×

LingQをより快適にするためCookieを使用しています。サイトの訪問により同意したと見なされます クッキーポリシー.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1)

FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1)

WAAAAh!

NAKAGAT AKO NG ASO

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Jomike Tejido

(MUSIC)

Mga bata!

di ba't paborito nating pet ang mga aso?

Halos lahat na yata ng pamilyang Pinoy ay may alagang aso.

Hindi ka lang may alaga, may tagapagbantay ka pa ng bahay.

At dahil nakasanayan na nating kasa-kasama ang aso sa bahay, nalilimutan nating dapat din tayong maging maingat dito.

Araw-araw, napakaraming nagpupunta sa ospital o klinika dahil sa kagat ng aso.

Hindi ako nagbibiro!

Gaano ba kadelikado ang kagat ng aso at nagpapainiksyon tayo dahil dito?

Ano ang dapat nating gawin kung nakagat tayo ng aso?

Sundan natin ang kuwento ni Janella at ng alaga niyang si Bruna.

Nang manganak ang aso nilang si Queenie, wala nang inatupag ang magkakapatid na Arvin, Gio,

at Janella kundi silipin ang mga tuta nito.

Sabik na sabik na silang makalaro ang mga tuta!

Nagsipili pa sila ng kanilang mga paborito!

Hindi nagtagal, ipinamigay ni Mommy Grace ang tatlo sa anim

na tuta sa mga kaanak na nanghihingi ng mga ito.

Itinira na lang ang tatlong paborito ng mga bata.

"Bronson ang ipapangalan ko sa 'yo," sabi ni Kuya Arvin sa asong maigsi ang buntot.

"Ikaw naman ay tatawagin kong Zimatar," ani Kuya Gio sa asong puno ng batik ang katawan.

"Bruna ang ipapangalan ko sa iyo.

Ikaw ang babaeng Bruno!"

nangingiting sabi ni Janella sa tutang may tagping itim sa kanang tainga.

"Arf, arfl Arf, arf, arf!" kahol ni Bruna, na waring sumasang-ayon.

Mula noon, tuwing Sabado't Linggo, maghapong kalaro ni Janella si Bruna.

Siya ang nagpapakain dito.

Kandong-kandong niya ito habang anonood ng TV

Kung minsan, pati sa kama ay kasamang natutulog ni Janella si Bruna.

"Aba, anak, bitawan mo muna kaya 'yang si Bruna.

Pagpahingahin mo naman.

Pati ikaw, amoy-tuta na rin!"

saway ni Mommy Grace.

Pagkagaling naman ni Janella sa iskuwelahan, si Bruna agad ang hinahanap niya.

Diretso siya rito kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit-pambahay.

Dahil sa alagang tuta, pati ang pag-aaral ay napapabayaan na ni Janella.

"Janella, natapos mo na ba ang homework mo?" tanong ni Mommy Grace.

"Mamaya na po, Mommy," sagot ni Janella. "Pagkatapos naming maglaro ni Bruna."

"Puro aso na lang ang inaatupag mo.

Wala pang bakuna si Bruna. Baka ka makagat."

"Hindi, Mommy. Mabait po si Bruna," katwiran naman ni Janella.

Minsan, habang kumakain si Bruna ay pinakialaman ito ni Janella.

Basta na lamang itong hinaltak mula sa kinakainang mangkok.

Biglang nagwala ang tuta, galit at waring mangangagat.

"GRR! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF, RUFF!"

Nagulat si Janella. Binitawan ang tuta.

Mabuti na lamang at nandun ang Lola Letty niya.

"Bruna! Bruna!" saway nito sa tuta.

Agad niyakap ni Lola Letty ang apong nanginginig pa.

"Janella, huwag na huwag mong pakikialaman ang aso kapag kumakain.

Ikaw man ang biglang pahintuin habang sarap na sarap kang kumakain, magagalit ka rin.

Tignan mo, muntik ka nang makagat."

Napatango na lamang si Janella.

Pinanood na lamang niya sa di-kalayuan ang kumakaing tuta.

Hindi na muna niya ito nilaro.

Isang araw, gaya nang nakagawian, pagkagaling ni Janella sa eskuwelahan ay si Bruna agad ang hinanap.

"Bilis, Bruna, habulin mo ako!" hiyaw ni Janella.

Sumugod naman ang tuta at nilundag ang binti ni Janella.

Tawa nang tawa si Janella.

"Tama na, Bruna, nakikiliti ako!"

"Anak, nagawa mo na ba ang mga homework mo?" tanong ni Daddy Rowell, na bagong dating din galing opisina.

"Mamaya na po, Daddy," sagot ni Janella.

"Pagkatapos naming maglaro ni Bruna."

Kumuha si Janella ng panyong pula at iwinagwag ito sa harap ng aso.

Nang anyong kakagatin ni Bruna ang panyo, tumakbong papalayo si Janella.

Gigil na gigil namang humabol si Bruna.

Nabigla si Janella sa sumunod na nangyari.

Nang lundagin siya ni Bruna, aksidenteng dumiin ang pangil nito sa kanyang balat.

"Aray! Ano 'yun?"

Nakita ni Janella na may dugo sa kanyang binti.

Natakot siya bigla na baka pagalitan siya ng kanyang Daddy at Mommy.

Agad niyang pinuntahan ang dalawa niyang kapatid sa kanilang kuwarto.

"N-nakagat ako ni Bruna." Napapaiyak na si Janella.

"Patingin ... Naku, parang malalim ang kagat a!" sabi ni Kuya Arvin.

"S-sasabihin ko ba kina Daddy at Mommy?" kinakabahang tanong ni Janella.

"Naku, huwag! Baka mapagalitan tayo.

Baka bawalan na nila tayong makipaglaro sa mga tuta!" sagot agad ni Kuya Gio.

