×

Nós usamos os cookies para ajudar a melhorar o LingQ. Ao visitar o site, você concorda com a nossa política de cookies.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 26.2 Pagbabasa - Paglalakbay

26.2 Pagbabasa - Paglalakbay

Bawat pagsinta'y paglalakbay. [=pagsinta ay]

Paglalayag sa malawak na dagat,

Pag-akyat sa pinakatuktok ng bundok.

-

Sumasakay ka sa pag-asa,

Humahawak sa pananalig.

Bawat pagsinta'y paglalakbay.

-

Tandaan.

Huwag kaybagal at baka may hindi maabutan.

Huwag kaybilis at baka may malampasan.

-

Sa gitna nitong paglalakbay,

Saglit na tumigil.

Punasan ang noo,

Hagurin ang talampakan.

Kumustahin ang sarili,

Na minsa'y nakakalimutan sa gilid ng daan. [minsan]

-

Huwag hayaang mapagod ang puso

Sa bawat paglalakbay.

Ngunit huwag,

Huwag ring magpapigil sa pangamba

Kahit ang paroroona'y di tiyak. [paroroonan]

-

Walang huling biyahe sa mangingibig

Na handang maglakbay

Nang may pananalig.

-

- Tanong -

1) Sa anong mga imahe ihinahambing ang paglalakbay?

2) Bakit hindi dapat mabagal ang paglalakbay?

3) Bakit hindi dapat mabilis ang paglalakbay?

4) Ano ang dapat gawin sa gitna ng paglalakbay?

5) Ano ang dapat mayroon ang mangingibig sa paglalakbay?

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

26.2 Pagbabasa - Paglalakbay |Traveling 26.2 Reading - Travel

Bawat __pagsinta'y__ paglalakbay. [=__pagsinta ay__] |love's||love| Every passion is a journey. [=passion is]

Paglalayag sa malawak na dagat, Sailing||vast|| Sailing the wide sea,

Pag-akyat sa pinakatuktok ng bundok. |||summit|| Climbing to the top of the mountain.

- -

Sumasakay ka sa pag-asa, riding||||hope You ride in hope,

Humahawak sa pananalig. holding on||faith Holding on to faith.

Bawat pagsinta'y paglalakbay. Every passion is a journey.

- -

Tandaan. Remember

Huwag kaybagal at baka may hindi maabutan. |so slow|||||be reached Don't be too slow and you might miss someone.

Huwag kaybilis at baka may malampasan. |so fast||||miss out on Don't go too fast and you might miss someone.

- -

Sa gitna nitong paglalakbay, ||this| In the midst of this journey,

Saglit na tumigil. for a moment|| Stop for a moment.

Punasan ang noo, Wipe (1)|| wipe the forehead,

Hagurin ang talampakan. Scrape||foot sole Rub the soles.

Kumustahin ang sarili, ask about|| How are you,

Na __minsa__'y nakakalimutan sa gilid ng daan. [__minsan__] |sometimes||forgotten||side||road|sometimes That is sometimes forgotten on the side of the road. [sometimes]

- -

Huwag hayaang mapagod ang puso |let|get tired|| Do not let the heart grow weary

Sa bawat paglalakbay. On every trip.

Ngunit huwag, But don't,

Huwag ring magpapigil sa pangamba ||hold back||fear Don't let fear hold you back either

Kahit ang __paroroona__'y di tiyak. [__paroroonan__] ||destination|||certain|destination Even the destination is uncertain.

- -

Walang huling biyahe sa mangingibig ||trip||lover There is no last trip to the lover

Na handang maglakbay |ready to|to travel Ready to travel

Nang may pananalig. With faith.

- -

- Tanong - - Question -

1) Sa anong mga imahe ihinahambing ang paglalakbay? |||images|comparing|| 1) To what images is the journey compared?

2) Bakit hindi dapat mabagal ang paglalakbay? |||slow|| 2) Why shouldn't travel be slow?

3) Bakit hindi dapat mabilis ang paglalakbay? 3) Why shouldn't travel be fast?

4) Ano ang dapat gawin sa gitna ng paglalakbay? |||do|||| 4) What to do in the middle of the trip?

5) Ano ang dapat mayroon ang mangingibig sa paglalakbay? 5) What should a travel lover have?