17.2 Mga Pangungusap (Pang-araw-araw na Buhay ni Juan)
1) Gumigising si Juan nang alas-sais ng umaga.
2) Naliligo si Juan nang alas-sais y medya ng umaga.
3) Kumakain si Juan ng almusal nang alas-siyete ng umaga.
4) Pumapasok si Juan sa klase nang alas-nuwebe ng umaga.
5) Kumakain si Juan ang tanghalian sa cafeteria tuwing alas-dose ng tanghali.
6) Nagbabasa si Juan sa aklatan mula alas-tres hanggang alas-sais ng hapon.
7) Umuuwi si Juan sa bahay nang alas-sais kinse ng gabi.
8) Sumasakay si Juan ng bus papunta sa bahay niya.
9) Nagluluto si Juan ng hapunan nang alas-sais y medya ng gabi.
10) Sumasayaw si Juan ng tango tuwing Miyerkoles.
11) Dumadalo si Juan ng pulong ng Mathematics Society tuwing Huwebes.
12) Tutugtog si Juan ng biyulin sa Sabado.
13) Dadalo si Juan ng pulong ng Philippine Studies Forum sa Sabado.
14) Nagsisimula ang pulong nang alas-kuwatro ng hapon.
15) Natatapos ang pulong nang alas-singko ng hapon.
16) Natutulog si Juan nang alas-diyes ng gabi.