15.6 Pagsasanay (Pamimili)
[Pamimili ni Consuelo]
- Ano ang binibili ni Consuelo? Bumibili si Consuelo ng T-shirt.
- Saan gawa ang T-shirt? Gawa (Yari) ang T-shirt sa Tsina.
- Magkano ang T-shirt? Isangdaang piso ang T-shirt
- Ano ang kulay ng T-shirt? Asul ang T-shirt.
- Sa anong tela gawa ang T-shirt? Gawa sa cotton ang T-shirt.
- Para kanino ang T-shirt na binibili ni Consuelo? Para sa anak ni Consuelo ang T-shirt.
[Pamimili ni Elena]
- Ano ang gustong sukatin ni Elena? Sapatos ang gustong sukatin ni Elena.
- Kasya ba kay Elena ang size 8 na sapatos? Hindi, napakalaki ng sapatos para kay Elena.
- Anong kulay ang gusto ni Elena? Pula ang gusto niya.
- Ano ang sukat ng paa ni Elena? Size 6 ang sukat ng paa ni Elena.
- Magkano ang sapatos na binili ni Elena? P2,500 ang halaga ng sapatos na binili ni Elena.