×

LingQ'yu daha iyi hale getirmek için çerezleri kullanıyoruz. Siteyi ziyaret ederek, bunu kabul edersiniz: çerez politikası.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 8: Eid'l Fitr (End of Ramadan)

8: Eid'l Fitr (End of Ramadan)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang araw ng ‘Eid al-Fitr' ay ang pagdiriwang ng mga Muslim ng unang araw ng ‘Shawwal'.

Nagpapahiwatig ito pagtatapos ng isang buwan ng pag-aayuno at pagdarasal.

Para sa maraming Pilipino, kinikilala ito bilang ‘Wakas ng Ramadan' at ipinagdiriwang ng parehong mga Kristiyano at Muslim na mga Pilipino.

Ang petsa ng pagdiriwang na ito ay nakabase sa kalendaryong Islam at nagaganap matapos ang unang gabi ng bagong buwan.

Halina't alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw na ito ….

- Ang araw na ito ay kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday, alam niyo ba kung kailan ito naipatupad?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Inuumpisahan ng mga Muslim ang pagdiriwang ng araw na ito sa pamamagitan ng paliligo, pagsusuot ng pinakamaganda nilang damit, paglalagay ng pabango at pagkain ng matatamis bago tumungo sa moske para magdasal.

Ang unang dasal ng ‘Eid' ay ginagawa bilang isang kongregasyon sa mga moske o sa mga naitalagang ‘open space' para sa pagdarasal.

Sunod sa ikalawang 'Haligi ng Islam', humaharap ang kongregasyon sa direksyon ng Mecca.

Sinusundan ang dasal ng ‘Eid ng khutbah' na pinangungunahan ng Imam.

Karaniwang ang mga sermon ay tungkol sa pagpapasalamat sa Panginoon, kasaysayan at kahalagahan ng pagdiriwang, paghingi ng kapatawaran sa kapwa, at ang mga responsibilidad para sa ikatlong ‘Haligi ng Islam', ang ‘zakat'.

Matapos ito, magbabatian at magyayakapan ang mga magkakatabi.

Ang mga tradisyunal na pagbati gaya ng ‘Eid mubarak' o ‘Eid sa-id' ang karaniwang maririnig.

Ang araw na ito ay puno ng handaan, kasiyahan, at pasasalamat.

Nagbibigayang ang mga tao ng ‘Eidi' sa kani-kanilang mga pamilya.

Mayroon ring partikular na ‘zakat' na ibinibigay sa araw na ito, ito ay ang ‘Fitrana' na tinatawag ding ‘Zakat al-Fitr'.

Para sa mga Muslim, isa itong masayang selebrasyon ng pasasalamat sa Panginoon.

Isa rin itong pagdiriwang na sumisimbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim …

Ang Pilipinas ay kinikilalang isang "Kristiyanong" bansa sa Asya.

Ngunit ang Pilipinas rin ang natatanging Kristiyanong bansa na isina-batas ang pagdiriwang ng ‘Eid al-Fitr' at itinuring ito bilang pambansang holiday.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday ang araw na ito, alam niyo ba kung kailan ito naipatupad?

Naipatupad ang pagiging pambansang holiday nito noong taong 2002.

Layunin ng pagpapatupad nito na magkaisa ang bansa, Kristiyano man o Muslim, sa pagpapahalaga sa mga araw na may importansya sa bawat isa.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

May mga pagdiriwang pa ba kayong alam na kahalintulad nito?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

8: Eid'l Fitr (End of Ramadan) 8: Eid'l Fitr (Ende des Ramadan) End of Ramadan 8: Eid'l Fitr (Fin del Ramadán)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Ang araw ng ‘Eid al-Fitr' ay ang pagdiriwang ng mga Muslim ng unang araw ng ‘Shawwal'. The day of 'Eid al-Fitr' (End of Ramadan) is the Muslim celebration of the first day of 'Shawwal' (10th month of the Islamic calendar)

Nagpapahiwatig ito pagtatapos ng isang buwan ng pag-aayuno at pagdarasal. It signifies the end of a month of fasting and prayer.

Para sa maraming Pilipino, kinikilala ito bilang ‘Wakas ng Ramadan' at ipinagdiriwang ng parehong mga Kristiyano at Muslim na mga Pilipino. For many Filipinos, it is recognized as the 'End of Ramadan' and is celebrated by both Christian and Muslim Filipinos.

