×

우리는 LingQ를 개선하기 위해서 쿠키를 사용합니다. 사이트를 방문함으로써 당신은 동의합니다 쿠키 정책.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 10: Pista ng Itim na Nazareno (Feast of the Black Nazarene)

10: Pista ng Itim na Nazareno (Feast of the Black Nazarene)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Tuwing ika-siyam ng Enero sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, ipinaparada ng mga nakayapak na deboto ang estatwa ng Itim na Nazareno habang sumisigaw ng "Viva Señor"!

Ito ang Pista ng Itim na Nazareno na dinadaluhan ng napakaraming tao na naghahangad na malapitan at mahawakan ang imahen.

Pinaniniwalaang nakagagaling ng mga sakit ang paghawak sa imahen kaya ganon na lang ang dami ng mga dumadalo.

Alamin natin kung ano talaga ang mga nagaganap sa araw na ito ...

- Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay ang paggugunita ng Traslación o ang paglilipat ng imahe papunta sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila.

Sa araw na ito, ang imahe ay isinasakay sa andas kasama ng mga debotong naka damit maroon at naglalakad nang nakayapak.

Ito ay bilang pag-alala sa paglakad ng nakayapak ni Hesus paakyat ng Kalbaryo.

Ito rin ay nagsisilbing penitensya ng mga deboto.

Ang imahen ay sinasabing nanggaling sa Mehiko.

Pinaniniwalaan rin na nasunog ang imahen habang nasa galyon mula Acapulco papuntang Maynila ngunit ito'y nailigtas.

Nagsisimula ang prusisyon matapos ang isang misa mula sa dating kinalalagyan ng imahen sa lugar na ngayon ay tinatawag na Rizal Park.

Ang andas ng Itim na Nazareno o ang karosa ay nakakabit sa dalawang tali na hinahatak ng mga namamasan.

Ang gilid ng tali na pinakamalapit sa kanang balikat ni Hesus ay pinaniniwalaang pinakasagrado sapagkat sa balikat na ito kinarga ni Hesus ang kanyang krus.

Bawat taon, mula anim hanggang siyam na milyong tao ang nakikilahok sa paglilipat ng nasabing imahen.

May ilang kalahok sa prusisyon na naka dilaw.

Ang mga kalahok na ito ay kinikilala bilang "eskorte ng imahen" ng Itim na Nazareno.

Sa mga naka-dilaw na tao binabato ng mga deboto ang kanilang mga twalya at panyo upang ipunas sa Nazareno dahil pinaniniwalaan na maililipat sa mga panyo at twalya ang milagrosong kapangyarihan ng imahe ...

Alam niyo ba, noong taong 2012 kinailangan ng 22 oras para maibalik ang Nazareno sa Quiapo?

Ang tagal 'di ba?

Kaya taun-taon, nakatutok ang mga tao sa mga balita para masubaybayan ang galaw at ruta ng prusisyon.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?

Higit apatnaraang taon na ito!

Nakaligtas ang imahen nang masunog ang Quiapo Church noong taong 1729 at taong 1929.

Nakaligtas din ito mula sa lindol ng taong 1645 at taong 1863, at ganon din ng bombahin ang Maynila ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Anong kahalintulad na pista ang ipinagdiriwang ninyo?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

10: Pista ng Itim na Nazareno (Feast of the Black Nazarene) 10: Fest des Schwarzen Nazareners 10: Feast of the Black Nazarene 10: Feest van de Zwarte Nazarener

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Tuwing ika-siyam ng Enero sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, ipinaparada ng mga nakayapak na deboto ang estatwa ng Itim na Nazareno habang sumisigaw ng "Viva Señor"! |on the 9th|ninth|||||||||||||||||||||while|||| Every ninth of January at Quiapo Church in Manila, barefoot devotees parade the statue of the Black Nazarene while shouting "Viva Señor"!

Ito ang **Pista ng Itim na Nazareno** na dinadaluhan ng napakaraming tao na naghahangad na malapitan at mahawakan ang imahen. ||||||||attended by||||||||||| This is the Feast of the Black Nazarene which is attended by many people who seek to get close and touch the image.

Pinaniniwalaang nakagagaling ng mga sakit ang paghawak sa imahen kaya ganon na lang ang dami ng mga dumadalo. ||||illnesses||touching|||||||||||attendees Touching the image is believed to cure diseases (heal the sick), so that's the cause of the turn out in such great numbers.

Alamin natin kung ano talaga ang mga nagaganap sa araw na ito ... Let's find out|let's|if||really|||happening|||this| Let's find out what is really happening on this day.

**- Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?** ||you||how many|years||||||| - Do you know how old the image of the Black Nazarene is?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay ang paggugunita ng Traslación o ang paglilipat ng imahe papunta sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila. ||||Black||||||Transfer|||transfer|||to|||||||||| The procession of the 'Black Nazarene commemorates the “Traslación” or the transfer of the image to the ‘Minor Basilica of the Black Nazarene' in Quiapo, Manila.

Sa araw na ito, ang imahe ay isinasakay sa andas kasama ng mga debotong naka damit maroon at naglalakad nang nakayapak. |||||||loaded onto||palanquin|with|||devotees|wearing|wearing|maroon||walking||barefoot On this day, the image is held on its carriage followed by devotees dressed in maroon who are walking barefoot.

Ito ay bilang pag-alala sa paglakad ng nakayapak ni Hesus paakyat ng Kalbaryo. This is as a remembrance of Jesus walking barefoot up Calvary.

Ito rin ay nagsisilbing penitensya ng mga deboto. It also serves as a penance for the devotees.

Ang imahen ay sinasabing nanggaling sa Mehiko. The image is said to have originated from Mexico.

Pinaniniwalaan rin na nasunog ang imahen habang nasa galyon mula Acapulco papuntang Maynila ngunit ito'y nailigtas. It is believed|||burned|||while|on the|galleon|from||||but||was saved It is also believed that the image caught fire (was burned) while on the galleon from Acapulco to Manila, but it was saved.

Nagsisimula ang prusisyon matapos ang isang misa mula sa dating kinalalagyan ng imahen sa lugar na ngayon ay tinatawag na Rizal Park. |||after||||||former|location||||||||called||| The procession starts after a mass in (from) the former location of the statue in the area that is now called Rizal Park.

Ang andas ng Itim na Nazareno o ang karosa ay nakakabit sa dalawang tali na hinahatak ng mga namamasan. ||||||||||attached to|||||pulled by|||passengers The carriage of the Black Nazarene or the chariot is attached to two ropes that are pulled by the people (a group of devotees).

Ang gilid ng tali na pinakamalapit sa kanang balikat ni Hesus ay pinaniniwalaang pinakasagrado sapagkat sa balikat na ito kinarga ni Hesus ang kanyang krus. |side||rope||closest||right|shoulder||||||because||shoulder|||carried||||| The edge of the rope closest to Jesus' right shoulder is believed to be the most sacred because Jesus carried his cross on this shoulder.

Bawat taon, mula anim hanggang siyam na milyong tao ang nakikilahok sa paglilipat ng nasabing imahen. Every|||six|from six|||million|||participate||transfer of||| Every year, from six to nine million people participate in the transfer of said statue.

May ilang kalahok sa prusisyon na naka dilaw. There are some participants in the procession wearing yellow.

Ang mga kalahok na ito ay kinikilala bilang "eskorte ng imahen" ng Itim na Nazareno. These participants are recognized as the “escorts of the image” of the Black Nazarene.

Sa mga naka-dilaw na tao binabato ng mga deboto ang kanilang mga twalya at panyo upang ipunas sa Nazareno dahil pinaniniwalaan na maililipat sa mga panyo at twalya ang milagrosong kapangyarihan ng imahe ... At the people in yellow (the escorts), the devotees throw their towels and handkerchiefs to wipe the Nazarene because it is believed that the wiping can transfer the miraculous power of the image.

Alam niyo ba, noong taong 2012 kinailangan ng 22 oras para maibalik ang Nazareno sa Quiapo? Did you know, in the year 2012 it took 22 hours to bring the Nazarene back to Quiapo?

Ang tagal 'di ba? That's too long, isn't it?

Kaya taun-taon, nakatutok ang mga tao sa mga balita para masubaybayan ang galaw at ruta ng prusisyon. That is why every year, people tune in (stay glued) to the news to track the movement and route of the procession.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. ||||||||question 1| And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?** - Do you know how old the image of the Black Nazarene is?

Higit apatnaraang taon na ito! It's more than four hundred years old!

Nakaligtas ang imahen nang masunog ang Quiapo Church noong taong 1729 at taong 1929. It survived when the Quiapo Church burned (caught fire) in the year 1729 and 1929.

Nakaligtas din ito mula sa lindol ng taong 1645 at taong 1863, at ganon din ng bombahin ang Maynila ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. |||||||||||||||||||||World War|World War|War It also survived when earthquakes struck in the year 1645 and 1863, and when the Japanese bombed Manila during the Second World War.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Anong kahalintulad na pista ang ipinagdiriwang ninyo? What similar festival do you celebrate?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!