"Mali 'yun, Gio," agaw naman ni Kuya Arvin.

"Janella, dapat nating sabihin ito kina Mommy.

May sugat ka.

Sabi ng teacher ko, delikado raw ang kagat ng aso dahil baka may rabies."

"'Pag pinagalitan si Janella, tiyak damay tayong dalawa!" maktol ni Kuya Gio.

"Talagang ganun.

Hindi naman kasalanan ni Janella na basta na lamang siya nakagat ng aso," sagot naman ni Kuya Arvin.

Napagpasyahan nila na sabihin sa kanilang mga magulang ang nangyari.

Sinamahan nina Kuya Arvin at Kuya Gio si Janella.

"Ha? Nakagat ka ni Bruna?"

Nabigla si Mommy Grace sa narinig.

"Sige, ako nang bahala dito sa sugat mo, Janella.

Huwag ka nang umiyak, anak."

Nagmamadaling hinugasan at sinabon ni Mommy Grace ang sugat habang nakatapat ito sa dumadaloy na tubig sa gripo.

Nang malagyan ng gasa ang sugat, dinala nila si Janella sa klinika.

Tinanong ni Dr. Bunyi kung alaga o asong kalye ang asong nangagat.

"Alaga po namin. Pet dog," tugon ni Mommy Grace.

Inalam din ni Dr. Bunyi kung biniro ba muna ni Janella ang tuta bago siya nakagat o basta na lang ito nangagat.

"Nakikipaghabulan po si Janella sa tuta nang bigla itong nangagat," sagot naman ni Mommy Grace.

Matapos linisin ni Dr. Bunyi ang sugat, pinayuhan niya

"Sa karaniwang kagat ng aso, kadalasa'y itinatali o ikinukulong ang aso, at inoobserbahan sa loob ng sampung araw.

Kung makakakita ng pagbabago sa aso, halimbawa'y maging mabangis ito o matamlay, dapat iniksiyunan agad ng kontra-rabies ang pasyente.

Ngunit iba po ang tuta.

Hindi ito nagiging ulol o mabangis na gaya ng malalaking aso.

Ang tutang may rabies ay karaniwang makulit, ngunit mahirap makita ang pagkakaiba nito sa pangkaraniwang kakulitan ng mga tuta."

"A, ganun pala. Ano po ang mabuting gawin, Dok?" tanong ni Daddy Rowell.

"Obserbahan na lang po muna natin ang tuta sa loob ng sampung araw.

Kapag hindi ito namatay, walang rabies ang tuta. Hindi na kakailanganin ang iniksyon kontra-rabies.

Pero kailangan pa ring iniksyunan ngayon si Janella para sa tetano. Medyo malalim kasi ang sugat mula sa kagat ng aso."

"Anak, konting tiis muna.

Kailangan kang iniksyunan ngayon," malumanay na sabi ni Mommy Grace.

Panay ang iling ni Janella, ayaw magpa-iniksyon.

Naikuwento tuloy ni Dr. Bunyi ang isang pasyente niya.

"Noong makagat ng aso ang pasyente kong si Buboy, binale-wala ito ng mga magulang niya.

Kagat lang daw kasi ng aso 'yun.

Pinayuhan kong magpainiksyon para sa rabies pero hindi na sila bumalik.

Pagkalipas ng isang buwan, napansin nilang may kakaiba kay Buboy.

Ayaw niyang nahahanginan ng electric fan.

Ayaw ding maligo, takot mabasa ng tubig.

Nang dinala siya sa akin, huli na—may rabies na siya

kaya ipina-confine ko sa ospital."

"Dr. Bunyi, ano po ba ang rabies?" tanong ni Janella.

"Mikrobyong virus ito na ubod nang bagsik," paliwanag ni Dr. Bunyi.

"Kapag nakapasok ito sa katawan ng aso at umabot na sa utak nito, mauulol ang aso.

Kapag nakagat naman ng isang asong may rabies ang isang tao, papasok ang virus sa katawan niya at maglalakbay patungong utak.

Kapag nakarating na sa utak ang rabies, mauulol ang tao. At mamamatay."

"E, bakit po natakot si Buboy sa tubig at sa hangin?" tanong ni Mommy Grace.

"Dahil nahihirapan siyang huminga.

Kapag ang isang pasyenteng may rabies ay mahanginan o mabasa ng tubig, reaksyon ng katawan niya'y sarhan ang daanan ng hangin patungo sa kanyang baga."

"Nakakamatay po ba talaga ang rabies, Dok?" tanong ni Daddy Rowell.

"Oo. Kapag nakarating na sa utak ng tao ang virus na ito, nakakamatay talaga.

Kaya binabakunahan natin ang nakagat ng aso para hindi makarating sa utak ang rabies virus.

Sa kaso ni Buboy, namatay ito dahil sa rabies."

Hinila ni Janella ang braso ng mommy niya.

"Mommy, ayoko pong mangyari sa akin 'yung nangyari kay Buboy."

"Kaya nga tayo magpapabakuna kung makita natin ang sintomas ng rabies kay Bruna," sagot ni Mommy Grace.

"Pero ngayon kailangan mo pa ring magpainiksyon laban sa tetano, dahil nga may kalaliman ang kagat ni Bruna sa 'yo."

Marahang tumango si Janella.

Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang karayom ng iniksyon.

"Janella, anong gusto mong maging paglaki mo?" tanong ni Dr. Bunyi.

"Gusto ko pong maging doktor ng mga pets, kagaya ng kakilala namin na si Dra. Espie."

"Ah, isang veterinarian. Matatapang ang mga veterinarian. Matapang ka rin ba?"

Tumatango pa si Janella sa tanong nang nilagyan na ni Dr. Bunyi ng bulak ang pinag-iniksiyunan sa balikat ni Janella.

"Ang tapang pala ni Janella. Hindi man lang umiyak!" humahangang sabi ni Dr. Bunyi.

