×

Nós usamos os cookies para ajudar a melhorar o LingQ. Ao visitar o site, você concorda com a nossa política de cookies.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 24.3 Pagbabasa - Ang Bughaw na Dagat

24.3 Pagbabasa - Ang Bughaw na Dagat

Anibersaryo ng kasal namin. Nagreserba ako ng malaking kuwarto sa Oceanview Resort, isa sa pinakamalaking resort sa isla. Mahal ang resort at hindi kami mayaman, pero ang sabi ng (mga) anak ko: “Mommy, anibersaryo ninyo ng Daddy. Espesyal na araw ito”.

Tanghaling tapat nang tumawag ako sa resort. “Gusto ko hong magreserba ng kuwarto,” sabi ko.

Mabait ang kausap kong hotel clerk. Sinabi ko sa kanya na anibersaryo namin ng asawa ko. “Ibibigay ko po sa inyo ang pinakamaganda naming cottage”.

“Cottage” ang tawag niya sa “bahay kubo” na nasa ibabaw ng tubig. Ganito ang mga bahay ng mga taong Badjao na nakatira sa Sulu sa katimugan ng Pilipinas. Inilalarawan ang mga bahay na ito na “mga bahay na nakatayo sa poste” o “houses on stilts”.

Apat na araw, tatlong gabi. Apat na raang dolyar bawat gabi pero kasama na ang almusal, tanghalian, at hapunan. Ang mahal, naisip ko. Siyam na dolyar lang ang suweldo ng isang manggagawa sa Pilipinas. Misyonarya ako, kaya palagi kong naiisip ang mga mahihirap.

Alas-nuwebe nang umaga nang dumating kami ng asawa ko sa resort. Bughaw na bughaw ang dagat, bughaw na bughaw ang langit. May bote ng alak at may mga bulaklak sa kuwarto; regalo ito ng resort sa amin. Mayroon ding coffeemaker, kape, tsaa at minibar sa kuwarto.

Gumawa ng tsaa ang asawa ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang chocolate chip cookies na ginawa ng anak ko. Umupo kami ng asawa ko sa balkonahe, umiinom ng tsaa at kumakain ng cookies, tinitingnan ang dagat. Magkahawak kamay kami, tinitingnan ang dagat, iniisip ang payapa naming buhay na magasawa.

Ito ang hindi namin naisip. Noong gabing iyon, dadating ang mga lalaking may baril, isasakay nila kami sa bangka, dadalhin sa malayong isla, at gagawing bihag. At sa biyahe sa gabing iyon, habang may blindfold ang mga mata namin, at takot na takot kami, hindi namin makikita ang dagat na bughaw.

- Tanong -

1) Sa anong hotel siya nagreserba ng kuwarto?

2) Ano ang pinareserba niya?

3) Ilang gabi sila titigil sa hotel?

4) Ano ang ininom nila ng asawa niya?

5) Ano ang kinain nila?

6) Saan sila uminom at kumain?

7) Bakit sila takot na takot?

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

24.3 Pagbabasa - Ang Bughaw na Dagat 24.3 Lesung – Das Blaue Meer Reading - The Blue Sea 24.3 Lectura - El Mar Azul

Anibersaryo ng kasal namin. Our wedding anniversary. Nagreserba ako ng malaking kuwarto sa Oceanview Resort, isa sa pinakamalaking resort sa isla. I reserved||||||||||||| I reserved a large room at the Oceanview Resort, one of the largest resorts on the island. Mahal ang resort at hindi kami mayaman, pero ang sabi ng (mga) anak ko: “Mommy, anibersaryo ninyo ng Daddy. The resort is expensive and we are not rich, but my son(s) said: “Mommy, it's your and Daddy's anniversary. Espesyal na araw ito”. special||| This is a special day”.

Tanghaling tapat nang tumawag ako sa resort. noon|||||| It was noon when I called the resort. Het was middag toen ik het resort belde. “Gusto ko hong magreserba ng kuwarto,” sabi ko. "I want to reserve a room," I said. "Ik wil een kamer reserveren," zei ik.

Mabait ang kausap kong hotel clerk. ||person I talk to||| The hotel clerk I spoke with was nice. De hotelreceptionist die ik sprak was aardig. Sinabi ko sa kanya na anibersaryo namin ng asawa ko. I told him it was my wife's anniversary. Ik vertelde hem dat het de trouwdag van mijn vrouw was. “Ibibigay ko po sa inyo ang pinakamaganda naming cottage”. "I will give you our most beautiful cottage". "Ik zal je ons mooiste huisje geven".

