×

Ми використовуємо файли cookie, щоб зробити LingQ кращим. Відвідавши сайт, Ви погоджуєтесь з нашими правилами обробки файлів «cookie».

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: PAPEL DE LIHA (SANDPAPER) PAG-GALANG SA IYONG INA WITH TAGALOG & ENGLISH SUBTITLES

FILIPINO BOOK: PAPEL DE LIHA (SANDPAPER) PAG-GALANG SA IYONG INA WITH TAGALOG & ENGLISH SUBTITLES

Papel de Liha

Kuwento ni Ompong Remigio

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Ang nanay ko, ang imis-imis.

Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon.

Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon.

Pag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.

Dadako siya sa sala at mag-aayos.

Pag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon.

Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon.

Pag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi.

Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon.

Pag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon.

Pay may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit.

Pag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon.

Pag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon.

Pag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa.

Pag may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon.

Pag may aah-aah na naiwan buhos dito, buhos doon.

Pag may ooh-ooh na sumingit buhos dito, buhos doon.

Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan.

Pag may dahong naglaglagan, walis dito, walis doon.

Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon.

Pay may uod na naipon, alis dito, alis doon.

'Yan si Nanay. Ang imis-imis.

Maghapon at magdamag, kiskis-kuskos. Higpit-ligpit.

Salang-sigang. Tali-tagpi. Walis-palis.

Isang araw dumating si Tita Maring.

Ang sabi niya: "Ano ba naman Milagring!

Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo.

Parang papel de liha na pang-isis.

Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo."

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay?

Bakit? Ano ang papel de liha?

Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko.

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha.

Magaspang ito. Mahapdi sa balat.

Gasgas ang kahoy sa isang kaskas.

Nisnis ang damit sa isang isis.

Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay?

Minsan, nilagnat ako at napilitang mahiga.

Si Nanay, tumabi sa akin.

Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon.

Nang sumama ang pakiramdam ko lunas dito, lunas doon.

Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon.

Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay?

Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos siya sa akin?

Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.

Mali si Tita Maring.

Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.

Noong magaling na ako, nakita ko na naman si Nanay na umiikot ng bahay.

Pag di pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon.

Pag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon.

Pag may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon.

Pag may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon.

Pag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon.

Pag may ligaw na kuting, kupkop dito, kupkop doon.

Minsan, nakita kong magkahawak-kamay si Nanay at Tatay.

Ang sarap tingnan.

Mali talaga si Tita Maring.

Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.

Hindi papel de lihang isis dito, isis doon.

Kiskis dito, kiskis doon.

Kaskas dito, kaskas doon.

Pero di ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya?

"Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho," ang sabi niya.

Inisip ko, pinalambot ng magaspang na kamay ni Nanay ang unan sa ulo ko.

Ang manok na nilaga.

Ang kutson sa upuan.

Ang medyas at kamiseta ni Tatay.

Ang lupang batuhan.

Pati lumang pandesal lumambot din.

Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya.

Pakiramdam ko, kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: PAPEL DE LIHA (SANDPAPER) PAG-GALANG SA IYONG INA WITH TAGALOG & ENGLISH SUBTITLES |||||sandpaper||respect||||||| PHILIPPINISCHES BUCH: PAPEL DE LIHA (SCHLEIFPAPIER) RESPEKTIEREN DEINE MUTTER MIT TAGALOG UND ENGLISCHEN UNTERTITELN FILIPINO BOOK: PAPEL DE LIHA (SANDPAPER) RESPECTING YOUR MOTHER WITH TAGALOG & ENGLISH SUBTITLES

Papel de Liha ||sandpaper Sandpaper

Kuwento ni Ompong Remigio ||Ompong Remigio|Remigio (1) Story by Ompong Remigio

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero Illustrations by Beth Parrocha-Doctolero

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

Ang nanay ko, ang imis-imis. ||||messy| My mother is so neat.

Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. ||||scrape||scrape| If there's something icky and sticky, she rubs here and there.

Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. |||||scrub||scrub| When there is a stain on the clothes, rub here, rub there.

Pag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon. |||||||scrape| If the shirt is blotchy, she scrubs here and there,

Dadako siya sa sala at mag-aayos. She will go|||living room||| She'll go to the living room and tidy up,

Pag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon. ||newspaper|scattered around|clean up||pick up| If the morning paper's crumply, she folds here and there,

Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. ||screw|loose|tighten||tighten| If the screw's screwed loosely, she twists here and there.

Pag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon. |||||poking||poking| if the pillow is lumpy, she fluffs here and there.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi. |||||will investigate She'll go inside the kitchen and tinker.

Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. ||dish|||put it||put it| if the food is icy, she boils here and there.

Pag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon. |||fresh fish|||sinigang soup| If the fish is jumpy, she stews here and there.

Pay may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon. ||stove|||you||there| If the stove is wobbly, she wedges here and there.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. will go|||||||| She'll go to my room and go through my things.

