit ng anak kong prinsesa...

ngunit mas mapanganib ang ginawa mong pagliligtas sa kaniya!

Kahanga-hanga ang ipinakita mong katapangan at malasakit sa aking anak. Maraming salamat! "

Tanging ngiti ang naisukli ni Diwayen sa datu.

"Bilang pagtanaw ng utang na loob," patuloy ng datu, "ipagkakaloob ko sa iyo ang iyong kalayaan!

Malaya ka na, Diwayen!"

Nang gabing iyon, nagpatawag ng isang malaking piging si Datu Bulawan.

Ngunit wala na sa kusina si Diwayen— kasama na siya sa hapag!

Dumagsa ang masasarap na pagkain at inumin.

May nagsayawan, may nagtugtugan at may nag-awitan—

lahat ng iyon in bilang pasasalamat sa kaligtasan ni Prinsesa Lunhaw at pagpupugay sa kadakilaan ni Diwayen.

"Maraming salamat ulit, ha!" bulong ng batang prinsesa.

"Walang anuman," Sagot ni Diwayen. "Basta, kahit magkalayo na tayo, magkaibigan pa rin tayo, ha?"

sabay ihip sa tainga ng prinsesa. At kapuwa sila napabungisngis.

Kulay ginto na muli ang mga palayan ng dumating si Diwayen sa kanilang bayan.

Hindi na niya maalala kung gaano katagal siya nawala.

Ngunit ang mahalaga'y nagbalik na siya, at kapiling niyang muli ang kaniyang buong pamilya.

Mula noon, naging paboritong kuwento ng matatanda ang nangyari kay Diwayen-

kung paano tinubos ng isang batang alipin ang sariling kalayaan sa pamamagitan ng kaniyang katapangan at dakilang kalooban.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

DIWAYEN BEFORE THE SPANISH CAME | READ ALOUD TAGALOG BOOKS WITH TAGALOG AND ENGLISH SUBTITLES DIWAYEN, BEVOR DER SPANISCHE KAM | LESEN SIE TAGALOG-BÜCHER MIT TAGALOG UND ENGLISCHEN UNTERTITELN VOR DIWAYEN BEFORE THE SPANISH CAME | READ ALOUD TAGALOG BOOKS WITH TAGALOG AND ENGLISH SUBTITLES DIWAYEN VOORDAT DE SPAANSE KWAM | LEES TAGALOG-BOEKEN VOOR MET TAGALOG EN ENGELSE ONDERTITELS DIWAYEN PRZED PRZYSZŁEM HISZPAŃSKIM | CZYTAJ NA GŁOS KSIĄŻKI TAGALOGOWE Z TAGALOGOWYMI I ANGIELSKIMI NAPISAMI

SI DIWAYEN NOONG BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL DIWAYEN BEFORE THE SPANISH OCCUPATION

Kuwento ni Augie Rivera Story by Augie Rivera

Guhit ni Paolo Lim Illustrations by Paolo Lim

(SINGKIL MUSIC) (SINGKIL MUSIC)

Naglalambitin si Diwayen sa punong kaymito nang dumating ang libo-libong balang. Diwayen was swinging from the star apple tree when a thousand locusts came.

Halos dumilim ang buong kalangitan. The skies almost turned black.

Nakapangingilabot ang ugong ng mga ito habang sinasalanta ang palayan They made a dreadful sound as they came down to destroy all the rice fields

at iba pang mga pananim na dalawang araw na lang ay handa na sanang anihin. and crops that would have been ready for harvesting in two days.

Agad sumirko pababa ng puno si Diwayen. Diwayen scrambled down the tree.

"Kailangang malaman ito ni Ama." aniya sabay lilis ng kaniyang malong at karipas ng takbo pauwi. "Ama should know about this," she thought as she held up the hem of her malong* and dashed home.

Poot daw ng diwatang Lalawon ang nagdulot ng mga balang ayon sa haka-haka ng marami. Many believed that the locusts came because of the goddess Lalawon's anger.

Ngunit ang tiyak, hudyat 'yon ng tag-gutom sa malayong bayan nina Diwayen. What was certain was that the locusts signaled famine in Diwayen's faraway village.

Dahil walang ani, nagkaroon ng matinding kakulangan sa pagkain. Because there was no harvest, there wasn't enough food.

