×

우리는 LingQ를 개선하기 위해서 쿠키를 사용합니다. 사이트를 방문함으로써 당신은 동의합니다 쿠키 정책.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MAY ALAGA AKONG BAKULAW | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: MAY ALAGA AKONG BAKULAW | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES

MAY ALAGA AKONG BAKULAW

Kuwento ni Becky Bravo

Guhit ni Ara Villena

(MUSIC)

"Nanay, puwede po bang humingi ng tinapay?" tanong sa akin ni Lilit isang araw habang naghahanda ako ng meryenda.

Aba, siyempre. Ano'ng gusto mong palaman? Keso?" ang sabi ko. Tumango ang aking bunso kaya ipinaghanda ko siya ng pandesal na may isang hiwa ng keso.

Pinuno niya ng gatas ang isang baso. Pagkatapos ay dinampot niya ang tinapay na nasa plato, at tangan ang gatas sa kabilang kamay, ay nagtungo sa bakuran.

"O, saan mo dadalhin 'yan? Ang usisa ko.

"Po? E. hindi po ito para sa akin," sagot niya nang may ngiti.

"Ha? Para kanino naman?"

"Para po sa alaga kong bakulaw!"

Bakulaw naman ngayon? Talaga naman itong si Bunso! Linggo-linggo, may mahiwagang nilalang na natatagpuan sa bakuran.

May diwatang nakatira sa puno ng saging, may kunehong kulay rosas, at may lumilipad na kabayo.

Nang magbalik mula sa pagbisita sa pinakabago niyang kaibigan, tinanong ko siya.

At ano naman ang itsura ng alaga mong bakulaw?"

Kinagat ni Lilit ang isa niyang daliri at nag-isip.

"Aaa....mahaba po ang buhok niya. Marami din siyang buhok sa mukha. Dilaw ang kaniyang mga ngipin at maitim ang ilalim ng mga mata.

Malalim po ang boses niya at mabagal siyang magsalita."

Saka siya napangiwi at bumulong. "Mabait naman siya, pero mabaho ang hininga."

"May pangalan ba itong bakulaw mo?" ang tanong ko.

Lahat kasi ng kaniyang mga kaibigan sa bakuran ay binibigyan niya ng pangalan.

"Robert daw po ang pangalan niya," sagot niya.

Mahigit isang linggo ring ipinaghanda ko ng meryenda ang bakulaw na si Robert.

Tsamporado. Tinapay na may palaman. Bagong lutong puto. Sumang Antipolo. Ginataan. Pancit bihon. Minatamis na saba.

Tuwing babalik sa aking ang plato ay lagi namang ubos ang laman.

Saka naman uupo si Bunso sa mesa para magmeryenda.

Palagi akong napapangiti sa gana niyang kumain.

At tatango-tango kong pakikinggan ang huling balita tungkol sa bakulaw.

Kawawang Robert, malungkot daw siya.

Lagi raw nahuhuli ni Liit na tulala, at minsan ay naririnig niyang tahimik na lumuluha.

"Ano ang ginagawa mo para pasayahin siya?" usisa ko sa kanya.

"Kinakantahan ko po siya. O kinukuwentuhan ng masaya.

Nagdadala ako ng paborito kong libro tapos sabay naming binabasa."

"E, bakit naman daw siya nalulungkot?" tanong ko muli.

"Kasi daw po wala na si Celina," sagot ni Bunso.

"Sino naman si Celina?"

"Asawa niya!"

Aba! At pati pala bakulaw, nag-aasawa!

Isang araw, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Ilang minuto pa lang ang lumipas noong magtungo si Lilit sa bakuran,

bumalik siya nang nakasimangot at ibinagsak pa ang pintuan.

"O, ano'ng nangyari?"

"Nainis po ako kay Robert. Ang tigas kasi ng ulo niya".

"At bakit ka naman nainis?"

"Ang hirap niya po kasing kasama. Nakakatakot na nga ang itsura niya, lagi pang walang kasigla-sigla.

Ang sabi ko, puwede naman niyang subukang maging masaya, e. Pero ayaw niya yata."

