×

LingQ'yu daha iyi hale getirmek için çerezleri kullanıyoruz. Siteyi ziyaret ederek, bunu kabul edersiniz: çerez politikası.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1)

DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1)

Si David at ang bago niyang Kaklase

Kuwento ni Jojie Wong

Iginuhit ni Kora Dandan-Albano

(MUSIC)

"David!

Hoy, David!!!"

Lumingon si David at nakita ang kaibigang si Jun-Jun na kumakaway sa kanya.

Kumaway siya pabalik at sumingit-singit

sa mga silya at mga kaklase upangmakaupo sa tabi ni Jun-Jun.

Unang araw ng iskul ngayon, at masaya si David

na makita muli ang mga kaibigan at kaklase pagkaraan ng mahabang summer.

Sumakit ang tiyan nila sa kakatawa habang ang isang kaklase ay tumatagilid at kinakampay-kampay ang mga braso,

minumuwestra ang pagkahulog ng tatay niya

mula sa bangka noong bakasyon nila sa Palawan.

Tumingin sa paligid si David para hanapin ang iba pang mga kaibigan,

ngunit marami roon sa kuwarto ang hindi niya kilala.

Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Naku, mga bagong kaklase.

Sana walang mga bully sa kanila.

Pumasok na ang titser at agad nagsiupon ang mga bata sa kahit saang bakanteng upuan.

Nakipaggitgitan si David upang makaupo sa tabi ni Jun-Jun.

Nang nakaupo na ang lahat, nag-umpisa na ang titser na sabihin kung saan uupo ang bawat bata.

Lalong nag-alala si David habang isa-isang tinatawag ng titser

ang kani-kanilang pangalan at tinuturo kung saan sila dapat uupo.

Hindi pa natatawag ang mga pangalan nila ni Jun-Jun,

kaya tahimik na nagdasal si David na sana magkatabi pa rin sila . . .

"David Romero!" tawag ng titser.

Marahang itinaas ni David ang kanyang kamay.

Tumango ang titser at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ng isang batang lalaking di kilala ni David.

"Dito ka uupo sa tabi ni Rey de los Santos."

Mahinang umungol pareho si David at Jun-Jun.

Tumayo si David at kinalad-kad ang knapsack niya papunta sa bagong upuan.

Pabulagsak siyang naupo sa tabi ni Rey sabay buntong-hininga. Sinulyapang patalilis ang katabi.

Nakayuko si Rey, nakatitig sa mga nakasulat sa desk, payat at maitim ang mga kamay.

Muling umungol si David.

Lumingon siya at nakitang si Jun-Jun ay bumuntong-hininga rin at papunta sa sariling upuan.

Araw-araw, walang pagkakaiba si Rey. Tila dagang walang imik.

Dadalawang beses lamang siyang nag-usap ni David sa loob ng unang buwan ng iskul.

Una ay noong nahulog niya ang kanyang bolpen at gumulong ito papunta sa tabi ni David;

pangalawa, noong nagka-partner sila sa isang gawain sa klase.

At araw-araw, tuwing recess, mag-isang nakaupo si Rey sa kantin, at may baong pandesal at isang boteng tubig.

sa kantin, at may baong pandesal at isang boteng tubig.

Nilalampas-lampasan lamang siya ng ibang mga kaklaseng papunta sa playground;

kung minsan nga, nabubunggo pa nila ito.

Ngunit hindi man lamang nila iniimbitang sumama ito sa kanilang mga laro.

Minsan, nang makita nilang kulang pala sila ng manlalaro,

napatingin sila kay Rey na nasa kantin, tahimik na kinakain ang baon niya.

Pagkatapos ay nagtinginan sila sa isa't isa. .

Nagsalita ang isa sa mga mas malaki sa kanila, "Huwag na 'yon!

Sobrang payatot! Parang di masarap kalaro!"

"Isa pa, baka pawisan siya nang husto at mangamoy!" biro naman ng isa.

At nagtawanan silang lahat.

Ngumiti lamang si David.

Kahit pa nakakatawa, alam niyang maling pagtawanan si Rey.

Napagsabihan na siya minsan ng Mommy niya na huwag pagtatawanan ang iba dahil lamang naiiba ang itsura o kilos nila.

"Masakit 'yon, David," sabi nito sa kanya.

"Ikaw ba, gusto mo ring pintasan ka ng iba?"

Umiling si David noon, natatandaan niya.

Ngunit tumahimik lamang si David habang nakikipaglaro sa mga kaibigan niya.

Kontento na siyang hindi napapag-tawanan na tulad ni Rey.

Isang araw, nahuli ang Mommy ni David sa pagsundo sa kanya sa iskul.

Nagsimula nang mag-alala si David. At nagugutom na siya.

Alas-sais na ng gabi at nagdidilim na ang langit.

Si Rey na lamang ang naroroon na hindi pa sinusundo.

Nagdo-drowing ito sa kanyang maliit na notebook at humuhuni-huni ng isang awit.

