ANG KUNEHO AT ANG PAGONG | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES
Ang Kuneho at ang Pagong
Batay sa mga Kuwento ni Aesop
Isinalaysay muli ni Mairi MacKinnon
Inilarawan ni Daniel Howarth
Wala nang pinakagusto sa anumang bagay sa mundo si Harold na Kuneho kundi ang tumakbo ng tumakbo.
Tuwing umaga, pag-kagising siya ay tumatakbo.
Pagkatapos ay tatakbo ulit siya papasok sa kanyang trabaho,
tumatakbo siya buong araw,
at tatakbo pa rin pauwi sa kanyang bahay.
Sinabi ng lahat na siya ang pinakamabilis na kuneho sa lugar nila - malamang na pinakamabilis na kuneho sa buong kasaysayan.
"Harold, ang galing mo!"
Si Harold ay nakatitiyak dito.
"Eh, alam nyo na, marami akong pagsasanay na ginagawa.
Si Tom Pagong ay kasama ni Harold sa trabaho.
Buong araw, naririnig niya si Harold na nagyayabang.
Subalit hindi niya iniisip na si Harold ay espesyal.
"Natalo ko ang sarili kong rekord - muli!"
Palaging pinagtatawanan ni Harold si Tom.
"Huwag kang magmadali, Tommy!"
Tatakbo lang ako kung handa ka na!
Isang umaga, masayang dumating si Harold.
Nakarating si Harold papuntang trabaho ayon sa talaan ng oras.
Talagang kailangan ko ng ilang mabibigat na sapatos para bumagal ako!
"Ako na yata ang pinakamabilis na nilalang sa mundo," pagmamalaki niya.
"Magkaroon kaya tayo ng karera para patunayan ito."
Sige na, sino ang gustong sumali?"
Hindi makapaniwala si Harold nang pumayag si Tom Pagong.
"Kakarera ako sa 'yo, Harold," sabi niya nang tahimik.
"Tom Pagong? Seryoso ka ba?" tanong ni Harold.
"Hindi ka pa magsisimula!"
"Ho ho, iyan ay isang magaling na balita!"
"Seryoso ako," sabi ni Tom.
"Magkarera tayo sa susunod na Sabado alas-diyes ng umaga.
Ikaw ang pumili ng lugar."
"Mabuti yan, magkakaroon ang lahat ng pagkakatuwaan."
Nang sumunod na mga araw, wala nang pinag-usapang iba ang mga hayop.
"Nababaliw na ba si Tommy?"
Ang usapan ay nasa lahat ng mga pahayagan.
Ito rin ay nabanggit kahit sa telebisyon.
Nagsanay mabuti si Harold.
Gumigising siya ng maagang-maaga, at tumatakbo din siya sa gabi.
Alam niyang mananalo siya, ngunit nais niyang manalo sa sukatan ng layo.
Pinili niya ang pinakamagandang mahabang lugar para sa karera nila.
Si Tom Pagong ay hindi man lang nagsasanay.
Marahil ay naisip niya na wala itong saysay.
"Hindi ba sa tingin mo dapat kang mag-ehersisyo nang kaunti?"
Sa wakas, dumating ang Sabado.
Lahat ng kaibigan ni Harold ay dumating upang panoorin ang kanyang pagtakbo.
Ang mga kaibigan ni Tom ay naroroon din, ngunit hindi sila mukhang masaya.
Ito ay isang napakagandang araw.
Nakita ni Harold ang ilang mga kamera sa telebisyon at medyo tumakbo-takbo ito para sa kanila.
Nagpatuloy lamang si Tom sa pakikipag usap sa kanyang mga kaibigan.
Di nagtagal, oras na para magsimula ang karera.
Si Harold ay na sa panimulang linya na.
Si Tom naman ay dahan-dahang umusog.
"Halika na Tommy, huwag tayong mag-umpisa ng huli."
"Sa inyong mga marka, humanda, takbo!" sigaw ng umpire.
Si Harold ay kumaripas agad ng takbo at halos biglang nawala.
Lahat ay nag-tawanan dahil ang kawawang Tom ay nag-painot-inot sa ibabaw ng linya.
Nang wala na siya sa paningin ng lahat, si Harold ay tumigil sa tabi ng isang puno para mag-pahinga.
"Kailangan lang ...kunin ... ang aking hininga ..."
Pagkatapos ng lahat niyang pagsasanay na ginawa noong umaga, si Harold ay napagod.
Walang nakatingin.
Napakahaba ng oras niya para umupo sandali.
Mapapanalo pa rin niya ang karera ng madali lang.
Ang kanyang mga mata ay nagsimulang magsara.
Bakit hindi umidlip!
Napakalaking katatawanan pag-nanalo pa siya sa karera nyan.
Siya ay umupo sa lilim.
Di nagtagal siya ay nakatulog.
Samantala, si Tom Pagong ay dahan-dahang kumikilos sa daan.
Karamihan sa mga hayop ay dumiretso na sa Finish line,
ang mga kaibigan na lang ni Tom ang nanatili sa kanya.
Walang nakakita kay Harold na natutulog sa ilalim ng puno.
Dumaan ang maraming oras.
Palubog na ang araw at malamig na ang hangin.
Biglang nagising si Harold.
Nasaan na siya?
Biglang naalaala niya ang karera.
Hindi niya sinadyang makatulog ng matagal
....pero maaari pa rin niyang matalo si Tom.
Nakaramdam ng ginhawa si Harold pagkatapos ng kanyang pag-idlip.
Siya ay nag-banat-banat pagkatapos e tumakbo na siya.
Nakikita na niya ngayon ang finish line.
Nagkaroon ng isang malaking pulutong ng nanonood ....
... at sila ay nagpapalakpakan na.
Sa sandaling iyon, nakita niya ang isang maliit, kayumangging talukab na papalapit sa finish line.
Nakaramdam ng biglang panlalamig si Harold.
Tiyak na hindi siya si Tom?
Tumakbo siya nang mas mabilis kaysa dati.
Oo, magagawa niya ito !
Lumakas ng lumakas ang palakpakan at sigawan.
"Tignan nyo, si Harold!"
"Ano ba ang nangyari sa kanya?"
Tinalon ni Harold ang ibabaw ng finish line, pero huli na siya.
Si Tom Pagong ang nanalo --- at hindi man lang siya hiningal.
"Si Tommy ang nagwagi!"
"Ang galing, Tommy!"
Ang moral ng kuwento tungkol sa kuneho at ang pagong ay:
"Mabagal at matatag man ay nananalo pa rin sa karera".