"Sinabi mong lahat 'yan sa bakulaw?" bulalas ko kunwari.

"Opo! Ang sabi ko, pagod na ako sa paglilibang sa kaniya. Tapos iniwan ko na siya," sagot niya.

Ito na kaya ang katapusan ng bakulaw na si Robert?

Ano kayong bagong nilalang ang susulpot sa mundo ni Bunso?

Dumaan ang isang linggo nang walang balita.

Mas nakapagtataka, wala ring binabanggit si Lilit na bagong kaibigang nakilala sa bakuran naming mahiwaga.

Linggo ng umaga nang marinig kong tumunog ang timbre sa labas.

"Sino po sila?" tawag ko kasabay ng pagbukas ng pinto.

Nakatayo roon ang isang lalaki. Guwapo siya sana, kung hindi lang sa medyo namumugtong mga mata.

Hawak niya ang isang kahon.

Ngumiti siya nang bahagya. May halong pag-aalangan at hiya.

"Magandang umaga po," ang sabi niya. "Nandiyan po ba si Lilit?"

Pansamantala akong natigilan.

At saan naman kaya niya makilala ang anak ko na kung lumabas man ng bahay ay hanggang bakuran lang ang punta?

"Ako po si Robert Medina. Sa katabing bahay po ako nakatira, pero ngayon lang magpapakilala."

"Robert?" ulit ko., "Robert. Iisa lang ang kilala ni Bunso na Robert, pero...."

Napatawa ang bisita."Bakulaw po ba?" sabi niya.

Wala akong nagawa kundi mapanganga.

Totoong tao pala ang bakulaw na si Robert. At totoo rin ang mga ikinuwento ni Bunso.

Kabibiyudo lang ni Robert at sa biglaang pagpanaw ng asawa, nagkulong siya sa bahay at nagpabaya.

Hindi na siya naligo, hiindi na nagpagupit. Hindi na nag-sepilyo, hiindi na nag-ahit.

Kaya nang dumungaw isang araw sa mababang bakod ang isang batang maliit, tinanong siya nito nang nakangiti, "Bakulaw ka ba?"

Hindi na niya naisip itama ang bata.

Inabangan niya ang pagbisita ni Bunso tuwing meryenda.

Kinain ang pagkaing inialok sa kaniya. Nakinig sa masasayang kuwento na pansamantalang nagpatahimik sa lumbay na nadarama.

Hanggang sa nainip si Lilit sa kaaalo sa kaniya. At naisip niyang panahon na upang iahon ang sarili sa kalungkutan.

May humigit sa laylayan ng aking blusa. Ayun si Bunso na nakatitig sa bisita.

Kiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan, at pagkatapos ay sa kaliwa.

Bigla niyang itinuro ang isang daliri, at nanlaki ang dalawang mata.

"Di ba si Robert ka?"

Tuwang-tuwa si Robert na agad siyang nakilala.

"Oo! Ako nga!" sagot niya. "O, hindi na ako nakakatakot tingnan, ha?

Naligo na ako, at nagpagupit pa. Nagsepilyo na ako at nag-ahit.

At ako naman ngayon ang may dalang pagkain para sa iyo. "Eto, o!"

Iniabot niya ang kahong dala. Agad namang binuksan ito ni Bunso.

Isang dosenang ensaymada!

At iyan ang kuwento ng isang kaibigang natagpuan ni Bunso sa aming bakuran.

Doon pa rin sila nagkukuwentuhan kung minsan.

