×

Мы используем cookie-файлы, чтобы сделать работу LingQ лучше. Находясь на нашем сайте, вы соглашаетесь на наши правила обработки файлов «cookie».

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 16: MassKara Festival

16: MassKara Festival

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Pag-uusapan natin ngayon ang isa mga pyesta sa Pilipinas na kilala bilang pyesta ng mga ngiti, ang MassKara Festival.

Ito'y ipinagdiriwang sa Bacolod, Negros Occidental tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa araw na pinakamalapit sa ika-19 ng Oktubre.

Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ipinagdiriwang ang MassKara Festival …

- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Unang idinaos ang MassKara Festival noong 1980 para pagaanin ang loob at pasayahin ang mga Negrense matapos ang magkasunod na krisis na kanilang naranasan noong taong iyon.

Ang pagbaba ng pandaigdaig na presyo ng tubo, ang pangunahing pag-agrikultural na produkto ng rehiyon, at ang paglubog ng barkong ‘MV Don Juan' na nagresulta sa pagkamatay ng halos 700 Negrense ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga tao.

Kaya naman idinaos ang MassKara Festival bilang simbolo ng katatagan ng Bacolod City.

Ang pangunahing mapapansin sa piyestang ito ay ang mga maskara.

Patuloy na nagbabago ang mga disenyo ng mga maskara, mula sa mga katutubong disenyo ng mga Pilipino, hanggang sa mga disenyong hango sa ‘Rio Carnival' at ‘Carnival of Venice'.

Pinakatampok na aktibidad sa MassKara Festival ang street dancing kung saan iba't ibang grupo ng mga mananayaw mula sa iba't ibang barangay ang nagtatagisan.

At siyempre, hindi lamang iyan ang mga kaganapan tuwing MassKara Festival.

Mayroon ring iba't ibang aktibidades para sa lahat tulad ng MassKara ‘Queen beauty pageant', mga karnabal, ‘drum and bugle competition', mga ‘food festival', mga ‘musical concerts', mga agrikultural na ‘trade-fair' at mga ‘garden show'.

Talagang napakaraming nagaganap tuwing MassKara Festival, kaya siguradong dinadayo ito ng parehong mga lokal at banyagang turista …

Ang Bacolod City ang tinaguriang ‘City of Smiles' ng PIlipinas.

Noong 2008, nanguna ito bilang pinakamainam na lugar na tirhan sa Pilipinas ng ‘MoneySense Magazine'.

At idineklara ito ng ‘Department of Science and Technology' bilang "center of excellence" ng ‘information technology'.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?

Ang "MassKara" ay hango sa mga salitang Ingles na "mass" na ibig sabihin ay masa o maraming tao, at mula sa salitang Espanyol na "cara" na ang ibig sabihin ay mukha, na kung pagsasamahin ay nangangahulugan ng "napakaraming mukha".

Ito rin ay isang paglalaro sa salitang Tagalog na maskara dahil sa ang mga dumadalo sa kasiyahan ay nagsusuot ng mga maskara.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Nakadalo na ba kayo sa isang katulad na pagdiriwang?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

16: MassKara Festival 16: Mass Kara Festival MassKara Festival

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Pag-uusapan natin ngayon ang isa mga pyesta sa Pilipinas na kilala bilang pyesta ng mga ngiti, ang MassKara Festival. Add Translationsk about one of the festivals in the Philippines known as the "festival of smiles", the MassKara Festival.

Ito'y ipinagdiriwang sa Bacolod, Negros Occidental tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa araw na pinakamalapit sa ika-19 ng Oktubre. It is celebrated in Bacolod, Negros Occidental during third week of October, on the weekend closest to October 19th.

Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ipinagdiriwang ang MassKara Festival … In this lesson, we will learn how the MassKara Festival is celebrated...

**- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?** - Do you know where the name MassKara Festival comes from?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Unang idinaos ang MassKara Festival noong 1980 para pagaanin ang loob at pasayahin ang mga Negrense matapos ang magkasunod na krisis na kanilang naranasan noong taong iyon. The MassKara Festival was first held in 1980 to ease the spirits and cheer up the Negrense people after the series of crises they experienced that year.

Ang pagbaba ng pandaigdaig na presyo ng tubo, ang pangunahing pag-agrikultural na produkto ng rehiyon, at ang paglubog ng barkong ‘MV Don Juan' na nagresulta sa pagkamatay ng halos 700 Negrense ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga tao. The drop in the global price of sugarcane, the main agricultural product of the region, and the sinking of the ship 'MV Don Juan' which resulted in the death of nearly 700 Negrense people caused tremendous sadness among the people.

Kaya naman idinaos ang MassKara Festival bilang simbolo ng katatagan ng Bacolod City. That is why the MassKara Festival was held as a symbol of the resilience of Bacolod City.

Ang pangunahing mapapansin sa piyestang ito ay ang mga maskara. The main highlight of this festival is the masks.

Patuloy na nagbabago ang mga disenyo ng mga maskara, mula sa mga katutubong disenyo ng mga Pilipino, hanggang sa mga disenyong hango sa ‘Rio Carnival' at ‘Carnival of Venice'. The designs of the masks are constantly changing, from the indigenous designs of the Filipinos, to the designs inspired by the 'Rio Carnival' and 'Carnival of Venice'.

Pinakatampok na aktibidad sa MassKara Festival ang street dancing kung saan iba't ibang grupo ng mga mananayaw mula sa iba't ibang barangay ang nagtatagisan. The most prominent activity (highlight) in the MassKara Festival is street dancing where different groups of dancers from different barangays compete with each other.

At siyempre, hindi lamang iyan ang mga kaganapan tuwing MassKara Festival. And of course, those are not the only events during MassKara Festival.

Mayroon ring iba't ibang aktibidades para sa lahat tulad ng MassKara ‘Queen beauty pageant', mga karnabal, ‘drum and bugle competition', mga ‘food festival', mga ‘musical concerts', mga agrikultural na ‘trade-fair' at mga ‘garden show'. There are also various activities for everyone such as the MassKara 'Queen beauty pageant', carnivals, 'drum and bugle competition', 'food festivals', 'musical concerts', agricultural 'trade-fairs' and 'garden shows'.

Talagang napakaraming nagaganap tuwing MassKara Festival, kaya siguradong dinadayo ito ng parehong mga lokal at banyagang turista … There is really a lot going on during the MassKara Festival, so it is sure to attract both local and foreign tourists...

Ang Bacolod City ang tinaguriang ‘City of Smiles' ng PIlipinas. Bacolod City is called (has been dubbed) the 'City of Smiles' in the Philippines.

Noong 2008, nanguna ito bilang pinakamainam na lugar na tirhan sa Pilipinas ng ‘MoneySense Magazine'. In 2008, it ranked first in 'MoneySense' Magazine's list of the best places to live in the Philippines.

At idineklara ito ng ‘Department of Science and Technology' bilang "center of excellence" ng ‘information technology'. And the 'Department of Science and Technology' declared it as a "center of excellence" of 'information technology'.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?** - Do you know where the name MassKara Festival comes from?

Ang "MassKara" ay hango sa mga salitang Ingles na "mass" na ibig sabihin ay masa o maraming tao, at mula sa salitang Espanyol na "cara" na ang ibig sabihin ay mukha, na kung pagsasamahin ay nangangahulugan ng "napakaraming mukha". "MassKara" is derived from the English word "mass" which means masses or lots of people, and from the Spanish word "cara" which means face, which together means "a multitude of faces".

Ito rin ay isang paglalaro sa salitang Tagalog na maskara dahil sa ang mga dumadalo sa kasiyahan ay nagsusuot ng mga maskara. It is also a play on the Tagalog word for "masks" since those attending the festivities wear masks.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Nakadalo na ba kayo sa isang katulad na pagdiriwang? Have you ever attended a similar festival?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!