×

Nós usamos os cookies para ajudar a melhorar o LingQ. Ao visitar o site, você concorda com a nossa política de cookies.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: KUNG BAKIT UMUULAN by Rene O. Villanueva with TAGALOG Subtitles

FILIPINO BOOK: KUNG BAKIT UMUULAN by Rene O. Villanueva with TAGALOG Subtitles

Kung Bakit Umuulan

Kuwento ni Rene O Villanueva

Dibuho ni Robert Alejandro

"Manood ka, mahal ko. Lilikhain ko ang sanlibutan," sabi ni Tungkung Langit, ang lalaking bathala.

"Kaya ko ring lumikha. Tutulungan kita," alok ni Alunsina, ang babaing bathala.

"Huwag na. Ang nais ko'y ialay ang lahat sa iyo. Ang araw, ang mga bituin, ang mga planeta, ang buwan, ulap at hangin."

"Ngunit ako'y isa ring bathala," sabi ni Alunsina. Ngumiti lamang si Tungkung Langit saka yumukod kay Alunsina.

Nag-tipon siya ng lakas sa dibdib saka humugot ng maka-pangyarihang hininga. Nang sumisigaw si Tungkung Langit, umalingawngaw ang tinig niya sa walang hanggang kawalan.

Bawat salitang humulagpos sa labi ni Tungkung Langit ay natupad. Sumambulat ang nalikhang araw. Gumulong ang mga bituin. Lumitaw ang mga planeta. Sumilip ang buwan. At ang hangin ay unti-unting nagparamdam. Nagbago ang anyo ng paligid.

Gayon nang gayon ang nangyari. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina kaya ayaw niya itong mapagod. Ayaw niya itong kumilos upang gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay.

"Mas nais kong makita kang nakangiti. Nag-aayos ng iyong buhok at nananatiling maganda."

Ngunit nang lumaon, nainip si Alunsina sa gayong buhay. "Huwag kang mag-alala," sabi ni Tungkung Langit sa asawa. "Papawiin ko ang iyong pagka-inip. Lilikha ako ng panahon!"

Sa isang iglap, pumintig ang mga sandali, dumaloy ang mga oras, nagsali-salit ang araw at gabi, at rumagasa ang panahon.

Ngunit kasabay ng pagdaloy ng panahon ang pagbukal ng gunita. Naalala ni Alunsina noong ang kalawakan ay malawak na kawalan, noong ang pulso niya'y may pintig ang kapangyarihang may pangakong-lakas ng paglikha.

"Nais kong lumikha!" giit ng diwa ni Alunsina.

Isang araw, sumunod siya kay Tungkung Langit nang di nito namamalyan. Nang makita siya ni Tungkung Langit, nagtanong agad ito.

"Bakit ka narito? Ako ba'y iyong sinusubukan?"

"Nais kong lumikha. Tulad mo!"

"Naiinip ka na naman marahil, mahal ko. Bayaan mo, igagawa kita ng kidlat at kulog."

At nanggulat sa kalawakan ang matalim na kidlat.

Nanggulantang ang kulog.

Napakislot ang araw, buwan at mga bituin. Kinabahan pati ang hangin. Ngunit si Alunsina ay hindi man natinag. Nanatiling nakaguhit ang lungkot sa kanyang noo.

"Sawa na ako sa pagtanaw sa iyong araw, planeta at bituin. Sawa na ako sa pagiging taga-panood lamang. Ako man ay may angking galing."

Ngunit hindi na siya narinig ni Tungkung Langit. Dali-dali itong nagbalik sa paglikha ng sanlibutan. Naisip nitong naglalambing lamang ang babaeng bathala.

May sumibol na hinanakit sa dibdib ni Alunsina. Umalis siya sa kanilang tahanan.

Laking gulat ni Tungkung Langit nang matagpuan niyang walang apoy ang kanilang kalan, sa dulang ay walang pagkain, at ang kanilang higaa'y ulila't malamig.

Alunsina-a-a-a! Alunsina-a-a-a!" Kung saan-saan hinanap ni Tungkung Langit ang asawa ngunit hindi niya ito natagpuan.

Paulit-ulit niyang tinawag ang asawa ngunit ibinabalik lamang ng hangin ang kanyang tinig.

"Alunsina-a-a-a! Alunsina-a-a-a!"

Wala na ang babaeng bathala. Wala na ang lugod ng kanyang mga mata. Wala na ang sikdo ng kanyang puso. At nang muli niyang tingnan ang sanlibutan, ang natanaw niya'y hungkag na kalawakan.

Nagpatuloy sa pagragasa ang panahon. At kahit ang magilas na pulso ng lalaking bathala ay nanghinawa sa paglikha.

