×

Mes naudojame slapukus, kad padėtume pagerinti LingQ. Apsilankę avetainėje Jūs sutinkate su mūsų slapukų politika.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: CHENELYN CHENELYN WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: CHENELYN CHENELYN WITH TAGALOG SUBTITLES

Chenelyn! Chenelyn!

Kuwento ni Rhandee Garlitos

Guhit ni Liza Flores

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Tuwing umaga sa aming bahay, ang pangalan niya ang una mong maririnig.

Kapag binibigkas mo ito, mayroong madyik na nangyayari.

Chenelyn!

Ihanda na ang almusal!

Biglang magtitilian ang mga kaldero at siyansi sa ilalim ng kalan.

Huhuni ang kaldero ng mainit na tubig.

Maririnig ang kalatugan ng pinggan at kalansingan ng mga kutsara at tinidor.

Tapos, sa isang iglap, busog na si Tatay.

Chenelyn! Ang paligo ko, handa na ba!

Biglang magsisindi ang ilaw sa loob ng banyo.

Dadagundong ang tulo ng tubig sa balde.

Maglilitawan ang mga sepilyo, sabon, shampoo, at tuwalya.

Tapos, sa isang iglap, mabango at malinis na si Kuya.

Chenelyn! Ang damit ko sa eskwelahan!

Biglang iinit ang plantsang nakatago.

Tatakbo ang kabayo na tangay ang lukot na palda at blusa.

Tapos, sa isang iglap, unat ang lahat ng damit ni Ate.

Chenelyn! Ang bahay, dapat malinis na!

Biglang magsisibangon ang basahan at sabon.

Magsasayawan ang mga bunot at walis.

Tapos, biglang makintab at mabango ang buong bahay.

Chenelyn! Laro na tayo!

Biglang tatalbog ang bola at magsasalita ang manyika.

Magiging nanay ko siya sa bahay-bahayan.

Magiging taya siya sa taguan.

Tapos, paglingon ko, nakaupo siya.

Natutulog.

Bago ako matulog, ang pangalan pa rin niya ang maririnig.

Kasi, may madyik ang pangalan niya.

"Chenelyn! Ang kape ko, akina!" sabi ni Tatay.

Biglang maghahalo ang kape, asukal, at umuusok na tubig.

"Chenelyn! Ang sapatos ko, relo ko, nasaan na?!" tanong ni Kuya.

Magsisilabas ang mga sapatos at relo mula sa kung saan.

"Chenelyn! Ang isusuot ko, ihanda mo na!" tili ni Ate.

Magrarampahan naman ang mga pantalon, palda, blusa, at medyas.

"Chenelyn! Ang pinagkainan, hugasan mo na!" utos ni Nanay.

Magsisiligo na ang mga plato, platito, kutsara, at tinidor.

Basta tatawagin mo ang pangalan niya, mayroon nang iniinom si Tatay sa kuwarto.

Nakita na ang nawawalang gamit ni Kuya.

Handa na ang damit ni Ate para bukas.

Malinis na ang mga gamit sa kusina ni Nanay.

Kapag ako na ang tatawag ng "Chenelyn!" papasok siya sa maliit kong kuwarto.

Pagod na pagod. Pawis na pawis.

Hingal na hingal. Latang-lata.

Pero, kapag mayroon siyang ikukuwento sa akin, ang kuwarto ko, nag-iiba ng anyo.

Nagiging dagat ito kapag kami ay mga sirena.

Nagiging kastilyo ito kapag kami ay mga prinsesa.

Kaming dalawa ni Chenelyn ang laging bida sa marami niyang kuwento.

Tapos, tulog na kaming dalawa.

Isang umaga, nagkagulo sa loob ng bahay!

Ilang beses nang tinatawag ang pangalan niya, pero walang nangyayaring madyik.

"Chenelyn! Chenelyn!" sabi ni Tatay.

"Chenelyn?! Chenelyn?!" tanong ng Kuya.

"Chenelyn! Chenelyn!" sigaw ng Ate.

"Chenelyn! Chenelyn!" utos ng Nanay.

"Chenelyn! Chenelyn!" tawag ko.

Pero walang nangyari.

Bigla kaming nagsisugod sa kuwarto niya.

Pagbukas namin, maraming madyik ang nangyayari.

Mayroong hatsing! Mayroon prsssrstt!

Mayroon brrr!

Mayroon ubo-ubo!

Naku, si Chenelyn, hindi makapagmamadyik!

"May trangkaso si Chenelyn..."sabi ni Tatay.

Dali-dali siyang pumunta sa telepono.

Kumiriring ito nang kumuriring.

Bumulong-bulong si Tatay sa hawakan.

Tapos, sa isang iglap, biglang dumating ang Doktor.

Pumunta naman si Nanay sa kusina.

Naghiwa-hiwa siya ng karne ng manok at gulay.

Hinugas-hugasan niya ang mangga at dalanghita.

nagtimpla-timpla siya ng tsa at tubig.

Sa isang iglap, may pagkain kaagad para kay Chenelyn.

