13: Pahiyas Festival
- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?
- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...
Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Pahiyas Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo taun-taon, sa Bayan ng Lucban, Quezon.
Ang selebrasyong ito ay isang uri ng pasasalamat sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador' para sa masaganang ani ng taon.
Sa piyestang ito, naglalagay ng mga palamuti ang mga taga-Lucban sa kani-kanilang mga bahay.
Gawa ang mga dekorasyon sa mga prutas, gulay, handicrafts at kiping.
Matapos ang piyesta, karaniwang pinagsasaluhan ang mga palamuting prutas at gulay.
Tara!
Tuklasin natin kung ano nga ba ang Pahiyas Festival ...
- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Kung napansin na ninyo, marami sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino ay nag-umpisa bilang mga paganong ritwal na nagkaroon ng mga Kristiyanong kahulugan sa pagtagal ng panahon.
Ang Pahiyas Festival ay sinasabing nag-umpisa bilang isang simpleng ritwal ng pagpapasalamat sa mga anito para sa masaganang ani.
Nang lumaganap ang Katolisismo sa Pilipinas, inialay ang pagdiriwang na ito sa patron ng mga magsasaka na si 'San Isidro Labrador'.
Ayon sa mga alamat, habang nagdadasal si 'San Isidro Labrador', isang puting kalabaw at isang anghel ang nagtulong para mag-araro ng kanyang taniman.
Kapag sinabing Pahiyas Festival, unang salitang naiisip ng mga Pilipino ay ang kiping.
Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang iba't ibang dahon at kinukulayan ng mga matitingkad na kulay gaya ng dilaw, fuschia, pula at berde.
Kung ito ay ibe-bake, maaari itong kainin.
Sinasabing naimbento ang kiping noong panahong ng Galyon ng Maynila at Acapulco nang pagbalik ng Lucban, ninais ng isang tagaluto na kumain ng tacos, ngunit dahil hindi niya mahanap ang mga tamang sangkap, siya ay nageksperimento at nagawa niya ang kiping.
Ang huling bahagi ng piyesta ay ang prusisyon ng imahen ni San Isidro Labrador.
Lahat ng madadaanang bahay ay napapalamutian ng kanilang mga ani.
Kasama rin ang imahen ng asawa ng patron na si 'Sta.Maria dela Cabeza' na may bitbit na mga biskwit na madalas ay ibinibigay sa mga bata habang nagaganap ang prusisyon.
Mayroon ring mga magagarbong karosa at effigy na ‘paper mache' ng dalawang santo.
Matapos nito, nakaugalian na ang pagkakaroon ng malaking salu-salo kasama ang mga bisita, turista, at ng buong bayan kung saan iba't ibang mga pagkaing pinagmamalaki ng Lucban ang inihahanda gaya ng pancit habhab, longganisang Lucban, inihaw na kiping at iba pa ...
Alam niyo ba na pinaparangalan ang bahay na may pinakamaganda at pinakamalikhain na mga palamuti?
Hindi lang simpleng parangal, may papremyo ring salapi ang matatanggap ng mananalo.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
- Alam niyo ba kung anong mga salita ang pinanggalingan ng "pahiyas?”
Ang "pahiyas" ay nanggaling sa dalawang Filipinong salita na "hiyas" at "pahiyas.”
Ang ibig sabihin ng 'hiyas' ay 'mamahaling' bato gaya ng mga nilalagay sa mga alahas.
Samantalang ang 'pahiyas' naman ay 'nangangahulugan ng pag-aalay'.
Kung gayon, maari nating sabihin na ang Pahiyas Festival ay ang pag-aalay ng mga "hiyas" na ani, hindi ba?
Kamusta ang lesson na ito?
May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Na-engganyo ko na ba kayong pumunta sa Lucban, Quezon para sa Pahiyas Festival?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!