Araw-araw, patuloy sa pagtanaw sa bawat sulok ng sanlibutan si Tungkung Langit, nagbabakasakaling magbalik ang asawa. Ngunit wala, wala siyang matanaw.

Isang araw, dumukwang si Tungkung Langit mula sa lagunlon ng ulap. Hinawi niya ang kimpal ng dilim na tumatabing sa langit. At laking gulat niya nang makitang sa tapat ng kalawakan ay naroon ang babaeng bathala.

"Ano'ng ginagawa mo riyan, mahal ko? Kay tagal na kitang hinahanap."

Tumingala si Alunsina at muli'y nakita ni Tungkung Langit ang hinahanap niyang lugod, ang pinipithaya niyang aliw. Ngunit may talim ang salita ni Alunsina.

"Lumilikha ako ng daigdig, ng lupa ng puno at bulaklak. Ng ibon at isda. Lumilikha ako ng bundok, ng dagat at himpapawid. Nagpupunla ako ng buhay. Ako rin ay isang bathala." At nagpatuloy si Alunsina sa paglikha.

Mula noon, hindi na bumalik Si Alunsina sa kanilang tahanan sa kalangitan. Kumulog man at kumidlat, hindi na maakit ni Tungkung Langit ang asawa na magbalik sa kanyang dating buhay.

Ngayon, upang madalaw ang dating asawa, si Tungkung Langit ay kailangang maging ulan na didilig sa lupang likha ni Alunsina.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: KUNG BAKIT UMUULAN by Rene O. Villanueva with TAGALOG Subtitles Filipino||||||||||| FILIPINO-BUCH: WHY IS IT RAINING von Rene O. Villanueva mit TAGALOG-Untertiteln FILIPINO BOOK: WHY IS IT RAINING by Rene O. Villanueva with TAGALOG Subtitles フィリピン語の本: なぜ雨が降っているのか、レネ・O・ビジャヌエバ著、タガログ語字幕付き FILIPINO BOEK: WAAROM REGEN HET door Rene O. Villanueva met TAGALOG ondertitels

Kung Bakit Umuulan Why It Rains Waarom het regent

Kuwento ni Rene O Villanueva Story by Rene O Villanueva

Dibuho ni Robert Alejandro Drawing|||Robert Alejandro Drawing by Robert Alejandro

"Manood ka, mahal ko. Lilikhain ko ang sanlibutan," sabi ni Tungkung Langit, ang lalaking bathala. ||||"will create"|||world|||Pillar||||god "Watch, my love. I will create the world," said Tungkung Langit, the male deity. "Kijk, mijn liefste. Ik zal de wereld scheppen", zei Tungkung Langit, de mannelijke godheid.

"Kaya ko ring lumikha. Tutulungan kita," alok ni Alunsina, ang babaing bathala. ||||||offer||Alunsina||goddess| "I can also create. I will help you," offered Alunsina, the goddess. 'Ik kan ook creëren. Ik zal je helpen,' bood Alunsina, de godin, aan.

"Huwag na. Ang nais ko'y ialay ang lahat sa iyo. Ang araw, ang mga bituin, ang mga planeta, ang buwan, ulap at hangin." |||wish|"I am"|offer||||||||||||planets||||| "Don't. I want to dedicate everything to you. The sun, the stars, the planets, the moon, clouds and air." 'Niet doen. Ik wil alles aan jou opdragen. De zon, de sterren, de planeten, de maan, wolken en lucht.'

"Ngunit ako'y isa ring bathala," sabi ni Alunsina. Ngumiti lamang si Tungkung Langit saka yumukod kay Alunsina. ||||||||smiled||||||bowed to|| "But I am also a deity," said Alunsina. Tungkung Langit just smiled then bowed to Alunsina. "Maar ik ben ook een godheid", zei Alunsina. Tungkung Langit glimlachte alleen maar en maakte een buiging voor Alunsina.

Nag-tipon siya ng lakas sa dibdib saka humugot ng maka-pangyarihang hininga. Nang sumisigaw si Tungkung Langit, umalingawngaw ang tinig niya sa walang hanggang kawalan. |gathered|||||||drew in||powerful|powerful|breath||shouting||||echoed||voice|||||void He gathered strength in his chest then took a powerful breath. When Tungkung Langit screamed, his voice echoed in the eternal void. Hij verzamelde kracht in zijn borst en haalde toen krachtig adem. Toen Tungkung Langit schreeuwde, weergalmde zijn stem in de eeuwige leegte.

