×

Używamy ciasteczek, aby ulepszyć LingQ. Odwiedzając stronę wyrażasz zgodę na nasze polityka Cookie.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: ANG ALAMAT NG PALAY WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: ANG ALAMAT NG PALAY WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES

Ang Alamat ng Palay

Muling isinalaysay ni Virgilio Almario

Iginuhit ni Conrad Raquel

Inilathala ng Adarna House

(SINGKIL MUSIC) Noong una

Noong araw, hindi nagtatanim ng halaman at hindi nag-aalaga ng hayop ang mga tao para may makain.

Umaasa lamang sila sa kalikasan.

Kaya tumitira sila kung saan may pagkain.

May tumitira sa mga kuweba sa bundok at nabubuhay sa bungangkahoy at nahuhuling hayop.

May tumitira sa tabing-ilog at dagat at nabubuhay sa pangingisda.

Tumitira sila sa isang lugar hanggang may makakain at humahanap ng ibang lugar pag wala nang makain.

Kasama ng iba ang mag-asawang Banag at Danas sa paghahanap ng bagong lugar na matitirhan.

Dati silang nakatira sa tabing-dagat.

Ngunit sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga bahay sa tabing-dagat.

Natatakot silang muling abutin ng bagyo.

"Bakit lagi tayong lumilipat ng tirahan?" tanong ni Banag kay Danas.

"Pagod na ako sa ganitong buhay.

Hindi tuloy tayo magkaanak."

Gusto ni Banag na humiwalay sila sa iba at mamalagi sa isang magandang pook.

"Gusto kong isilang doon ang ating anak."

Sinunod ni Danas ang hiling ng asawa.

Pumili sila ng isang magandang pook sa bundok at doon nagtayo ng munting bahay.

Tahimik ang napili nilang pook sa bundok at sagana sa prutas at hayop na makakain.

May malinaw na batis sa malapit, at maraming isdang nahuhuli si Danas.

Ngunit biglang dumating ang tagtuyot.

Matagal na hindi umulan, at natuyo ang lupa.

Namatay ang mga halaman at punongkahoy, at nawala ang mga hayop at ibon.

Namatay ang mga isda sa natuyong batis.

Naghanap ng pagkain sa malayo si Danas, ngunit malawak ang dumating na tagtuyot.

Naglakad siya nang naglakad at nakarating sa kabilang bundok.

Ngunit wala pa rin siyang makitang pagkain.

Inabot ng matinding pagod si Danas sa gitna ng isang malapad na parang.

Nahiga siya sa damuhan at nakatulog.

Noon biglang humihip ang hangin, at sumayaw at umawit ang mga damo.

Nagising at nagulat si Danas.

Pinakinggan ni Danas ang awit ng mga damo.

"Kami ang pag-asa ng tao, Danas.

Pulutin mo ang aming mga bungang butil.

Masarap na pagkain ang aming mga butil."

Noon napansin ni Danas ang mga uhay ng damo.

Hitik sa mga gintong butil ang bawat uhay.

Pumitas siya ng isang butil at kinagat.

"Bayuhin mo ang aming mga butil para maalis ang gintong balat," muling awit na masaya ng mga damo.

"Iluto mo ang puting laman ng butil para lumambot at maging masarap na pagkain.

Pumitas ng maraming uhay si Danas hanggang mapuno ang kaniyang sisidlan at nagmamadaling umuwi kay Banag.

"May pagkain na tayo ngayon," tuwang-tuwang balita niya kay Banag.

Tulad ng utos ng mga damo, inalisan nila ng balat ang mga butil at iniluto bago kinain.

Kinabukasan, nagbalik sa parang si Danas. "Itanim mo ang aming butil," awit ng mga damo.

"Itanim mo sa lupang pinalambot ng ulan. Alagaan mo ang mga butil na tutubo.

Tuwing mag-aani ka'y maglaan ha ng mga butil para muling itanim at alagaan.

Matuto kang magsaka at mag-alaga ng halaman.

Sa pagsasaka ka aasa ng ikabubuhay."

Biglang naramdaman ni Danas ang patak ng ulan.

Nagdidilim ang langit nang tumingala siya.

"Palay ang itawag mo sa iyong pananim," awit ng mga damo na lalong sumigla ang pagsayaw pagbuhos ng malakas na ulan.

"lbalita mo sa ibang tao ang lahat. Ituro mo sa kanila ang pag-aalaga ng palay."

Sinunod ni Danas ang mga utos ng damo.

Gumawa siya ng bukid sa paligid ng bahay at pinag-aralang mabuti ang pag-aalaga ng palay.

ltinuro niya sa ibang tao ang natutuhan.