Parang hindi man lang siya nag-aalala na gumagabi na.

Naiinip na si David.

Lumapit siya kay Rey at nagtanong,

"Anong dino-drawing mo?"

"Eroplano," sagot ni Rey, na hindi man lamang tumingin sa kanya.

"Ah," sagot na lamang ni David.

Wala na siyang ibang masabi pa.

Biglang gumurukgok nang napakalakas ang tiyan ni David!

Nagulat at biglang tumingala si Rey sa kanya, at nagtawanan silang dalawa.

"Uhm . . . May natitira pa akong isang pandesal, gusto mo?"

alok ni Rey na medyo nahihiya.

Ngumiti ito. Hina-lungkat niya ang kanyang knapsack at iniabot kay David ang isang maliit at lukot-lukot na supot na papel.

Parang hindi no masarap kainin ang pandesal sa loob ng supot, dahil napipi na ito ng mga libro ni Rey sa knapsack.

Pero gutom na gutom na talaga si David, kaya kinuha niya ang pandesal at inubos sa loob ng tatlumpung segundo!

"Rey, salamat ha," sabi ni David pagkatapos punasan ng panyo ang mga labi.

"Nahuli rin ba ang nanay mo sa pagsundo sa 'yo?"

Namula si Rey at nautal, "Ah, ano. . .."

"David!"

Pareho silang napalingon at nakita ang Mommy ni David na humahangos papunta sa kanila.

"Sorry, natagalan ako.

May aksidente kasing nangyari sa daan.

Gutom ka na ba?"

"Hi, Mommy."

Humalik si David sa Mommy niya.

"Okey lang po. Binigyan ako ni Rey ng pandesal, kaya di na ako masyadong gutom."

Bumaling ang Mommy ni David kay Rey.

"Ang bait mo naman, Rey.

Hinihintay mo rin ba ang nanay mo?"

"Ah, uh ...opo," sagot ni Rey na namumula na naman.

"Darating na rin po 'yon."

"Ah okey. Kung gusto mo, pwede ka naming samahang maghintay sa kanya rito," sabi ng Mommy ni David, at naupo siya sa kanilang tabi.

"Naku, huwag na po!" bulalas ni Rey. "Salamat po.

Okey lang po ako. Sanay na po akong maghintay nang mag-isa."

"O sige, kung sigurado ka," sagot ng Mommy ni David.

"David, magpaalam ka na muna kay Rey, at magpasalamat ka sa kanya para sa pandesal."

"Babay, Rey! Salamat sa pandesal. Kita tayo bukas!"

Kumaway si David habang papunta sa kanilang kotse. Ngumiti si Rey.

Sinundan lamang niya ng tingin ang kotse nina David habang papalayo ito.

Kinabukasan sa iskul, kahit tahimik pa rin si Rey tulad ng dati, mas madalas na siyang ngumingiti kay David.

Pagdating ng recess, inabutan siya ni David ng tsokolate habang papunta sa kantin.

"Bigay 'to ng Tita ko, galing sa U.S.

Sana magustuhan mo." Ngumiti si David.

"Wow . . ." Tinitigan ni Rey ang makintab na kulay-gintong balat ng tsokolate.

"Kahit kelan, hindi pa ako nabibigyan ng ganito. Grabe, salamat!"

"Walang anuman, "sagot ni David. "Oo nga pala, naisip ko . . ."

"David!"

Lumapit si Jun-Jun sa kanila mula sa likod, nakasimangot.

"Bakit mo kasama 'yan?

Di ba maglalaro tayo ng bola ngayon kasama nina Andy?

Halika na!" Kay David lamang siya nakatingin, at binabalewala si Rey.

"Ay, oo nga, oo nga! Sige, tara!"

Mabilis na kinawayan ni David si Rey at tumakbo kasama ni Jun-Jun.

Naiwan si Rey doon, hawak-hawak ang tsokolate.

Nagkibit na lamang ito ng balikat at mag-isang tumuloy sa kantin.

Lalong naging tahimik at mailap si Rey pagkatapos ng araw na 'yon.

Isang Sabado, sumama si David sa Mommy niya upang

bisitahin ang kanilang katulong na si Aling Miding na may sakit.

Unang beses pa lamang ni David na bisitahin si Aling Miding.

Ipinarada ng Mommy niya ang kotse sa isang kalye at naglakad sila sa isang madilim na eskinita.

Maraming beses na tumagilid sila sa tabi ng daan

para makaraan ang mga taong nakakasalubong nila.

Kahit mga aso ay nakikiraan din!

Nakakapasok lamang ang sinag ng araw sa mga siwang sa pagitan ng mga bahay,

na sobrang liliit at dikit-dikit.

Sa wakas, tumigil ang Mommy niya sa harap ng isang makitid na pintuan

kung saan may nakasabit nang medyo baluktot na "God Bless Our House."

Kumatok siya at pumasok. "Aling Miding!