At nang magpatuloy pa ito sa loob ng maraming buwan, And when this continued for many more months, many families were forced to make

napilitan ang maraming pamilya na gawing gaon o pan-sangla ang kani-kanilang mga anak para lang makautang ng ikabubuhay. their children gaon or "pawned" items, in exchange for money for living expenses.

"Magsisilbi ka muna sa tahanan nina Datu Bulawan, 'yang datu sa kabilang bayan." For now, you will have to serve in the house Datu Bulawan of the neighboring village."

paliwanag ng ama ni Diwayen habang tinatalian ang balutan ng kaniyang mga damit. explained Diwayen's father, while he bundled up her clothes.

Tahimik namang sinusuklay at nilalangisan ng kaniyang ina ang buhok niy ang halos lampas-baywang. Quietly her mother combed and oiled her hair that had grown almost beyond her waist.

"Paghuhusayan mo ang trabaho doon, anak," dagdag pa nito. "Do your job well over there, anak'," her mother added.

"Hanggang kailan po ako doon, ina?" usisa ni Diwayen. "H-how long will l have to stay there, Ina" asked Diwayen.

"Kapag nakaipon na kami ng pambayad ay tutubusin ka namin agad." buntong-hininga ng kaniyang ama. "As soon as we've saved enough money, we'll buy you back," her father sadly sighed.

Sa gulang na siyam na taon, isa na si Diwayen sa pinakabatang alipin ng datu. Nine-year old Diwayen was one of the datu's youngest slaves.

Bahagi ng kaniyang tungkulin ang tumulong sa paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng pinggan, paghahabi at iba pang mga gawaing bahay. Her tasks included washing clothes, cleaning, washing plates, weaving, and other household chores.

Minsan, habang nag-iisis ng sahig na kawayan, nasulyapan niya ang datu habang kausap ang kaniyang mga tagapayo. Once, while she was scrubbing the bamboo floor, she caught a glimpse of the datu talking to his advisers.

Kapansin-pansin ang sarisaring tattoo nito sa iba't ibang bahagi ng katawan, She noticed the different tattoos that adorned his body, which, according to the

na ayon sa isang nakatatandang alipin, ay tanda raw ng kagitingan at katapangan ng datu sa pakikidigma. older slaves, were a sign of the datu's bravery and courage in time of war.

"Mukha naman siyang mabait," ani Diwayen, "lagi lang nakakunot ang noo." "He looks kind, thought Diwayen. Although he scowls a lot."

Sa gabi, tuwing dinadalaw ng lungkot si Diwayen, taimtim niyng pinatutugtog ang kaniyang tolali, isang uri ng plawtang hinihipan sa ilong. At night, whenever Diwayen felt lonely, she would play her tolali, a nose flute.

Marahil, umaasa siyang tatangayin ng hangin ang kaniyang malamyos na pagbati patungo sa kaniyang ama, ina at tatlong nakababatang kapatid na lalaki. Perhaps she hoped that the wind would carry her haunting melodies to her father, mother, and three younger brothers.

Isang araw di sinasadyang nagawi si Diwayen sa isang tagong silid sa loob ng bahay. One day, Diwayen stumbled into a hidden room in the datu's house.

Nandoon si Prinsesa Lunhaw, isang walong taong gulang na binukot. There she found Princess Lunhaw, an eight-year old binukot.

Binukot ang tawag sa mga anak ng datu na hindi lumalabas ng bahay. Binukot are the datu's children who were not allowed to go outside the house.

Itinatago sila ng datu at ni hindi pinatatapak sa lupa. The datus hid their children and never let their feet touch the ground.

"Sa wakas! May makakalaro na rin ako ang masayang sigaw ng prinsesa. At last! I have a playmate!" the princess happily exclaimed.

Nagkasundo agad ang dalawang batang babae. The two girls became fast friends.

Inilabas ng prinsesa ang kaniyang mga laruan. The princess brought out her toys.

Naglaro din sila ng kunggit, isang larong gumagamit ng mga sigay na tulad ng sungka. They played kunggit, a game using shells like sungka.

Kinuwentuhan naman ni Diwayen ang prinsesa ng kaniyang mga kapana-panabik na karanasan sa kagubatan Diwayen told the princess stories of her adventures in the forest,

lalo na kapag nangangaso sila ng kaniyang ama. mostly when she went hunting with her father.