Ang petsa ng pagdiriwang na ito ay nakabase sa kalendaryong Islam at nagaganap matapos ang unang gabi ng bagong buwan. The exact date of this celebration is based on the Islamic calendar and takes place after the first night of the new moon.

Halina't alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw na ito …. Let's find out how Filipinos celebrate this day....!

**- Ang araw na ito ay kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday, alam niyo ba kung kailan ito naipatupad?** - This day was recently made an official holiday, do you know when it was implemented?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Inuumpisahan ng mga Muslim ang pagdiriwang ng araw na ito sa pamamagitan ng paliligo, pagsusuot ng pinakamaganda nilang damit, paglalagay ng pabango at pagkain ng matatamis bago tumungo sa moske para magdasal. Muslims begin the celebration of this day by bathing, dressing in their best clothes, applying perfume and eating sweets before heading to the mosque to pray.

Ang unang dasal ng ‘Eid' ay ginagawa bilang isang kongregasyon sa mga moske o sa mga naitalagang ‘open space' para sa pagdarasal. The first prayer of 'Eid' is done as a congregation in mosques or in designated 'open spaces' for prayer.

Sunod sa ikalawang 'Haligi ng Islam', humaharap ang kongregasyon sa direksyon ng Mecca. In accordance to the second ‘Pillar of Islam', the congregation faces the direction of Mecca.

Sinusundan ang dasal ng ‘Eid ng khutbah' na pinangungunahan ng Imam. Following the 'Eid' prayer is a ‘khutbah' (sermon) led by the Imam.

Karaniwang ang mga sermon ay tungkol sa pagpapasalamat sa Panginoon, kasaysayan at kahalagahan ng pagdiriwang, paghingi ng kapatawaran sa kapwa, at ang mga responsibilidad para sa ikatlong ‘Haligi ng Islam', ang ‘zakat'. The sermons are usually about thanking God, and the history and importance of the celebration, asking for forgiveness, and the responsibilities for the third 'Pillar of Islam', the 'zakat' (Alms).

Matapos ito, magbabatian at magyayakapan ang mga magkakatabi. After this, those standing next to each other will greet and embrace (hug) each other.

Ang mga tradisyunal na pagbati gaya ng ‘Eid mubarak' o ‘Eid sa-id' ang karaniwang maririnig. Traditional greetings such as 'Eid mubarak' (Blessed Eid) or 'Eid sa-id' (Happy Eid) are commonly heard.

Ang araw na ito ay puno ng handaan, kasiyahan, at pasasalamat. This day is full of parties, joy, and gratitude.

Nagbibigayang ang mga tao ng ‘Eidi' sa kani-kanilang mga pamilya. People give 'Eidi' (Gifts) to their families.

Mayroon ring partikular na ‘zakat' na ibinibigay sa araw na ito, ito ay ang ‘Fitrana' na tinatawag ding ‘Zakat al-Fitr'. There is also a specific 'zakat' (Alms) that is given on this day, it is the 'Fitrana' also called 'Zakat al-Fitr' (Alms for Eid al-Fitr).

Para sa mga Muslim, isa itong masayang selebrasyon ng pasasalamat sa Panginoon. For Muslims, this (day) is one of joyous celebration of thanksgiving to God.

Isa rin itong pagdiriwang na sumisimbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim … It is also a celebration that symbolizes the unity among Muslims...

Ang Pilipinas ay kinikilalang isang "Kristiyanong" bansa sa Asya. The Philippines is recognized as a "Christian" country in Asia.

Ngunit ang Pilipinas rin ang natatanging Kristiyanong bansa na isina-batas ang pagdiriwang ng ‘Eid al-Fitr' at itinuring ito bilang pambansang holiday. But the Philippines is also the unique Christian country that legislated the celebration of 'Eid al-Fitr' and regarded it as a national holiday.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday ang araw na ito, alam niyo ba kung kailan ito naipatupad?** - Recently this day was made an official holiday, do you know when this was implemented?

Naipatupad ang pagiging pambansang holiday nito noong taong 2002. It became a national holiday in 2002.

Layunin ng pagpapatupad nito na magkaisa ang bansa, Kristiyano man o Muslim, sa pagpapahalaga sa mga araw na may importansya sa bawat isa. The purpose (objective) of its implementation was to unite the country, whether Christian or Muslim, in valuing the days that are important to everyone.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

May mga pagdiriwang pa ba kayong alam na kahalintulad nito? Do you know of any other celebrations similar to this?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!