Magandang umaga! Si Cita ito! Binibisita ka namin!"

Sumilip si David sa pinto pagpasok ng kanyang Mommy.

Nakita niyang nakaratay si Aling Miding sa isang mababang kama na yari sa kahoy.

Sa tabi ng kanyang unan ay isang bote na plastik na may kalahating laman na tubig.

May sinag ng araw na pumapasok sa isang maliit na bintana,

at nababasa ni David ang isang bulaklaking poster sa dingding na nagsasabi: "Love One Another."

"Ma'am Cita!" sagot ni Aling Miding na umuubo habang pinipilit bumangon.

"Sori po, Ma'am Cita, di ko kayo masilbihan ng meryenda, di ako makabangon."

Kahit maliit at payat si Aling Miding, mukha pa rin siyang malaki sa loob ng maliit niyang bahay.

"Hay naku, huwag ka nang mag-abala, Aling Miding." Lumapit ang Mommy ni David sa kama.

"Gusto ka lamang naming kumustahin.

Isinama ko si David para mabisita ka rin niya."

"Magandang umaga, Aling Miding." Umupo si David sa tabi ni Aling Miding,

tulad ng nakagawian na niyang gawin sa bahay nila tuwing nagluluto ng pagkain si Aling Miding.

"Ay naku, huwag kang lumapit, David!" Umuubo si Aling Miding sabay sinasaway si David.

"Baka ka mahawa sa 'kin!"

"Mahiga ka nga muna ulit, Aling Miding," sabi ng Mommy ni David.

"Baka lumala pa 'yan.

Heto, may dala kaming mga prutas at gamot para sa 'yo."

Inilagay ng Mommy ni David ang plastik na supot ng

mga prutas at mga gamot sa maliit na mesa sa tabi ng kama.

"Ay, papakiusapan ko na lang ang pamangkin kong bumili ng sopdrink.

Nakatira sila ng kapatid kong babae diyan lang sa kabila."

Naupo si Aling Miding at tumawag sa kanyang mahinang tinig, "Rey! Rey! May mga bisita ako!

Pwede bang pakibili mo sila ng sopdrink?"

Napatingin si David sa may pintuan—at nakita si Rey, ang kaklaseng katabi niya sa iskul!

Pareho silang napanganga at di maka-paniwala na nakikita roon ang isa't isa!

"Rey! Di ko alam na dito ka pala nakatira!" nakangiting bati ni David.

"Anak, hindi ba siya 'yong batang nagbigay sa iyo ng pandesal noon?"

Ngumiti ang Mommy ni David sa kay Rey.

"Natutuwa akong nagkita tayo uli, Rey."

"Uhm, magandang umaga po, Ma'am,"

mahinang sagot ni Rey. Yumuko na siya habang namumula na naman ang kanyang mukha.

"A . . . Tiyang, gusto ninyong ibili ko kayo ng sopdrinks?"

"Ay, oo nga pala!" biglang bulalas ni Aling Miding.

"Malamang magkaklase kayo!

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, Ma'am Cita,

na nabigyan ng iskolarship si Rey sa iskul ni David kaya doon din siya nag-aaral.

Naku, ba't ko nga ba nakalimutang sabihin 'yon!"

"Wow, ang galing naman!" sagot ng Mommy ni David.

"At alam mo, magkatabi pa sila sa klase.

Napakabait na bata itong si Rey.

Binigyan niya si David ng pandesal minsan nang nagutom ito habang hinihintay ako."

Hindi umimik si Rey, nakatitig lamang sa sahig.

"Huwag ka na ngang mahiya, Rey." Inabutan ni Aling Miding ng ilang barya ito.

"Heto, bumili ka ng sopdrink diyan sa kanto.

David, gusto mo bang samahan si Rey?"

"Okey." Ngumiti si David at sinundan si Rey palabas.

Hindi nagsasalita si Rey habang nagla-lakad sila.

Medyo naiilang na si David kaya

nang papalapit na sila sa tindahan, nagtanong siya,

"May lugar ba kayong mapaglalaruan dito?"

May bahid ng inis ang boses ni Rey nang sumagot ito,

"Wala kaming play-ground dito tulad nang sa bahay ninyo o sa iskul.

Kahit saan lang kami nagla-laro rito.

Wala kaming pera para sa playground!"

"Ah . . . urm . . . okey . . . sorry."

Nang makabayad na si Rey at nag-hihintay para sa sukli, tumingin-tingin si David sa paligid.

Andaming bata roon.

May naglalaro ng kotse-kotsehang gawa mula sa mga lumang karton.

May mga nagtitinda ng gulay sa bangketa.

Ang iba naman ay nag-uumpukan sa labas sa bintana ng isang bahay, nakikipanood ng TV.

Ang mga suot nilang damit, kung hindi sobrang

maluwang, ay gula-gulanit o butas-butas—pero tila bale-wala lamang ito sa kanila.

Kahit saan, nakakarinig si David ng tawanan at hagikhikan.