“Cottage” ang tawag niya sa “bahay kubo” na nasa ibabaw ng tubig. "Cottage" is what he calls the "bahay kubo" that is above the water. "Cottage" is wat hij de "bahay kubo" noemt die boven het water uitsteekt. Ganito ang mga bahay ng mga taong Badjao na nakatira sa Sulu sa katimugan ng Pilipinas. |||||||Badjao people||||Sulu Archipelago||south|| These are the houses of the Badjao people who live in Sulu in the southern part of the Philippines. Dit zijn de huizen van de Badjao-mensen die in Sulu in het zuidelijke deel van de Filippijnen wonen. Inilalarawan ang mga bahay na ito na “mga bahay na nakatayo sa poste” o “houses on stilts”. describes||||||||||||on stilts|||| These houses are described as “houses standing on poles” or “houses on stilts”. Deze huizen worden omschreven als “huizen op palen” of “huizen op palen”.

Apat na araw, tatlong gabi. Four days, three nights. Vier dagen, drie nachten. Apat na raang dolyar bawat gabi pero kasama na ang almusal, tanghalian, at hapunan. ||four hundred||||||||||| Four hundred dollars a night but that includes breakfast, lunch and dinner. Vierhonderd dollar per nacht, maar dat is inclusief ontbijt, lunch en diner. Ang mahal, naisip ko. How expensive, I thought. Wat duur, dacht ik. Siyam na dolyar lang ang suweldo ng isang manggagawa sa Pilipinas. |||||salary of|||worker|| The salary of a worker in the Philippines is only nine dollars. Het salaris van een arbeider in de Filippijnen is slechts negen dollar. Misyonarya ako, kaya palagi kong naiisip ang mga mahihirap. missionary||||||||the poor I am a missionary, so I always think about the poor. Ik ben een missionaris, dus ik denk altijd aan de armen.

Alas-nuwebe nang umaga nang dumating kami ng asawa ko sa resort. It was nine o'clock in the morning when my husband and I arrived at the resort. Het was negen uur 's ochtends toen mijn man en ik bij het resort aankwamen. Bughaw na bughaw ang dagat, bughaw na bughaw ang langit. The sea is blue, the sky is blue. De zee is blauw, de lucht is blauw. May bote ng alak at may mga bulaklak sa kuwarto; regalo ito ng resort sa amin. |bottle|||||||||||||| There was a bottle of wine and there were flowers in the room; this is a gift from the resort to us. Er was een fles wijn en er stonden bloemen in de kamer; dit is een geschenk van het resort aan ons. Mayroon ding coffeemaker, kape, tsaa at minibar sa kuwarto. ||||||minibar|| There is also a coffeemaker, coffee, tea and a minibar in the room.

Gumawa ng tsaa ang asawa ko. My wife made tea. Kinuha ko mula sa bag ko ang chocolate chip cookies na ginawa ng anak ko. I took out of my bag the chocolate chip cookies that my son had made. Umupo kami ng asawa ko sa balkonahe, umiinom ng tsaa at kumakain ng cookies, tinitingnan ang dagat. ||||||||||||||looking at|| My wife and I sat on the balcony, drinking tea and eating cookies, looking at the sea. Magkahawak kamay kami, tinitingnan ang dagat, iniisip ang payapa naming buhay na magasawa. holding hands||||||||||||as a couple We were holding hands, looking at the sea, thinking about our peaceful married life.

Ito ang hindi namin naisip. This is what we didn't think of. Noong gabing iyon, dadating ang mga lalaking may baril, isasakay nila kami sa bangka, dadalhin sa malayong isla, at gagawing bihag. |||will arrive||||||they will load|||||will take|||||make us|hostages That night, men with guns would come, put us on a boat, take us to a remote island, and take us captive. At sa biyahe sa gabing iyon, habang may blindfold ang mga mata namin, at takot na takot kami, hindi namin makikita ang dagat na bughaw. And on the trip that night, while our eyes were blindfolded, and we were so scared, we couldn't see the blue sea.

- Tanong - - Question -

1) Sa anong hotel siya nagreserba ng kuwarto? 1) In which hotel did he reserve a room?

2) Ano ang pinareserba niya? ||reserved| 2) What did he reserve?

3) Ilang gabi sila titigil sa hotel? |||will stay|| 3) How many nights will they stay at the hotel?

4) Ano ang ininom nila ng asawa niya? ||drank|||| 4) What did he and his wife drink?

5) Ano ang kinain nila? 5) What did they eat?

6) Saan sila uminom at kumain? 6) Where do they drink and eat?

7) Bakit sila takot na takot? 7) Why are they so scared?