×

LingQ'yu daha iyi hale getirmek için çerezleri kullanıyoruz. Siteyi ziyaret ederek, bunu kabul edersiniz: çerez politikası.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 14: Chinese New Year

14: Chinese New Year

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Sa leksyon na ito, pag-uusapan naman natin kung paano ipinagdiriwang ang ‘Chinese New Year' sa Pilipinas.

Ang pagdiriwang na ito ay sumusunod sa lunar calendar at pinangununahan ng mga Chinese at mga Filipino Chinese na naninirahan sa bansa.

Ipinagdiriwang ito dahil sa mga katangi-tanging selebrasyon, pagkain at paniniwala na nakapaloob sa tradisyong ito.

Sa lesson na ito, malalaman natin kung paano ipinagdiriwang ang ‘Chinese New Year' sa Pilipinas ...

- Anong pagbati ang sinasabi ng mga tao tuwing sasapit ang ‘Chinese New Year'?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Isa sa paborito ng mga Pilipino, kahit ng mga hindi dumadalo sa mga pagdiriwang ng ‘Chinese New Year' ay ang mga pagkain na malimit ihanda sa panahong ito.

Ang pinakakilala ay ang tikoy!

Isa itong uri ng pagkain na gawa sa malagkit na kanin.

Kamakailan lamang, iba't ibang kakaibang uri o flavor na ang nilalabas na akma sa panglasang Pilipino at Chinese tulad ng 'pandan' at 'ube'.

Sinisimbolo ng tikoy ang pananatiling magkasama ng mga bawat miyembro ng pamilya.

Dahil sa malagkit ang tikoy, sinasabing ang pagkakaroon nito tuwing ‘Chinese New Year' ay "magpapalagkit" sa pagsasama ng mag-anak!

Dahil sa dami ng mga Chinese na naninirahan sa bansa, ginawang opisyal na holiday ang ‘Chinese New Year' noong 2011.

Kung babalikan ang kasaysayan, ang mga PIlipino ay nakikipagpalitan na ng mga produkto sa mga Chinese bago pa dumating ang mga Kastila.

Dahil sa dami ng mga Tsino, inilagak sila ng mga Kastila sa Binondo, isang lugar sa Maynila.

Napakasigla ng komersyo sa Binondo, kung saan napakarami ng mga negosyo ng mga Chinese at Filipino Chinese.

At ito rin ang sentro ng kasiyahan kung ‘Chinese New Year'.

Pula ang itinututuring na pinakamaswerteng kulay at maraming tao ang nagbibihis ng pula sa araw na ito.

Nagbibigay naman ang mga mas nakakatanda sa mga bata ng pera na nasa loob ng mga pulang sobre na tinatawag na "ang pao".

Hindi rin mawawala ang 'dragon dance', 'lion dance', at ang magarang mga paputok.

Ang mga lion at dragon dance ay sinasabing nakapagbibigay ng swerte at katatagan ng negosyo o ng pamilya.

Itinuturing rin na ang mga mas mahabang dragon ay nangangahulugan ng mas maraming swerte ...

Alam niyo ba na ang Binondo ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo?

Itinatag ito noong 1594.

Ang ibig sabihin ng Binondo ay "binondoc" o “binundok”, na ibig sabihin ay mabundok, at tumutukoy sa maburol na lugar ng Binondo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Anong pagbati ang sinasabi ng mga tao tuwing sasapit ang ‘Chinese New Year'?

Sa Hokkien na sinasalita ng mas maraming mga Chinese at mga Filipino Chinese sa Pilipinas, ang pagbati ay "Kiong Hee Huat Tsai".

Pero karamihan sa mga Pilipino ang gumagamit ng Cantonese na pagbati na "Kung Hei Fat Choi".

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Ipinagdiriwang niyo rin ba ang ‘Chinese New Year'?

Paano niyo ito ginagawa?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

14: Chinese New Year 14: Chinesisches Neujahr Chinese New Year

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Sa leksyon na ito, pag-uusapan naman natin kung paano ipinagdiriwang ang ‘Chinese New Year' sa Pilipinas. In this lesson, we will talk about how the 'Chinese New Year' is celebrated in the Philippines.

Ang pagdiriwang na ito ay sumusunod sa lunar calendar at pinangununahan ng mga Chinese at mga Filipino Chinese na naninirahan sa bansa. This celebration follows the lunar calendar and is led by Chinese and Filipino Chinese living in the country.

Ipinagdiriwang ito dahil sa mga katangi-tanging selebrasyon, pagkain at paniniwala na nakapaloob sa tradisyong ito. It is celebrated because of the unique festivities, food and beliefs that accompany this tradition. Het wordt gevierd vanwege de unieke vieringen, het eten en de overtuigingen die in deze traditie vervat zitten.

Sa lesson na ito, malalaman natin kung paano ipinagdiriwang ang ‘Chinese New Year' sa Pilipinas ... In this lesson, we will learn how the 'Chinese New Year' is celebrated in the Philippines... In deze les leren we hoe het 'Chinees Nieuwjaar' gevierd wordt in de Filipijnen...