Masaya sila kahit wala silang totoong playground.

Pagkabalik nila sa bahay, nakita nilang tahimik na nag-uusap ang Mommy ni David at si Aling Miding.

"Anak, laro muna kayo ni Rey sa labas, ha?" sabi ng Mommy ni David.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1) DAVID UND SEIN NEUER KLASSENKAMMER | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN (1) DAVID AND HIS NEW CLASSMATE | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (1) DAVID Y SU NUEVO COMPAÑERO | LIBRO INFANTIL EN TAGALO CON SUBTÍTULOS EN INGLÉS/TAGALO (1)

Si David at ang bago niyang Kaklase David and His New Classmate

Kuwento ni Jojie Wong Story by Jojie Wong

Iginuhit ni Kora Dandan-Albano Illustrated by Kora Dandan-Albano

(MUSIC) (MUSIC)

"David! "David!

Hoy, David!!!" Hey, David!!!"

Lumingon si David at nakita ang kaibigang si Jun-Jun na kumakaway sa kanya. David swung around to see his friend Jun Jun waving at him.

Kumaway siya pabalik at sumingit-singit David waved back and made his way through

sa mga silya at mga kaklase upangmakaupo sa tabi ni Jun-Jun. clumps of chairs and classmates to sit beside Jun-Jun.

Unang araw ng iskul ngayon, at masaya si David It was the first day of school, and David was delighted to

na makita muli ang mga kaibigan at kaklase pagkaraan ng mahabang summer. see his friends and classmates again after the long summer break.

Sumakit ang tiyan nila sa kakatawa habang ang isang kaklase ay tumatagilid at kinakampay-kampay ang mga braso, They all rocked with laughter as one boy leaned over and flapped his arms around,

minumuwestra ang pagkahulog ng tatay niya acting out how his dad overbalanced and fell out of a

mula sa bangka noong bakasyon nila sa Palawan. small boat during their vacation in Palawan.

Tumingin sa paligid si David para hanapin ang iba pang mga kaibigan, David looked around the classroom for his other friends,

ngunit marami roon sa kuwarto ang hindi niya kilala. but instead saw a lot of unfamiliar faces.

Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala. A worried look crept onto his face.

Naku, mga bagong kaklase. Uh-oh, new classmates.

Sana walang mga bully sa kanila. I hope they won't be bullies.

Pumasok na ang titser at agad nagsiupon ang mga bata sa kahit saang bakanteng upuan. Then the teacher came in and everyone scuttled to whichever seat they could find.

Nakipaggitgitan si David upang makaupo sa tabi ni Jun-Jun. David elbowed his way through and made sure to sit beside Jun-Jun.

Nang nakaupo na ang lahat, nag-umpisa na ang titser na sabihin kung saan uupo ang bawat bata. When everyone settled down, the teacher started to read out the seating plan.

Lalong nag-alala si David habang isa-isang tinatawag ng titser David got more and more worried as the teacher gave

ang kani-kanilang pangalan at tinuturo kung saan sila dapat uupo. out the seating assignments to the students one by one.

Hindi pa natatawag ang mga pangalan nila ni Jun-Jun, She hasn't called David and Jun-Jun's names yet,

kaya tahimik na nagdasal si David na sana magkatabi pa rin sila . . . so David silently prayed that they might still end up as seatmates .. .

"David Romero!" tawag ng titser. "David Romero!" the teacher finally called.

Marahang itinaas ni David ang kanyang kamay. David slowly raised his hand.

Tumango ang titser at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ng isang batang lalaking di kilala ni David. The teacher nodded and pointed to a vacant seat beside a boy he didn't know.

"Dito ka uupo sa tabi ni Rey de los Santos." "You will sit here with Rey de los Santos."

Mahinang umungol pareho si David at Jun-Jun. Both David and Jun Jun groaned.

Tumayo si David at kinalad-kad ang knapsack niya papunta sa bagong upuan. David got up and dragged his knapsack to his assigned seat.

Pabulagsak siyang naupo sa tabi ni Rey sabay buntong-hininga. Sinulyapang patalilis ang katabi. He plopped onto the seat beside Rey with a sigh and sneaked him a glance.

Nakayuko si Rey, nakatitig sa mga nakasulat sa desk, payat at maitim ang mga kamay. Rey's head was bowed, eyes staring at some markings on the desk, hands thin and dark.

Muling umungol si David. David groaned once more.

Lumingon siya at nakitang si Jun-Jun ay bumuntong-hininga rin at papunta sa sariling upuan. He looked behind him to see Jun Jun sighing and shuffling to the seat assigned to him.

Araw-araw, walang pagkakaiba si Rey. Tila dagang walang imik. Every day, Rey was the same. Quiet as a mouse.

Dadalawang beses lamang siyang nag-usap ni David sa loob ng unang buwan ng iskul. He spoke to David just two times that first month of school.

