×

LingQ'yu daha iyi hale getirmek için çerezleri kullanıyoruz. Siteyi ziyaret ederek, bunu kabul edersiniz: çerez politikası.

image

Storybooks Canada Tagalog, Ang Paghihiganti ng Pastol ng Pulut-Pukyutan

Ang Paghihiganti ng Pastol ng Pulut-Pukyutan

Ito ang kuwento ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, at ni Gingile, isang binatang sakim. Isang araw, habang nangangaso si Gingile, narinig niya ang tawag ni Ngede. Naglaway si Gingile sa posibilidad ng pulut-pukyutan. Tumigil siya at nakinig nang maigi, naghanap hanggang sa makita niya ang ibon sa sanga sa itaas. “Twit-twit-twit,” kalansing ng munting ibon habang nagpalipat-lipat siya ng puno. “Twit, twit, twit,” tawag niya, paminsan-minsang tumitigil para siguraduhing nakasusunod si Gingile.

Makalipas ang kalahating oras, naabot nila ang isang malaki at masukal na puno ng igos. Masayang lumukso si Ngede sa mga sanga nito. Sa wakas ay nanatili siya sa isang sanga at tumingin kay Gingile na para bang gusto niyang sabihin, “Ito na! Halika! Ano pa'ng hinihintay mo?” Walang makitang mga bubuyog si Gingile, pero pinagkatiwalaan niya si Ngede.

Ibinaba ni Gingile ang kanyang sibat sa ilalim ng puno, nag-ipon ng mga tuyo at maliliit na sanga, at gumawa ng maliit na apoy. Nang nagliyab nang mabuti ang apoy, naglagay siya ng isang mahaba at tuyong patpat sa puso nito. Kilala ang mga sangang ito sa paggawa ng malaking usok habang ito'y nasusunog. Nag-umpisa siyang umakyat, hawak ang malamig-lamig na bahagi ng patpat sa kanyang mga ngipin.

Maya-maya ay narinig niya ang malakas na haging ng mga abalang bubuyog. Labas-pasok sila sa hungkag ng puno – ang kanilang pugad. Nang maabot ni Gingile ang bahay-pukyutan, itinulak niya ang patpat na may usok sa hungkag. Naglabasan ang mga bubuyog, galit at buwisit. Lumipad sila palabas dahil ayaw nila ng usok – ngunit lumabas sila habang binibigyan ng masakit na kagat si Gingile!

Nang lumabas ang mga bubuyog, ipinasok ni Gingile ang kanyang mga kamay sa loob ng pugad. Nakakuha siya ng isang dakot ng panilan na punung-puno ng pulut-pukyutan, at matataba at mapuputing uod. Iningatan niyang ilagay ang pulut-pukyutan sa supot na dala niya sa kanyang balikat, at bumaba mula sa puno.

Nasaksihan ni Ngede ang lahat ng ginawa ni Gingile. Naghintay siyang maiwanan ng isang malaking piraso ng pulut-pukyutan bilang pasasalamat sa Pastol ng Pulut-Pukyutan. Humagibis siya sa mga sanga, papalapit nang papalapit sa lupa. Nang maabot ni Gingile ang ilalim ng puno, dumapo si Ngede sa isang bato malapit sa batang lalaki at naghintay sa kanyang gantimpala.

Ngunit pinatay ni Gingile ang apoy, pinulot ang kanyang sibat, at nag-umpisang maglakad pauwi nang hindi pinapansin ang ibon. Galit na tawag ni Ngede, “BIK-torrr! BIK-torrr! !” Tumigil si Gingile, tinitigan ang munting ibon, at tumawa nang malakas. “Gusto mo ng pulut-pukyutan ano, kaibigan? Ha! Pero ako ang naghirap para dito, at ako ang nakagat. Bakit ko ibabahagi ang kahit katiting ng masarap na pulut-pukyutan sa iyo?” At naglakad siya paalis. Galit na galit si Ngede! Hindi siya maaaring tratuhin ng ganoon! Pero makakapaghiganti rin siya.

Isang araw makalipas ang ilang linggo, muling narinig ni Gingile ang pantawag sa pulut-pukyutan ni Ngede. Naalala niya ang masarap na pulut-pukyutan at sabik na sinundang muli ang ibon. Matapos pangunahan si Gingile sa dulo ng kagubatan, nagpahinga si Ngede sa isang malaking payong na tinik. “Ahh,” isip ni Gingile. “Marahil ay nasa punong ito ang pugad.” Dali-dali siyang gumawa ng maliit na apoy at nag-umpisang umakyat, at nilagay ang patpat na pang-usok sa ngipin niya. Naupo at nanood si Ngede.

