×

Ми використовуємо файли cookie, щоб зробити LingQ кращим. Відвідавши сайт, Ви погоджуєтесь з нашими правилами обробки файлів «cookie».

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: ANG LUMANG APARADOR NI LOLA | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: ANG LUMANG APARADOR NI LOLA | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Lumang Aparador ni Lola

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Jose Miguel Tejido

(MUSIC)

Mayroon akong kinatatakutan sa aming bahay.

Ito ay ang lumang aparador sa aking silid.

Walang sinuman ang nakabubuhat sa aparador kundi sina Nanay at Tatay.

Ano kaya ang laman nito?

Siguro, isang dambuhalang damit.

Kapag umuulan o dumadagundong ang langit sa kulog at kidlat,

agad kukuha si Nanay ng puting kumot at tatakpan ang salamin ng aparador.

Saka isasara niya ang mga bintana.

Pati ba kulog at kidlat ay takot sa salamin?

Lumang-luma na ang aparador. Kulay putik ito.

May maliliit na ukit ng mga bulaklak sa mga gilid at may mukha ng anghel sa itaas ng salamin.

Sa malayo, tila isang malaking kuweba ito.

Naisip ko, baka may natutulog na higante sa loob.

Iniiwasan kong mapadaan sa harap ng aparador. Baka kasi magising ang higante.

Isang araw, binuksan ni Nanay ang aparador at kinuha ang isang mahalagang dokumento.

Lumangitngit ang pinto nito na parang nabibiyak na lupa.

Kumalat din ang pambihirang amoy ng luma at inaamag na libro.

Natakot ako. Baka lamunin si Nanay ng dambuhalang damit o ng higanteng natutulog sa loob.

Pero walang dambuhalang damit o higanteng kumuha kay Nanay.

Sinilip ko ang loob ng aparador pero agad-agad na isinara ni Nanay.

Minsan, lakas-loob na nanalamin ako sa aparador.

Malaki ang salamin, kitang-kita ang buong katawan ko.

Pero umihip ang kakaibang hangin sa aking likuran.

Tumaas ang puting kurtina sa bintana, at nag-amoy sampaguita ang paligid.

Pakiramdam ko, parang may babaeng nakaputi sa aking likuran.

Kumaripas ako ng takbo.

Mula noon, hindi na ako nagsalamin sa aparador.

"Sa Linggo, magsisimba tayo ng Tatay mo sa bayan.

Ikapitong kaarawan mo, kaya kailangang maganda ang iyong isusuot.

Halika," yaya sa akin ni Nanay. Kinuha niya ang isang bungkos ng mga susi.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Baka lamunin kami ni Nanay ng dambuhalang damit o kaya ay ng higante.

Muling lumangitngit ang pinto ng aparador at kumalat ang amoy ng inaamag na libro.

Hindi ko alam kung tatakpan ko ang aking tainga o ang aking ilong.

Pero hindi man lang natakot si Nanay.

Namangha ako nang ilabas ni Nanay ang isang napakagandang bestida.

Noon lamang ako nakakita ng ganoon kagandang bestida, kulay rosas, pinaulanan ng pulang-pula at maliliit na rosas.

Buhay na buhay ang mga rosas. At mayroon itong malaking lasong puti sa likod.

Lapat na lapat sa akin ang bestida, parang isinukat ng modista sa akin.

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa aming eskuwelahan, kailangan kong magsuot ng kasuotang Pilipino.

Agad inilabas ni Nanay mula sa aparador ang kasuotang terno na punong-puno ng masalimuot na burda.

At noong ako'y magkumunyon, inilabas naman ni Nanay ang puting-puting bestida

na may katerno pang belo na yari sa pina.

At noong ako'y sabitan ng medalya, namangha ang aking mga guro at mga kaklase sa isinuot kong bestida.

Ang tela nito'y sinasaniban ng liwanag sa gabi at may mga burda pang mga bituin.

Lalo akong nahiwagaan sa lumang aparador.