Una ay noong nahulog niya ang kanyang bolpen at gumulong ito papunta sa tabi ni David; The first time was when he accidentally dropped his ballpen and it rolled onto David's side;

pangalawa, noong nagka-partner sila sa isang gawain sa klase. the second was when he and David had to pair up for a schoolwork.

At araw-araw, tuwing recess, mag-isang nakaupo si Rey sa kantin, at may baong pandesal at isang boteng tubig. And every day, at recess, Rey sat alone at a corner table

sa kantin, at may baong pandesal at isang boteng tubig. in the canteen with his snack of pandesal and a bottle of water.

Nilalampas-lampasan lamang siya ng ibang mga kaklaseng papunta sa playground; David's classmates would rush past Rey,

kung minsan nga, nabubunggo pa nila ito. sometimes bumping him as they'd run off to the playground.

Ngunit hindi man lamang nila iniimbitang sumama ito sa kanilang mga laro. They never asked Rey to join them.

Minsan, nang makita nilang kulang pala sila ng manlalaro, One time, they didn't have enough boys to play a ball game.

napatingin sila kay Rey na nasa kantin, tahimik na kinakain ang baon niya. They all looked at Rey quietly nibbling his pandesal in the canteen,

Pagkatapos ay nagtinginan sila sa isa't isa. . and looked at each other, wondering.

Nagsalita ang isa sa mga mas malaki sa kanila, "Huwag na 'yon! Then one of the bigger boys said, "Naah!

Sobrang payatot! Parang di masarap kalaro!" He's too thin and I don't think he's fun to play with!"

"Isa pa, baka pawisan siya nang husto at mangamoy!" biro naman ng isa. "Besides, he might get sweaty and stinky!" quipped another.

At nagtawanan silang lahat. And everybody started laughing.

Ngumiti lamang si David. David could only smile.

Kahit pa nakakatawa, alam niyang maling pagtawanan si Rey. He thought it was funny too, but he felt a little guilty laughing at Rey.

Napagsabihan na siya minsan ng Mommy niya na huwag pagtatawanan ang iba dahil lamang naiiba ang itsura o kilos nila. His mom once told him not to tease people just because they look or act differently.

"Masakit 'yon, David," sabi nito sa kanya. "It's cruel, David," she had said to him.

"Ikaw ba, gusto mo ring pintasan ka ng iba?" "Besides, would you want people to tease you, too?"

Umiling si David noon, natatandaan niya. And David remembered shaking his head.

Ngunit tumahimik lamang si David habang nakikipaglaro sa mga kaibigan niya. But he kept quiet as he played with his friends,

Kontento na siyang hindi napapag-tawanan na tulad ni Rey. just thankful that he wasn't being laughed at like Rey.

Isang araw, nahuli ang Mommy ni David sa pagsundo sa kanya sa iskul. One day, David's mom was late in picking him up after school.

Nagsimula nang mag-alala si David. At nagugutom na siya. David was starting to get worried. And hungry.

Alas-sais na ng gabi at nagdidilim na ang langit. It was already 6 pm and the sky was growing dark.

Si Rey na lamang ang naroroon na hindi pa sinusundo. The only other boy left there was Rey, and he was

Nagdo-drowing ito sa kanyang maliit na notebook at humuhuni-huni ng isang awit. sketching on his small notebook and humming a tune to himself.

Parang hindi man lang siya nag-aalala na gumagabi na. He didn't seem worried that it was late.

Naiinip na si David. David was getting bored.

Lumapit siya kay Rey at nagtanong, He went over to Rey and asked,

"Anong dino-drawing mo?" "Hey, what's that you're drawing?"

"Eroplano," sagot ni Rey, na hindi man lamang tumingin sa kanya. "A plane," Rey said, not looking up at David.

"Ah," sagot na lamang ni David. "Oh," David mumbled.

Wala na siyang ibang masabi pa. He didn't know what else to say.

Biglang gumurukgok nang napakalakas ang tiyan ni David! Suddenly, David's stomach growled very loudly.

Nagulat at biglang tumingala si Rey sa kanya, at nagtawanan silang dalawa. Rey looked up at him in surprise, and both started laughing.

"Uhm . . . May natitira pa akong isang pandesal, gusto mo?" "Uhm . . . I still have a pandesal left, do you want it?"

alok ni Rey na medyo nahihiya. Rey smiled timidly.

Ngumiti ito. Hina-lungkat niya ang kanyang knapsack at iniabot kay David ang isang maliit at lukot-lukot na supot na papel. He reached into his knapsack and handed David a small crumpled paper bag.

Parang hindi no masarap kainin ang pandesal sa loob ng supot, dahil napipi na ito ng mga libro ni Rey sa knapsack. The pandesal inside didn't exactly look good to eat, flattened by the books in Rey's knapsack.

Pero gutom na gutom na talaga si David, kaya kinuha niya ang pandesal at inubos sa loob ng tatlumpung segundo! But David was very hungry, so he took out the pandesal and ate it in thirty seconds!