Ngunit ngayon ay hindi na "Robert" ang tawag ni Bunso sa kaniya, kundi "Tito Robert" na.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MAY ALAGA AKONG BAKULAW | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES |||||Menschenaffe|Geschichte|||| |||PET||Bakulaw|story|||| PHILIPPINISCHES BUCH: ICH HABE EINEN TRÄGER | GESCHICHTENZEIT MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: I HAVE A CARRIER | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES フィリピン語の本: まとまったものを大切にします |タガログ語字幕付きストーリータイム KSIĄŻKA FILIPIŃSKA: MAM PRZEWOŹNIK | CZAS HISTORII Z NAPISAMI TAGALOGOWYMI

MAY ALAGA AKONG BAKULAW |pet|| I HAVE A MONKEY

Kuwento ni Becky Bravo ||Beckys Geschichte|Bravo Story of||Becky|Bravo Becky Bravo's story

Guhit ni Ara Villena ||Ara|Villena ||Ara|Villena Drawing by Ara Villena

(MUSIC) (MUSIC)

"Nanay, puwede po bang humingi ng tinapay?" tanong sa akin ni Lilit isang araw habang naghahanda ako ng meryenda. |||bitte|"bitten um"||Brot|||||Lilit|||||||Imbiss Mom||||ask for||bread|||||Lilit|||||||snack "Mom, can I ask for some bread?" Lilit asked me one day while I was preparing a snack.

Aba, siyempre. Ano'ng gusto mong palaman? Keso?" ang sabi ko. Tumango ang aking bunso kaya ipinaghanda ko siya ng pandesal na may isang hiwa ng keso. |||||Belag||||||||||vorbereitet|||||||||| |of course||||filling|||||nodded|||||||||||||slice||cheese Well, of course. What do you want stuffed? Cheese?" I said. My youngest nodded so I prepared pandesal for him with a slice of cheese.

Pinuno niya ng gatas ang isang baso. Pagkatapos ay dinampot niya ang tinapay na nasa plato, at tangan ang gatas sa kabilang kamay, ay nagtungo sa bakuran. |||||||||||||||||in der Hand||||anderen|||gingegangen||Hof |||||||||picked up||||||||holding||||||||| He filled a glass with milk. Then he picked up the bread on the plate, and with the milk in the other hand, went to the yard.

"O, saan mo dadalhin 'yan? Ang usisa ko. "Oh, where are you going to take that? I'm curious.

"Po? E. hindi po ito para sa akin," sagot niya nang may ngiti. "Bitte"|||||||||||| "Po? E. it's not for me," he answered with a smile.

"Ha? Para kanino naman?" ||Für wen| ||for whom| "Huh? For whom?" "Huh? Voor wie?"

"Para po sa alaga kong bakulaw!" |||pet|| "For my pet gorilla!"

Bakulaw naman ngayon? Talaga naman itong si Bunso! Linggo-linggo, may mahiwagang nilalang na natatagpuan sa bakuran. |||||||||Woche|||||gefunden wird||Hinterhof ||||||||||||being||found|| What about a crocodile now? It's really Bunso! Every week, a mysterious creature is found in the yard.

May diwatang nakatira sa puno ng saging, may kunehong kulay rosas, at may lumilipad na kabayo. ||||||||rosafarbenes Kaninchen|||||fliegendes|| |fairy|||||||bunny|||||||horse There is a fairy who lives in a banana tree, there is a pink rabbit, and there is a flying horse.

Nang magbalik mula sa pagbisita sa pinakabago niyang kaibigan, tinanong ko siya. |zurückkehren|||||||||| ||||visit||latest||||| After returning from visiting her newest friend, I asked her.

At ano naman ang itsura ng alaga mong bakulaw?" And what does your pet gorilla look like?"

Kinagat ni Lilit ang isa niyang daliri at nag-isip. Lilit bit her finger and thought.

"Aaa....mahaba po ang buhok niya. Marami din siyang buhok sa mukha. Dilaw ang kaniyang mga ngipin at maitim ang ilalim ng mga mata. Ähm|||||||||Haar|||||||||||||| Aaa|long|||||||||||yellow||||teeth||dark||the area under||| "Aaa....he has long hair. He also has a lot of hair on his face. His teeth are yellow and the bottom of his eyes are dark.

Malalim po ang boses niya at mabagal siyang magsalita." deep|||||||| His voice is deep and he speaks slowly."

Saka siya napangiwi at bumulong. "Mabait naman siya, pero mabaho ang hininga." ||verzog das Gesicht|||||||stinkt aus dem Mund|| ||||whispered|||||smelly|| Then he grimaced and whispered. "He's nice, but his breath stinks."