"Dapat tayo muna ang maglinis ng bahay!" sabi naman nina Kuya at Ate.

Nagbunot nang nagbunot si Kuya.

Nagwalis nang nagwalis si Ate.

Naglaba nang naglaba si Kuya.

Nag-ayos nang nag-ayos si Ate.

Tapos, sa isang iglap, biglang natutong maglinis ng bahay sina Ate at Kuya.

Para makapagpahinga si Chenelyn, nagkuwento naman ako nang nagkuwento.

Biglang nagbago ang kuwarto ni Chenelyn.

Naging bughaw na langit ito nang maging piloto kami.

Naging entablado ito nang naging mananayaw kami.

Tapos, sa isang iglap, nakatulog si Chenelyn.

Mula noon, iba na ang maririnig sa loob ng aming bahay tuwing umaga.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: CHENELYN CHENELYN WITH TAGALOG SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH: CHENELYN CHENELYN MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: CHENELYN CHENELYN WITH TAGALOG SUBTITLES

Chenelyn! Chenelyn!

Kuwento ni Rhandee Garlitos Story by Rhandee Garlitos

Guhit ni Liza Flores Drawing by Liza Flores

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

Tuwing umaga sa aming bahay, ang pangalan niya ang una mong maririnig. Every morning in our house, her name is the first thing you hear.

Kapag binibigkas mo ito, mayroong madyik na nangyayari. When you say it, something magical happens.

Chenelyn! Chenelyn!

Ihanda na ang almusal! Breakfast is ready!

Biglang magtitilian ang mga kaldero at siyansi sa ilalim ng kalan. Suddenly the pots and pans under the stove start to clatter.

Huhuni ang kaldero ng mainit na tubig. The pot of hot water will hum.

Maririnig ang kalatugan ng pinggan at kalansingan ng mga kutsara at tinidor. You can hear the clinking of dishes and the clinking of spoons and forks.

Tapos, sa isang iglap, busog na si Tatay. Then, in an instant, Dad was full.

Chenelyn! Ang paligo ko, handa na ba! Chenelyn! My bath, is it ready!

Biglang magsisindi ang ilaw sa loob ng banyo. Suddenly the light in the bathroom will turn on.

Dadagundong ang tulo ng tubig sa balde. The drop of water in the bucket will rumble.

Maglilitawan ang mga sepilyo, sabon, shampoo, at tuwalya. Brushes, soap, shampoo, and towels will appear.

Tapos, sa isang iglap, mabango at malinis na si Kuya. Then, in an instant, Kuya was fragrant and clean.

Chenelyn! Ang damit ko sa eskwelahan! Chenelyn! My school clothes!

Biglang iinit ang plantsang nakatago. The hidden iron will suddenly heat up.

Tatakbo ang kabayo na tangay ang lukot na palda at blusa. The horse will run with the wrinkled skirt and blouse blown away.

Tapos, sa isang iglap, unat ang lahat ng damit ni Ate. Then, in an instant, all of Ate's clothes were stretched.

Chenelyn! Ang bahay, dapat malinis na! Chenelyn! The house must be clean!

Biglang magsisibangon ang basahan at sabon. Suddenly the rag and soap will rise.

Magsasayawan ang mga bunot at walis. The pluckers and brooms will dance.

Tapos, biglang makintab at mabango ang buong bahay. Then, suddenly the whole house was shiny and fragrant.

Chenelyn! Laro na tayo! Chenelyn! Let's play!

Biglang tatalbog ang bola at magsasalita ang manyika. Suddenly the ball will bounce and the doll will speak.

Magiging nanay ko siya sa bahay-bahayan. She will be my mother at home.

Magiging taya siya sa taguan. He will be a safe bet.

Tapos, paglingon ko, nakaupo siya. Then, when I turned around, he was sitting.

Natutulog. Sleeping.

Bago ako matulog, ang pangalan pa rin niya ang maririnig. Before I go to sleep, I still hear his name.

Kasi, may madyik ang pangalan niya. Because, there is magic in his name.

"Chenelyn! Ang kape ko, akina!" sabi ni Tatay. "Chenelyn! My coffee, mine!" said Dad.

Biglang maghahalo ang kape, asukal, at umuusok na tubig. Suddenly the coffee, sugar, and steaming water will mix.

"Chenelyn! Ang sapatos ko, relo ko, nasaan na?!" tanong ni Kuya. "Chenelyn! My shoes, my watch, where are they?!" Big brother asked.

Magsisilabas ang mga sapatos at relo mula sa kung saan. Shoes and watches will come out of nowhere.

"Chenelyn! Ang isusuot ko, ihanda mo na!" tili ni Ate. "Chenelyn! What I'm going to wear, get it ready!" Ate screamed.

Magrarampahan naman ang mga pantalon, palda, blusa, at medyas. Pants, skirts, blouses, and socks will be loaded.

"Chenelyn! Ang pinagkainan, hugasan mo na!" utos ni Nanay. "Chenelyn! The food, wash it!" Mom ordered.