Siguro, may isang malaking makinang-panahi sa loob nito na gumagawa ng magagandang damit na isinusuot ko.

Minsan ay kinuha ko ang bungkos ng mga susi ni Nanay at sinubukan kong buksan ang aparador.

Mahigpit ang pagkakapinid ng pinto at

anuman ang gawin kong pagpihit at pag-ikot-ikot sa kalawanging susi ay hindi ko talaga mabuksan.

Isang gabi, habang nagsusuklay sa harap ng salamin si Nanay ay tinanong ko siya tungkol sa aparador.

"Ang aparador na ito ay minana ko sa iyong Lola Dominga.

Kilala siyang magaling na mananahi at magbuburda noong panahon ng mga Amerikano.

Kapag may sobrang tela ay tinatahi niya ako ng bestida," kuwento ni Nanay.

"Matibay ang aparador na ito,

hindi nagbabago ang kulay o inaanay.

Sa amin ng iyong tatay, ito ang pinakamahalagang gamit dito sa ating bahay."

Binuksan ni Nanay ang aparador.

Namangha ako sa aking nakita.

Maayos na naka-hanger ang kay gagandang mga bestida na iba-iba ang kulay; gayundin ang parang buhay na buhay na mga burda.

Marami ring nakaikid na sinulid at kahon.

Nang buksan ni Nanay ang unang kahon, nakita ko ang maraming karayom na iba-iba ang laki.

At sa sumunod na kahon, sumambulat ang kay daming larawan.

Sa bawat larawan ay naroon ang batang suot ang mga damit na isinuot ko.

Tinanong ko si Nanay kung sino iyong bata. "

Hulaan mo. Hindi mo ba siya nakikilala?" sabi ni Nanay.

Pumustu-pustura siya at ginaya pa ang ayos ng bata sa larawan.

"Ay, oo nga!" Si Nanay ang nasa mga larawan, ang may suot ng magagandang damit na isinuot ko!

Hindi ako dapat matakot sa lumang aparador.

Dapat kong alagaan tulad ng pag-aalaga rito nina Nanay at Tatay dahil ito ay alaala ng aking Lola Dominga.

Tama si Nanay. Magaling na mananahi at magbuburda si Lola Dominga.

Naisusuot ko pa rin ang mga bestidang tinahi niya para kay Nanay noon.

Pakiramdam ko, kilalang-kilala niya ako, dahil lapat na lapat sa akin ang mga damit na tinahi niya para kay Nanay.

Nasabik ako. Sana, ikalabingwalong kaarawan ko na.

Kinabukasan ay binuksan kong mag-isa ang aparador.

Tiningnan ko sa mga larawan ang magandang babaeng laging may akay kay Nanay.

Kay ganda pala ng aking Lola Dominga!

Kay ganda niyang ngumiti. Pakiramdam ko ay nagkasama kami nang matagal.

Ngayon, tuwing mapapadaan o magsasalamin ako sa aparador, lalong napapamahal sa akin ang aking Lola Dominga, ang aking magaling na mananahi at magbuburdang Lola.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: ANG LUMANG APARADOR NI LOLA | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH: LOLAS ALTER GARDEROBE | KINDERBUCH MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: LOLA'S OLD WARDROBE | CHILDREN'S BOOK WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Lumang Aparador ni Lola Omas alter Kleiderschrank Grandmother's Antique Wardrobe

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz ||Genaro|Gojo| Story by Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Jose Miguel Tejido Zeichnung von Jose Miguel Tejido Illustrated by Jose Miguel Tejido

(MUSIC) (MUSIC)

Mayroon akong kinatatakutan sa aming bahay. There is||fear||our| Ich habe etwas in unserem Haus zu befürchten. There's something in our house that's giving me the creeps.

Ito ay ang lumang aparador sa aking silid. |||old|wardrobe|||room Das ist der alte Kleiderschrank in meinem Zimmer. It's the antique wardrobe in my bedroom.

Walang sinuman ang nakabubuhat sa aparador kundi sina Nanay at Tatay. |||heben||||||| |anyone||can lift|||except|||| Niemand außer Mama und Papa hebt den Schrank hoch. No one except Mother and Father could move it.