Mula noon, naging masayahin na uli si Diwayen. Since then, Diwayen was much happier.

Bihira na siyang makaramdam ng pagkabagot sa kaniyang mga gawaing-bahay. She is no longer bored with her household chores.

Agad niyang tinatapos ang mga ito upang makapaglaro agad sila ni Prinsesa Lunhaw. She did them quickly, so she could play with Princess Lunhaw.

Ngunit minsan wala na siyang oras na makapaglaro o makapaglibang. Sometimes, though, there was no time to play.

Tambak kasi ang mga gawain sa kusina, lalo na kapag may piging o may darating na mga bisita ang datu mula sa iba pang lupain. Especially when there were feasts or the datu had visitors from faraway lands.

Isang gabi napansin ni Datu Bulawan na tila nag-mumukmok ang anak na prinsesa. One night, Datu Bulawan noticed that the little princess was troubled.

"Ama, bakit po ba kailangan pang magtrabaho ni Diwayen? Wala na siyang inatupag kundi trabaho. "Father, why does Diwayen have to work? He has done nothing but work.

Wala na tuloy siyang panahong makipaglaro sa akin!" dabog ni Prinsesa Lunhaw. He doesn't have time to play with me anymore!" Princess Lunhaw snapped.

"Ganoon talaga, anak..." "Si Diwayen ay isang alipin. "That's how things are." "Diwayen is a slave.

Ganiyan talaga ang kaayusan dito sa atin— may iba't ibang klase ng tao, may iba-iba ring tungkulin," paliwanag ni Datu Bulawan. That is the order of things—different kinds of people have different obligations," Datu Bulawan explained.

At ikaw, ang tungkulin mo ngayong gabi ay...ngumiti. As for you, your obligation for tonight... is to smile.

Sige na, isang matamis na ngiti?" lambing ng datu sa anak. Can't you give one just one sweet smile?" the datu teased the little princess.

Ngunit nanatiling nakasimangot si Prinsesa Lunhaw. But Princess Lunhaw kept frowning.

Kinabukasan, sa pagpupumilit ni Prinsesa Lunhaw, ay pumuslit sila ni Diwayen para mamasyal at maglaro sa kagubatan. The next day because of Princess Lunhaw's persistence Diwayen agreed to accompany her to play in the forest.

"Umuwi na tayo! Siguradong pagagalitan ako ng mahal na datu pag nalamang dinala kita rito!" sabi ni Diwayen habang hinihila sa braso ng prinsesa. "Let's go home! His highness will surely scold me for bringing you here!" Diwayen pleaded as the princess pulled her by the arm.

"Wag kang mag-alala! May pulong ang ama kong datu sa kabilang bayan," paniniyak ng prinsesa. "Don't worry! My father has a meeting in the next village," the princess assured her.

"Tama ka, Diwayen! Ang sarap palang maglaro rito!" "You were right, Diwayemn! It's so much fun to play here!"

At kumaripas ito papasok sa loob ng kagubatan. The princess ran deeper into the forest.

Kung saan-saang sulok ng gubat nagtago si Prinsesa Lunhaw. The princess hid in the deep in the deep dark forest and Diwayen grew hoarse from

Halos mamaos na si Diwayen ay hindi pa rin lumalabas ang pilyang prinsesa. calling out the mischievous princess' name.

"Prinsesa Lunhaw! Nasaan ka na? Kapag hindi ka lumabas...hindi na ako makikipaglaro sa iyo! "Princess Lunhaw! Where are you? If you don't come out right away...I won't play with you anymore!"

Maya-maya lang, narinig niya itong tumatawag: "Diwayen! Diwayen! Tulungan mo ako!" After a while, she heard the princess calling out: "Diwayen! Diwayen! Help!"

Nasukol pala ng isang mabangis na baboy-ramo ang prinsesa. A wild boar had cornered the princess.

"Wag kang gagalaw. Akong bahala!" tarantang sigaw ni Diwayen. "Don't move. I'll save you," Diwayen cried out nervously.

Pumulot siya ng isang matulis na sanga at sinimulang bugawin ang naglalaway-laway na kalaban. Diwayen got hold of a sharp branch and tried to scare the wild boar with it.