"May pangalan ba itong bakulaw mo?" ang tanong ko. ||||Hat dein Affe einen Namen?|||| "Does this gorilla of yours have a name?" my question

Lahat kasi ng kaniyang mga kaibigan sa bakuran ay binibigyan niya ng pangalan. all|||||||||||| Because he gives names to all his friends in the yard.

"Robert daw po ang pangalan niya," sagot niya. |angeblich|||||| |apparently|||||| "His name is Robert," he answered.

Mahigit isang linggo ring ipinaghanda ko ng meryenda ang bakulaw na si Robert. more than|||||||||||| I also prepared snacks for the gorilla Robert for more than a week.

Tsamporado. Tinapay na may palaman. Bagong lutong puto. Sumang Antipolo. Ginataan. Pancit bihon. Minatamis na saba. Schokoladenreisbrei||||||||||||Reisnudeln|Gesüßte|| chocolate rice||||||fresh|puto||||noodles||||saba champarado Bread with stuffing. Freshly cooked puto. Some Antipolo. Granted. Pancit bihon. Very sweet.

Tuwing babalik sa aking ang plato ay lagi namang ubos ang laman. Every time the plate comes back to me, it is always empty.

Saka naman uupo si Bunso sa mesa para magmeryenda. ||||||||einen Snack essen ||will sit||||||snack Then Bunso will sit at the table to have a snack.

Palagi akong napapangiti sa gana niyang kumain. ||immer lächeln|||| ||smile||appetite|| His appetite always makes me smile.

At tatango-tango kong pakikinggan ang huling balita tungkol sa bakulaw. ||||zuhören|||||| ||nodding||will listen to|||news||| And I will nod my head to listen to the latest news about the gorilla.

Kawawang Robert, malungkot daw siya. poor|||| Poor Robert, he said he was sad.

Lagi raw nahuhuli ni Liit na tulala, at minsan ay naririnig niyang tahimik na lumuluha. ||||||in Trance||||||||leise weint ||||Liit||||||||||crying It is said that Liit is always caught dumbfounded, and sometimes he can be heard silently crying.

"Ano ang ginagawa mo para pasayahin siya?" usisa ko sa kanya. |||||||fragte ich||| |||||make happy||||| „Was tust du, um ihm zu gefallen?“ Ich bin neugierig auf ihn. "What are you doing to please him?" I'm curious about him.

"Kinakantahan ko po siya. O kinukuwentuhan ng masaya. Ich singe ihm/ihr.||||||| I sing to||||||| „Ich singe ihm vor. Oder erzähle fröhliche Geschichten.“ "I sing to him. Or tell happy stories.

Nagdadala ako ng paborito kong libro tapos sabay naming binabasa." Ich bringe||||||dann|gleichzeitig||lesen I bring||||||||| Ich bringe mein Lieblingsbuch mit und wir lesen es gemeinsam.“ I bring my favorite book and we read it together."

"E, bakit naman daw siya nalulungkot?" tanong ko muli. ||||||||noch einmal |||||sad||| „Nun, warum ist er traurig?“ Ich fragte noch einmal. "Well, why is he sad?" I asked again.

"Kasi daw po wala na si Celina," sagot ni Bunso. ||||||Celina ist weg||| ||||||Celina||| „Das liegt daran, dass Celina weg ist“, antwortete Bunso. "It's because Celina is gone," Bunso answered.

"Sino naman si Celina?" „Wer ist Celina?“ "Who is Celina?"

"Asawa niya!" "Seine Frau!" "His wife!"

Aba! At pati pala bakulaw, nag-aasawa! ||||||heiratet ||even||||marrying Warum! Und auch ein Gorilla, der heiratet! Why! And also a gorilla, getting married!

Isang araw, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. ||||||||Wind ||||||blow|| Eines Tages drehte sich plötzlich der Wind. One day, the wind suddenly changed.