Ano kaya ang laman nito? |might||content| Was ist darin enthalten? I wonder what's inside it.

Siguro, isang dambuhalang damit. ||huge| Vielleicht ein riesiges Kleid. Maybe, it's a monster-dress.

Kapag umuulan o dumadagundong ang langit sa kulog at kidlat, |||grollt||||||Blitz When|||rumbling||sky||thunder||lightning Wenn es regnet oder der Himmel vor Donner und Blitz grollt, When it rains or when the sky booms with thunder and lightning,

agad kukuha si Nanay ng puting kumot at tatakpan ang salamin ng aparador. ||||||||abdecken|||| immediately|will get||||white|blanket||will cover||mirror of the cabinet|| Mama wird sofort ein weißes Laken holen und den Spiegel des Schranks abdecken. Mother quickly grabs a white sheet and covers the wardrobe mirror.

Saka isasara niya ang mga bintana. |wird schließen|||| Then|will close||||windows Dann würde er die Fenster schließen. Then she closes the windows.

Pati ba kulog at kidlat ay takot sa salamin? also||thunder||lightning||||mirror Haben Donner und Blitz auch Angst vor dem Spiegel? I wonder if thunder and lightning are also scared of the mirror.

Lumang-luma na ang aparador. Kulay putik ito. ||||||Schlammfarbe| |||||color|mud| Der Kleiderschrank ist sehr alt. Es hat die Farbe von Schlamm. The wardrobe is very old. It is the color of mud.

May maliliit na ukit ng mga bulaklak sa mga gilid at may mukha ng anghel sa itaas ng salamin. |||Gravuren|||Blumen|||Ränder|||||||oben an||Spiegel |||carvings|||flowers|||sides|||||angel||above|| An den Seiten befinden sich kleine Schnitzereien mit Blumen und über dem Spiegel befindet sich ein Engelsgesicht. On its sides are small flower carvings and there's a face of an angel above the mirror.

Sa malayo, tila isang malaking kuweba ito. |in the distance|seems like|||cave| Aus der Ferne sah es aus wie eine große Höhle. From afar, it looks like a giant cave.

Naisip ko, baka may natutulog na higante sa loob. I thought||maybe||sleeping||giant||inside Ich dachte, da drinnen könnte ein schlafender Riese sein. I think an ogre is sleeping inside.

Iniiwasan kong mapadaan sa harap ng aparador. Baka kasi magising ang higante. Ich vermeide||vorbeigehen||||||||| ||pass by||front|||||wake up|| Ich vermeide es, am Schrank vorbeizugehen. Vielleicht wacht der Riese auf. I avoid passing by the wardrobe, lest I wake up the ogre.

Isang araw, binuksan ni Nanay ang aparador at kinuha ang isang mahalagang dokumento. ||||||||||||document Eines Tages öffnete Mama den Schrank und holte ein wichtiges Dokument heraus. One day, Mom opened the wardrobe and took out an important document.

Lumangitngit ang pinto nito na parang nabibiyak na lupa. knarrte||||||aufreißend|| creaked||||||cracking|| Seine Tür knarrte, als würde die Erde brechen. The door creaked like a breaking ground.

Kumalat din ang pambihirang amoy ng luma at inaamag na libro. ||||||||verschimmelte|| spread|||extraordinary|smell||||moldy|| Auch der ungewöhnliche Geruch alter und schimmeliger Bücher machte sich breit. The extraordinary smell of old and moldy books spread.

Natakot ako. Baka lamunin si Nanay ng dambuhalang damit o ng higanteng natutulog sa loob. |||swallow||||huge||||||| Ich war ängstlich. Mama könnte von einem riesigen Kleid oder einem darin schlafenden Riesen verschluckt werden. I was scared. Maybe Mom will be eaten by the monster-dress or the ogre sleeping inside.