Lumawak nang lumawak ang mga bukid na taniman, at mula noon, naging magsasaka ang mga tao.

Hindi na rin sila palipat-lipat ng tirahan.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: ANG ALAMAT NG PALAY WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES |||Legend||||||| PHILIPPINISCHES BUCH: ANG ALAMAT NG PALAY MIT ENGLISCHEN UND TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: ANG ALAMAT NG PALAY WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES フィリピン語の本: アン・アラマット・NG・パレー (英語とタガログ語の字幕付き)

Ang Alamat ng Palay The Legend of Rice

Muling isinalaysay ni Virgilio Almario |||Virgilio Almario|Almario (1) Retold by Virgilio Almario

Iginuhit ni Conrad Raquel ||Conrad (1)| Illustrated by Conrad Raquel

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(SINGKIL MUSIC) Noong una SINGKIL music||| (SINGKIL MUSIC)

Noong araw, hindi nagtatanim ng halaman at hindi nag-aalaga ng hayop ang mga tao para may makain. |||planting||plants|||||||||||| Long ago, people did not plant crops or raise animals for food.

Umaasa lamang sila sa kalikasan. ||||nature They relied only on nature and their surroundings.

Kaya tumitira sila kung saan may pagkain. |they stay|they live|||| They would live in places where they could find food.

May tumitira sa mga kuweba sa bundok at nabubuhay sa bungangkahoy at nahuhuling hayop. ||||||||living off||fruit trees||caught| Some stayed in caves and lived on fruits and animal meat.

May tumitira sa tabing-ilog at dagat at nabubuhay sa pangingisda. Some stayed by riverbanks and the sea, so they could fish for their food.

Tumitira sila sa isang lugar hanggang may makakain at humahanap ng ibang lugar pag wala nang makain. They would stay in a place until food got scarce and move to another place where food was bountiful.

Kasama ng iba ang mag-asawang Banag at Danas sa paghahanap ng bagong lugar na matitirhan. ||||||Banag couple||Danas (1)||search for|||||to live The couple Banag and Danas belonged to a group who used to live near the sea.

Dati silang nakatira sa tabing-dagat. They used to live by the beach.

Ngunit sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga bahay sa tabing-dagat. |destroyed||||storm||||||| But, a fierce storm had destroyed their houses near the sea.

Natatakot silang muling abutin ng bagyo. |||reach|| They feared the coming of another storm.

"Bakit lagi tayong lumilipat ng tirahan?" tanong ni Banag kay Danas. |||||residence||||| "Why do we always move house?" Banag asked Danas.

"Pagod na ako sa ganitong buhay. "I am tired of this kind of life.

Hindi tuloy tayo magkaanak." |||have children We cannot even have children because we keep moving."

Gusto ni Banag na humiwalay sila sa iba at mamalagi sa isang magandang pook. ||||separate|||||||||place Banag wanted to separate from the rest of the group and stay behind in a pleasant place.

"Gusto kong isilang doon ang ating anak." ||give birth|||| "I want to bear our child there."

Sinunod ni Danas ang hiling ng asawa. followed||||request|| Danas gave in to his wife's request.

Pumili sila ng isang magandang pook sa bundok at doon nagtayo ng munting bahay. Choose||||||||||built||| They chose a nice place in the mountains and built a simple house there.

Tahimik ang napili nilang pook sa bundok at sagana sa prutas at hayop na makakain. Quiet||chosen||||||abundant|||||| Their new home was tranquil, and food was bountiful.

May malinaw na batis sa malapit, at maraming isdang nahuhuli si Danas. |clear|||||||fish|caught||Danas (1) Nearby was a clear stream where Danas caught a lot of fish.

Ngunit biglang dumating ang tagtuyot. ||||drought But then came the drought.

Matagal na hindi umulan, at natuyo ang lupa. |||||dried up|| For a long time, no rain fell, and the earth dried up.

Namatay ang mga halaman at punongkahoy, at nawala ang mga hayop at ibon. |||||trees||||||| Plants and trees died, and animals and birds disappeared.

Namatay ang mga isda sa natuyong batis. |||||dry|stream Fish perished in the dried stream.

Naghanap ng pagkain sa malayo si Danas, ngunit malawak ang dumating na tagtuyot. ||||||||widespread|||| Danas traveled far to look for food, but the drought was merciless.

Naglakad siya nang naglakad at nakarating sa kabilang bundok. |||||||opposite| He traveled until he reached the next mountain.

Ngunit wala pa rin siyang makitang pagkain. Still, he could not find food.