"Rey, salamat ha," sabi ni David pagkatapos punasan ng panyo ang mga labi. "Thanks, Rey," David said after wiping his lips with his handkerchief.

"Nahuli rin ba ang nanay mo sa pagsundo sa 'yo?" "Is your mom also late in picking you up?"

Namula si Rey at nautal, "Ah, ano. . .." Rey turned red and stuttered, "Uh, she. ..."

"David!" "David!"

Pareho silang napalingon at nakita ang Mommy ni David na humahangos papunta sa kanila. They both turned around and saw David's mom rushing towards them.

"Sorry, natagalan ako. "Sorry, I'm late.

May aksidente kasing nangyari sa daan. There was an accident on the road.

Gutom ka na ba?" Are you hungry?"

"Hi, Mommy." "Hi, Mom."

Humalik si David sa Mommy niya. David kissed his mom.

"Okey lang po. Binigyan ako ni Rey ng pandesal, kaya di na ako masyadong gutom." "It's okay. Rey here gave me a pandesal so I'm not that hungry anymore."

Bumaling ang Mommy ni David kay Rey. She turned to Rey.

"Ang bait mo naman, Rey. "Oh, that's very nice of you, Rey.

Hinihintay mo rin ba ang nanay mo?" Are you also waiting for your mother?"

"Ah, uh ...opo," sagot ni Rey na namumula na naman. "Uh, yes," Rey said, turning red again.

"Darating na rin po 'yon." "She's coming soon."

"Ah okey. Kung gusto mo, pwede ka naming samahang maghintay sa kanya rito," sabi ng Mommy ni David, at naupo siya sa kanilang tabi. "Okay. If you want, we can wait here with you until she comes," David's mom said and sat down with them.

"Naku, huwag na po!" bulalas ni Rey. "Salamat po. "Oh, no!" Rey exclaimed. "No, thank you.

Okey lang po ako. Sanay na po akong maghintay nang mag-isa." It's okay, really. I'm used to waiting alone."

"O sige, kung sigurado ka," sagot ng Mommy ni David. "Well, okay then, if you're sure," she said.

"David, magpaalam ka na muna kay Rey, at magpasalamat ka sa kanya para sa pandesal." "David, say goodbye to Rey for now and thank him for the pandesal."

"Babay, Rey! Salamat sa pandesal. Kita tayo bukas!" "Bye, Rey! Thanks for the pandesal. See you tomorrow!"

Kumaway si David habang papunta sa kanilang kotse. Ngumiti si Rey. David waved as he and his mom headed for the car. Rey smiled.

Sinundan lamang niya ng tingin ang kotse nina David habang papalayo ito. He watched them as they drove off in their car.

Kinabukasan sa iskul, kahit tahimik pa rin si Rey tulad ng dati, mas madalas na siyang ngumingiti kay David. The next day at school, Rey was still his quiet self but he smiled at David more often.

Pagdating ng recess, inabutan siya ni David ng tsokolate habang papunta sa kantin. At recess, David gave Rey a chocolate bar while on the way to the canteen.

"Bigay 'to ng Tita ko, galing sa U.S. "My auntie from the States gave this to me.

Sana magustuhan mo." Ngumiti si David. Hope you like it." David grinned.

"Wow . . ." Tinitigan ni Rey ang makintab na kulay-gintong balat ng tsokolate. "Wow ..." Rey stared at the shiny golden wrapper.

"Kahit kelan, hindi pa ako nabibigyan ng ganito. Grabe, salamat!" "I've never had one of these before. Thanks a lot!"

"Walang anuman, "sagot ni David. "Oo nga pala, naisip ko . . ." "You're welcome," David replied, "Hey, I was thinking ..."

"David!" "Hey, David!"

Lumapit si Jun-Jun sa kanila mula sa likod, nakasimangot. Jun Juncame up from behind them, his face crumpled in a frown.

"Bakit mo kasama 'yan? "What are you doing with him?

Di ba maglalaro tayo ng bola ngayon kasama nina Andy? We're playing ball today with Andy and the guys, remember?

Halika na!" Kay David lamang siya nakatingin, at binabalewala si Rey. Come on!" He looked at David and waited, ignoring Rey.

"Ay, oo nga, oo nga! Sige, tara!" "Oh, yeah, yeah, let's go."

Mabilis na kinawayan ni David si Rey at tumakbo kasama ni Jun-Jun. David quickly waved at Rey and ran off with Jun-Jun.

Naiwan si Rey doon, hawak-hawak ang tsokolate. Rey stood there holding the chocolate bar.

Nagkibit na lamang ito ng balikat at mag-isang tumuloy sa kantin. He shrugged his shoulders and went off to the canteen by himself.

Lalong naging tahimik at mailap si Rey pagkatapos ng araw na 'yon. Rey became more aloof after that day.

Isang Sabado, sumama si David sa Mommy niya upang One Saturday, David went with his mom to visit their house helper, Aling Miding, who was sick.

bisitahin ang kanilang katulong na si Aling Miding na may sakit. visit their assistant Aling Miding who is ill.

