×

Nós usamos os cookies para ajudar a melhorar o LingQ. Ao visitar o site, você concorda com a nossa política de cookies.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: BISNESBOY MINGGOY | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: BISNESBOY MINGGOY | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES

BISNESBOY MINGGOY

Kuwento ni Augie Rivera

Guhit ni Liza Flores

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Namimilog ang mga mata ni Minggoy habang nakasilip sa salaming dingding ng sports store.

Gustong-gusto na niya magkaroon ng bisikleta.

Halos lahat kasi ng mga kaibigan niya ay may bisikleta na, maliban sa kaniya.

"Anak, kasisimula pa lang ng Tatay mo sa bago niyang trabaho.

Ako naman, matumal pa ang order sa mga cake at cupcake ko.

Kailangan muna nating magtipid-tipid," sabi ng nanay niya.

Naisip tuloy ng sampung taong gulang na si Minggoy, "Kung hindi pa ako kayang ibili nina Mama at Papa ng bisikleta, ako na lang ang bibili!"

Pero, saan naman siya kukuha ng P3,000?

Kailangan niyang mag-ipon ng pera.

Nagsimulang tipirin ni Minggoy ang allowance niyang P20.

Tuwing recess, sa halip na cheeseburger, simpleng hamburger na lang ang binibili niya para mas mura.

Imbes na bumili ng sofdrink, nagbabaon na lang sya ng tubig na maiinom.

Tuwing uwian, imbes na mag-tricycle ay naglalakad na lang siya pauwi sa bahay nila.

Sa bahay, nagmasid sa paligid si Minggoy.

Naghanap siya ng mga bagay na puwede niyang ipagbili para makadagdag sa ipon niya.

Marami na palang mga bote at lumang diyaryong nakatambak lang sa likod ng bahay nila.

Kinolekta nya ang mga ito at ibinenta sa manong na magbobote.

Kinolekta rin niya ang mga sirang electric fan, butas na kaldero, pira-pirasong yero, gasgas na DVD, kalawanging tubo at iba pa.

Nagbahay-bahay rin siya upang hingin ang iba pang scrap na bakal ng mga kapitbahay na pakalat-kalat at hindi na ginagamit.

Ibinenta niya ang lahat ng ito sa junk shop para makadagdag sa ipon niya.

Isang araw, may dumating na bagyo. Walang tigil ang pag-ulan.

Kasabay pa ito ng high tide ng linggong iyon kaya't bumaha nang halos hanggang baywang sa kalsada.

Nang tumila ang ulan, hindi pa rin makapaglaro sa labas ang mga bata dahil sa baha!

Hindi pa rin bumabalik ang koryente kaya't hindi rin sila makapanood ng TV.

Napansin ni Minggoy ang bagong lipat na mga VilIamil.

Nakadungaw lang ang tatlong magkakapatid sa bintana at walang mapaglibangan.

"Ano kaya kung ipaarkila ko sa kanila ang mga komiks, libro at laruan ko sa murang halaga lang?" naisip ni Minggoy.

Mula piso hanggang limang piso ang napagkasunduan nilang arkila.

Pero, paano naman nila ito makukuha gayong hanggang baywang nga ang baha sa kalsada?

Kumuha ng lubid si Minggoy. Nagtali ng pabigat sa isang dulo at inihagis sa bintana ng mga Villamil.

Pagkasabit sa bintana, inihagis naman nila ang kabilang dulo ng lubid kay Minggoy.

Nagsabit si Minggoy ng maliit na basket sa lubid, at sa pamamagitan ng isang maliit na pulley na tulad ng ginagamit sa flag ceremony,

naihatid niya ang basket na naglalaman ng hihiraming komiks, libro, at laruan sa mga Villamil.

Sa basket na rin inilagay ang bayad nila.

Maya-maya pa, nanghiram na rin ang iba pang mga bata.

Nagsabit din si Minggoy ng lubid sa mga bintana nila, na animo mga banderitas sa pista!

Nang sumapit ang tag-araw, binilang ni Minggoy ang mga naipon niya.

"P1500."

Kulang pa rin itong pambili niya ng bisikleta!

Kaya't naisip ni Minggoy na magbenta ng ice candy.

"Papahiramin kita ng kaunting pondo," sabi ng nanay niya na tuwang-tuwa sa naisip na negosyo ng anak niya.