Umakyat si Gingile, nagtataka kung bakit hindi niya marinig ang karaniwang haging. “Baka nasa looban ng puno ang bahay-pukyutan,” isip niya. Itinulak niya ang sarili niya sa isang sanga. Pero sa halip na bahay-pukyutan, nakita niya ang sarili niyang nakatitig sa mukha ng isang leopardo! Galit na galit si Leopardo dahil naudlot ang tulog niya. Nagdilim ang kanyang paningin, at binuksan ang kanyang bibig para ilabas ang kanyang napakalaki at napakatalas na mga ngipin.

Bago pa man mahagupit ni Leopardo si Gingile, dali-dali siyang bumaba mula sa puno. Sa kanyang pagmamadali ay hindi siya nakaapak sa isang sanga, bumagsak siya lupa, at napihit ang bukung-bukong. Dali-dali siyang umika. Sa kabutihang palad, masyadong antok na si Leopardo para habulin siya. Nakuha ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, ang kanyang paghihiganti. At may natutunang aral si Gingile.

At dahil diyan, iginagalang ng mga anak ni Gingile si Ngede, ang munting ibon, sa tuwing maririnig nila ang kuwentong ito. Sa tuwing maga-ani sila ng pulut-pukyutan, sinisigurado nilang iiwan nila ang pinakamalaking bahagi nito para sa Pastol ng Pulut-Pukyutan!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

Ang Paghihiganti ng Pastol ng Pulut-Pukyutan |Revenge||Beekeeper|of|Honeycomb|Honeybee Die Rache des Imkers The Revenge of the Beekeeper 양봉가의 복수

Ito ang kuwento ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, at ni Gingile, isang binatang sakim. ||||Ngede||||||||greedy young man||young man|greedy young man This is the story of Ngede, the Honey Bee Shepherd, and Gingile, a greedy young man. Isang araw, habang nangangaso si Gingile, narinig niya ang tawag ni Ngede. ||while|hunting|||heard|||call|| One day, while Gingile was hunting, he heard Ngede's call. Naglaway si Gingile sa posibilidad ng pulut-pukyutan. Drooled||||possibility||| Gingile drooled at the prospect of honey. Tumigil siya at nakinig nang maigi, naghanap hanggang sa makita niya ang ibon sa sanga sa itaas. Stopped|||listened||carefully|searched|until|||||bird||branch||up above He stopped and listened carefully, searching until he saw the bird on the branch above. “Twit-twit-twit,” kalansing ng munting ibon habang nagpalipat-lipat siya ng puno. "Tweet-tweet-tweet"|||chirping||little|bird|while|hopped around|hopping around|||tree "Twit-twit-twit," chirped the little bird as he moved from tree to tree. “Twit, twit, twit,” tawag niya, paminsan-minsang tumitigil para siguraduhing nakasusunod si Gingile. |||called out||occasionally|occasionally|stopping occasionally||make sure|keeping up|| "Twit, twit, twit," he called, occasionally stopping to make sure Gingile was following.

Makalipas ang kalahating oras, naabot nila ang isang malaki at masukal na puno ng igos. After||half an||reached||||large||dense with foliage||tree||fig tree Half an hour later, they reached a large and dense fig tree. Masayang lumukso si Ngede sa mga sanga nito. |jumped happily|||||branches| Ngede happily jumped on its branches. Sa wakas ay nanatili siya sa isang sanga at tumingin kay Gingile na para bang gusto niyang sabihin, “Ito na! |"At last"||remained||||branch||looked|||||||||| Finally he stayed on a branch and looked at Gingile as if to say, “This is it! Halika! Come here! Come on! Ano pa'ng hinihintay mo?” Walang makitang mga bubuyog si Gingile, pero pinagkatiwalaan niya si Ngede. |"else are"|waiting for|||seeing||bees||||trusted||| What are you waiting for?” Gingile didn't see any bees, but he trusted Ngede.

Ibinaba ni Gingile ang kanyang sibat sa ilalim ng puno, nag-ipon ng mga tuyo at maliliit na sanga, at gumawa ng maliit na apoy. Lowered|||||spear||under||tree||gathered|||dry twigs||small||small branches||||small||fire Gingile lowered his spear under the tree, gathered dry and small branches, and made a small fire. Nang nagliyab nang mabuti ang apoy, naglagay siya ng isang mahaba at tuyong patpat sa puso nito. |blazed|||||put||||long||dry|stick||| When the fire was well lit, he put a long, dry stick into its heart. Kilala ang mga sangang ito sa paggawa ng malaking usok habang ito'y nasusunog. Known for|||branches|||producing|||smoke|while|it is|burning These branches are known for producing a large amount of smoke as they burn. Nag-umpisa siyang umakyat, hawak ang malamig-lamig na bahagi ng patpat sa kanyang mga ngipin. |started||climb up|holding||cold|cold||part||stick||||teeth He began to climb, holding the cold part of the stick in his teeth.

