×

Nós usamos os cookies para ajudar a melhorar o LingQ. Ao visitar o site, você concorda com a nossa política de cookies.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2)

DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2)

"May pag-uusapan lang muna kami ni Aling Miding.

Huwag lang kayong pumunta sa malayo."

"Opo, Mommy." Inubos ni David ang kanyang sopdrink at lumabas muli kasama ni Rey.

Minasdan ni David ang mga batang masayang naglalaro sa paligid niya.

Tumingin siya kay Rey at ngumiti.

Tuminging pabalik si Rey sa kanya at nag-aalinlangang nagtanong,

"Urm .. . gusto mo bang makipaglaro sa amin?" Bumungisngis si David.

Nakipaglaro sina Rey at David sa mga batang may mga kotse-kotsehang karton.

Nagtatawanan at nagtitilian silang lahat habang naghahabulan sa mga iskinita.

At tinuruan din ng mga bata si David kung paano maglaro ng holen,

sa pagtudla gamit ang mga daliri at pagpagulong nito sa lupa.

Tuwang-tuwa si David sa pakikipag-laro na hindi niya

napansin na nasa likod na pala niya ang kanyang

Mommy, nang naramdaman niyang tapikin nito ang balikat niya.

"Anak, sorry pero kailangan na nating umuwi." Ngumiti ito.

"Opo, Mommy." Tumingala si David, nagpunas ng pawis sa noo, at tumango.

Nagpaalam siya kay Rey at sa mga bago niyang kaibigan, at sumunod sa kanyang Mommy sa kotse.

Naiinitan, pinapawisan, at nanlilimahid na siya—ngunit masayang-masaya.

"Mommy, pwede ba akong bumalik dito para makipaglaro uli kay Rey?"

"Oo naman!" sagot ng Mommy niya.

"Natutuwa nga ako na naging masaya ka ngayong hapon.

Di kasi ako sigurado kanina kung magiging masaya kayo ni Rey.

Parang hindi siya natutuwang makita ka kanina."

"Opo, pero mukhang masaya na rin siya ngayon!"

"Sa palagay ko kaya nahihiya si Rey ay dahil mahirap lang ang pamilya nila.

Baka hindi siya sigurado kung matatanggap mo siyang kaibigan dahil nga mahirap lang siya."

Naalala ni David na pinagtatawanan nina Jun-Jun

at ng iba pa nilang kaklase si Rey, at hindi siya sinasali sa mga laro.

"Pero gusto ko siyang maging kaibigan kahit ayaw ng ibang mga bata sa iskul!"

sabi ni David.

"Sa palagay ko, alam na rin iyan ni Rey."

Hinalikan siya ng Mommy niya sa noo.

"Ipinagmamalaki kita, anak."

"Po? Bakit?" Nagulat si David pero natuwa rin na marinig ito.

Dahil ang tingin mo kay Rey ay isang batang pwede mong maging kaibigan,

mayaman o mahirap man siya.

Sana lagi kang ganyan, hanggang sa paglaki mo."

Ginulo-gulo nito ang buhok ni David habang naglalakad sila papunta sa kotse.

Pagdating ng Lunes, dali-daling naupo si David sa tabi ni Rey,

sabay bulong, "May sorpresa akong ipapakita sa 'yo mamaya!"

At totoo nga, nang mag-recess, pagkalabas nila ng klase,

bumulalas si David, "Tignan mo itong binili para sa 'kin ni Mommy kahapon!"

At pinakita niya ang kanyang kamay na puno ng mga makikislap at makukulay na holen!

"Wow!" nagningning ang mga mata ni Rey.

"David!" Napalingon sila at nakita si Jun-Jun na papalapit sa kanila.

Sumimangot ito kay Rey at tumingin kay David. "Maglalaro tayo ngayon, di ba?"

Halika, Jun-Jun!" bulalas ni David.

"Laro tayo ng holen! Bagong laro!"

At tuwang-tuwa niyang ipinakita kay Jun-Jun ang hawak niyang mga holen.

"Uh, bagong laro?" Na-eenganyo sa kislap ng mga holen ang mga mata niJun-Jun,

pero napapatingin din siya sa ibang mga bata na naghihintay sa kanya sa playground.

"Oo! Tinuruan ako ni Rey na maglaro ng holen! Ang galing!"

Sa tuwa halos humihiyaw na si David. "Halika, ipapa-kita namin sa 'yo!

Rey, tara, ipakita natin kay Jun-Jun!"

Hinila ni David si Jun-Jun papunta sa isang kapirasong lugar na may lupa sa may labas ng kantin.

Nanlalaki ang mga mata at ang ngiti ni Jun-Jun habang tinuturuan siya ni Rey kung paano maglaro ng holen.

Nakalimutan na niyang hinihintay siya ng ibang mga bata sa playground.

Nagtataka na sila kung anong ginagawa nina Jun-Jun,

David, at Rey na nakaumpok sa labas ng kantin.