Bumili si Minggoy ng mga pahabang plastic bag, buko, munggo, asukal, gatas, at embudo.

Tinimpla niya ang mga ito, isinalin sa plastic bag at inilagay sa freezer para maging ice buko.

Gumawa pa ng espesyal na paskil si Minggoy sa labas ng bahay nila: Minggoy's Ice Buko.

Agad na kumalat ang balita tungkol sa panindang ice candy ni Minggoy.

Lahat ay gustong tumikim. Bentang-benta agad ito sa kaniyang mga kalaro.

Kaya't bukod sa ice buko, nag-isip pa si Minggoy ng iba't-ibang flavors ng kanyang ice candy.

Hinaluan niya ito ng sago, gulaman, ube, melon, mangga, pinipig, tsokolate at marami pang iba.

Pagkalipas ng ilang buwan, binilang uli ni Minggoy ang lahat ng naipon niya kasama na ang kinita sa pagtitinda ng ice candy.

"P5,850."

Sobra-sobra na pala ito. Binayaran niya iyong ipinautang sa kaniya noon ng Mama niya.

Pero ang mas mahalaga, bumalik siya sa sports store.

Sa wakas, nabili na niya ang matagal na niyang pangarap na bisikleta!

MAG-IMPOK TAYO!

Nabili na rin sa wakas ni Minggoy ang pangarap nyang bisikleta!

Masaya rin ang nanay at tatay nya dahil sarili niyang pera ang ginamit sa pagbili nito.

Dahil sa pag-iipon at pagnenegosyo, natutuhan rin ni Minggoy na hindi kailangan umasa sa kaniyang mga

magulang tuwing mayroon siyang gustong bilhing gamit.

Lalu na kung kinakailangan rin nilang magtipid.

Tulad ni Minggoy, siguradong makabibili rin kayo ng bisikleta o ng anumang bagay

na gusto ninyong bilhin kung susundin ninyo ang mga sumusunod na hakbang:

Una, kailangang maging malinaw kung anu-ano ang mga bagay na nais ninyong bilhin.

Makatutulong ang paglilista ng mga ito upang maiwasan ang paggastos para sa mga bagay na wala sa inyong listahan.

Ikalawa, kailangang matukoy kung saan manggagaling ang salaping gagamitin sa pagbili ng gusto ninyong gamit.

Mahalaga ring ilista hindi lamang ang kinikita ninyong salapi o ang pinanggagalingan nito,

kundi pati na rin ang inyong mga gastusin.

Ang tawag dito ay pagbabadyet.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: BISNESBOY MINGGOY | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH: BISNESBOY SONNTAG | GESCHICHTENZEIT MIT TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: BISNESBOY SUNDAY | STORY TIME WITH TAGALOG SUBTITLES

BISNESBOY MINGGOY BUSINESS BOY SUNDAY

Kuwento ni Augie Rivera Augie Rivera's story

Guhit ni Liza Flores Drawing by Liza Flores

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

Namimilog ang mga mata ni Minggoy habang nakasilip sa salaming dingding ng sports store. Minggoy's eyes widened as he peered into the glass wall of the sports tower.

Gustong-gusto na niya magkaroon ng bisikleta. He really wants to have a bicycle.

Halos lahat kasi ng mga kaibigan niya ay may bisikleta na, maliban sa kaniya. Almost all of his friends have bicycles, except for him.

"Anak, kasisimula pa lang ng Tatay mo sa bago niyang trabaho. "Son, your father just started his new job.

Ako naman, matumal pa ang order sa mga cake at cupcake ko. As for me, the order for my cakes and cupcakes is still slow.

Kailangan muna nating magtipid-tipid," sabi ng nanay niya. First we need to save," said his mother.

Naisip tuloy ng sampung taong gulang na si Minggoy, "Kung hindi pa ako kayang ibili nina Mama at Papa ng bisikleta, ako na lang ang bibili!" The ten-year-old Minggoy then thought, "If Mom and Dad can't buy me a bicycle, I'll buy it myself!"

Pero, saan naman siya kukuha ng P3,000? But, where will he get P3,000?

Kailangan niyang mag-ipon ng pera. He needs to save money.

Nagsimulang tipirin ni Minggoy ang allowance niyang P20. Minggoy started spending his P20 allowance.

