×

Mes naudojame slapukus, kad padėtume pagerinti LingQ. Apsilankę avetainėje Jūs sutinkate su mūsų slapukų politika.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 7: Ang Araw ng Kalayaan (Independence Day)

7: Ang Araw ng Kalayaan (Independence Day)

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo taon-taon.

Hindi lamang sa Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito!

Kung saan man may Pilipino, may selebrasyon rin!

Sa araw na ito, nagbabalik-tanaw sa kasaysayan ang mga Pilipino at ina-alala nila ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para makamit ang kalayaan ng bansa.

Tara, alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang espesyal na araw na ito!

- Alam niyo ba na dalawa ang araw ng kalayaan ng Pilipinas?

Isa noong ika-12 ng Hunyo, alam niyo ba kung kailan yung isa pa?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Sa araw na ito, sabay-sabay na itinataas ang watawat ng Pilipinas kasabay ang pagkanta ng Lupang Hinirang sa iba't ibang makasaysayang lugar sa bansa.

Ito'y dahil noong ika-12 ng Hunyo 1898 naganap ang unang pagtataas ng bandila at unang pagkanta ng pambansang awit bilang isang malayang bansa.

Pagdating ng hapon, ang mga paggunita at ang paradang sibil-militar ay ipinagpapatuloy sa Quirino Grandstand.

Dumadalo ang presidente, bise presidente at ang iba't ibang mahalagang mga bisita sa paradang ito.

Nakapaloob rin sa parada ang iba't ibang marching band at karosa.

Maliban dito, mayroon ring mga pagtatanghal ng mga koro at pangkat ng mananayaw upang ipagdiwang ang araw.

Ang mga Pilipinong naninirahan sa labas ng Pilipinas ay may kaniya-kaniya ring paraan ng pagdiriwang.

Isa na rito ang Parada ng Kalayaan sa New York City, tuwing unang linggo ng Hunyo.

Naging parte na ng tradisyon na ng mga Pilipino sa Amerika ang paradang ito at nagsisilbi itong pagkakataon upang ipakilala ang kulturang Pilipino, maka-likom ng pera pang kawanggawa, at makapagsama-sama ang mga Pilipino roon (doon) ...

Sa ika-28 ng Mayo pa lamang, sa tinaguriang "Araw ng Watawat", nagsisimula nang maglagay ng bandila ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay.

Mula sa malalaking establisiemento hanggang sa mga maliliit na tindahan, marami ang naglalagay ng mga makabayang palamuti para sa selebrasyon ng kalayaan.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba na dalawa ang araw ng kalayaan ng Pilipinas?

Isa noong ika-12 ng Hunyo, alam niyo ba kung kailan yung isa pa?

Ang unang araw ng kalayaan ng Pilipinas ay noong ika-12 ng Hunyo 1898 mula sa Espanya.

Ang ikalawa ay naganap naman noong ika-4 ng Hulyo 1946 mula sa Amerika na ngayon ay tinatawag na "Philippine-American Friendship Day".

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

7: Ang Araw ng Kalayaan (Independence Day) 7: Unabhängigkeitstag Independence Day

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica. Xin chào mọi người, tôi là Erica.

Ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo taon-taon. Independence Day is celebrated on June 12th every year.

Hindi lamang sa Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito! This day is celebrated not only in the Philippines!

Kung saan man may Pilipino, may selebrasyon rin! Wherever there is a Filipino, there is also a celebration!

Sa araw na ito, nagbabalik-tanaw sa kasaysayan ang mga Pilipino at ina-alala nila ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para makamit ang kalayaan ng bansa. On this day, Filipinos look back on history and remember the heroes who gave their lives to achieve the country's freedom.

Tara, alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang espesyal na araw na ito! Come on, let's find out how Filipinos celebrate this special day!

**- Alam niyo ba na dalawa ang araw ng kalayaan ng Pilipinas?** - Did you know that there are two Philippine independence days?

Isa noong ika-12 ng Hunyo, alam niyo ba kung kailan yung isa pa? One on June 12th, do you know when the other one is?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Sa araw na ito, sabay-sabay na itinataas ang watawat ng Pilipinas kasabay ang pagkanta ng Lupang Hinirang sa iba't ibang makasaysayang lugar sa bansa. On this day, the Philippine flag is raised simultaneously with the singing of Lupang Hinirang in various historical places in the country.

Ito'y dahil noong ika-12 ng Hunyo 1898 naganap ang unang pagtataas ng bandila at unang pagkanta ng pambansang awit bilang isang malayang bansa. This is because on June 12, 1898, the first flag raising and first singing of the national anthem took place as an independent country.

Pagdating ng hapon, ang mga paggunita at ang paradang sibil-militar ay ipinagpapatuloy sa Quirino Grandstand. In the afternoon, the commemorations and the civil-military parade continue at the Quirino Grandstand.

Dumadalo ang presidente, bise presidente at ang iba't ibang mahalagang mga bisita sa paradang ito. The president, vice president and various important guests attend this parade.

Nakapaloob rin sa parada ang iba't ibang marching band at karosa. The parade also includes various marching bands and floats.

Maliban dito, mayroon ring mga pagtatanghal ng mga koro at pangkat ng mananayaw upang ipagdiwang ang araw. Apart from this, there are also performances by choirs and dance groups to celebrate the day.

Ang mga Pilipinong naninirahan sa labas ng Pilipinas ay may kaniya-kaniya ring paraan ng pagdiriwang. Filipinos living outside the Philippines also have their own way of celebrating.

Isa na rito ang Parada ng Kalayaan sa New York City, tuwing unang linggo ng Hunyo. One of them is the Freedom Parade in New York City, every first week of June.

Naging parte na ng tradisyon na ng mga Pilipino sa Amerika ang paradang ito at nagsisilbi itong pagkakataon upang ipakilala ang kulturang Pilipino, maka-likom ng pera pang kawanggawa, at makapagsama-sama ang mga Pilipino roon (doon) ... This parade has become part of the tradition of Filipinos in America and it serves as an opportunity to introduce Filipino culture, raise money for charity, and bring Filipinos together there (there) ...

Sa ika-28 ng Mayo pa lamang, sa tinaguriang "Araw ng Watawat", nagsisimula nang maglagay ng bandila ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay. As early as the 28th of May, on the so-called "Flag Day", people begin to put flags on their houses.

Mula sa malalaking establisiemento hanggang sa mga maliliit na tindahan, marami ang naglalagay ng mga makabayang palamuti para sa selebrasyon ng kalayaan. From large establishments to small shops, many put up patriotic decorations for the celebration of independence.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba na dalawa ang araw ng kalayaan ng Pilipinas?** - Did you know that there are two Philippine independence days?

Isa noong ika-12 ng Hunyo, alam niyo ba kung kailan yung isa pa? One on June 12th, do you know when the other one is?

Ang unang araw ng kalayaan ng Pilipinas ay noong ika-12 ng Hunyo 1898 mula sa Espanya. The first day of Philippine independence was on June 12, 1898 from Spain.

Ang ikalawa ay naganap naman noong ika-4 ng Hulyo 1946 mula sa Amerika na ngayon ay tinatawag na "Philippine-American Friendship Day". The second took place on the 4th of July 1946 from America which is now called Philippine-American Friendship Day.