Magsisiligo na ang mga plato, platito, kutsara, at tinidor. The plates, saucers, spoons, and forks will be showered.

Basta tatawagin mo ang pangalan niya, mayroon nang iniinom si Tatay sa kuwarto. As long as you call his name, Dad is already drinking something in the room.

Nakita na ang nawawalang gamit ni Kuya. Kuya's missing things have been found.

Handa na ang damit ni Ate para bukas. Sister's clothes are ready for tomorrow.

Malinis na ang mga gamit sa kusina ni Nanay. Mom's kitchen utensils are now clean.

Kapag ako na ang tatawag ng "Chenelyn!" papasok siya sa maliit kong kuwarto. When it's my turn to call "Chenelyn!" he enters my small room.

Pagod na pagod. Pawis na pawis. Exhausted. Very sweaty.

Hingal na hingal. Latang-lata. Out of breath. Cans.

Pero, kapag mayroon siyang ikukuwento sa akin, ang kuwarto ko, nag-iiba ng anyo. But, when he has something to tell me, my room changes form.

Nagiging dagat ito kapag kami ay mga sirena. It becomes the sea when we are mermaids.

Nagiging kastilyo ito kapag kami ay mga prinsesa. It becomes a castle when we are princesses.

Kaming dalawa ni Chenelyn ang laging bida sa marami niyang kuwento. Chenelyn and I are always the protagonists in many of his stories.

Tapos, tulog na kaming dalawa. Then, we both went to sleep.

Isang umaga, nagkagulo sa loob ng bahay! One morning, there was chaos in the house!

Ilang beses nang tinatawag ang pangalan niya, pero walang nangyayaring madyik. His name was called several times, but nothing magical happened.

"Chenelyn! Chenelyn!" sabi ni Tatay. "Chenelyn! Chenelyn!" said Dad.

"Chenelyn?! Chenelyn?!" tanong ng Kuya. "Chenelyn?! Chenelyn?!" Big brother asked.

"Chenelyn! Chenelyn!" sigaw ng Ate. "Chenelyn! Chenelyn!" cried the Sister.

"Chenelyn! Chenelyn!" utos ng Nanay. "Chenelyn! Chenelyn!" Mom ordered.

"Chenelyn! Chenelyn!" tawag ko. "Chenelyn! Chenelyn!" I call

Pero walang nangyari. But nothing happened.

Bigla kaming nagsisugod sa kuwarto niya. We suddenly rushed to his room.

Pagbukas namin, maraming madyik ang nangyayari. When we opened, a lot of magic was happening.

Mayroong hatsing! Mayroon prsssrstt! There's a sneeze! Got prsssrstt!

Mayroon brrr! There is brrr!

Mayroon ubo-ubo! Have a cough!

Naku, si Chenelyn, hindi makapagmamadyik! Alas, Chenelyn, cannot be enchanted!

"May trangkaso si Chenelyn..."sabi ni Tatay. "Chenelyn has the flu..." Dad said.

Dali-dali siyang pumunta sa telepono. He quickly went to the phone.

Kumiriring ito nang kumuriring. It tickled and tickled.

Bumulong-bulong si Tatay sa hawakan. Dad mumbled into the handle.

Tapos, sa isang iglap, biglang dumating ang Doktor. Then, suddenly, the Doctor came.

Pumunta naman si Nanay sa kusina. Mother went to the kitchen.

Naghiwa-hiwa siya ng karne ng manok at gulay. He cut chicken meat and vegetables.

Hinugas-hugasan niya ang mangga at dalanghita. He washed the mangoes and tangerines.

nagtimpla-timpla siya ng tsa at tubig. he mixed tea and water.

Sa isang iglap, may pagkain kaagad para kay Chenelyn. In an instant, there was food right away for Chenelyn.

"Dapat tayo muna ang maglinis ng bahay!" sabi naman nina Kuya at Ate. "We should clean the house first!" Kuya and Ate said.

Nagbunot nang nagbunot si Kuya. Big brother pulled out and pulled out.

Nagwalis nang nagwalis si Ate. Ate swept and swept.

Naglaba nang naglaba si Kuya. Kuya did laundry after washing.

Nag-ayos nang nag-ayos si Ate. Ate made arrangements.

Tapos, sa isang iglap, biglang natutong maglinis ng bahay sina Ate at Kuya. Then, in an instant, Ate and Kuya suddenly learned how to clean the house.

Para makapagpahinga si Chenelyn, nagkuwento naman ako nang nagkuwento. So that Chenelyn could rest, I told stories after stories.

Biglang nagbago ang kuwarto ni Chenelyn. Chenelyn's room suddenly changed.

Naging bughaw na langit ito nang maging piloto kami. It became a blue sky when we became pilots.

Naging entablado ito nang naging mananayaw kami. It became a stage when we became dancers.

Tapos, sa isang iglap, nakatulog si Chenelyn. Then, in an instant, Chenelyn fell asleep.

Mula noon, iba na ang maririnig sa loob ng aming bahay tuwing umaga. Since then, something different can be heard inside our house every morning.