Tuwing recess, sa halip na cheeseburger, simpleng hamburger na lang ang binibili niya para mas mura. Every recess, instead of a cheeseburger, he just buys a simple hamburger for cheaper.

Imbes na bumili ng sofdrink, nagbabaon na lang sya ng tubig na maiinom. Instead of buying a soft drink, he just bury water to drink.

Tuwing uwian, imbes na mag-tricycle ay naglalakad na lang siya pauwi sa bahay nila. Every time he goes home, instead of riding a tricycle, he just walks home to their house.

Sa bahay, nagmasid sa paligid si Minggoy. At home, Minggoy observed the surroundings.

Naghanap siya ng mga bagay na puwede niyang ipagbili para makadagdag sa ipon niya. He looked for things he could sell to supplement his savings.

Marami na palang mga bote at lumang diyaryong nakatambak lang sa likod ng bahay nila. There are already many bottles and old newspapers just piled up behind their house.

Kinolekta nya ang mga ito at ibinenta sa manong na magbobote. He collected them and sold them to the bottler.

Kinolekta rin niya ang mga sirang electric fan, butas na kaldero, pira-pirasong yero, gasgas na DVD, kalawanging tubo at iba pa. He also collected broken electric fans, pot holes, iron pieces, scratched DVDs, rusty pipes and so on.

Nagbahay-bahay rin siya upang hingin ang iba pang scrap na bakal ng mga kapitbahay na pakalat-kalat at hindi na ginagamit. He also went from house to house to ask for other scrap iron from the neighbors that were scattered and no longer in use.

Ibinenta niya ang lahat ng ito sa junk shop para makadagdag sa ipon niya. He sold them all at the junk shop to supplement his savings.

Isang araw, may dumating na bagyo. Walang tigil ang pag-ulan. One day, a storm came. It's raining non-stop.

Kasabay pa ito ng high tide ng linggong iyon kaya't bumaha nang halos hanggang baywang sa kalsada. It coincided with the high tide of that week so the road was flooded almost to the waist.

Nang tumila ang ulan, hindi pa rin makapaglaro sa labas ang mga bata dahil sa baha! When the rain stopped, the children still couldn't play outside because of the flood!

Hindi pa rin bumabalik ang koryente kaya't hindi rin sila makapanood ng TV. The electricity still hasn't returned so they can't watch TV either.

Napansin ni Minggoy ang bagong lipat na mga VilIamil. Minggoy noticed the newly moved VilIamils.

Nakadungaw lang ang tatlong magkakapatid sa bintana at walang mapaglibangan. The three siblings just stared out the window and had nothing to entertain.

"Ano kaya kung ipaarkila ko sa kanila ang mga komiks, libro at laruan ko sa murang halaga lang?" naisip ni Minggoy. "What if I rent out my comics, books and toys to them for cheap?" Minggoy thought.

Mula piso hanggang limang piso ang napagkasunduan nilang arkila. The rent they agreed to is from one peso to five pesos.

Pero, paano naman nila ito makukuha gayong hanggang baywang nga ang baha sa kalsada? But, how can they get it when the flood on the road is waist-deep?

Kumuha ng lubid si Minggoy. Nagtali ng pabigat sa isang dulo at inihagis sa bintana ng mga Villamil. Minggoy took a rope. A weight was tied to one end and the Villamils threw it through the window.

Pagkasabit sa bintana, inihagis naman nila ang kabilang dulo ng lubid kay Minggoy. After hanging from the window, they threw the other end of the rope to Minggoy.

Nagsabit si Minggoy ng maliit na basket sa lubid, at sa pamamagitan ng isang maliit na pulley na tulad ng ginagamit sa flag ceremony, Minggoy hung a small basket on the rope, and with a small pulley like the one used in the flag ceremony,

naihatid niya ang basket na naglalaman ng hihiraming komiks, libro, at laruan sa mga Villamil. he delivered the basket containing borrowed comics, books, and toys to the Villamils.

Sa basket na rin inilagay ang bayad nila. They also put their payment in the basket.

Maya-maya pa, nanghiram na rin ang iba pang mga bata. Later, the other children also borrowed.

Nagsabit din si Minggoy ng lubid sa mga bintana nila, na animo mga banderitas sa pista! Minggoy also hung a rope from their windows, which encouraged banderitas at the festival!

Nang sumapit ang tag-araw, binilang ni Minggoy ang mga naipon niya. When summer came, Minggoy counted his savings.