"Kaya may regalo ako para sa iyo—isang stuffed toy na aso."

"Wow, salamat po!" Ngumiti si Janella.

Nang gabing iyon, bago maghapunan, ikinuwento ni Daddy Rowell sa mga bata ang di niya malilimutang karanasan sa aso.

"Noong bata pa ako, nakagat ako ng aso ng kapitbahay namin. Iyak ako nang iyak!"

"E, Daddy, saan po kayo nakagat?" tanong ni Kuya Gio.

Natawa muna si Daddy Rowell bago sumagot. "Dito o, sa puwet!"

Naghagikgikan ang tatlong magkakapatid sa narinig. "Ay, sa puwet daw nakagat si Daddy!"

"Naku, ang masaklap,"dagdag ni Daddy Rowell, "kiniskisan ng Lola Letty ninyo ng bawang at asin ang lugar na kinagat.

Lalong humapdi. Lalong namaga!"

Napahinto sa pagluluto si Lola Letty nang marinig ang pangalan.

"Aba, e, anong masama roon?

Ganun ang kinalakihan ko sa mga ninuno ko. Ginaya ko lang.

E bakit, Rowell, mali ba yung ganun?"

"Inay, sabi po ni Dr. Bunyi, kapag nakagat daw po ng aso, ang unang dapat gawin ay paduguin ang sugat," masuyong paliwanag ni Daddy Rowell.

"Tapos, sabunin ito habang nakatapat sa dumadaloy na tubig sa gripo.

Tapos, dalhin daw ang pasyente sa doktor.

Walang binanggit na bawang at asin, Inay.

Lalo lang kasing mamamaga ang sugat dahil maiirita ito."

Tumango-tango si Lola Letty.

"A, ganun ba? E, ganun din ba ang gagawin kapag nakagat ng daga at paniki?"

"Wala pa daw pong kaso ng rabies sa ating bansa na dala ng kagat ng daga at paniki.

Aso at pusa lang po ang posibleng may dalang rabies dito sa Pilipinas.

Ngunit sa ibang bansa, posibleng magka-rabies sa kagat ng paniki, raccoon, skunk, fox, o iba pang mababangis na hayop."

"Pero Daddy, bakit pati pusa ay napasama?" tanong ni Janella.

"Madalas kasing maglaro o mag-away ang aso't pusa.

Kung may rabies ang aso at kumagat siya ng pusa, pati ang pusa ay magkaka-rabies na rin!"

"Naku, dapat din pala tayong mag-ingat sa mga pusa," dagdag ni Lola Letty.

Nagbilin si Daddy Rowell sa mga bata.

"Kaya mga anak, kung sakaling makagat kayo ng aso o kahit makalmot lamang ng pusa, magsabi kayo agad sa amin, ha?

Para magamot natin nang maayos ang sugat."

"Dapat po pala talagang pabakunahan na ang mga tuta," sabi ni Kuya Arvin.

"Oo, para ligtas sila sa mikrobyong rabies.

Kaya bukas na bukas din, pupunta tayo dun sa klinika sa kanto, kay Dra. Espie."

Maaga pa ay nasa klinika na sila ni Dra. Espie Dominguez.

Ang daming poster ng iba't ibang lahi ng aso sa loob.

May poster din sina Snoopy, Pluto, at Scooby-Doo.

May poster din ng iba't ibang mga pagkain at bitamina para sa aso.

Sa loob ay mayroon pang pasyenteng aso na naka-suwero.

Mayroon ding mga pasyenteng pusa.

"Ang gaganda naman ng mga tutang ito!" sabi ni Dra. Espie.

"Anong mga pangalan nila?"

"Ito po si Zimatar, ang pet kong batik-batik!" sagot agad ni Kuya Gio.

"Bronson naman po ang tutang maigsi ang buntot," sunod ni Kuya Arvin.

"Ito po si Bruna, 'yung may tagpi sa tainga.

Siya po ang nakakagat sa akin," sabi ni Janella.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1) ||WAAAH! I got bitten|||||Nakagat - Bitten|||Tuta|kasama ang|Sure, please provide the specific text you want translated.|Sure, I can help with that. Please provide the specific Tagalog text you would like translated.|Mga Subtitle PHILIPPINISCHES BUCH: WOAH! VON MEINEM WELPEN gebISS MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN (1) FILIPINO BOOK: WOAH! BITTEN BY MY PUPPY WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1) フィリピン語の本: うわー!子犬に噛まれました (英語/タガログ語字幕付き) (1) KSIĄŻKA FILIPIŃSKA: WOAH! UGRYZONY PRZEZ MOJEGO SZCZENIAKA Z NAPISAMI W JĘZYKU ANGIELSKIM/TAGALOGU (1)

WAAAAh! WAAAAh! WAAAAH!

NAKAGAT AKO NG ASO THE DOG'S BITTEN ME.

Kuwento ni Dr. Luis Gatmaitan Story by Dr. Luis Gatmaitan

Guhit ni Jomike Tejido ||Jomike's Drawing|Drawing Illustrations by Jomike Tejido

(MUSIC) (MUSIC)

Mga bata! Hey, kids!

di ba't paborito nating pet ang mga aso? |isn't it|||favorite animal||| We like having pet dogs, don't we?

Halos lahat na yata ng pamilyang Pinoy ay may alagang aso. Most Filipino families have pet dogs.

Hindi ka lang may alaga, may tagapagbantay ka pa ng bahay. ||||||guardian|||| Not only do you have a pet, you have someone to guard the house, too.

At dahil nakasanayan na nating kasa-kasama ang aso sa bahay, nalilimutan nating dapat din tayong maging maingat dito. |||||||||||forgetting||||||| But since we're so used to having a dog in our homes, we forget that we should also be careful with it.

