×

Мы используем cookie-файлы, чтобы сделать работу LingQ лучше. Находясь на нашем сайте, вы соглашаетесь на наши правила обработки файлов «cookie».

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 13: Pahiyas Festival

13: Pahiyas Festival

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang Pahiyas Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo taun-taon, sa Bayan ng Lucban, Quezon.

Ang selebrasyong ito ay isang uri ng pasasalamat sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador' para sa masaganang ani ng taon.

Sa piyestang ito, naglalagay ng mga palamuti ang mga taga-Lucban sa kani-kanilang mga bahay.

Gawa ang mga dekorasyon sa mga prutas, gulay, handicrafts at kiping.

Matapos ang piyesta, karaniwang pinagsasaluhan ang mga palamuting prutas at gulay.

Tara!

Tuklasin natin kung ano nga ba ang Pahiyas Festival ...

- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Kung napansin na ninyo, marami sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino ay nag-umpisa bilang mga paganong ritwal na nagkaroon ng mga Kristiyanong kahulugan sa pagtagal ng panahon.

Ang Pahiyas Festival ay sinasabing nag-umpisa bilang isang simpleng ritwal ng pagpapasalamat sa mga anito para sa masaganang ani.

Nang lumaganap ang Katolisismo sa Pilipinas, inialay ang pagdiriwang na ito sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador'.

Ayon sa mga alamat, habang nagdadasal si 'San Isidro Labrador', isang puting kalabaw at isang anghel ang nagtulong para mag-araro ng kanyang taniman.

Kapag sinabing Pahiyas Festival, unang salitang naiisip ng mga Pilipino ay ang kiping.

Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang iba't ibang dahon at kinukulayan ng mga matitingkad na kulay gaya ng dilaw, fuschia, pula at berde.

Kung ito ay ibe-bake, maaari itong kainin.

Sinasabing naimbento ang kiping noong panahong ng Galyon ng Maynila at Acapulco nang pagbalik ng Lucban, ninais ng isang tagaluto na kumain ng tacos, ngunit dahil hindi niya mahanap ang mga tamang sangkap, siya ay nageksperimento at nagawa niya ang kiping.

Ang huling bahagi ng piyesta ay ang prusisyon ng imahen ni San Isidro Labrador.

Lahat ng madadaanang bahay ay napapalamutian ng kanilang mga ani.

Kasama rin ang imahen ng asawa ng patron na si 'Sta.Maria dela Cabeza' na may bitbit na mga biskwit na madalas ay ibinibigay sa mga bata habang nagaganap ang prusisyon.

Mayroon ring mga magagarbong karosa at effigy na ‘paper mache' ng dalawang santo.

Matapos nito, nakaugalian na ang pagkakaroon ng malaking salu-salo kasama ang mga bisita, turista, at ng buong bayan kung saan iba't ibang mga pagkaing pinagmamalaki ng Lucban ang inihahanda gaya ng pancit habhab, longganisang Lucban, inihaw na kiping at iba pa ...

Alam niyo ba na pinaparangalan ang bahay na may pinakamaganda at pinakamalikhain na mga palamuti?

Hindi lang simpleng parangal, may papremyo ring salapi ang matatanggap ng mananalo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”

Ang "pahiyas" ay nanggaling sa dalawang Filipinong salita na "hiyas" at "pahiyas.”

Ang ibig sabihin ng 'hiyas' ay 'mamahaling' bato gaya ng mga nilalagay sa mga alahas.

Samantalang ang 'pahiyas' naman ay 'nangangahulugan ng pag-aalay'.

Kung gayon, maari nating sabihin na ang Pahiyas Festival ay ang pag-aalay ng mga "hiyas" na ani, hindi ba?

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Na-engganyo ko na ba kayong pumunta sa Lucban, Quezon para sa Pahiyas Festival?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

13: Pahiyas Festival 13: Schmuckfestival Pahiyas Festival

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Ang Pahiyas Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo taun-taon, sa Bayan ng Lucban, Quezon. The Pahiyas Festival is celebrated every May 15th every year, in Lucban Town, Quezon.

Ang selebrasyong ito ay isang uri ng pasasalamat sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador' para sa masaganang ani ng taon. This celebration is a kind of thanksgiving to the patron saint of farmers, 'Saint Isidro Labrador', for the abundant harvest of the year.

Sa piyestang ito, naglalagay ng mga palamuti ang mga taga-Lucban sa kani-kanilang mga bahay. During this festival, the people of Lucban put decorations in their houses.

Gawa ang mga dekorasyon sa mga prutas, gulay, handicrafts at kiping. Decorations are made of fruits, vegetables, handicrafts and rice wafers.

Matapos ang piyesta, karaniwang pinagsasaluhan ang mga palamuting prutas at gulay. After the festival, the decorated fruits and vegetables are usually shared.

Tara! Let's go!

Tuklasin natin kung ano nga ba ang Pahiyas Festival ... Let's discover what exactly the Pahiyas Festival is.

**- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”** - Do you know what words "pahiyas" comes from?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Kung napansin na ninyo, marami sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino ay nag-umpisa bilang mga paganong ritwal na nagkaroon ng mga Kristiyanong kahulugan sa pagtagal ng panahon. If you have noticed, many of the Filipino celebrations started as pagan rituals that took on Christian meanings over time.

Ang Pahiyas Festival ay sinasabing nag-umpisa bilang isang simpleng ritwal ng pagpapasalamat sa mga anito para sa masaganang ani. The Pahiyas Festival is said to have started as a simple ritual to thank the pagan idols for a bountiful harvest.

Nang lumaganap ang Katolisismo sa Pilipinas, inialay ang pagdiriwang na ito sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador'. When Catholicism spread in the Philippines, this celebration was dedicated to the patron saint of farmers, 'Saint Isidro Labrador'.

Ayon sa mga alamat, habang nagdadasal si 'San Isidro Labrador', isang puting kalabaw at isang anghel ang nagtulong para mag-araro ng kanyang taniman. According to legends, while 'Saint Isidro Labrador' was praying, a white buffalo and an angel helped to plow his field.

Kapag sinabing Pahiyas Festival, unang salitang naiisip ng mga Pilipino ay ang kiping. When it comes to Pahiyas Festival, the first word that Filipinos think of is 'rice wafers'.

Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang iba't ibang dahon at kinukulayan ng mga matitingkad na kulay gaya ng dilaw, fuschia, pula at berde. Rice wafers are made of milled rice shaped with different leaves and dyed with bright colors such as yellow, fuschia, red and green.

Kung ito ay ibe-bake, maaari itong kainin. If it is baked, it can be eaten.

Sinasabing naimbento ang kiping noong panahong ng Galyon ng Maynila at Acapulco nang pagbalik ng Lucban, ninais ng isang tagaluto na kumain ng tacos, ngunit dahil hindi niya mahanap ang mga tamang sangkap, siya ay nageksperimento at nagawa niya ang kiping. It is said that rice wafers were invented during the time of the Galleons of Manila and Acapulco when returning to Lucban, a cook wanted to eat tacos, but because he could not find the right ingredients, he experimented and made 'kiping' rice wafers.

Ang huling bahagi ng piyesta ay ang prusisyon ng imahen ni San Isidro Labrador. The last part of the festival is the procession of the image of San Isidro Labrador.

Lahat ng madadaanang bahay ay napapalamutian ng kanilang mga ani. All along the way houses are decorated with their produce.

Kasama rin ang imahen ng asawa ng patron na si 'Sta.Maria dela Cabeza' na may bitbit na mga biskwit na madalas ay ibinibigay sa mga bata habang nagaganap ang prusisyon. Also included is the image of the wife of the patron saint, 'Santa Maria dela Cabeza', carrying biscuits that are often given to children during the procession.

Mayroon ring mga magagarbong karosa at effigy na ‘paper mache' ng dalawang santo. There are also fancy chariots and 'paper mache' effigies of the two saints.

Matapos nito, nakaugalian na ang pagkakaroon ng malaking salu-salo kasama ang mga bisita, turista, at ng buong bayan kung saan iba't ibang mga pagkaing pinagmamalaki ng Lucban ang inihahanda gaya ng pancit habhab, longganisang Lucban, inihaw na kiping at iba pa ... After this, it is customary to have a big party with visitors, tourists, and the whole townspeople where various foods that Lucban is proud of are prepared such as 'pancit habhab', 'longganisan Lucban', grilled rice wafers and others...

Alam niyo ba na pinaparangalan ang bahay na may pinakamaganda at pinakamalikhain na mga palamuti? Did you know that the house with the most beautiful and creative decorations is honored?

Hindi lang simpleng parangal, may papremyo ring salapi ang matatanggap ng mananalo. Not just a simple award, the winner will also receive a cash prize.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”** - Do you know what words "pahiyas" comes from?

Ang "pahiyas" ay nanggaling sa dalawang Filipinong salita na "hiyas" at "pahiyas.” "Pahiyas" comes from two Filipino words "hiyas" and "pahiyas."

Ang ibig sabihin ng 'hiyas' ay 'mamahaling' bato gaya ng mga nilalagay sa mga alahas. 'Hiyas' means 'precious' stones such as those set in jewelry.

Samantalang ang 'pahiyas' naman ay 'nangangahulugan ng pag-aalay'. Whereas 'pahiyas' means 'offering'.

Kung gayon, maari nating sabihin na ang Pahiyas Festival ay ang pag-aalay ng mga "hiyas" na ani, hindi ba? So, we can say that the Pahiyas Festival is the offering of "precious harvests", right?

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Na-engganyo ko na ba kayong pumunta sa Lucban, Quezon para sa Pahiyas Festival? Have I enticed you to come to Lucban, Quezon for the Pahiyas Festival?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!