Ilang minuto pa lang ang lumipas noong magtungo si Lilit sa bakuran, |||||||sich begeben|||| |||||||went|||| Es vergingen nur wenige Minuten, als Lilit auf den Hof ging, Only a few minutes passed when Lilit headed to the yard,

bumalik siya nang nakasimangot at ibinagsak pa ang pintuan. ||||||||die Tür |||||slammed|||door Er kam mit einem Stirnrunzeln zurück und schlug die Tür zu. he came back with a frown and slammed the door down.

"O, ano'ng nangyari?" "Oh was ist passiert?" "Oh, what happened?"

"Nainis po ako kay Robert. Ang tigas kasi ng ulo niya". ||||||stur|||| ||||||stubbornness|||| „Ich langweile mich mit Robert. Er ist stur.“ "I'm bored with Robert. He's stubborn."

"At bakit ka naman nainis?" „Und warum bist du verärgert?“ "And why are you upset?"

"Ang hirap niya po kasing kasama. Nakakatakot na nga ang itsura niya, lagi pang walang kasigla-sigla. |||||||||||||||Lebensfreude| |hardship|||like||scary||||||||||liveliness „Er kämpft so sehr, wie er ist. Sein Aussehen ist beängstigend, er ist immer energielos.“ "He's struggling as bad as he is. His appearance is scary, he's always without energy.

Ang sabi ko, puwede naman niyang subukang maging masaya, e. Pero ayaw niya yata." |||||||||||||scheint nicht zu |||||||||||||seems Ich sagte, er kann versuchen, glücklich zu sein, nicht wahr? Aber ich vermute, dass er das nicht will. I said, he can try to be happy, eh. But I guess he doesn't want to."

"Sinabi mong lahat 'yan sa bakulaw?" bulalas ko kunwari. ||||||||pretending „Das alles hast du dem Gorilla erzählt?“ Ich tat so, als würde ich ausrufen. "You told all that to the gorilla?" I pretended to exclaim.

"Opo! Ang sabi ko, pagod na ako sa paglilibang sa kaniya. Tapos iniwan ko na siya," sagot niya. ||||||||Unterhaltung||||||||| ||||||||entertaining||||||||| „Ja! Ich sagte, ich habe es satt, ihn zu unterhalten. Dann habe ich ihn verlassen“, antwortete er. "Yes! I said, I'm tired of entertaining him. Then I left him," he answered.

Ito na kaya ang katapusan ng bakulaw na si Robert? Könnte dies das Ende von Robert dem Gorilla sein? Could this be the end of Robert the gorilla?

Ano kayong bagong nilalang ang susulpot sa mundo ni Bunso? |||||auftauchen|||| |||creature||will appear|||| Welche neuen Kreaturen werden in Bunsos Welt auftauchen? What new creatures will appear in Bunso's world?

Dumaan ang isang linggo nang walang balita. ||||||Nachricht Eine Woche verging ohne Neuigkeiten. A week passed without news.

Mas nakapagtataka, wala ring binabanggit si Lilit na bagong kaibigang nakilala sa bakuran naming mahiwaga. |erstaunlich|||||||||||||geheimnisvoller ||||mentioning||||||||||mysterious Noch überraschender ist, dass Lilit, die neue Freundin, die sie in unserem geheimnisvollen Garten kennengelernt hat, nicht erwähnt wird. Even more surprising, there is no mention of Lilit, the new friend she met in our mysterious yard.

Linggo ng umaga nang marinig kong tumunog ang timbre sa labas. ||||||klingeln||Klingel|| ||||||ring||doorbell|| Es war Sonntagmorgen, als ich draußen die Türklingel hörte. It was Sunday morning when I heard the doorbell ring outside.

"Sino po sila?" tawag ko kasabay ng pagbukas ng pinto. |||||just as||opening|| "Wer sind Sie?" Ich rief, als ich die Tür öffnete. "Who are they?" I called as I opened the door.

Nakatayo roon ang isang lalaki. Guwapo siya sana, kung hindi lang sa medyo namumugtong mga mata. |||||Gut aussehend||||||||geschwollene||geschwollene Augen |||||||||||||bulging|| Da stand ein Mann. Er wäre gutaussehend gewesen, wenn er nicht die leicht geschwollenen Augen gehabt hätte. A man was standing there. He would have been handsome, if it weren't for his slightly puffy eyes.