Araw-araw, napakaraming nagpupunta sa ospital o klinika dahil sa kagat ng aso. |||go to||||||||| Every day, many people go to a hospital or clinic because of dog bites.

Hindi ako nagbibiro! ||not joking I'm not kidding!

Gaano ba kadelikado ang kagat ng aso at nagpapainiksyon tayo dahil dito? ||How dangerous||||||getting injected||| Is a dog bite really so dangerous that we need to be vaccinated because of it?

Ano ang dapat nating gawin kung nakagat tayo ng aso? What should we do if a dog bites us?

Sundan natin ang kuwento ni Janella at ng alaga niyang si Bruna. Follow|||||Janella||||||her pet dog Let's read about Janella and her pet dog Bruna.

Nang manganak ang aso nilang si Queenie, wala nang inatupag ang magkakapatid na Arvin, Gio, ||||||Queenie|||||||Arvin and siblings|Gio When their pet dog Queenie gave birth, Arvin, Gio, and

at Janella kundi silipin ang mga tuta nito. |her puppies|||||| Janella spent every spare minute watching the new puppies.

Sabik na sabik na silang makalaro ang mga tuta! |||||play with||| They couldn't wait to play with the puppies!

Nagsipili pa sila ng kanilang mga paborito! They chose|||||| They even chose their own favorites!

Hindi nagtagal, ipinamigay ni Mommy Grace ang tatlo sa anim ||||Mommy Grace|Mommy Grace|||| Before long, Mommy Grace gave away three of the six

na tuta sa mga kaanak na nanghihingi ng mga ito. ||||relatives||||| puppies to relatives who were asking for pets.

Itinira na lang ang tatlong paborito ng mga bata. Left|||||||| Only the children's favorites were kept.

"Bronson ang ipapangalan ko sa 'yo," sabi ni Kuya Arvin sa asong maigsi ang buntot. "Bronson"|||||||||Arvin|||short|| "I'll call you Bronson," Kuya Arvin said to the puppy with a short stumpy tail.

"Ikaw naman ay tatawagin kong Zimatar," ani Kuya Gio sa asong puno ng batik ang katawan. |||||"Spotted one"||||||||spots|| ' "And I'll call you Zimatar," said Kuya Gio to the spotted one.

"Bruna ang ipapangalan ko sa iyo. "And you're name is Bruna.

Ikaw ang babaeng Bruno!" You're a girl Bruno!"

nangingiting sabi ni Janella sa tutang may tagping itim sa kanang tainga. smilingly said|||Janella||puppy||patch of color|||| Janella giggled at the puppy with a patch on her right ear.

"Arf, arfl Arf, arf, arf!" kahol ni Bruna, na waring sumasang-ayon. ||"Bark, bark!"|||||||seemingly|| "Arf, arf! Arf, arf, arf!" Bruna barked, as if to agree.

Mula noon, tuwing Sabado't Linggo, maghapong kalaro ni Janella si Bruna. |||Saturday and|||||Janella|| From that day onwards, Janella played with Bruna every Saturday and Sunday.

Siya ang nagpapakain dito. ||feeding| She also took care of feeding the puppy.

Kandong-kandong niya ito habang anonood ng TV Carrying|||||watching||television She'd let Bruna sit on her lap while watching TV.

Kung minsan, pati sa kama ay kasamang natutulog ni Janella si Bruna. Sometimes, she'd even let Bruna lie with her on the bed when she went to sleep.

"Aba, anak, bitawan mo muna kaya 'yang si Bruna. "Janella, you shouldn't take Bruna everywhere with you.

Pagpahingahin mo naman. Let rest please.|| You should let her rest, too.

Pati ikaw, amoy-tuta na rin!" Why, you even smell like a dog now!"

saway ni Mommy Grace. Mommy Grace scolded her.

Pagkagaling naman ni Janella sa iskuwelahan, si Bruna agad ang hinahanap niya. arrival|||Janella||school||her dog|||| Every day after school, Janella would look for Bruna first, even before changing out of her school uniform.

Diretso siya rito kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit-pambahay. Straight ahead||||||changed into||| He came straight here even though he hadn't changed his clothes yet.

Dahil sa alagang tuta, pati ang pag-aaral ay napapabayaan na ni Janella. |||||||||neglected|||Janella Because she was always busy playing with the puppy, Janella had begun to neglect her studies.

"Janella, natapos mo na ba ang homework mo?" tanong ni Mommy Grace. ||||||"Janella, have you finished your homework?" asked Mommy Grace.||||| "Janella, are you done with your homework yet?" Mommy Grace asked her.

"Mamaya na po, Mommy," sagot ni Janella. "Pagkatapos naming maglaro ni Bruna." "Later, Mommy," Janella replied. "After I've played with Bruna."

"Puro aso na lang ang inaatupag mo. |||||"taking care of"| "You're spending too much time with that puppy.

Wala pang bakuna si Bruna. Baka ka makagat." Bruna hasn't had her shots yet. If she ever bites you...."

"Hindi, Mommy. Mabait po si Bruna," katwiran naman ni Janella. "No, she won't, Mommy. Bruna's a good dog," Janella answered.

Minsan, habang kumakain si Bruna ay pinakialaman ito ni Janella. ||||||interfered with||| One time, Bruna was eating when Janella suddenly snatched her up from the feeding bowl.

Basta na lamang itong hinaltak mula sa kinakainang mangkok. ||||snatched away|||being eaten from| It is simply pulled from the eating bowl.

Biglang nagwala ang tuta, galit at waring mangangagat. |went wild||||||about to bite The puppy suddenly snapped and growled, ready to bite.

"GRR! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF, RUFF!" Growl|"Bark"|||||| "GRR! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF! RUFF, RUFF, RUFF!"

Nagulat si Janella. Binitawan ang tuta. |||Let go of|| Janella jumped, startled. She dropped the dog.