Maya-maya ay narinig niya ang malakas na haging ng mga abalang bubuyog. |later||heard|||loud||whirring sound|||busy|bees Later he heard the loud buzzing of busy bees. Labas-pasok sila sa hungkag ng puno – ang kanilang pugad. outside|entry|||hollow of tree||||their|nest They go in and out of the hollow of the tree – their nest. Nang maabot ni Gingile ang bahay-pukyutan, itinulak niya ang patpat na may usok sa hungkag. |reached||Gingile|||beehive|pushed|||stick|||smoke||hollow space When Gingile reached the beehive, he pushed the stick with the smoke into the cavity. Naglabasan ang mga bubuyog, galit at buwisit. Came out|||bees|angry||annoyed The bees came out, angry and buzzing. Lumipad sila palabas dahil ayaw nila ng usok – ngunit lumabas sila habang binibigyan ng masakit na kagat si Gingile! Flew||out||they don't want|||smoke|but|went out||while|giving||||painful bite|| They flew out because they didn't want the smoke – but they came out while giving Gingile a painful bite!

Nang lumabas ang mga bubuyog, ipinasok ni Gingile ang kanyang mga kamay sa loob ng pugad. |came out|||bees|inserted||||||hands||||nest When the bees came out, Gingile put his hands inside the hive. Nakakuha siya ng isang dakot ng panilan na punung-puno ng pulut-pukyutan, at matataba at mapuputing uod. Got||||handful||honeycomb cells||tree||||||fat and plump||white|fat white larvae He got a handful of combs full of honey, and fat, white worms. Iningatan niyang ilagay ang pulut-pukyutan sa supot na dala niya sa kanyang balikat, at bumaba mula sa puno. Kept||put|||||bag||carrying||||shoulder||climbed down||| He took care to put the honey in the bag he carried on his shoulder, and came down from the tree.

Nasaksihan ni Ngede ang lahat ng ginawa ni Gingile. Witnessed|||||||| Ngede witnessed everything Gingile did. Naghintay siyang maiwanan ng isang malaking piraso ng pulut-pukyutan bilang pasasalamat sa Pastol ng Pulut-Pukyutan. Waited||be left with||||piece||honeycomb|honeycomb|as a token|token of gratitude||Pastor||| He waited to be left with a large piece of honey as a thank you to the Bee Shepherd. Humagibis siya sa mga sanga, papalapit nang papalapit sa lupa. Swung swiftly||||branches|getting closer||getting closer|| He climbed the branches, getting closer and closer to the ground. Nang maabot ni Gingile ang ilalim ng puno, dumapo si Ngede sa isang bato malapit sa batang lalaki at naghintay sa kanyang gantimpala. |reached||||bottom|||perched on|||||rock||||||waited for|||reward When Gingile reached the bottom of the tree, Ngede perched on a rock near the boy and waited for his reward.

Ngunit pinatay ni Gingile ang apoy, pinulot ang kanyang sibat, at nag-umpisang maglakad pauwi nang hindi pinapansin ang ibon. but|put out|||||picked up|||spear||began to|began to|walk|home|||paying attention to||bird But Gingile put out the fire, picked up his spear, and started walking home ignoring the bird. Galit na tawag ni Ngede, “BIK-torrr! Angry||angry call|||Victor|"Victor" Ngede called angrily, “BIK-torrr! BIK-torrr! BIK|torrr BIK-torrr! !” Tumigil si Gingile, tinitigan ang munting ibon, at tumawa nang malakas. stopped|||stared at||little|bird|"and"|laughed out loud||loudly !” Gingile stopped, stared at the little bird, and laughed loudly. “Gusto mo ng pulut-pukyutan ano, kaibigan? "What do you want honey, friend? Ha! Ha! Pero ako ang naghirap para dito, at ako ang nakagat. |||suffered||||||got bitten But I was the one who worked hard for it, and I was the one who was bitten. Bakit ko ibabahagi ang kahit katiting ng masarap na pulut-pukyutan sa iyo?” At naglakad siya paalis. ||"share"||even a bit|tiny bit|||||||||walked||"walking away" Why should I share even a little bit of delicious honey with you?” And he walked away. Galit na galit si Ngede! angry|||| Ngede was furious! Hindi siya maaaring tratuhin ng ganoon! ||can|treat||like that He can't be treated like that! Pero makakapaghiganti rin siya. |can get revenge|| But he can also take revenge.

