ANG MATALINONG PRINSIPE (SMARTY PRINCE) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES
Ang Matalinong Prinsipe
Kwento ni Sarah Albee
Iginuhit ni George Ulrich
(MUSIC)
Clip-clop, clip-clop, clip-clop.
Isang matalinong prinsipe ang nakasakay sa kanyang kabayo na dumaan sa kagubatan isang araw,
nang may isang pirasong papel ang lumutang sa hangin at napadpad sa kanyang mga kamay.
"Hark!" Sinabi niya, pigil ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo
at pinag-aralan ang nakasulat sa papel.
Ito ay puno ng mga kalkulasyon ng matematika.
"Ano ito?" buong pagtataka nya.
Ang papel ay tila nagmula sa isang maliit na bintana sa tuktok ng isang napakataas na tore.
"Meron sigurong tao na nakakulong sa tore na iyon," naisip ng prinsipe.
"Marahil ito ay isang matalinong prinsesa, at sinisikap niyang kalkulahin kung paano bumaba. "
Tumalon siya mula sa kanyang kabayo.
"Dapat kong iligtas ang binibini na iyon! "sabi niya.
Tinitigan niya ang bintana.
"Ngunit isang malaking hamon ang umakyat sa mataas na tore. "
Sa kabutihang-palad, gusto nang prinsipe ang mga bagay na mapang-hamon.
Pagkatapos isulat ang sariling matematikong kalkulasyon sa kanyang maliit na kuwaderno,
isinara ito at hinalungkat ang bag ng kanyang kabayo.
"Aha!" Sinabi niya, habang kinuha niya ang ilang mga gomang pambomba sa inidoro.
"Ito ang mga bagay na kailangan ko!"
Splonk! Splonk! Splonk!
Umusad paakyat ang prinsipe,
maingat na pinagsasalitan ang mga pambombang goma paakyat sa tuktok ng tore.
Ngunit sa kalahatian, na-daan siya sa isang parte na merong madulas na lumot.
Pffffffffffff fttt!
Dumulas siya pababa, at lumagapak sa ilalim.
Ang prinsipe ay hindi ang uri ng tao na madaling sumuko.
Minsan pa, nag-sulat siya ng ilang kalkulasyon sa
kanyang kuwaderno at pagkatapos ay hinalungkat ulit ang kanyang bag.
"Aha!" Sabi niya, at kinuha niya ang isang martilyo at mga pako.
Tapos siya ay nangalap ng ilang mga tablang kahoy na nakahilig sa ibaba ng tore.
Ang prinsipe ay nagsimulang gumawa ng ilang mga hakbang na hagdan pataas sa gilid ng tore.
Paakyat ng paakyat ang prinsipe,
minamartilyo ang bawat bagong tablang hagdan.
Ngunit noong siya ay nasa ikatlong bahagi na ng pataas, nasira ang kanyang plano.
Naubos na ang mga tablang kahoy.
Sa isang malalim na buntong-hininga, ang prinsipe ay napilitan na bumaba pabalik,
habang inaalis ang kanyang hindi nagtagumpay na hagdanan.
Wala man lang pag-aalala,
ang matalinong prinsipe ay nag-isip ng nag-isip at pagkatapos ay nag-isip muli.
Ang kanyang kabayo ay umiling-iling at nag-ingay.
Nagbigay ito ng ideya sa prinsipe!
Siya ay kumuha ng lubid mula sa bag at itinali ito sa dulo ng isang bato.
Pagkatapos ay inihagis ang bato pataas sa ibabaw ng sanga ng isang mataas na puno.
Tinanggal ang pagkakatali sa bato at itinali ito sa kanyang kabayo.
Iyong kabilang dulo ng lubid ay itinali sa kanyang sariling baywang.
"Dyan ka lang," ang sabi niya,
habang binigyan ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo ng isang magaan na tapik sa pigi.
Sa kabutihang-palad, ito ay isang napaka-talinong kabayo.
Nagsimula itong lumayo mula sa puno.
Ang lubid ay nabatak, at ang prinsipe ay itinaas, hanggang sa itaas ng bintana.
"Uh, hello!" tawag ng prinsipe nang narating niya ang bintana.
Isang magandang prinsesa ang nakaupo sa isang mesa, nagsusulat sa isang pirasong papel.
Tumingala siya upang tignan kung sino ang nagsasalita.
Ang prinsipe ay ngumiti at yumukod bilang bigay galang,
o yumukod kahit siya ay nakabitin mula sa isang mataas na lubid galing sa ibaba.
Natagpuan ko ang iyong kawili-wiling kalkulasyon," sabi ng prinsipe,
hawak ang nalukot nang piraso ng papel para makita ng prinsesa.
"Ako ay isang matalinong prinsipe.
Matutulungan mo ba akong umakyat dito sa bintana? " tanong niya.
Bagaman lubos na nagulat, inilahad ng prinsesa ang kanyang kamay at
tinulungang hatakin ang nakabitin na prinsipe.
Tinanggal niya ang lubid at pinagpagan ang kanyang sarili.
"Ako ay dumating upang iligtas ka, makatarungang prinsesa at iyon ay,"
Sinabi niya, iniluhod ang isang tuhod, "Umaasa ako na pakakasalan mo ako."
Ang prinsesa ay lubhang nalito.
"Paano ko pakakasalan ang isang taong kakikilala ko lang?
Siguro, maaari tayong bumaba dito sa tore at pumunta sa palasyo ng aking ama.
Maaari nating makilala ang bawat isa sa laro ng badminton at sa ilang mga baso ng gatas."
Ang prinsipe, na tulad ng alam ng lahat, ay nagustuhan ang hamon, nagsulat at sabik na tumayo.
"Siyempre," sabi niya sa isang yukod.
"Bago muna ang lahat."
Binuklat niya ang kanyang maliit na kuwaderno at,
wala sa isip na nginuya ang pambura sa dulo ng kanyang lapis.
"Ano ba ang ginagawa mo sa kuwaderno na iyan?" tanong ng prinsesa.
Ang prinsipe ay tumingin mula sa kanyang mga kalkulasyon.
"Pinag-aaralan ko kung ano ang pinakamahusay na paraan
upang makababa ka mula sa mataas na tore na ito, mahal na prinsesa, "sabi niya.
" Halos nakuha ko na.
Tinatanggap ko bilang isang hamon. "
Ang prinsesa ay nasamid kunwari.
" Hindi ko kailangan na mailigtas, salamat na rin, "sabi niya."
Gusto ko rito sa itaas ng tore.
Dito ako gumagawa ng aking araling-pambahay.
Bukod diyan, upang bumaba, ang kailangan lang nating gawin ay....."
".....sumakay sa elebeytor."