Pero walang dambuhalang damit o higanteng kumuha kay Nanay. ||huge|||||| Aber es gibt kein Riesenkleid oder Riesenkleid, das Mama mitnehmen könnte. But no monster-dress or an ogre took over Mom.

Sinilip ko ang loob ng aparador pero agad-agad na isinara ni Nanay. ||||||||||geschlossen|| I looked into||||||||||closed|| Ich warf einen Blick in den Schrank, aber Mama schloss ihn sofort. I peeked inside the wardrobe but Mom immediately closed it.

Minsan, lakas-loob na nanalamin ako sa aparador. ||||schaute hinein||| ||||looked in the mirror||| Einmal hatte ich den Mut, in den Schrank zu schauen. One time, I got brave enough to stand before the wardrobe mirror.

Malaki ang salamin, kitang-kita ang buong katawan ko. |||||||Körper| ||mirror|||||| Die Brille ist groß, mein ganzer Körper ist sichtbar. The mirror is long and wide I could see my whole body in it.

Pero umihip ang kakaibang hangin sa aking likuran. |blew||||||back Aber ein seltsamer Wind blies mir in den Rücken. But a cold wind blew behind me.

Tumaas ang puting kurtina sa bintana, at nag-amoy sampaguita ang paligid. |||||||||Jasminblüte|| rose|||||||||jasmine||surroundings Der weiße Vorhang am Fenster öffnete sich und die Umgebung duftete nach Tulpen. The white curtains at the window billowed, and I smelled

Pakiramdam ko, parang may babaeng nakaputi sa aking likuran. |||||weiß gekleidet||| |||||in white||| Ich hatte das Gefühl, als stünde eine Frau in Weiß hinter mir. the fragrance of sampaguita* I felt a lady in white was standing behind me.

Kumaripas ako ng takbo. I ran||| Ich lief schnell. I ran as fast as I could.

Mula noon, hindi na ako nagsalamin sa aparador. |||||im Spiegel gesehen|| |||||looked in the mirror|| Seitdem habe ich nicht mehr in den Schrank geschaut. I never looked in the mirror again.

"Sa Linggo, magsisimba tayo ng Tatay mo sa bayan. ||In den Gottesdienst|||||| „Am Sonntag gehen dein Vater und ich in die Stadt in die Kirche. "On Sunday. we'll hear Mass in town with your Father.

Ikapitong kaarawan mo, kaya kailangang maganda ang iyong isusuot. Siebter|||||||| seventh||||||||outfit Es ist dein siebter Geburtstag, also musst du etwas Schönes anziehen. It's your seventh birthday so you have to wear something nice.

Halika," yaya sa akin ni Nanay. Kinuha niya ang isang bungkos ng mga susi. ||||||||||Schlüsselbund||| |||||||||||||keys Komm schon“, sagte Mama zu mir. Sie nahm einen Schlüsselbund. Come," Mother said to me. She got a bunch of keys.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Schneller schlagen||Schlag|||Herz ||beat|||heart Mein Herz schlug schneller. My heart beat faster.

Baka lamunin kami ni Nanay ng dambuhalang damit o kaya ay ng higante. |swallow|||||huge|||||| Mama und ich könnten von einem riesigen Kleid oder einem Riesen verschluckt werden. The monster-dress or the sleeping ogre might swallow Mother and me.

Muling lumangitngit ang pinto ng aparador at kumalat ang amoy ng inaamag na libro. |creaked||||||spread|||||| Die Schranktür knarrte erneut und der Geruch von schimmeligen Büchern breitete sich aus. Again, the door of the wardrobe creaked and I smelled the moldy book.

Hindi ko alam kung tatakpan ko ang aking tainga o ang aking ilong. ||||||||Ohr||||Nase ||||I will cover||||ear||||nose I did not know which to cover, my ears or my nose.

Pero hindi man lang natakot si Nanay. Aber Mama hatte nicht einmal Angst. But Mother was not frightened at all.

Namangha ako nang ilabas ni Nanay ang isang napakagandang bestida. was amazed|||to take out|||||very beautiful| Ich war erstaunt, als Mama ein wunderschönes Kleid herausbrachte. I was amazed when Mother brought out a very pretty dress.

