×

We gebruiken cookies om LingQ beter te maken. Als u de website bezoekt, gaat u akkoord met onze cookiebeleid.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 25.3 Pagbabasa - (Ang) Blow-Dryer

25.3 Pagbabasa - (Ang) Blow-Dryer

Sira ang blow-dryer sa kuwarto ni Carmen sa hotel. Tiningnan niya ang relo niya. Alas-sais y medya na. Mahuhuli na siya para sa welcome dinner ng kanilang class reunion.

Tumawag siya ulit sa housekeeping. “Hello? Gusto ko hong i-follow-up iyong hair dryer. Sira ho ang hair dryer sa kuwarto ko. Salamat ho”.

Tatlumpung taon na mula noong nagtapos sila ng high school. Pero dahil magkakaklase sila mula kindergarten, mahigit apatnapung taon na silang magkakakilala.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Noong isang linggo, nagpakulay at nagpagupit siya ng buhok sa beauty salon. Ay, salamat. Wala siyang nakikitang puting buhok. Nagsimula siyang maglagay ng make-up. Nakakatanda raw kasi ang itim. Sana nagpa-botox injections ako, naisip niya. Parang marami siyang wrinkles. Nakakainis.

Nagbihis siya. Asul at berdeng damit na may geometric prints ang isusuot niya. Maganda ito, naisip niya, hindi nakikita ang extra pounds. Sayang, sana nag-diyeta siya bago pumunta sa reunion. Sana mas payat siya.

May kumatok sa pintuan. “Heto na ho ang blow dryer ninyo”.

Nilagyan niya ng anti-frizz gel ang buhok niya at nagsimula siyang mag-blow dry ng buhok. Naiinis siya sa buhok niya. Bakit ba siya may kulot na buhok? 'Curly tops' nga ang tawag sa kanya noong high school ng kaibigan niyang si Terry. Sana tuwid na lang ang buhok ko, naisip niya. Sana nagpatuwid ako ng buhok sa beauty salon.

Alas-siyete ng gabi nang pumasok siya sa restaurant. Sa isang table, tumatawa ang isang grupo ng mga babae habang kumakain ng appetizers. Sa may bar, nag-uusap ang tatlong babae habang nag-oorder ng drinks. Sa reception area, nakatayo ang dalawang babae na nagbibigay ng mga name tags.

“Carmen"! Nakangiti si Menchie, ang organizer ng reunion. Niyayakap siya ni Macon, ang seatmate niya noong high school. Kumakaway sa kanya si Marlo, ang partner niya sa chemistry lab. Nandoon silang lahat — si Terry, si Erlinda, si Ruth, si Lily, si Maan, si Celine, si Yeng, si Odette, si Iris, sina Camille at Elvira... mga classmates niya.

May tumaba, may pumayat. Mayroong brown na — light brown, medium brown, o dark brown — ang kulay ng buhok. Buong gabi silang nagkukuwento, tumatawa, nagkukuwento, tumatawa. May classmate na nagrereport para sa fund-raising project ng mga madre para sa isang mahirap na komunidad. May nagsalita tungkol sa kanilang cookbook project, "The Blue and White Kitchen". May nag-distribute ng gift bags — may stationery, may ballpens, may chocolates.

Ipinapakita ni Natilou ang mga larawan ng mga apo niya. Ikinukuwento ni Gina ang divorce niya sa asawang nambubugbog. Binabati nina Anicia at Marj si Ging dahil natapos na nito ang kanyang Ph.D program.

At nakalimutan ni Carmen ang wrinkles sa mukha, ang extra pounds, at ang kulot na buhok na ayaw tumuwid.

- Tanong -

1) Ano ang problema sa hotel room ni Carmen?

2) Saan pupunta si Carmen?

3) Sino-sino ang mga kaklase ni Carmen?

4) Ano-ano ang mga projects nila?

5) Ano ang ginagawa ng mga babae sa reception area?

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

25.3 Pagbabasa - (Ang) Blow-Dryer 25.3 Reading - (The) Blow-Dryer 25.3 Leitura - (O) Secador de Cabelo

Sira ang blow-dryer sa kuwarto ni Carmen sa hotel. The blow-dryer in Carmen's hotel room is broken. Tiningnan niya ang relo niya. He looked at his watch. Alas-sais y medya na. It's half past six. Mahuhuli na siya para sa welcome dinner ng kanilang class reunion. will be late||||||||||reunion He will be late for the welcome dinner of their class reunion.

Tumawag siya ulit sa housekeeping. He called housekeeping again. “Hello? "Hello? Gusto ko hong i-follow-up iyong hair dryer. I want to follow-up on your hair dryer. Sira ho ang hair dryer sa kuwarto ko. The hair dryer in my room is broken. Salamat ho”. Thank you".

Tatlumpung taon na mula noong nagtapos sila ng high school. Thirty years||||||||| It's been thirty years since they graduated from high school. Pero dahil magkakaklase sila mula kindergarten, mahigit apatnapung taon na silang magkakakilala. ||classmates|||||forty||||acquainted But since they have been in the same class since kindergarten, they have known each other for over forty years.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. She looked at herself in the mirror. Noong isang linggo, nagpakulay at nagpagupit siya ng buhok sa beauty salon. Last week, she had her hair dyed and cut at the beauty salon. Ay, salamat. Oh, thank you. Wala siyang nakikitang puting buhok. ||seeing|| She doesn't see any white hair. Nagsimula siyang maglagay ng make-up. She started putting on make-up. Nakakatanda raw kasi ang itim. makes older|||| They say black is old. Sana nagpa-botox injections ako, naisip niya. I wish I had botox injections, she thought. Parang marami siyang wrinkles. like||| She looks like she has a lot of wrinkles. Nakakainis. It's annoying.