Narinig pa nilang tumawa at humiyaw nang malakas si Jun-Jun!

"Hmmm . . . Uh, punta lang muna ako roon para tignan kung anong nangyayari,"

sabi ng isang bata, na kunwari'y hindi interesado sa nangyayari.

"Sama ako!" sabi pa ng isa at patakbong sumunod dito.

Maya-maya, nagsisunuran na rin ang iba.

Mula sa bintana ng silid-aralan, sumilip ang titser

at napangiti nang makita ang umpukan ng mga batang naglalaro

at nagtatawanan sa labas ng kantin.

At si Rey ang pinakamalakas na tumawa sa kanila.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2) DAVID UND SEIN NEUER KLASSENKAMMER | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN (2) DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2)

"May pag-uusapan lang muna kami ni Aling Miding. "Have"|||||||| "Aling Miding and I still have some things to talk about.

Huwag lang kayong pumunta sa malayo." Just don't go too far now."

"Opo, Mommy." Inubos ni David ang kanyang sopdrink at lumabas muli kasama ni Rey. "Okay, Mom." David finished his soft drink and stepped outside with Rey again.

Minasdan ni David ang mga batang masayang naglalaro sa paligid niya. David watched|||||||||| David looked at all the kids around him, playing happily.

Tumingin siya kay Rey at ngumiti. He then turned to Rey and smiled.

Tuminging pabalik si Rey sa kanya at nag-aalinlangang nagtanong, ||||||||hesitantly| Rey looked back at him, and asked hesitantly, "So, urn, do you want to play with us?" David grinned.

"Urm .. . gusto mo bang makipaglaro sa amin?" Bumungisngis si David. ||||"play with us"|||"chuckled"|| "Urm . . . do you want to play with us?" David grinned.

Nakipaglaro sina Rey at David sa mga batang may mga kotse-kotsehang karton. ||||||||||toy cars||cardboard cars Rey and David played with the kids and their cardboard-box cars.

Nagtatawanan at nagtitilian silang lahat habang naghahabulan sa mga iskinita. Laughing||screaming with joy||||chasing each other|||alleys They chased one another, laughing and screaming through the alleys.

At tinuruan din ng mga bata si David kung paano maglaro ng holen, ||||||||||||marbles Then the other kids taught David how to play with marbles,

sa pagtudla gamit ang mga daliri at pagpagulong nito sa lupa. |aiming||||||||| shooting them with their fingers and rolling them on the ground.

Tuwang-tuwa si David sa pakikipag-laro na hindi niya David was having so much fun that he didn't notice his

napansin na nasa likod na pala niya ang kanyang mom behind him, until he felt a tap on his shoulder.

Mommy, nang naramdaman niyang tapikin nito ang balikat niya. Mommy, when she felt him tap her shoulder.

"Anak, sorry pero kailangan na nating umuwi." Ngumiti ito. "Hey, David. I'm sorry but we have to go home now." She smiled.

"Opo, Mommy." Tumingala si David, nagpunas ng pawis sa noo, at tumango. "Yes, Mom." David looked up, wiped the sweat off his forehead and nodded.

Nagpaalam siya kay Rey at sa mga bago niyang kaibigan, at sumunod sa kanyang Mommy sa kotse. He said goodbye to Rey and his new friends and followed his mom to their car.

Naiinitan, pinapawisan, at nanlilimahid na siya—ngunit masayang-masaya. He was hot, sticky, and dirty but very happy.

"Mommy, pwede ba akong bumalik dito para makipaglaro uli kay Rey?" "Mom, can I come back and play with Rey again?"

"Oo naman!" sagot ng Mommy niya. "Of course!" David's mom replied.

"Natutuwa nga ako na naging masaya ka ngayong hapon. "I'm glad you enjoyed this afternoon.

Di kasi ako sigurado kanina kung magiging masaya kayo ni Rey. I wasn't sure if you'd have fun with Rey.

Parang hindi siya natutuwang makita ka kanina." He didn't look very happy to see you when we came."

"Opo, pero mukhang masaya na rin siya ngayon!" "Yeah, but he looks happy now!"

"Sa palagay ko kaya nahihiya si Rey ay dahil mahirap lang ang pamilya nila. "I think Rey feels shy because his family isn't rich.

Baka hindi siya sigurado kung matatanggap mo siyang kaibigan dahil nga mahirap lang siya." Maybe he wasn't sure if you would accept him as a friend because he's poor."

Naalala ni David na pinagtatawanan nina Jun-Jun David then remembered Jun-Jun and his classmates

at ng iba pa nilang kaklase si Rey, at hindi siya sinasali sa mga laro. laughing at Rey and excluding him in their games.

"Pero gusto ko siyang maging kaibigan kahit ayaw ng ibang mga bata sa iskul!" "But I want him to be my friend, even if some of the other boys in school don't!"

sabi ni David. David said.