Unang beses pa lamang ni David na bisitahin si Aling Miding. It was David's first time to visit Aling Miding.

Ipinarada ng Mommy niya ang kotse sa isang kalye at naglakad sila sa isang madilim na eskinita. His mom parked the car in a side street and they made their way along a dark alley.

Maraming beses na tumagilid sila sa tabi ng daan Many times David and his mom had to step to one side

para makaraan ang mga taong nakakasalubong nila. to let other people squeeze past in the other direction.

Kahit mga aso ay nakikiraan din! They even had to give way for dogs, too!

Nakakapasok lamang ang sinag ng araw sa mga siwang sa pagitan ng mga bahay, Sunshine came in through the narrow spaces between the roofs of the small houses,

na sobrang liliit at dikit-dikit. which were built closely together.

Sa wakas, tumigil ang Mommy niya sa harap ng isang makitid na pintuan His mom finally stopped in front of a narrow door with a

kung saan may nakasabit nang medyo baluktot na "God Bless Our House." crooked "God Bless Our House" sign nailed at the top.

Kumatok siya at pumasok. "Aling Miding! She knocked and entered. "Aling Miding!

Magandang umaga! Si Cita ito! Binibisita ka namin!" Good morning! It's Cita. We've come to visit you."

Sumilip si David sa pinto pagpasok ng kanyang Mommy. David looked in through the door after his mother

Nakita niyang nakaratay si Aling Miding sa isang mababang kama na yari sa kahoy. entered and saw Aling Miding lying on a low wooden bed.

Sa tabi ng kanyang unan ay isang bote na plastik na may kalahating laman na tubig. A half-filled plastic bottle of water stood beside her pillow.

May sinag ng araw na pumapasok sa isang maliit na bintana, A ray of sunlight through a small window gave the place some light,

at nababasa ni David ang isang bulaklaking poster sa dingding na nagsasabi: "Love One Another." and David was able to read the words "Love One Another" on a flowery poster on a wall.

"Ma'am Cita!" sagot ni Aling Miding na umuubo habang pinipilit bumangon. "Ma'am Cita!" Aling Miding said, coughing as she tried to sit up.

"Sori po, Ma'am Cita, di ko kayo masilbihan ng meryenda, di ako makabangon." "I'm so sorry, I can't get up to prepare a snack for you."

Kahit maliit at payat si Aling Miding, mukha pa rin siyang malaki sa loob ng maliit niyang bahay. Even though Aling Miding was small and thin, she looked big inside her small house.

"Hay naku, huwag ka nang mag-abala, Aling Miding." Lumapit ang Mommy ni David sa kama. "Oh, don't mind about that, Aling Miding." David's mom walked over to the bed.

"Gusto ka lamang naming kumustahin. "We just wanted to see how you are.

Isinama ko si David para mabisita ka rin niya." I brought David with me so he can visit you, too."

"Magandang umaga, Aling Miding." Umupo si David sa tabi ni Aling Miding, "Good morning, Aling Miding." David sat beside Aling Miding,

tulad ng nakagawian na niyang gawin sa bahay nila tuwing nagluluto ng pagkain si Aling Miding. just as he used to do at home whenever she was preparing food.

"Ay naku, huwag kang lumapit, David!" Umuubo si Aling Miding sabay sinasaway si David. "Oh, please don't sit too close to me, David!" Aling Miding was coughing and waving David away.

"Baka ka mahawa sa 'kin!" "You might get sick, too!"

"Mahiga ka nga muna ulit, Aling Miding," sabi ng Mommy ni David. "You just lie down again, Aling Miding," David's mom said.

"Baka lumala pa 'yan. "We don't want you to get worse.

Heto, may dala kaming mga prutas at gamot para sa 'yo." Here, we brought you some fruit and some medicine."

Inilagay ng Mommy ni David ang plastik na supot ng She placed the plastic bag of fruit and the medicine on the small table beside the bed.

mga prutas at mga gamot sa maliit na mesa sa tabi ng kama. fruits and medicines on the small bedside table.

"Ay, papakiusapan ko na lang ang pamangkin kong bumili ng sopdrink. "Oh, I must ask my nephew to go get you some soft drinks.

Nakatira sila ng kapatid kong babae diyan lang sa kabila." My sister and his son live next door."

Naupo si Aling Miding at tumawag sa kanyang mahinang tinig, "Rey! Rey! May mga bisita ako! Aling Miding sat up and called out in a weak voice, "Rey! Rey! I have guests!

Pwede bang pakibili mo sila ng sopdrink?" Could you please buy soft drinks for them?"

Napatingin si David sa may pintuan—at nakita si Rey, ang kaklaseng katabi niya sa iskul! David looked up at the doorway—and saw his seatmate, Rey, come in!

Pareho silang napanganga at di maka-paniwala na nakikita roon ang isa't isa! They stared at each other, eyes and mouths wide open.