"P1500." "P1500."

Kulang pa rin itong pambili niya ng bisikleta! It's still not enough for him to buy a bicycle!

Kaya't naisip ni Minggoy na magbenta ng ice candy. So Minggoy thought of selling ice candy.

"Papahiramin kita ng kaunting pondo," sabi ng nanay niya na tuwang-tuwa sa naisip na negosyo ng anak niya. "I'll lend you some funds," said his mother, excited about her son's thought of business.

Bumili si Minggoy ng mga pahabang plastic bag, buko, munggo, asukal, gatas, at embudo. Minggoy bought elongated plastic bags, nuts, legumes, sugar, milk, and funnels.

Tinimpla niya ang mga ito, isinalin sa plastic bag at inilagay sa freezer para maging ice buko. He seasoned them, put them in a plastic bag and put them in the freezer to make ice cubes.

Gumawa pa ng espesyal na paskil si Minggoy sa labas ng bahay nila: Minggoy's Ice Buko. Minggoy even made a special sign outside their house: Minggoy's Ice Buko.

Agad na kumalat ang balita tungkol sa panindang ice candy ni Minggoy. The news about Minggoy's ice candy product spread immediately.

Lahat ay gustong tumikim. Bentang-benta agad ito sa kaniyang mga kalaro. Everyone wants to taste. It was immediately sold to his friends.

Kaya't bukod sa ice buko, nag-isip pa si Minggoy ng iba't-ibang flavors ng kanyang ice candy. So apart from the ice knuckle, Minggoy thought of different flavors for his ice candy.

Hinaluan niya ito ng sago, gulaman, ube, melon, mangga, pinipig, tsokolate at marami pang iba. He mixed it with sago, gelatin, ube, melon, mango, pinipig, chocolate and many others.

Pagkalipas ng ilang buwan, binilang uli ni Minggoy ang lahat ng naipon niya kasama na ang kinita sa pagtitinda ng ice candy. A few months later, Minggoy counted again all his savings including the income from selling ice candy.

"P5,850." "P5,850."

Sobra-sobra na pala ito. Binayaran niya iyong ipinautang sa kaniya noon ng Mama niya. It turned out to be too much. He paid what his Mom had loaned him.

Pero ang mas mahalaga, bumalik siya sa sports store. But more importantly, he returned to the sports store.

Sa wakas, nabili na niya ang matagal na niyang pangarap na bisikleta! Finally, he bought his dream bike!

MAG-IMPOK TAYO! LET'S SAVE!

Nabili na rin sa wakas ni Minggoy ang pangarap nyang bisikleta! Minggoy finally bought his dream bike!

Masaya rin ang nanay at tatay nya dahil sarili niyang pera ang ginamit sa pagbili nito. His mother and father are also happy because his own money was used to buy it.

Dahil sa pag-iipon at pagnenegosyo, natutuhan rin ni Minggoy na hindi kailangan umasa sa kaniyang mga Because of saving and doing business, Minggoy also learned that there is no need to rely on his people

magulang tuwing mayroon siyang gustong bilhing gamit. parents whenever he has something he wants to buy.

Lalu na kung kinakailangan rin nilang magtipid. It's too late if they need to save.

Tulad ni Minggoy, siguradong makabibili rin kayo ng bisikleta o ng anumang bagay Like Minggoy, you can definitely buy a bicycle or anything

na gusto ninyong bilhin kung susundin ninyo ang mga sumusunod na hakbang: that you want to buy if you follow the following steps:

Una, kailangang maging malinaw kung anu-ano ang mga bagay na nais ninyong bilhin. First, it must be clear what kind of things you want to buy.

Makatutulong ang paglilista ng mga ito upang maiwasan ang paggastos para sa mga bagay na wala sa inyong listahan. Listing them will help you avoid spending for things that are not on your list.

Ikalawa, kailangang matukoy kung saan manggagaling ang salaping gagamitin sa pagbili ng gusto ninyong gamit. Second, it is necessary to determine where the money to be used to purchase the equipment you want will come from.

Mahalaga ring ilista hindi lamang ang kinikita ninyong salapi o ang pinanggagalingan nito, It is also important to list not only the money you earn or the source of it,

kundi pati na rin ang inyong mga gastusin. but also your expenses.

Ang tawag dito ay pagbabadyet. This is called budgeting.