Isang araw makalipas ang ilang linggo, muling narinig ni Gingile ang pantawag sa pulut-pukyutan ni Ngede. ||"after"||||again|heard||||summons||||| One day a few weeks later, Gingile heard Ngede's beehive call again. Naalala niya ang masarap na pulut-pukyutan at sabik na sinundang muli ang ibon. Remembered||||||||eagerly||followed again|again||bird He remembered the delicious honey and eagerly went after the bird again. Matapos pangunahan si Gingile sa dulo ng kagubatan, nagpahinga si Ngede sa isang malaking payong na tinik. |lead||||end||forest's edge|rested||||||thorny umbrella||thorny umbrella plant After leading Gingile to the edge of the forest, Ngede rested under a large thorn umbrella. “Ahh,” isip ni Gingile. "Ahh," thought Gingile.||| "Ahh," thought Gingile. “Marahil ay nasa punong ito ang pugad.” Dali-dali siyang gumawa ng maliit na apoy at nag-umpisang umakyat, at nilagay ang patpat na pang-usok sa ngipin niya. "Perhaps"|||"tree"|||"bird's nest"||quickly||||small|||||began|climbed up||he placed||stick||for|smoke||tooth| "Perhaps the nest is in this tree." He quickly made a small fire and began to climb, and put the smoking stick in his teeth. Naupo at nanood si Ngede. Sat down|||| Ngede sat and watched.

Umakyat si Gingile, nagtataka kung bakit hindi niya marinig ang karaniwang haging. Climbed up|||wondering|||||hear||usual|whistling sound Gingile went up, wondering why he couldn't hear the usual screeching. “Baka nasa looban ng puno ang bahay-pukyutan,” isip niya. "Maybe"||inside|||||bee|| "Maybe the beehive is in the courtyard of the tree," he thought. Itinulak niya ang sarili niya sa isang sanga. Pushed|||||||branch He pushed himself against a branch. Pero sa halip na bahay-pukyutan, nakita niya ang sarili niyang nakatitig sa mukha ng isang leopardo! ||"instead of"|||bee||||||staring at||face|||leopard But instead of a beehive, he found himself staring into the face of a leopard! Galit na galit si Leopardo dahil naudlot ang tulog niya. angry||||Leopard||interrupted||sleep| Leopardo was very angry because his sleep was interrupted. Nagdilim ang kanyang paningin, at binuksan ang kanyang bibig para ilabas ang kanyang napakalaki at napakatalas na mga ngipin. Went dark|||vision||opened|||mouth||bring out|||very large||very sharp|||teeth His vision darkened, and his mouth opened to reveal his huge and very sharp teeth.

Bago pa man mahagupit ni Leopardo si Gingile, dali-dali siyang bumaba mula sa puno. ||even before|strike|||"direct object marker"|||||climbed down||| Before Leopardo could hit Gingile, he quickly got down from the tree. Sa kanyang pagmamadali ay hindi siya nakaapak sa isang sanga, bumagsak siya lupa, at napihit ang bukung-bukong. ||haste||||stepped on|||branch|fell to ground||ground||twisted||ankle|ankle In his haste he missed a branch, fell to the ground, and sprained his ankle. Dali-dali siyang umika. Dali|||hurriedly spoke He sobbed quickly. Sa kabutihang palad, masyadong antok na si Leopardo para habulin siya. |good fortune|fortunately||sleepy|||||chase after| Fortunately, Leopardo was too sleepy to chase after him. Nakuha ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, ang kanyang paghihiganti. Got||||Pastor||||||revenge Ngede, the Shepherd of the Honey-Bees, gets his revenge. At may natutunang aral si Gingile. ||learned|lesson|| And Gingile learned a lesson.

At dahil diyan, iginagalang ng mga anak ni Gingile si Ngede, ang munting ibon, sa tuwing maririnig nila ang kuwentong ito. ||because of that|respect||children of|children||||||little|bird||each time|will hear|||story| And because of that, Gingile's children respect Ngede, the little bird, whenever they hear this story. Sa tuwing maga-ani sila ng pulut-pukyutan, sinisigurado nilang iiwan nila ang pinakamalaking bahagi nito para sa Pastol ng Pulut-Pukyutan! |every time|harvest honeycomb|harvest|||||make sure||leave behind|||largest|largest portion||||the Pastor||| Whenever they harvest honey, they make sure to leave the largest portion of it for the Beekeeper!