Bawat salitang humulagpos sa labi ni Tungkung Langit ay natupad. Sumambulat ang nalikhang araw. Gumulong ang mga bituin. Lumitaw ang mga planeta. Sumilip ang buwan. At ang hangin ay unti-unting nagparamdam. Nagbago ang anyo ng paligid. |word|escaped||lips|||||fulfilled|burst forth||created||rolled over|||stars|appeared||||peeked out||moon||||||||||||surrounding environment Every word that fell from Tungkung Langit's lips came true. The created sun burst forth. The stars roll. The planets appeared. The moon peeked out. And the wind gradually felt. The surroundings changed. Elk woord dat over de lippen van Tungkung Langit viel, kwam uit. De geschapen zon barstte los. De sterren rollen. De planeten verschenen. De maan gluurde naar buiten. En de wind voelde geleidelijk aan. De omgeving veranderde.

Gayon nang gayon ang nangyari. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina kaya ayaw niya itong mapagod. Ayaw niya itong kumilos upang gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay. ||that|||||||||||||||get tired||||to act||||useful|useful thing|| And so it happened. Tungkung Langit loves Alunsina so much that he doesn't want her to get tired. He doesn't want it to move to do something useful. En zo gebeurde het. Tungkung Langit houdt zoveel van Alunsina dat hij niet wil dat ze moe wordt. Hij wil niet dat het beweegt om iets nuttigs te doen.

"Mas nais kong makita kang nakangiti. Nag-aayos ng iyong buhok at nananatiling maganda." |||||smiling||fixing|||||| "I'd rather see you smiling. Fixing your hair and staying pretty." 'Ik zie je liever lachen. Je haar fixeren en mooi blijven.'

Ngunit nang lumaon, nainip si Alunsina sa gayong buhay. "Huwag kang mag-alala," sabi ni Tungkung Langit sa asawa. "Papawiin ko ang iyong pagka-inip. Lilikha ako ng panahon!" |||||||such|||||worry|||||||I will alleviate||||state of|boredom|I will create||| But later, Alunsina got bored with such a life. "Don't worry," said Tungkung Langit to his wife. "I will relieve your boredom. I will create time!" Maar later verveelde Alunsina zich met zo'n leven. 'Maak je geen zorgen,' zei Tungkung Langit tegen zijn vrouw. "Ik zal je verveling verlichten. Ik zal tijd creëren!"

Sa isang iglap, pumintig ang mga sandali, dumaloy ang mga oras, nagsali-salit ang araw at gabi, at rumagasa ang panahon. ||an instant|pulsed|||moments|flowed||||interchanged|intertwined||||||flowed|| In an instant, moments pulsated, hours flowed, day and night alternated, and time rushed.

Ngunit kasabay ng pagdaloy ng panahon ang pagbukal ng gunita. Naalala ni Alunsina noong ang kalawakan ay malawak na kawalan, noong ang pulso niya'y may pintig ang kapangyarihang may pangakong-lakas ng paglikha. |along with||flow||||bubbling up||memory||||||universe vast emptiness||vast emptiness|||||pulse|her||pulse||power||promised||| But along with the flow of time comes the memory. Alunsina remembered when the universe was a vast void, when her pulse pulsed with the promise of creation.

"Nais kong lumikha!" giit ng diwa ni Alunsina. |||said|of||| "I want to create!" insisted Alunsina's spirit.

Isang araw, sumunod siya kay Tungkung Langit nang di nito namamalyan. Nang makita siya ni Tungkung Langit, nagtanong agad ito. ||||||||||not noticing||||||||| One day, he followed Tungkung Langit without him noticing. When Tungkung Langit saw him, he immediately asked.

"Bakit ka narito? Ako ba'y iyong sinusubukan?" "Why are you here? Are you testing me?"

"Nais kong lumikha. Tulad mo!" "I want to create. Like you!"

"Naiinip ka na naman marahil, mahal ko. Bayaan mo, igagawa kita ng kidlat at kulog." |||||||Let it be||I will make|||lightning|| "Maybe you're getting impatient again, my love. Leave it alone, I'll make you lightning and thunder."

At nanggulat sa kalawakan ang matalim na kidlat. |struck|||||| And the sharp lightning shocked the space.

Nanggulantang ang kulog. The thunder was startled.

Napakislot ang araw, buwan at mga bituin. Kinabahan pati ang hangin. Ngunit si Alunsina ay hindi man natinag. Nanatiling nakaguhit ang lungkot sa kanyang noo. shook|||||||||||||||||moved||etched||sadness|||forehead The sun, moon and stars were shaken. Even the air was nervous. But Alunsina was not even shaken. Sadness remained drawn on his forehead.

"Sawa na ako sa pagtanaw sa iyong araw, planeta at bituin. Sawa na ako sa pagiging taga-panood lamang. Ako man ay may angking galing." tired||||watching|||||||||||being||||||||innate talent| "I'm tired of looking at your sun, planets and stars. I'm tired of being just a spectator. I'm also talented."