Mabuti na lamang at nandun ang Lola Letty niya. |||||||Grandma Letty| It was a good thing that her Lola Letty was nearby.

"Bruna! Bruna!" saway nito sa tuta. "Bruna! Stop that, Bruna!" she ordered sternly.

Agad niyakap ni Lola Letty ang apong nanginginig pa. Lola Letty immediately put her arms around her trembling grandchild.

"Janella, huwag na huwag mong pakikialaman ang aso kapag kumakain. |||||interfere with|||| "Never, ever disturb a dog when its eating, Janella.

Ikaw man ang biglang pahintuin habang sarap na sarap kang kumakain, magagalit ka rin. ||||stop abruptly||||||||| Why, if you were disturbed while you're enjoying your food, wouldn't you get angry, too?

Tignan mo, muntik ka nang makagat." Bruna almost bit you!"

Napatango na lamang si Janella. Just nodded|||| Janella just nodded in reply.

Pinanood na lamang niya sa di-kalayuan ang kumakaing tuta. ||||||||eating| She watched Bruna from a distance while the puppy continued to eat.

Hindi na muna niya ito nilaro. |||||played with it She'd leave Bruna alone for now.

Isang araw, gaya nang nakagawian, pagkagaling ni Janella sa eskuwelahan ay si Bruna agad ang hinanap. |||||||Janella|||||||| One day, as she was wont to do, Janella looked for Bruna first after coming from school.

"Bilis, Bruna, habulin mo ako!" hiyaw ni Janella. "Faster, Bruna! Catch me if you can!" Janella squealed.

Sumugod naman ang tuta at nilundag ang binti ni Janella. |||||jumped on|||| The puppy chased after her and jumped up Janella's leg.

Tawa nang tawa si Janella. Janella laughed and laughed.

"Tama na, Bruna, nakikiliti ako!" |||getting tickled| "Stop it, Bruna! You're tickling me!"

"Anak, nagawa mo na ba ang mga homework mo?" tanong ni Daddy Rowell, na bagong dating din galing opisina. ||||||||||||"Daddy Rowell"|||||| "Have you done your homework yet, Janella?" asked Daddy Rowell, who has just arrived from office.

"Mamaya na po, Daddy," sagot ni Janella. ||||||"Later, Daddy," "I'll do it later, Daddy," she replied.

"Pagkatapos naming maglaro ni Bruna." "After I've played with Bruna."

Kumuha si Janella ng panyong pula at iwinagwag ito sa harap ng aso. ||Janella||handkerchief|||||||| Janella took a red handkerchief and waved it in front of Bruna.

Nang anyong kakagatin ni Bruna ang panyo, tumakbong papalayo si Janella. |about to||||||ran away||| Before the dog could grip it with her teeth, Janella ran off with the cloth.

Gigil na gigil namang humabol si Bruna. Eagerly||||eagerly chased|| Bruna chased after her excitedly.

Nabigla si Janella sa sumunod na nangyari. What happened next surprised Janella.

Nang lundagin siya ni Bruna, aksidenteng dumiin ang pangil nito sa kanyang balat. |leap at|||||pierced|||||| When Bruna jumped up, her teeth accidentally nipped Janella's skin.

"Aray! Ano 'yun?" "Ouch! What was that?"

Nakita ni Janella na may dugo sa kanyang binti. Janella saw blood ooze from her leg.

Natakot siya bigla na baka pagalitan siya ng kanyang Daddy at Mommy. |||||scold|||||| She was suddenly afraid that her parents might get angry with her.

Agad niyang pinuntahan ang dalawa niyang kapatid sa kanilang kuwarto. She ran to her brothers in their room.

"N-nakagat ako ni Bruna." Napapaiyak na si Janella. |||||"About to cry"||| "B-bruna bit me!" Janella was almost in tears.

"Patingin ... Naku, parang malalim ang kagat a!" sabi ni Kuya Arvin. ||||||"right?"|||| "Let me see ... Oh no, I think the bite's quite deep!" Kuya Arvin exclaimed.

"S-sasabihin ko ba kina Daddy at Mommy?" kinakabahang tanong ni Janella. |||||"Dad"||Mom or Mommy|nervous|||Janella "S-should I tell Daddy and Mommy?" Janella asked nervously.

"Naku, huwag! Baka mapagalitan tayo. "No, don't! We'll all get scolded!

Baka bawalan na nila tayong makipaglaro sa mga tuta!" sagot agad ni Kuya Gio. |prohibit||||||||||||Gio They might not let us play with the puppies anymore!" Kuya Gio quickly said.

"Mali 'yun, Gio," agaw naman ni Kuya Arvin. "That's wrong, Gio," said Kuya Arvin.

"Janella, dapat nating sabihin ito kina Mommy. "Janella, we must tell Mommy and Daddy right away.

May sugat ka. You have a bite wound there.

Sabi ng teacher ko, delikado raw ang kagat ng aso dahil baka may rabies." ||My teacher said|||||||||||rabies My teacher said that a dog's bite is dangerous because you might get rabies."

"'Pag pinagalitan si Janella, tiyak damay tayong dalawa!" maktol ni Kuya Gio. |scolded||Janella||involved|||||| "But if Janella gets scolded, we'll surely get scolded, too!" complained Kuya Gio.

"Talagang ganun. "So what?

Hindi naman kasalanan ni Janella na basta na lamang siya nakagat ng aso," sagot naman ni Kuya Arvin. ||||Janella||"just suddenly"||||||||||| It wasn't Janella's fault that the dog bit her," Kuya Arvin answered.

Napagpasyahan nila na sabihin sa kanilang mga magulang ang nangyari. They finally decided to tell their parents.

Sinamahan nina Kuya Arvin at Kuya Gio si Janella. The boys accompanied their sister.

"Ha? Nakagat ka ni Bruna?" "Bruna bit you?"