Nagbihis siya. dressed up| She got dressed. Asul at berdeng damit na may geometric prints ang isusuot niya. ||green||||geometric prints|||| She will wear a blue and green dress with geometric prints. Maganda ito, naisip niya, hindi nakikita ang extra pounds. This is good, she thought, not noticing the extra pounds. Sayang, sana nag-diyeta siya bago pumunta sa reunion. |||diet||||| Too bad, I wish she had gone on a diet before going to the reunion. Sana mas payat siya. I wish she was thinner.

May kumatok sa pintuan. |knock|| Someone knocked on the door. “Heto na ho ang blow dryer ninyo”. "Here is your blow dryer".

Nilagyan niya ng anti-frizz gel ang buhok niya at nagsimula siyang mag-blow dry ng buhok. She applied anti-frizz gel to her hair and began to blow dry her hair. Naiinis siya sa buhok niya. annoyed|||| She was disgusted by her hair. Bakit ba siya may kulot na buhok? ||||curly|| Why does she have curly hair? 'Curly tops' nga ang tawag sa kanya noong high school ng kaibigan niyang si Terry. Her friend Terry used to call her 'Curly tops' in high school. Sana tuwid na lang ang buhok ko, naisip niya. |straight||||||| I wish my hair was straight, she thought. Sana nagpatuwid ako ng buhok sa beauty salon. |had my hair straightened|||||| I wish I had my hair straightened at the beauty salon.

Alas-siyete ng gabi nang pumasok siya sa restaurant. It was seven o'clock in the evening when she entered the restaurant. Sa isang table, tumatawa ang isang grupo ng mga babae habang kumakain ng appetizers. |||laughing|||||||||| At a table, a group of women laugh while eating appetizers. Sa may bar, nag-uusap ang tatlong babae habang nag-oorder ng drinks. ||||||||||ordering|| At the bar, three women were talking while ordering drinks. Sa reception area, nakatayo ang dalawang babae na nagbibigay ng mga name tags. In the reception area, two women were standing handing out name tags.

“Carmen"! "Carmen"! Nakangiti si Menchie, ang organizer ng reunion. Menchie, the organizer of the reunion, smiled. Niyayakap siya ni Macon, ang seatmate niya noong high school. Macon, her high school seatmate, hugs her. Kumakaway sa kanya si Marlo, ang partner niya sa chemistry lab. Marlo, her chemistry lab partner, waves to her. Nandoon silang lahat — si Terry, si Erlinda, si Ruth, si Lily, si Maan, si Celine, si Yeng, si Odette, si Iris, sina Camille at Elvira... mga classmates niya. They were all there — Terry, Erlinda, Ruth, Lily, Maan, Celine, Yeng, Odette, Iris, Camille and Elvira... her classmates.

May tumaba, may pumayat. |gained weight||lost weight Some gain weight, some lose weight. Mayroong brown na — light brown, medium brown, o dark brown — ang kulay ng buhok. There are brown — light brown, medium brown, or dark brown — hair colors. Buong gabi silang nagkukuwento, tumatawa, nagkukuwento, tumatawa. |||telling stories||| They spent the whole night talking, laughing, talking, laughing. May classmate na nagrereport para sa fund-raising project ng mga madre para sa isang mahirap na komunidad. |||reporting||||||||sisters|||||| There is a classmate reporting for the nuns' fund-raising project for a poor community. May nagsalita tungkol sa kanilang cookbook project, "The Blue and White Kitchen". |spoke|||||||||| Someone talked about their cookbook project, "The Blue and White Kitchen". May nag-distribute ng gift bags — may stationery, may ballpens, may chocolates. Someone distributed gift bags — with stationery, with ballpens, with chocolates.

Ipinapakita ni Natilou ang mga larawan ng mga apo niya. is showing||||||||| Natilou shows pictures of her grandchildren. Ikinukuwento ni Gina ang divorce niya sa asawang nambubugbog. |||||||spouse|abusive husband Gina talks about her divorce from her abusive husband. Binabati nina Anicia at Marj si Ging dahil natapos na nito ang kanyang Ph.D program. ||Anicia||||||||||||| Anicia and Marj congratulate Ging for completing his Ph.D program.

At nakalimutan ni Carmen ang wrinkles sa mukha, ang extra pounds, at ang kulot na buhok na ayaw tumuwid. ||||||||||||||||||straighten out And Carmen forgot the wrinkles on her face, the extra pounds, and the curly hair that doesn't want to be straightened.

- Tanong - - Question -

1) Ano ang problema sa hotel room ni Carmen? 1) What is the problem with Carmen's hotel room?

2) Saan pupunta si Carmen? 2) Where is Carmen going?

3) Sino-sino ang mga kaklase ni Carmen? 3) Who are Carmen's classmates?

4) Ano-ano ang mga projects nila? 4) What are their projects?

5) Ano ang ginagawa ng mga babae sa reception area? 5) What are the girls doing in the reception area?