Inabot ng matinding pagod si Danas sa gitna ng isang malapad na parang. overcome by||intense||||||||wide field||field Exhaustion caught up with Danas in the middle of a vast field.

Nahiga siya sa damuhan at nakatulog. |||the grass|| He lay among the grasses and fell asleep.

Noon biglang humihip ang hangin, at sumayaw at umawit ang mga damo. ||||||danced||||| Suddenly, the wind blew, and the grasses danced and sang.

Nagising at nagulat si Danas. woke up|||| Danas woke up surprised.

Pinakinggan ni Danas ang awit ng mga damo. listened to||||||| Danas listened to the song of the grasses.

"Kami ang pag-asa ng tao, Danas. |||hope||| "We are the hope of the people, Danas. Gather our grains. Our grains are good food."

Pulutin mo ang aming mga bungang butil. Pick up|||||fruit|grain Pick our fruit grains.

Masarap na pagkain ang aming mga butil." ||||||grains Our grains are good food."

Noon napansin ni Danas ang mga uhay ng damo. ||||||stems|| Danas noticed the head of grains of the grasses.

Hitik sa mga gintong butil ang bawat uhay. Full of||||grains|||ear of grain Each head was full of golden grains. He picked a grain and bit it.

Pumitas siya ng isang butil at kinagat. ||||||bitten it He picked a grain and took a bite.

"Bayuhin mo ang aming mga butil para maalis ang gintong balat," muling awit na masaya ng mga damo. crush|||||||remove|||skin||||||| "Pound our grains to remove their golden covers," sang the grasses.

"Iluto mo ang puting laman ng butil para lumambot at maging masarap na pagkain. Cook||||flesh||||soften||||| "Cook the white kernels inside the grains to soften them. It is good food."

Pumitas ng maraming uhay si Danas hanggang mapuno ang kaniyang sisidlan at nagmamadaling umuwi kay Banag. |||||||it fills|||container||||| Danas gathered the grains until his bag was full, then hurriedly went home to Banag.

"May pagkain na tayo ngayon," tuwang-tuwang balita niya kay Banag. "Now we have food," he happily told Banag.

Tulad ng utos ng mga damo, inalisan nila ng balat ang mga butil at iniluto bago kinain. ||command of||||removed||||||||cooked|| He removed the golden covers of the grains as the grasses had instructed him, cooked the grains, and then ate them.

Kinabukasan, nagbalik sa parang si Danas. "Itanim mo ang aming butil," awit ng mga damo. ||||||Plant|||||||| Next morning, Danas returned to the field. "Plant our grains," sang the grasses.

"Itanim mo sa lupang pinalambot ng ulan. Alagaan mo ang mga butil na tutubo. ||||softened by|||||||||that will sprout "Plant them on land softened by rain. They will grow, and you will take care of them.

Tuwing mag-aani ka'y maglaan ha ng mga butil para muling itanim at alagaan. ||harvest|you|set aside|||||||replant|| When you harvest, save some grains to plant again.

Matuto kang magsaka at mag-alaga ng halaman. Learn to farm and take care of plants.

Sa pagsasaka ka aasa ng ikabubuhay." |farming|||| Planting will become your source of livelihood."

Biglang naramdaman ni Danas ang patak ng ulan. |||||drop||rain Danas suddenly felt raindrops.

Nagdidilim ang langit nang tumingala siya. darkening||sky||he looked up| He looked up to see the heavens darken with rain.

"Palay ang itawag mo sa iyong pananim," awit ng mga damo na lalong sumigla ang pagsayaw pagbuhos ng malakas na ulan. rice plant||call|||||||||||became more lively||dancing||||| "Call your crop palay," sang the grasses which danced vigorously as the rain poured.

"lbalita mo sa ibang tao ang lahat. Ituro mo sa kanila ang pag-aalaga ng palay." news|||||||teach||||||care of|| "Tell the others of this. Teach them how to plant palay."

Sinunod ni Danas ang mga utos ng damo. |||||commands of|| Danas followed the advice of the grasses.

Gumawa siya ng bukid sa paligid ng bahay at pinag-aralang mabuti ang pag-aalaga ng palay. |||||around|||||studied||||||rice He planted a rice field around his house and studied farming.

ltinuro niya sa ibang tao ang natutuhan. ||||||learned He taught the others what he had learned.

Lumawak nang lumawak ang mga bukid na taniman, at mula noon, naging magsasaka ang mga tao. expanded||expanded more|||||planting|||||farmers||| Farms got bigger and bigger, and people no longer had to move to search for food.

Hindi na rin sila palipat-lipat ng tirahan. |||||||residence They no longer move from place to place.