Hawak niya ang isang kahon. Er hält eine Kiste. He is holding a box.

Ngumiti siya nang bahagya. May halong pag-aalangan at hiya. |||||||Zögern|| |||||||hesitation|| Er lächelte leicht. Es herrscht eine Mischung aus Zögern und Scham. He smiled slightly. There is a mixture of hesitation and shame.

"Magandang umaga po," ang sabi niya. "Nandiyan po ba si Lilit?" ||||||is there|||| „Guten Morgen“, sagte er. „Ist Lilit da?“ "Good morning," he said. "Is Lilit there?"

Pansamantala akong natigilan. for a moment|| Ich war für einen Moment fassungslos. I was momentarily stunned.

At saan naman kaya niya makilala ang anak ko na kung lumabas man ng bahay ay hanggang bakuran lang ang punta? Und wo erkennt er meinen Sohn, der, wenn er das Haus verlässt, nur auf den Hof geht? And where can he recognize my son who, if he leaves the house, only goes to the yard?

"Ako po si Robert Medina. Sa katabing bahay po ako nakatira, pero ngayon lang magpapakilala." ||||Medina||||||||||mich vorstellen ||||Medina||||||||||will introduce „Ich bin Robert Medina. Ich wohne nebenan, aber ich stelle mich nur kurz vor.“ "I'm Robert Medina. I live next door, but I'll just introduce myself."

"Robert?" ulit ko., "Robert. Iisa lang ang kilala ni Bunso na Robert, pero...." "Robert?" Ich wiederholte: „Robert. Bunso kennt nur eine Person, Robert, aber…“ "Robert?" I repeated, "Robert. Bunso only knows one person, Robert, but...."

Napatawa ang bisita."Bakulaw po ba?" sabi niya. Der Gast lachte: „Ist es ein Gorilla?“ er sagt. The visitor laughed."Is it a gorilla?" he says.

Wala akong nagawa kundi mapanganga. ||||sprachlos sein ||||gaping Ich konnte nichts anderes tun, als zu starren. I could do nothing but stare.

Totoong tao pala ang bakulaw na si Robert. At totoo rin ang mga ikinuwento ni Bunso. |||||||||||||told|| Es stellte sich heraus, dass Robert der Gorilla eine echte Person war. Und Bunsos Geschichten sind auch wahr. Robert the gorilla turned out to be a real person. And Bunso's stories are also true.

Kabibiyudo lang ni Robert at sa biglaang pagpanaw ng asawa, nagkulong siya sa bahay at nagpabaya. plötzliche Verwitwung||||||plötzlichen|Ableben|||sich eingeschlossen|||||vernachlässigte sich selbst Kabibiyudo||||||sudden|passing|||locked himself up|||||neglected Robert wurde gerade Witwer und als seine Frau plötzlich starb, schloss er sich im Haus ein und verwahrloste. Robert just became a widower and with the sudden death of his wife, he locked himself in the house and neglected.

Hindi na siya naligo, hiindi na nagpagupit. Hindi na nag-sepilyo, hiindi na nag-ahit. ||||nicht mehr||||||||||rasiert ||||not||got a haircut||||toothbrush||||shaved Er badete nicht mehr, er schnitt sich nicht mehr die Haare. Kein Bürsten, kein Rasieren. He didn't bathe anymore, he didn't cut his hair anymore. No brushing, no shaving.

Kaya nang dumungaw isang araw sa mababang bakod ang isang batang maliit, tinanong siya nito nang nakangiti, "Bakulaw ka ba?" Als eines Tages ein kleiner Junge über den niedrigen Zaun schaute, fragte er ihn lächelnd: „Bist du ein Schuppentier?“ So when a little boy looked over the low fence one day, he asked him with a smile, "Are you a pangolin?"

Hindi na niya naisip itama ang bata. ||||correct|| Er dachte nicht daran, den Jungen zu korrigieren. He didn't think to correct the boy.