Nabigla si Mommy Grace sa narinig. Mommy Grace was taken aback with the news.

"Sige, ako nang bahala dito sa sugat mo, Janella. "Here, let me take care of that, Janella.

Huwag ka nang umiyak, anak." Don't cry now."

Nagmamadaling hinugasan at sinabon ni Mommy Grace ang sugat habang nakatapat ito sa dumadaloy na tubig sa gripo. |washed||soaped up|||||||under the faucet|||||||faucet Quickly, Mommy Grace washed the wound with soap under running water.

Nang malagyan ng gasa ang sugat, dinala nila si Janella sa klinika. |||gauze|||||||| After the wound was bandaged, they took Janella to a clinic.

Tinanong ni Dr. Bunyi kung alaga o asong kalye ang asong nangagat. |||Dr. Bunyi||||||||bit someone Dr. Bunyi asked them if the puppy that bit Janella was a pet or a stray.

"Alaga po namin. Pet dog," tugon ni Mommy Grace. |||Pet|Pet dog|||| "It's our pet, Doc," Mommy Grace replied.

Inalam din ni Dr. Bunyi kung biniro ba muna ni Janella ang tuta bago siya nakagat o basta na lang ito nangagat. inquired||||||||||||||||||||| He also asked if Janella was teasing the puppy when she was bitten or if the puppy had snapped at her for no reason.

"Nakikipaghabulan po si Janella sa tuta nang bigla itong nangagat," sagot naman ni Mommy Grace. |||||||suddenly||||||| "They were playing chase when the dog bit her," answered Mommy Grace.

Matapos linisin ni Dr. Bunyi ang sugat, pinayuhan niya Dr. Bunyi counseled them after he cleaned the wound.

"Sa karaniwang kagat ng aso, kadalasa'y itinatali o ikinukulong ang aso, at inoobserbahan sa loob ng sampung araw. |||||usually|tied up||"confined"||||||||| "In an ordinary case of dog bite, the dog is often tied or confined, and observed for a period of ten days.

Kung makakakita ng pagbabago sa aso, halimbawa'y maging mabangis ito o matamlay, dapat iniksiyunan agad ng kontra-rabies ang pasyente. ||||||"for example"|||||lethargic||injected immediately|||||| If changes occur, the dog turns mad or depressed, for example, the patient should immediately have an anti-rabies vaccine shot.

Ngunit iba po ang tuta. But puppy -bite cases are different.

Hindi ito nagiging ulol o mabangis na gaya ng malalaking aso. |||"crazy"||||||| Puppies neither turn mad nor violent like adult dogs.

Ang tutang may rabies ay karaniwang makulit, ngunit mahirap makita ang pagkakaiba nito sa pangkaraniwang kakulitan ng mga tuta." ||||||||||||||ordinary puppy behavior|playful behavior||| A rabies-infected puppy is often restless, yet that is difficult to tell apart from the usual playfulness of puppies."

"A, ganun pala. Ano po ang mabuting gawin, Dok?" tanong ni Daddy Rowell. ||||||||Doc|||| "I see. So, what should we do now, Doc?" Daddy Rowell asked.

"Obserbahan na lang po muna natin ang tuta sa loob ng sampung araw. "Let's observe the puppy for ten days.

Kapag hindi ito namatay, walang rabies ang tuta. Hindi na kakailanganin ang iniksyon kontra-rabies. ||||||||||||injection|| If it doesn't die, then it doesn't have rabies, and Janella wouldn't need the anti-rabies vaccine.

Pero kailangan pa ring iniksyunan ngayon si Janella para sa tetano. Medyo malalim kasi ang sugat mula sa kagat ng aso." ||||injected||||||tetanus shot|||||||||| But, right now, she needs an anti-tetanus shot because she has a deep wound."

"Anak, konting tiis muna. "You'll need to bear a little pain now, Janella.

Kailangan kang iniksyunan ngayon," malumanay na sabi ni Mommy Grace. You need this injection," Mommy Grace gently said to Janella.

Panay ang iling ni Janella, ayaw magpa-iniksyon. Janella was shaking her head—she didn't want any injection!

Naikuwento tuloy ni Dr. Bunyi ang isang pasyente niya. And so, Dr. Bunyi told them the story about one of his patients.

"Noong makagat ng aso ang pasyente kong si Buboy, binale-wala ito ng mga magulang niya. ||||||||Buboy|ignored|||||| "When Buboy was bitten by a dog, his parents didn't think that it was anything serious.

Kagat lang daw kasi ng aso 'yun. It was just a dog bite, they reasoned.

Pinayuhan kong magpainiksyon para sa rabies pero hindi na sila bumalik. ||get vaccinated|||||||| I advised that Buboy should be injected with anti-rabies, but they didn't return to the clinic.

Pagkalipas ng isang buwan, napansin nilang may kakaiba kay Buboy. |||||||||Buboy After a month, they noticed that Buboy was acting strangely.

Ayaw niyang nahahanginan ng electric fan. ||being blown on||electric fan|electric fan He got scared when he'd feel the breeze from an electric fan.

Ayaw ding maligo, takot mabasa ng tubig. He didn't like to take a bath either, scared of getting wet.

Nang dinala siya sa akin, huli na—may rabies na siya When they brought him to me again, it was already too late—he was rabies-infected

kaya ipina-confine ko sa ospital." |had them admitted|admitted||| and so I had him confined in a hospital."

"Dr. Bunyi, ano po ba ang rabies?" tanong ni Janella. "What's rabies, Dr. Bunyi?" asked Janella.

"Mikrobyong virus ito na ubod nang bagsik," paliwanag ni Dr. Bunyi. "Microbial virus"|"virus"|||||"extreme virulence"|||| "Rabies is a deadly potent virus," Dr. Bunyi explained.