**- Anong pagbati ang sinasabi ng mga tao tuwing sasapit ang ‘Chinese New Year'?** - What greeting do people use when the 'Chinese New Year' comes? - Welke begroeting zeggen mensen als 'Chinees Nieuwjaar' komt?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Isa sa paborito ng mga Pilipino, kahit ng mga hindi dumadalo sa mga pagdiriwang ng ‘Chinese New Year' ay ang mga pagkain na malimit ihanda sa panahong ito. One of the favorites of Filipinos, even more for those who do not attend the 'Chinese New Year' celebrations, is the foos that are commonly prepared during this time.

Ang pinakakilala ay ang tikoy! The most popular of these is the "tikoy" (Chinese New Year's cake)!

Isa itong uri ng pagkain na gawa sa malagkit na kanin. It is a type of dish made from glutinous rice.

Kamakailan lamang, iba't ibang kakaibang uri o flavor na ang nilalabas na akma sa panglasang Pilipino at Chinese tulad ng 'pandan' at 'ube'. Recently, different types or flavors have been released that fit (are popular) the Filipino and Chinese tastes like 'pandan' and 'ube' (purple yam).

Sinisimbolo ng tikoy ang pananatiling magkasama ng mga bawat miyembro ng pamilya. Tikoy symbolizes how family members stay bonded together.

Dahil sa malagkit ang tikoy, sinasabing ang pagkakaroon nito tuwing ‘Chinese New Year' ay "magpapalagkit" sa pagsasama ng mag-anak! Due to the stickiness of the tikoy, it is said that having it every 'Chinese New Year' will make a family's bonds "stick ier"!

Dahil sa dami ng mga Chinese na naninirahan sa bansa, ginawang opisyal na holiday ang ‘Chinese New Year' noong 2011. Because of the large number of Chinese people living in the country, the 'Chinese New Year' was declared an official holiday in 2011.

Kung babalikan ang kasaysayan, ang mga PIlipino ay nakikipagpalitan na ng mga produkto sa mga Chinese bago pa dumating ang mga Kastila. Looking back in history, the Filipinos were already trading with the Chinese even before the arrival of the Spaniards.

Dahil sa dami ng mga Tsino, inilagak sila ng mga Kastila sa Binondo, isang lugar sa Maynila. Because of the large number of Chinese, the Spanish settled them in an area in Manila called Binondo.

Napakasigla ng komersyo sa Binondo, kung saan napakarami ng mga negosyo ng mga Chinese at Filipino Chinese. Commerce is very lively in Binondo, where Chinese and Filipino Chinese businesses abound.

At ito rin ang sentro ng kasiyahan kung ‘Chinese New Year'. And it is also the center of fun festivities during the 'Chinese New Year'.

Pula ang itinututuring na pinakamaswerteng kulay at maraming tao ang nagbibihis ng pula sa araw na ito. Red is considered to be the luckiest color and many people dress in red on this day.

Nagbibigay naman ang mga mas nakakatanda sa mga bata ng pera na nasa loob ng mga pulang sobre na tinatawag na "ang pao". The older ones give the children money inside red envelopes called "ang pao" (hong pao - red parcel in chinese).

Hindi rin mawawala ang 'dragon dance', 'lion dance', at ang magarang mga paputok. Also never absent are the dragon dance, lion dance, and the spectacular fireworks.

Ang mga lion at dragon dance ay sinasabing nakapagbibigay ng swerte at katatagan ng negosyo o ng pamilya. It is said that the Lion and Dragon dances will bring luck and stability to business or family.

Itinuturing rin na ang mga mas mahabang dragon ay nangangahulugan ng mas maraming swerte ... Longer dragons are also considered to mean more good luck....

Alam niyo ba na ang Binondo ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo? Did you know that Binondo is the oldest Chinatown in the world?

Itinatag ito noong 1594. It was founded in 1594.

Ang ibig sabihin ng Binondo ay "binondoc" o “binundok”, na ibig sabihin ay mabundok, at tumutukoy sa maburol na lugar ng Binondo. Binondo means "binondoc" or "binundok", which is to say 'mountainous', and refers to the hilly area of Binondo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Anong pagbati ang sinasabi ng mga tao tuwing sasapit ang ‘Chinese New Year'?** - What greeting do people use during the 'Chinese New Year'?

Sa Hokkien na sinasalita ng mas maraming mga Chinese at mga Filipino Chinese sa Pilipinas, ang pagbati ay "Kiong Hee Huat Tsai". In Hokkienese which is spoken by the most Chinese and Filipino Chinese in the Philippines, the greeting is "Kiong Hee Huat Tsai".

Pero karamihan sa mga Pilipino ang gumagamit ng Cantonese na pagbati na "Kung Hei Fat Choi". However most Filipinos use the Cantonese greeting "Kung Hei Fat Choi".

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Ipinagdiriwang niyo rin ba ang ‘Chinese New Year'? Do you also celebrate the 'Chinese New Year'?

Paano niyo ito ginagawa? How do you celebrate it?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!