"Sa palagay ko, alam na rin iyan ni Rey." "Well, I think Rey already knows that."

Hinalikan siya ng Mommy niya sa noo. His mom kissed him on the forehead.

"Ipinagmamalaki kita, anak." "I'm very proud of you, David."

"Po? Bakit?" Nagulat si David pero natuwa rin na marinig ito. "Oh? Why?" David looked surprised but pleased.

Dahil ang tingin mo kay Rey ay isang batang pwede mong maging kaibigan, "You look at Rey and see a boy who can be your friend,

mayaman o mahirap man siya. not whether he is rich or poor.

Sana lagi kang ganyan, hanggang sa paglaki mo." I hope you will stay like that when you grow up."

Ginulo-gulo nito ang buhok ni David habang naglalakad sila papunta sa kotse. His mom tousled his hair as they neared the car.

Pagdating ng Lunes, dali-daling naupo si David sa tabi ni Rey, At school on Monday, David rushed and sat beside Rey

sabay bulong, "May sorpresa akong ipapakita sa 'yo mamaya!" and whispered that he had a surprise for him.

At totoo nga, nang mag-recess, pagkalabas nila ng klase, And sure enough at recess, just as they came out of the classroom,

bumulalas si David, "Tignan mo itong binili para sa 'kin ni Mommy kahapon!" David exclaimed, "Look at what Mom got me yesterday!"

At pinakita niya ang kanyang kamay na puno ng mga makikislap at makukulay na holen! And he showed Rey a handful of colorful shiny marbles!

"Wow!" nagningning ang mga mata ni Rey. "Wow!" Rey's eyes glowed.

"David!" Napalingon sila at nakita si Jun-Jun na papalapit sa kanila. "Hey, David!"They turned and saw Jun-Jun coming towards them.

Sumimangot ito kay Rey at tumingin kay David. "Maglalaro tayo ngayon, di ba?" Jun-Jun frowned at Rey and looked at David, "You're going to play with us, right?"

Halika, Jun-Jun!" bulalas ni David. "Come on, Jun Jun!" David exclaimed.

"Laro tayo ng holen! Bagong laro!" "Let's play a new game of marbles instead!"

At tuwang-tuwa niyang ipinakita kay Jun-Jun ang hawak niyang mga holen. He eagerly held up the shiny marbles in his hands.

"Uh, bagong laro?" Na-eenganyo sa kislap ng mga holen ang mga mata niJun-Jun, "Uh, a new game?"The marbles' glint caught Jun-Jun's eyes,

pero napapatingin din siya sa ibang mga bata na naghihintay sa kanya sa playground. but he also glanced back at the other boys waiting for him in the playground.

"Oo! Tinuruan ako ni Rey na maglaro ng holen! Ang galing!" "Yeah! Rey showed me this really, really fun game with marbles!"

Sa tuwa halos humihiyaw na si David. "Halika, ipapa-kita namin sa 'yo! David was shouting with excitement now "Come on, we'll show you!

Rey, tara, ipakita natin kay Jun-Jun!" Come on, Rey. Let's show Jun-Jun!"

Hinila ni David si Jun-Jun papunta sa isang kapirasong lugar na may lupa sa may labas ng kantin. David pulled Jun Jun with him to the small patch of ground outside the canteen.

Nanlalaki ang mga mata at ang ngiti ni Jun-Jun habang tinuturuan siya ni Rey kung paano maglaro ng holen. Jun-Jun's eyes and smile grew wide as Rey showed him how to play with the marbles.

Nakalimutan na niyang hinihintay siya ng ibang mga bata sa playground. He soon forgot that the other boys were waiting for him at the playground.

Nagtataka na sila kung anong ginagawa nina Jun-Jun, The other boys were already wondering what Jun-Jun,

David, at Rey na nakaumpok sa labas ng kantin. David, and Rey were doing huddled outside the canteen.

Narinig pa nilang tumawa at humiyaw nang malakas si Jun-Jun! Then they heard Jun-Jun shout and laugh out loud!

"Hmmm . . . Uh, punta lang muna ako roon para tignan kung anong nangyayari," "Hmmm . . . Uh, I'll just go over and see what's going on there,"

sabi ng isang bata, na kunwari'y hindi interesado sa nangyayari. said one of the boys, pretending not to be curious.

"Sama ako!" sabi pa ng isa at patakbong sumunod dito. "I'll go with you!" said another, running after him.

Maya-maya, nagsisunuran na rin ang iba. Soon, everyone else followed.

Mula sa bintana ng silid-aralan, sumilip ang titser From the classroom window, their teacher peered out

at napangiti nang makita ang umpukan ng mga batang naglalaro and smiled to see the huddle of boys laughing and

at nagtatawanan sa labas ng kantin. playing together at the side of the canteen.

At si Rey ang pinakamalakas na tumawa sa kanila. And Rey laughed the loudest of them all.