Noon lamang ako nakakita ng ganoon kagandang bestida, kulay rosas, pinaulanan ng pulang-pula at maliliit na rosas. ||||||wunderschönen||||übersät mit||||||| |||||such|beautiful|||pink|showered||red|||||roses Erst dann sah ich ein so wunderschönes Kleid, rosa, übersät mit Purpur und kleinen Rosen. It was the prettiest dress I've ever seen—it was pink, and decorated with small red roses.

Buhay na buhay ang mga rosas. At mayroon itong malaking lasong puti sa likod. ||||||||||große weiße Schleife||| ||||||||||thorn|white|| The roses looked real. The dress had a big white ribbon on its back.

Lapat na lapat sa akin ang bestida, parang isinukat ng modista sa akin. Perfekt passend||||||||maßgeschneidert||Schneiderin|| ||fits||||||measured|||| Das Kleid passt mir sehr gut, als hätte mich die Schneiderin gemessen. It fitted me perfectly, like the dressmaker had known my measurements all along.

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa aming eskuwelahan, kailangan kong magsuot ng kasuotang Pilipino. |||||||||||||traditionelle Kleidung| |celebration||||||||||||outfit| During the celebration of Language Week in school, I had to wear a Filipino dress.

Agad inilabas ni Nanay mula sa aparador ang kasuotang terno na punong-puno ng masalimuot na burda. |herausgeholt||||||||passendes Kleidungsstück|||||aufwendige||Stickerei |||||||||suit|||full||||embroidery Mama holte sofort den Anzug voller aufwendiger Stickereien aus dem Schrank. Mother brought out from the wardrobe a native dress with butterfly sleeves which had a delicate embroidery.

At noong ako'y magkumunyon, inilabas naman ni Nanay ang puting-puting bestida |||zur Kommunion gehen|||||||| |||take communion|||||||| Und als ich die Kommunion empfing, holte Mutter die weiße Vestida heraus And when I had my first communion, Mother again brought out from the wardrobe a white dress.

na may katerno pang belo na yari sa pina. ||passendes||Schleier||||Ananasfaser ||matching||||made||pineapple mit einem Katerno-Schleier aus Pina. There was even a veil made of piña that came with it.

At noong ako'y sabitan ng medalya, namangha ang aking mga guro at mga kaklase sa isinuot kong bestida. |||umhängen||Medaille|||||||||||| |||awarded||medal|||||||||||| Und als ich die Medaille aufhängte, staunten meine Lehrer und Klassenkameraden über das Outfit, das ich trug. And when I received a medal, my teachers and classmates were awed by my dress.

Ang tela nito'y sinasaniban ng liwanag sa gabi at may mga burda pang mga bituin. ||dieses hier|durchdrungen||||||||||| |fabric|this|is infused||light||||||embroidery|||stars Sein Stoff wird durch Nachtlicht beleuchtet und ist mit aufgestickten Sternen versehen. The fabric glittered at night and was even embroidered with stars.

Lalo akong nahiwagaan sa lumang aparador. ||Noch mehr fasziniert||| ||I became curious||| Besonders fasziniert hat mich der alte Kleiderschrank. I became more fascinated with the wardrobe.

Siguro, may isang malaking makinang-panahi sa loob nito na gumagawa ng magagandang damit na isinusuot ko. |||||Nähmaschine||||||||||| |||||sewing||||||||||I wear| Vielleicht gibt es darin eine große Nähmaschine, die die schönen Kleider herstellt, die ich trage. Maybe, inside it was a big sewing machine that sewed all the pretty dresses I've been wearing.

Minsan ay kinuha ko ang bungkos ng mga susi ni Nanay at sinubukan kong buksan ang aparador. One time, I took Mother's bunch of keys and tried to open the wadrobe.

