×

우리는 LingQ를 개선하기 위해서 쿠키를 사용합니다. 사이트를 방문함으로써 당신은 동의합니다 쿠키 정책.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 6: Ang Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday)

6: Ang Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Matapos ang isang linggo ng kalungkutan, sa wakas, araw na ng pagdiriwang!

Ang Linggo ng Pagkabuhay ay isang araw ng katuwaan at selebrasyon para sa mga Pilipino.

Para sa maraming Katoliko, ang Salubong ay hindi lamang nagaganap sa gabi ng Sabado de Gloria, kundi sa madaling araw rin ng Linggo ng Pagkabuhay.

Maliban dito, marami pang mga tradisyon at gawain na nakapaloob sa araw na ito.

Sa lesson na ito, alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Linggo ng Pagkabuhay ...

- Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Karaniwang nagpupunta sa mga simbahan ang mga naninirahan sa siyudad sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay.

Madalas sa mga probinsiya, nag-uumpisa na ng alas-quatro ng umaga ang mga unang selebrasyon.

Ito rin ang Salubong na ipinagdiriwang sa gabi ng Sabado de Gloria.

Sa seremonyang ito pinagtatagpo ang imahe ni Hesus at Maria sa labas ng simbahan.

Sa mga probinsiya, masasabing buhay na buhay pa rin ang mga tradisyunal na paraan ng pagdiriwang tuwing Araw ng Pagkabuhay.

Dahil ito ay araw ng pagdiriwang at katapusan ng pag-aayuno, hindi mawawala ang pamilya, pagkain at kantahan lalong-lalo na sa mga Pilipinong tahanan!

Ang bawat pamilya ay mayroong kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang pero madalas na sila nagtitipon-tipon para sa isang maliit na handaan.

Madalas na iba't ibang klaseng mga putaheng karne ang inihahanda sa panahong ito.

Maliban dito, hindi rin mawawala ang 'Easter Egg Hunting' at 'Easter Egg painting' contest para sa mga bata.

Kamakailan lamang nagiging popular ang mga ganitong klase ng selebrasyon sa PIlipinas.

Pinangungunahan ng mga mall at mga ilang malalaking kompanya ang mga ganitong klaseng selebrasyon na dinadaluhan ng mga bata at mga matatanda ...

Ito ay isa sa pinakamatrapik na araw sapagkat napakaraming mga tao ang nagbabalikan na sa siyudad.

Madalas na puno ang mga paliparan, pier at terminal ng mga bus sa araw na ito.

Kaya, kung nasa Pilipinas ka sa araw na ito, mag-ingat sa trapiko!

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?

Ito ang Moriones Festival.

Piyesta ito kung saan ang mga tao ay nagbibihis at nagsusuot ng mga Morion na maskara para gayahin ang mga Romanong sundalo.

Isinasadula sa piyestang ito ang buhay ni Santo Longinus, isang Romanong senturyon na bulag ang isang mata.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Anong klaseng pagdiriwang ang ginagawa niyo sa Araw ng Pagkabuhay?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

6: Ang Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) |||Resurrection|Easter Sunday|Easter Sunday 6: Ostersonntag Sunday of the Resurrection 6: Domingo de Pascua 6: Niedziela Wielkanocna

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? ||||||||||lesson - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... |||||||lifetime||||| - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. ||you all|||| Hello everyone, I'm Erica.

Matapos ang isang linggo ng kalungkutan, sa wakas, araw na ng pagdiriwang! After|||||sorrow||at last||||celebration After a week of sadness, it's finally a day of celebration!

Ang Linggo ng Pagkabuhay ay isang araw ng katuwaan at selebrasyon para sa mga Pilipino. ||||||||joy and celebration|||||| Easter Sunday is a day of joy and celebration for Filipinos.

Para sa maraming Katoliko, ang Salubong ay hindi lamang nagaganap sa gabi ng Sabado de Gloria, kundi sa madaling araw rin ng Linggo ng Pagkabuhay. |||Catholic||The Meeting||||taking place||||||Holy Saturday|||||||||Resurrection Sunday For many Catholics, the Salubong not only takes place on the night of Sabado de Gloria, but also on the morning of Easter Sunday.

Maliban dito, marami pang mga tradisyon at gawain na nakapaloob sa araw na ito. Aside from|||||||||included|||| Apart from this, there are many other traditions and activities that are included in this day.

Sa lesson na ito, alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Linggo ng Pagkabuhay ... ||||find out|||||||||||Resurrection In this lesson, let's learn how Filipinos celebrate Easter Sunday.

**- Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?** ||||||feast||being held||||||||Marinduque - Do you know what festival is held on Easter Sunday in the province of Marinduque?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will say|"we will"||||end|||| We will tell the answer at the end of this video.

Karaniwang nagpupunta sa mga simbahan ang mga naninirahan sa siyudad sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay. Usually||||churches|||residents||city|||||| City dwellers usually go to church on Easter Sunday morning.

Madalas sa mga probinsiya, nag-uumpisa na ng alas-quatro ng umaga ang mga unang selebrasyon. Often|||||starting||||||||||celebrations Often in the provinces, the first celebrations begin at four in the morning.

Ito rin ang Salubong na ipinagdiriwang sa gabi ng Sabado de Gloria. |||||celebrated|||||| This is also the Salubong that is celebrated on the night of Sabado de Gloria.

Sa seremonyang ito pinagtatagpo ang imahe ni Hesus at Maria sa labas ng simbahan. |ceremony||brought together||image|||||||| In this ceremony the image of Jesus and Mary meet outside the church.

Sa mga probinsiya, masasabing buhay na buhay pa rin ang mga tradisyunal na paraan ng pagdiriwang tuwing Araw ng Pagkabuhay. |||"can be said"||||||||||ways|||||| In the provinces, it can be said that the traditional ways of celebrating Easter are still very much alive.

Dahil ito ay araw ng pagdiriwang at katapusan ng pag-aayuno, hindi mawawala ang pamilya, pagkain at kantahan lalong-lalo na sa mga Pilipinong tahanan! |||||||end|||fasting||will not be absent|||||singing and music|||||||homes Since it is a day of celebration and the end of fasting, family, food and song will not be lost, especially in Filipino homes!

Ang bawat pamilya ay mayroong kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang pero madalas na sila nagtitipon-tipon para sa isang maliit na handaan. ||||||||||||||gather together|||||||small feast Each family has its own way of celebrating but they often gather together for a small feast.

Madalas na iba't ibang klaseng mga putaheng karne ang inihahanda sa panahong ito. ||||types of||dishes|meat dishes||prepared||time of year| Often different types of meat dishes are prepared during this time.

Maliban dito, hindi rin mawawala ang 'Easter Egg Hunting' at 'Easter Egg painting' contest para sa mga bata. "Aside from"||||be missing|||Easter Egg|Easter Egg Hunt||||egg decorating|competition|||| Apart from this, the Easter Egg Hunting and Easter Egg painting contest for children will not be missed.

Kamakailan lamang nagiging popular ang mga ganitong klase ng selebrasyon sa PIlipinas. Recently||||||||||| These types of celebrations have recently become popular in the Philippines.

Pinangungunahan ng mga mall at mga ilang malalaking kompanya ang mga ganitong klaseng selebrasyon na dinadaluhan ng mga bata at mga matatanda ... Led by||||||||companies|||||||attended by||||||elderly people Malls and some big companies lead these kinds of celebrations that are attended by children and adults.

Ito ay isa sa pinakamatrapik na araw sapagkat napakaraming mga tao ang nagbabalikan na sa siyudad. ||||most traffic-heavy|||because|so many||||coming back||| This is one of the busiest days because so many people are returning to the city.

Madalas na puno ang mga paliparan, pier at terminal ng mga bus sa araw na ito. ||crowded|||airports|port||bus stations||||||| Airports, piers and bus terminals are often full on this day.

Kaya, kung nasa Pilipinas ka sa araw na ito, mag-ingat sa trapiko! So, if you're in the Philippines today, watch out for traffic!

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. |||||||||earlier And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?** - Do you know what festival is held on Easter Sunday in the province of Marinduque?

Ito ang Moriones Festival. ||Moriones Festival| This is the Moriones Festival.

Piyesta ito kung saan ang mga tao ay nagbibihis at nagsusuot ng mga Morion na maskara para gayahin ang mga Romanong sundalo. ||||||||dressing up|||||Morion mask||masks||imitate|||Roman soldiers|soldiers It is a festival where people dress up and wear Morion masks to imitate Roman soldiers.

Isinasadula sa piyestang ito ang buhay ni Santo Longinus, isang Romanong senturyon na bulag ang isang mata. Dramatized||||||||Saint Longinus|||Roman centurion||blind in one eye||| This festival dramatizes the life of Saint Longinus, a Roman centurion who was blind in one eye.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Anong klaseng pagdiriwang ang ginagawa niyo sa Araw ng Pagkabuhay? What kind of celebration do you do on Easter?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!