Ngunit mukhang nayamot lang at hindi natakot kay Diwayen ang baboy-ramo. Patuloy pa rin itong sumugod sa umiiyak na prinsesa. But the wild boar was unfazed and kept approaching the crying princess.

Agad-agad na isinibat ni Diwayen ang sanga. With one swift move, Diwayen thrust the branch at the wild boar.

At sa isang iglap, nakabulagta na sa lupa ang hayop, iigik-igik habang nakatusok sa likod nito ang matulis na sanga. In a flash, the beast fell to the ground, squealing horribly as the sharp branch pierced its back.

Sumambulat ang galit ng datu nang malaman ang buong pangyayari. The datu was furious when he learned of what happened.

Katakot-takot na bulyaw ang inabot ng kanyang mga tauhan. He screamed at all his servants and guards.

Binagyo naman ng pangaral si Prinsesa Lunhaw. A storm of a scolding fell on Princess Lunhaw.

Wala itong nagawa kundi umiyak at humingi ng tawad sa ama. The princess could not do anything but weep and ask for her father's forgiveness.

Samantala nang harapin naman ng datu si Diwayen: "P-patawarin n'yo po ako mahal na Datu..hindi ko po dapat sinamahan ang mahal na prinsesa sa kagubatan..." "Forgive me, your highness...I shouldn't have gone to the forest with the princess..."

paumanhin ng batang alipin habang nakayuko na tila hinihintay ang mga bulyaw ng datu. Diwayen apologized with head bowed, expecting the datu to yell at her.

Sa halip, nagwika itong: "Mapanganib ang ginawa mong pagpuslit ng anak kong prinsesa... Instead, the datu said:"Sneaking out with my daughter was very risky.

ngunit mas mapanganib ang ginawa mong pagliligtas sa kaniya! ...but even more dangerous was saving her from that beast!

Kahanga-hanga ang ipinakita mong katapangan at malasakit sa aking anak. Maraming salamat! " The courage and concern you showed for my daughter are admirable. Thank you very much!"

Tanging ngiti ang naisukli ni Diwayen sa datu. Diwayen could only manage a big smile.

"Bilang pagtanaw ng utang na loob," patuloy ng datu, "ipagkakaloob ko sa iyo ang iyong kalayaan! "As a sign of my gratitude," The datu continued, -I will grant you your freedom.

Malaya ka na, Diwayen!" You are free now, Diwayen.

Nang gabing iyon, nagpatawag ng isang malaking piging si Datu Bulawan. That same night, Datu Bulawan held a big feast.

Ngunit wala na sa kusina si Diwayen— kasama na siya sa hapag! But Diwayen was not in the kitchen helping prepare the dishes—she was a guest in the festivity!

Dumagsa ang masasarap na pagkain at inumin. There was no end to the good food and drink.

May nagsayawan, may nagtugtugan at may nag-awitan— There were musicians, dancers, and singers.

lahat ng iyon in bilang pasasalamat sa kaligtasan ni Prinsesa Lunhaw at pagpupugay sa kadakilaan ni Diwayen. It was a feast to celebrate Princess Lunhaw's safety and Diwayen's bravery.

"Maraming salamat ulit, ha!" bulong ng batang prinsesa. "Thank you," the young princess whispered.

"Walang anuman," Sagot ni Diwayen. "Basta, kahit magkalayo na tayo, magkaibigan pa rin tayo, ha?" "It is my honor," answered Diwayen. "Let's stay friends even if we're far apart."

sabay ihip sa tainga ng prinsesa. At kapuwa sila napabungisngis. She blew into the princess' ear and they both giggled.

Kulay ginto na muli ang mga palayan ng dumating si Diwayen sa kanilang bayan. The fields were golden again when Diwayen returned home.

Hindi na niya maalala kung gaano katagal siya nawala. She could not remember how long she was gone.

Ngunit ang mahalaga'y nagbalik na siya, at kapiling niyang muli ang kaniyang buong pamilya. What was important was that she was back in her family's arms.

Mula noon, naging paboritong kuwento ng matatanda ang nangyari kay Diwayen- From then on, the elders loved to tell the story of Diwayen -

kung paano tinubos ng isang batang alipin ang sariling kalayaan sa pamamagitan ng kaniyang katapangan at dakilang kalooban. a young slave who won her freedom, through her courage and kind heart.