Mahigpit ang pagkakapinid ng pinto at ||feste Schließung||| ||closing||| The door was shut tight.

anuman ang gawin kong pagpihit at pag-ikot-ikot sa kalawanging susi ay hindi ko talaga mabuksan. ||||Drehen||||||rostigen|||||| ||||||||||the rusty|||||| Egal wie sehr ich den rostigen Schlüssel drehe und drehe, ich kann ihn nicht wirklich öffnen. I turned the key this way and that way but it would not open.

Isang gabi, habang nagsusuklay sa harap ng salamin si Nanay ay tinanong ko siya tungkol sa aparador. |||kämmte sich||||||||||||| |||combing||||||||||||| One night, while Mother was combing her hair before the mirror, I asked her about the wardrobe.

"Ang aparador na ito ay minana ko sa iyong Lola Dominga. |||||geerbt von|||||Dominga |||||inherited|||||Dominga "I inherited this wardrobe from your Grandmother Dominga.

Kilala siyang magaling na mananahi at magbuburda noong panahon ng mga Amerikano. ||||Schneiderin||Stickerei machen||||| ||||seamstress||will embroider||||| She was a well-known dressmaker and embroiderer during the American Occupation.

Kapag may sobrang tela ay tinatahi niya ako ng bestida," kuwento ni Nanay. |||||genäht||||||| |||fabric|(there)|sews||||||| Wenn noch Stoff übrig ist, näht sie mir ein Kleid“, sagte Mama. Whenever she found some cloth lying around, she'd sew me a dress," Mother said.

"Matibay ang aparador na ito, This wardrobe is sturdy.|||| „Dieser Schrank ist stark, "This wardrobe is very sturdy.

hindi nagbabago ang kulay o inaanay. |||||verrottet |||||termite The color never fades, and it's never prone to termites.

Sa amin ng iyong tatay, ito ang pinakamahalagang gamit dito sa ating bahay." Für deinen Vater und mich ist das das Wichtigste in unserem Haus.“ Between your father and me, it's the most treasured possession in this house."

Binuksan ni Nanay ang aparador. Mama öffnete den Schrank. Mother opened the wardrobe.

Namangha ako sa aking nakita. Ich war erstaunt über das, was ich sah. I couldn't believe what I saw.

Maayos na naka-hanger ang kay gagandang mga bestida na iba-iba ang kulay; gayundin ang parang buhay na buhay na mga burda. |||Kleiderbügel|||wunderschönen|||||||||||||||| ||||||beautiful||||||||likewise|||||||| Ihre schönen Kleidungsstücke in verschiedenen Farben hängen ordentlich auf Kleiderbügeln; sowie naturgetreue Stickereien. Arranged neatly were very pretty dresses of different colors; also life-like embroideries.

Marami ring nakaikid na sinulid at kahon. ||aufgewickelt||Faden|| ||||thread||box Es gibt auch viele enge Fäden und Boxen. There were threads in spools and boxes.

Nang buksan ni Nanay ang unang kahon, nakita ko ang maraming karayom na iba-iba ang laki. |opened||||||||||needles||||| Als Mama die erste Schachtel öffnete, sah ich viele Nadeln unterschiedlicher Größe. When Mother opened the first box, I saw needles of different sizes.

At sa sumunod na kahon, sumambulat ang kay daming larawan. |||||bursting forth||||pictures Und in der nächsten Box platzen viele Bilder von dir heraus. From the next box, photographs spilled out.

Sa bawat larawan ay naroon ang batang suot ang mga damit na isinuot ko. Auf jedem Bild ist das Kind zu sehen, das die Kleidung trägt, die ich trug. In every picture was a little girl who wore the clothes I've worn.

Tinanong ko si Nanay kung sino iyong bata. " Ich habe Mama gefragt, wer dein Kind ist. " I asked Mother who the little girl was.

Hulaan mo. Hindi mo ba siya nakikilala?" sabi ni Nanay. Rate mal.||||||erkennst||| guess||||||recognizing||| Erraten Sie, was. Kennst du ihn nicht?“, sagte Mama. "Make a guess. Don't you recognize her?" Mother said.

