21.10 Pagbabasa - Alamat ng Bigas
Noong unang panahon, walang pagkain ang mga tao sa probinsiya ng Bohol. Humingi sila ng tulong kay Sappia, ang diyosa ng awa. Naawa sa kanila si Sappia at bumaba siya sa lupa.
Nakita ni Sappia na kulay kayumanggi ang lupa. Dahil walang ulan, tuyongtuyo ang lupa. Namamatay na sa gutom ang mga tao. Damo lang ang nakikita sa paligid.
Inilabas ni Sappia ang kanyang dibdib. Pinisil niya ang dibdib, at lumabas ang gatas. Isa-isa niyang nilagyan ng gatas ang mga damo, pero kulang ang gatas niya. Humingi siya ng mas maraming gatas sa langit pero nang pinisil niya uli ang dibdib, dugo ang lumabas.
Bumalik si Sappia sa langit. Mula sa langit, pinanood niya ang mga damo na mayroon nang mga butil ng palay. Pagkalipas ng panahon, inani ng mga tao ang palay. Nang binayo nila ang palay, marami sa bigas ang kulay puti. May mga bigas din na kulay pula.
Parehong masarap ang bigas na puti at bigas na pula. Itinanim ng mga tao ang ibang palay. Hindi na sila nagutom. Mula sa langit, masayang-masaya si Sappia.