Ngunit hindi na siya narinig ni Tungkung Langit. Dali-dali itong nagbalik sa paglikha ng sanlibutan. Naisip nitong naglalambing lamang ang babaeng bathala. |||||||||||||||the world|||being affectionate||||goddess But Tungkung Langit didn't hear him anymore. It quickly returned to the creation of the world. It thought the female deity was just caressing.

May sumibol na hinanakit sa dibdib ni Alunsina. Umalis siya sa kanilang tahanan. |emerged||resentment|||||||||home There was resentment in Alunsina's chest. He left their home.

Laking gulat ni Tungkung Langit nang matagpuan niyang walang apoy ang kanilang kalan, sa dulang ay walang pagkain, at ang kanilang higaa'y ulila't malamig. |surprise|||||||||||||table|||||||bed is|orphaned and cold| Tungkung Langit was very surprised when he found that there was no fire in their stove, there was no food on the table, and their bed was orphaned and cold.

Alunsina-a-a-a! Alunsina-a-a-a!" Kung saan-saan hinanap ni Tungkung Langit ang asawa ngunit hindi niya ito natagpuan. Alunsina-aaa! Alunsina-aaa!" Everywhere Tungkung Langit looked for her husband but he could not find her.

Paulit-ulit niyang tinawag ang asawa ngunit ibinabalik lamang ng hangin ang kanyang tinig. |||||||||||||voice He called out to his wife again and again but the wind only echoed his voice.

"Alunsina-a-a-a! Alunsina-a-a-a!"

Wala na ang babaeng bathala. Wala na ang lugod ng kanyang mga mata. Wala na ang sikdo ng kanyang puso. At nang muli niyang tingnan ang sanlibutan, ang natanaw niya'y hungkag na kalawakan. ||||||||light||||||||heartbeat||||||||||||beheld||empty|| The female deity is gone. The joy in his eyes is gone. His heart beat is gone. And when he looked at the world again, what he saw was a hollow space.

Nagpatuloy sa pagragasa ang panahon. At kahit ang magilas na pulso ng lalaking bathala ay nanghinawa sa paglikha. ||downpour|||||||||||||weakened|| The weather continued to rage. And even the flamboyant pulse of the male deity rejoiced in creation.

Araw-araw, patuloy sa pagtanaw sa bawat sulok ng sanlibutan si Tungkung Langit, nagbabakasakaling magbalik ang asawa. Ngunit wala, wala siyang matanaw. ||||gazing|||corner||world||||hoping that||||||||see Every day, Tungkung Langit continues to look at every corner of the world, hoping that her husband will return. But nothing, he couldn't see anything.

Isang araw, dumukwang si Tungkung Langit mula sa lagunlon ng ulap. Hinawi niya ang kimpal ng dilim na tumatabing sa langit. At laking gulat niya nang makitang sa tapat ng kalawakan ay naroon ang babaeng bathala. ||emerged||||||depth|||parted|||mass||darkness||covering||sky||||||||||universe||||| One day, Tungkung Langit crouched down from the clouds. He removed the mass of darkness that covered the sky. And he was very surprised to see that on the opposite side of the galaxy was the female deity.

"Ano'ng ginagawa mo riyan, mahal ko? Kay tagal na kitang hinahanap." "What are you doing there, my love? Because I've been looking for you for a long time."

Tumingala si Alunsina at muli'y nakita ni Tungkung Langit ang hinahanap niyang lugod, ang pinipithaya niyang aliw. Ngunit may talim ang salita ni Alunsina. looked up||||||||||||delight||sought after||delight|||sharpness|||| Alunsina looked up and Tungkung Langit once again saw the joy she was looking for, the comfort she was longing for. But Alunsina's words have an edge.

"Lumilikha ako ng daigdig, ng lupa ng puno at bulaklak. Ng ibon at isda. Lumilikha ako ng bundok, ng dagat at himpapawid. Nagpupunla ako ng buhay. Ako rin ay isang bathala." At nagpatuloy si Alunsina sa paglikha. |||world||||||||||||||||||the sky|planting|||||||||||||| "I create the world, the earth of trees and flowers. Of birds and fish. I create the mountain, the sea and the sky. I plant life. I am also a deity." And Alunsina continued to create.

Mula noon, hindi na bumalik Si Alunsina sa kanilang tahanan sa kalangitan. Kumulog man at kumidlat, hindi na maakit ni Tungkung Langit ang asawa na magbalik sa kanyang dating buhay. |||||||||home||heavens|thundered||||||attract||||||||||previous| Since then, Alunsina never returned to their home in the sky. Even if there is thunder and lightning, Tungkung Langit will not be able to attract her husband to return to his old life.

Ngayon, upang madalaw ang dating asawa, si Tungkung Langit ay kailangang maging ulan na didilig sa lupang likha ni Alunsina. ||visit||||||||||||that waters||||| Now, in order to visit the ex-husband, Tungkung Langit must be the rain that sprinkles the land created by Alunsina.