"Kapag nakapasok ito sa katawan ng aso at umabot na sa utak nito, mauulol ang aso. |||||||||||brain||go mad|| "If the virus gets into a dog and reaches the brain, the dog turns mad.

Kapag nakagat naman ng isang asong may rabies ang isang tao, papasok ang virus sa katawan niya at maglalakbay patungong utak. |||||||||||||virus|||||travel towards||brain If a rabies-infected dog bites someone, the virus enters the person's body and travels to his brain.

Kapag nakarating na sa utak ang rabies, mauulol ang tao. At mamamatay." If it reaches his brain, he becomes mad. Then he dies."

"E, bakit po natakot si Buboy sa tubig at sa hangin?" tanong ni Mommy Grace. "But, how come Buboy was afraid of air and water, Doc?" asked Mommy Grace.

"Dahil nahihirapan siyang huminga. "Because he had trouble breathing.

Kapag ang isang pasyenteng may rabies ay mahanginan o mabasa ng tubig, reaksyon ng katawan niya'y sarhan ang daanan ng hangin patungo sa kanyang baga." |||||||exposed to wind|||||||||close off|||||||| When a rabies-infected person comes in contact with air or water, his body reacts by closing the air passage to his lungs."

"Nakakamatay po ba talaga ang rabies, Dok?" tanong ni Daddy Rowell. "Is rabies deadly"|||||||||| "So can you really die of rabies, Doc?" asked Daddy Rowell.

"Oo. Kapag nakarating na sa utak ng tao ang virus na ito, nakakamatay talaga. "Oh, yes. If the virus reaches a person's brain, the person dies.

Kaya binabakunahan natin ang nakagat ng aso para hindi makarating sa utak ang rabies virus. |vaccinating||||||||||||| That's why we inject patients with anti-rabies vaccine, to prevent the virus from reaching the brain.

Sa kaso ni Buboy, namatay ito dahil sa rabies." Buboy, for example, died of rabies."

Hinila ni Janella ang braso ng mommy niya. Janella tugged her mother's arm.

"Mommy, ayoko pong mangyari sa akin 'yung nangyari kay Buboy." "Mommy, I don't want to get sick and die like Buboy."

"Kaya nga tayo magpapabakuna kung makita natin ang sintomas ng rabies kay Bruna," sagot ni Mommy Grace. |||get vaccinated|||||||||Bruna|||| "That's why you'll need anti-rabies shots if Bruna shows any symptoms of having rabies," Mommy Grace replied.

"Pero ngayon kailangan mo pa ring magpainiksyon laban sa tetano, dahil nga may kalaliman ang kagat ni Bruna sa 'yo." "But for now, you still need that anti-tetanus shot because you got a deep puncture wound there from Bruna's bite."

Marahang tumango si Janella. Janella nodded her head slowly.

Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata para hindi niya makita ang karayom ng iniksyon. Closed||||||||||||||| She closed her eyes to keep herself from seeing the syringe needle.

"Janella, anong gusto mong maging paglaki mo?" tanong ni Dr. Bunyi. "What do you want to be when you grow up, Janella?" asked Dr. Bunyi.

"Gusto ko pong maging doktor ng mga pets, kagaya ng kakilala namin na si Dra. Espie." |||||||pets|||acquaintance||||Dr.|Espie "I want to be a doctor for pets, just like our friend Dr. Espie," she answered.

"Ah, isang veterinarian. Matatapang ang mga veterinarian. Matapang ka rin ba?" ||"veterinarian"|||||||| "Ah, a veterinarian. Veterinarians are brave. Are you also brave, Janella?"

Tumatango pa si Janella sa tanong nang nilagyan na ni Dr. Bunyi ng bulak ang pinag-iniksiyunan sa balikat ni Janella. |||||||||||||cotton ball||||||| Janella was still nodding her head when Dr. Bunyi placed a cotton over the needle wound.

"Ang tapang pala ni Janella. Hindi man lang umiyak!" humahangang sabi ni Dr. Bunyi. ||||Janella|||||admiringly said|||| "You're a very brave girl, Janella. You didn't even cry!" Dr. Bunyi said with admiration.

"Kaya may regalo ako para sa iyo—isang stuffed toy na aso." ||||||||stuffed||| "For that, I'm giving you a stuffed toy dog."

"Wow, salamat po!" Ngumiti si Janella. "Wow, thank you!" Janella smiled.||||| "Wow, thank you!" Janella smiled.

Nang gabing iyon, bago maghapunan, ikinuwento ni Daddy Rowell sa mga bata ang di niya malilimutang karanasan sa aso. That night, before supper, Daddy Rowell shared with the children a doggy story of his own that he would never forget.

"Noong bata pa ako, nakagat ako ng aso ng kapitbahay namin. Iyak ako nang iyak!" "When I was a child, our neighbor's dog bit me. And boy, did I cry!"

"E, Daddy, saan po kayo nakagat?" tanong ni Kuya Gio. "E, Daddy, where were you bitten?" asked Kuya Gio.||||||||| "Where did it bite you, Daddy?" asked Kuya Gio.

Natawa muna si Daddy Rowell bago sumagot. "Dito o, sa puwet!" ||||Daddy Rowell||||||butt Daddy Rowell laughed aloud and said, "Here, on my bottom!"

Naghagikgikan ang tatlong magkakapatid sa narinig. "Ay, sa puwet daw nakagat si Daddy!" Giggled|||||||||||| The children giggled. "Daddy got bitten on his bottom!"

"Naku, ang masaklap,"dagdag ni Daddy Rowell, "kiniskisan ng Lola Letty ninyo ng bawang at asin ang lugar na kinagat. ||"very painful"|||||rubbed with garlic|||Grandma Letty|||garlic|||||| "And to make it worse," Daddy Rowell added, "your Lola Letty rubbed salt and garlic on the wound.

Lalong humapdi. Lalong namaga!" |"Stung more"|| That made it even more sore and painful!"