Inabangan niya ang pagbisita ni Bunso tuwing meryenda. Erwartete||||||| he waits for||||||| Er freute sich bei jedem Snack auf Bunsos Besuch. He looked forward to Bunso's visit every snack time.

Kinain ang pagkaing inialok sa kaniya. Nakinig sa masasayang kuwento na pansamantalang nagpatahimik sa lumbay na nadarama. |||angeboten|||||||||besänftigte||Traurigkeit|| |||||||||||temporarily|quieted||sorrow||felt Aß das ihm angebotene Essen. Ich hörte fröhliche Geschichten, die die Depression, die ich empfand, vorübergehend beruhigten. Ate the food offered to him. Listened to happy stories that temporarily calmed the depression that was felt.

Hanggang sa nainip si Lilit sa kaaalo sa kaniya. At naisip niyang panahon na upang iahon ang sarili sa kalungkutan. ||||||herumzualbern|||||||||sich befreien|||| ||||||talking|||||||||lift|||| Bis es Lilit langweilig wurde, ihn zu trösten. Und er dachte, es sei an der Zeit, sich aus der Trauer zu befreien. Until Lilit got bored of comforting him. And he thought it was time to lift himself out of grief.

May humigit sa laylayan ng aking blusa. Ayun si Bunso na nakatitig sa bisita. ||||||blouse||||||| Da war etwas am Saum meiner Bluse. Da war Bunso, der den Besucher anstarrte. There was something on the hem of my blouse. There was Bunso staring at the visitor.

Kiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan, at pagkatapos ay sa kaliwa. Er neigte||||||||||| he tilted||||||||||| Er neigte seinen Kopf nach rechts und dann nach links. He tilted his head to the right, and then to the left.

Bigla niyang itinuro ang isang daliri, at nanlaki ang dalawang mata. Plötzlich zeigte er mit dem Finger und beide Augen weiteten sich. He suddenly pointed a finger, and both eyes widened.

"Di ba si Robert ka?" „Bist du nicht Robert?“ "Aren't you Robert?"

Tuwang-tuwa si Robert na agad siyang nakilala. Robert freute sich sehr, ihn sofort kennenzulernen. Robert was very happy to meet him immediately.

"Oo! Ako nga!" sagot niya. "O, hindi na ako nakakatakot tingnan, ha? "Ja, ich bin es!" er antwortete. „Oh, ich sehe nicht mehr gruselig aus, oder? "Yes it's me!" he answered. "Oh, I don't look scary anymore, huh?

Naligo na ako, at nagpagupit pa. Nagsepilyo na ako at nag-ahit. ||||||geputzt||||| ||||||brushed||||| Ich duschte und ließ mir die Haare schneiden. Ich habe meine Zähne geputzt und mich rasiert. I took a shower, and got a haircut. I've brushed my teeth and shaved.

At ako naman ngayon ang may dalang pagkain para sa iyo. "Eto, o!" Und jetzt bin ich derjenige, der Essen für dich gebracht hat. „Hier, o!“ And now I'm the one who brought food for you. "Here, o!"

Iniabot niya ang kahong dala. Agad namang binuksan ito ni Bunso. |||die Schachtel||||||| Er überreichte ihm die Kiste, die er trug. Bunso öffnete es sofort. He handed over the box he was carrying. Bunso immediately opened it.

Isang dosenang ensaymada! |dozen|ensaymada Ein Dutzend Enzyme! A dozen enzymes!

At iyan ang kuwento ng isang kaibigang natagpuan ni Bunso sa aming bakuran. Und das ist die Geschichte eines Freundes, den Bunso in unserem Garten gefunden hat. And that's the story of a friend Bunso found in our yard.

Doon pa rin sila nagkukuwentuhan kung minsan. ||||unterhalten sich|| ||||are chatting|| Manchmal reden sie dort immer noch. They still talk there sometimes.

Ngunit ngayon ay hindi na "Robert" ang tawag ni Bunso sa kaniya, kundi "Tito Robert" na. Doch nun nennt Bunso ihn nicht mehr „Robert“, sondern „Tito Robert“. But now Bunso no longer calls him "Robert", but "Tito Robert".