Pumustu-pustura siya at ginaya pa ang ayos ng bata sa larawan. Er posierte nach.|Er posierte nach.|||||||||| posture||||imitated||||||| Er posiert und imitiert sogar die Haltung des Kindes auf dem Bild. She posed this way and that way, and even imitated the pose of the little girl in the picture.

"Ay, oo nga!" Si Nanay ang nasa mga larawan, ang may suot ng magagandang damit na isinuot ko! ||||||||||||||clothes||| "Oh ja!" Mama ist diejenige auf den Bildern, die die wunderschönen Kleider trägt, die ich trug! "Oh, yes!" It is Mother who's in the photographs, wearing all those pretty dresses I've worn!

Hindi ako dapat matakot sa lumang aparador. Ich sollte keine Angst vor der alten Garderobe haben. I shouldn't be frightened of the wardrobe.

Dapat kong alagaan tulad ng pag-aalaga rito nina Nanay at Tatay dahil ito ay alaala ng aking Lola Dominga. |||||||||||||||memory|||| Ich muss mich darum kümmern, wie Mama und Papa sich darum kümmern, denn es ist eine Erinnerung an meine Oma Dominga. I should care for it like Mother and Father do because it's the only thing to remember Grandmother Dominga by.

Tama si Nanay. Magaling na mananahi at magbuburda si Lola Dominga. Mama hat recht. Lola Dominga war eine gute Näherin und Stickerin. Mother is right. Grandmother Dominga was a good dressmaker and embroiderer.

Naisusuot ko pa rin ang mga bestidang tinahi niya para kay Nanay noon. Ich trage||||||Kleider|genäht hat||||| I can still wear|||||||sewed||||| Ich kann immer noch die Kleidung tragen, die sie damals für Mama genäht hat. Can you imagine? I can still wear the clothes she sewed for Mother.

Pakiramdam ko, kilalang-kilala niya ako, dahil lapat na lapat sa akin ang mga damit na tinahi niya para kay Nanay. ||familiar|||||fit|||||||||sewed|||| Ich habe das Gefühl, dass sie mich gut kennt, weil mir die Kleidung, die sie für Mama genäht hat, so gut passt. I think she knew me well, otherwise the dresses she made for Mother wouldn't fit me at all.

Nasabik ako. Sana, ikalabingwalong kaarawan ko na. |||achtzehnten||| I am excited|||eighteenth||| Ich war aufgeregt. Hoffentlich ist es mein achtzehnter Geburtstag. I wish it were my eighteenth birthday already.

Kinabukasan ay binuksan kong mag-isa ang aparador. Am nächsten Tag öffnete ich den Schrank alleine. The next day, I opened the wardrobe by myself.

Tiningnan ko sa mga larawan ang magandang babaeng laging may akay kay Nanay. ||||||||||an der Seite|| ||||||||||company|| Ich habe mir die Bilder des schönen Mädchens angeschaut, immer bei Mama. I looked at the lovely woman with Mother in the photographs.

Kay ganda pala ng aking Lola Dominga! Wie schön ist meine Lola Dominga! How pretty my Grandmother Dominga was!

Kay ganda niyang ngumiti. Pakiramdam ko ay nagkasama kami nang matagal. |||||||zusammen gewesen||| |||||||were together||| Weil sie wunderschön lächelt. Ich habe das Gefühl, dass wir schon lange zusammen sind. How pretty she smiled! I feel we were together for a long time.

Ngayon, tuwing mapapadaan o magsasalamin ako sa aparador, lalong napapamahal sa akin ang aking Lola Dominga, ang aking magaling na mananahi at magbuburdang Lola. ||vorbeigehe||in den Spiegel schauen|||||immer wertvoller|||||||||||||Stickerei machen| ||passing by||I look in the mirror||||||||||||||||||embroidery| Jedes Mal, wenn ich jetzt vorbeikomme oder in den Schrank schaue, liebe ich meine Lola Dominga, meine gute Näh- und Stick-Oma. Now, every time I pass by the wardrobe or look in the mirror, my love for grandmother Dominga grows deeper.