"Rey! Di ko alam na dito ka pala nakatira!" nakangiting bati ni David. "Hey, Rey! I didn't know you live here!" David exclaimed, grinning.

"Anak, hindi ba siya 'yong batang nagbigay sa iyo ng pandesal noon?" "Isn't he the boy who gave you a pandesal, David?" David's mom smiled at Rey.

Ngumiti ang Mommy ni David sa kay Rey. David's Mommy smiled at Rey's.

"Natutuwa akong nagkita tayo uli, Rey." "It's really nice to see you again, Rey."

"Uhm, magandang umaga po, Ma'am," "Uhm, good morning, Ma'am," Rey mumbled.

mahinang sagot ni Rey. Yumuko na siya habang namumula na naman ang kanyang mukha. He looked down as his face turned a bright red.

"A . . . Tiyang, gusto ninyong ibili ko kayo ng sopdrinks?" "Yes, Tiyang? You want me to buy soft drinks?"

"Ay, oo nga pala!" biglang bulalas ni Aling Miding. "Oh, of course!" Aling Miding suddenly exclaimed.

"Malamang magkaklase kayo! "You must be classmates!

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, Ma'am Cita, I totally forgot to tell you, Ma'am Cita.

na nabigyan ng iskolarship si Rey sa iskul ni David kaya doon din siya nag-aaral. Rey got a scholar-ship and is going to the same school as David!

Naku, ba't ko nga ba nakalimutang sabihin 'yon!" How could I forget!"

"Wow, ang galing naman!" sagot ng Mommy ni David. "That's great!" David's mom replied.

"At alam mo, magkatabi pa sila sa klase. "And you know, they're seatmates, too!

Napakabait na bata itong si Rey. Rey is a very nice boy.

Binigyan niya si David ng pandesal minsan nang nagutom ito habang hinihintay ako." He gave David a pandesal one time when David got hungry while waiting for me."

Hindi umimik si Rey, nakatitig lamang sa sahig. Rey stood still and stared at the floor.

"Huwag ka na ngang mahiya, Rey." Inabutan ni Aling Miding ng ilang barya ito. "Don't be shy now, Rey." Aling Miding handed some coins to Rey.

"Heto, bumili ka ng sopdrink diyan sa kanto. "Here's money, go and buy soft drinks at the corner store.

David, gusto mo bang samahan si Rey?" Would you like to go with Rey, David?"

"Okey." Ngumiti si David at sinundan si Rey palabas. "Okay" David grinned and followed Rey outside.

Hindi nagsasalita si Rey habang nagla-lakad sila. Rey didn't say anything to David as he walked beside him.

Medyo naiilang na si David kaya David was already feeling uncomfortable,

nang papalapit na sila sa tindahan, nagtanong siya, so as they approached the sari-sari store, he asked,

"May lugar ba kayong mapaglalaruan dito?" "Hey, do you have a place here where we can play?"

May bahid ng inis ang boses ni Rey nang sumagot ito, Rey hissed, "We don't have a playground like you have in your house or in school.

"Wala kaming play-ground dito tulad nang sa bahay ninyo o sa iskul. "We don't have a playground here like at your house or at school.

Kahit saan lang kami nagla-laro rito. We play anywhere here.

Wala kaming pera para sa playground!" We don't have money for a playground!"

"Ah . . . urm . . . okey . . . sorry." "Oh ... urn ... that's okay... sorry"

Nang makabayad na si Rey at nag-hihintay para sa sukli, tumingin-tingin si David sa paligid. As Rey paid for the soft drinks and waited for the change, David looked around him.

Andaming bata roon. There were kids everywhere.

May naglalaro ng kotse-kotsehang gawa mula sa mga lumang karton. Some were playing with cars made of old cardboard boxes.

May mga nagtitinda ng gulay sa bangketa. Others were selling vegetables on the sidewalk.

Ang iba naman ay nag-uumpukan sa labas sa bintana ng isang bahay, nakikipanood ng TV. Still others were huddled together watching TV through a neighbor's window.

Ang mga suot nilang damit, kung hindi sobrang The clothes they wore were either worn out, holey, or too big for them—but they didn't seem to care.

maluwang, ay gula-gulanit o butas-butas—pero tila bale-wala lamang ito sa kanila. roomy, is ragged or full of holes—but it doesn't seem to matter to them.

Kahit saan, nakakarinig si David ng tawanan at hagikhikan. David heard them laughing and giggling.

Masaya sila kahit wala silang totoong playground. They were having fun even if they didn't have a real playground.

Pagkabalik nila sa bahay, nakita nilang tahimik na nag-uusap ang Mommy ni David at si Aling Miding. When they went back to the house, the two boys saw David's mom and Aling Miding talking quietly.

"Anak, laro muna kayo ni Rey sa labas, ha?" sabi ng Mommy ni David. "David, you go and play with Rey outside for a while, okay?" David's mom said.