Napahinto sa pagluluto si Lola Letty nang marinig ang pangalan. Lola Letty paused from her cooking when she heard her name.

"Aba, e, anong masama roon? "Well, what's wrong with that?

Ganun ang kinalakihan ko sa mga ninuno ko. Ginaya ko lang. ||raised with|||||||| That's what my grandparents did, and I merely did the same.

E bakit, Rowell, mali ba yung ganun?" Was that the wrong thing to do, Rowell?"

"Inay, sabi po ni Dr. Bunyi, kapag nakagat daw po ng aso, ang unang dapat gawin ay paduguin ang sugat," masuyong paliwanag ni Daddy Rowell. ||||||||||||||||||||gentle|||| "Inay, Dr. Bunyi said that if someone is bitten by a dog, we should first squeeze around the wound to make it bleed," Daddy Rowell gently explained.

"Tapos, sabunin ito habang nakatapat sa dumadaloy na tubig sa gripo. |soap up||||||||| "Then, we wash the wound with soap under running water.

Tapos, dalhin daw ang pasyente sa doktor. After that, we take the victim to the doctor.

Walang binanggit na bawang at asin, Inay. |||garlic||| Dr. Bunyi didn't say anything about salt and garlic, Inay.

Lalo lang kasing mamamaga ang sugat dahil maiirita ito." ||"because"|swell up||||get irritated| These would only irritate the wound and make it sore."

Tumango-tango si Lola Letty. Lola Letty was nodding her head.

"A, ganun ba? E, ganun din ba ang gagawin kapag nakagat ng daga at paniki?" |||"Well" or "So"|||||||||||bat "Is that so? Do we do that too if someone gets bitten by a rat or a bat?"

"Wala pa daw pong kaso ng rabies sa ating bansa na dala ng kagat ng daga at paniki. |||"po"|||||||||||||| "Well, the doctor said that there haven't been any rabies cases in the Philippines because of rat or bat bites.

Aso at pusa lang po ang posibleng may dalang rabies dito sa Pilipinas. Only cats and dogs could possibly have rabies here.

Ngunit sa ibang bansa, posibleng magka-rabies sa kagat ng paniki, raccoon, skunk, fox, o iba pang mababangis na hayop." |||||||||||raccoon|skunk|fox||||wild|| But in other countries, people can acquire rabies when bitten by bats, raccoons, skunks, foxes, or certain wild animals."

"Pero Daddy, bakit pati pusa ay napasama?" tanong ni Janella. ||||||got included||| "But Daddy, why cats, too?" asked Janella.

"Madalas kasing maglaro o mag-away ang aso't pusa. |||||||dog and| "Well, we all know that cats and dogs often play or fight with each other.

Kung may rabies ang aso at kumagat siya ng pusa, pati ang pusa ay magkaka-rabies na rin!" |||||||||||||||rabies|| If a rabies-infected dog happens to bite a cat, the cat gets rabies, too!"

"Naku, dapat din pala tayong mag-ingat sa mga pusa," dagdag ni Lola Letty. "Then we should also be careful of cats!" added Lola Letty.

Nagbilin si Daddy Rowell sa mga bata. Left instructions|||||| Daddy Rowell then instructed the kids.

"Kaya mga anak, kung sakaling makagat kayo ng aso o kahit makalmot lamang ng pusa, magsabi kayo agad sa amin, ha? |||||||||||scratch|||||||||okay? "So children, if you get bitten by a dog or even just scratched by a cat, tell us right away, okay?

Para magamot natin nang maayos ang sugat." |treat||||| So we can treat the wound properly."

"Dapat po pala talagang pabakunahan na ang mga tuta," sabi ni Kuya Arvin. "And we really should have the puppies vaccinated," Kuya Arvin said.

"Oo, para ligtas sila sa mikrobyong rabies. "That's right, so that they won't get infected by rabies.

Kaya bukas na bukas din, pupunta tayo dun sa klinika sa kanto, kay Dra. Espie." That's why, first thing tomorrow, we're going to visit that clinic at the street corner, Dr. Espie's clinic."

Maaga pa ay nasa klinika na sila ni Dra. Espie Dominguez. |||||||||Dr. Espie|Dominguez Early the next morning, they were already in the clinic of Dr. Espie Dominguez.

Ang daming poster ng iba't ibang lahi ng aso sa loob. ||posters|||||||| Posters of different dog breeds hung on the walls.

May poster din sina Snoopy, Pluto, at Scooby-Doo. ||||Snoopy|Pluto||Scooby-Doo|Scooby-Doo Snoopy, Pluto, and Scooby-Doo were on a poster, too.

May poster din ng iba't ibang mga pagkain at bitamina para sa aso. |||||||||vitamins||| There was also a poster of different dog foods and vitamins.

Sa loob ay mayroon pang pasyenteng aso na naka-suwero. |||||||||on IV drip There was even a dog patient on dextrose.

Mayroon ding mga pasyenteng pusa. There were also some cat patients.

"Ang gaganda naman ng mga tutang ito!" sabi ni Dra. Espie. "These puppies all look so cute!" exclaimed Dr. Espie.

"Anong mga pangalan nila?" "What are their names?"

"Ito po si Zimatar, ang pet kong batik-batik!" sagot agad ni Kuya Gio. |||Zimatar|||||||||| "This is Zimatar, my spotted pet!" was Kuya Gio's quick reply.

"Bronson naman po ang tutang maigsi ang buntot," sunod ni Kuya Arvin. Bronson|||||||tail|||| "Bronson's the one with a stumpy tail," Kuya Arvin said next.

"Ito po si Bruna, 'yung may tagpi sa tainga. "This is Bruna, the one with a patch on her ear.

Siya po ang nakakagat sa akin," sabi ni Janella. |||bit me|||||Janella She's the one that bit me," said Janella.