Pag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon. ||strap|||tie||| If the laces are forlorn, she ties here and there.

Pag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon. ||cut||hem|||| If the hem's torn, she sews here and there.

Pag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon. ||hole|||patch||patch (2)| if the crotch is worn, she patches here and there.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa. will bathe||||||will inquire She'll pass by the bathroom and have a look-see.

Pag may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon. ||pee||||||pour| If drops of wee-wee have gone astray, she splashes here and there.

Pag may aah-aah na naiwan buhos dito, buhos doon. ||ah|aah sound|||||| If bits of aah-aah are on display, she flushes here and there.

Pag may ooh-ooh na sumingit buhos dito, buhos doon. there|||||squeezes in|||| If little ooh-oohs get in the way, she washes here and there.

Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. will walk|||the yard|||garden She'll go to the backyard, to the garden,

Pag may dahong naglaglagan, walis dito, walis doon. |||falling down|broom||| If the leaves have gone a-falling, she sweeps here and there.

Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. ||bird droppings|||peck||palis (2) there| If the birds have gone a-dropping, she scrapes here and there.

Pay may uod na naipon, alis dito, alis doon. ||worm||accumulated|||out| If the worms are up and crawling, she plucks here and there.

'Yan si Nanay. Ang imis-imis. That's my mom who's really, really neat.

Maghapon at magdamag, kiskis-kuskos. Higpit-ligpit. |||||Tighten up|tighten up The whole afternoon, the whole day she rubs and scrubs, fold and fluffs,

Salang-sigang. Tali-tagpi. Walis-palis. simmers and stews, patches and sews, sweeps and scrapes, mends and tapes.

Isang araw dumating si Tita Maring. |||||Aunt Maring One day, for a visit came my Aunt Maring.

Ang sabi niya: "Ano ba naman Milagring! ||||||Miracle She said, "What's wrong with you, Milagring?

Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. |||||||||thickened||roughened|||palms| You keep on scrub-sweep-scouring and scrub-sweep-scouring until your palms have gone roughed and thick-skinned.

Parang papel de liha na pang-isis. ||||||sanding It's like sandpaper!

Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo." |slowly||||soften||skin|||||||||| So, please take a break and smoothen your skin or Turing may not hold your hand!"

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? ||will hold|||||| My father will not hold my mother's hands? Why?

Bakit? Ano ang papel de liha? What is sandpaper?

Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko. I looked for sandpaper all over the house, but I found only Japanese paper.

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. ||||||Aunt Epang||||||| I went to Mrs. Epang's store and bought some sandpaper.

Magaspang ito. Mahapdi sa balat. ||painful|| It was coarse. It scratched and stung my skin,

Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. scrape||wood|||sanding tool The wood was scraped in a scratch.

Nisnis ang damit sa isang isis. Nisnis (1)||||| The cloth was torn in a rub.

Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay? |||rough|||| I couldn't imagine that my mother's hands could be this rough.

Minsan, nilagnat ako at napilitang mahiga. |I had a fever||||lie down There was a time when I was feverish and I had to stay in bed.

Si Nanay, tumabi sa akin. My mother stayed close to me.

Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon. |||||||wiping| When I was hot and shivery, she bathed me here and there.

Nang sumama ang pakiramdam ko lunas dito, lunas doon. |||||||relief| When I felt weak and shaky, she cured me here and there.

Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon. ||||bones||rub||rub| When my bones were all achy, she massaged me here and there.

Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? But how come my mother's touch never did hurt?

Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos siya sa akin? |||||||he touched||touched||| And my skin wasn't scratched.

Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay. ||felt better||||| Her touch made me feel so much better.

Mali si Tita Maring. Aunt Maring was wrong.

Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. My mother's palms were not like sandpaper at all.

Noong magaling na ako, nakita ko na naman si Nanay na umiikot ng bahay. |||||||||||walking around|| When I was well enough, I saw my mother working in the house again.

Pag di pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. ||uneven||hem of|||||will fly| if the curtains need some mending, she stiches here and there.

Pag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon. |||||peek||peek| If some mouse would go a-hiding, she peeps here and there.

Pag may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon. ||rice||rice|threshing||threshing| if the rice still needs some husking, she tosses here and there.

Pag may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon. ||toys|scattered toys|pick up||pick up| if the toys are thrown all over, she plops them here and there.

Pag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon. |||touch||pat down| If a bruise on my head's a bother, she comforts me here and there.

Pag may ligaw na kuting, kupkop dito, kupkop doon. |||||adopt here||adopt (verb)| If a kitten strays from somewhere, she keeps it here and there.

Minsan, nakita kong magkahawak-kamay si Nanay at Tatay. |||holding hands||||| There was a time I saw my mother and father holding hands.

Ang sarap tingnan. It was a sight to behold.

Mali talaga si Tita Maring. Aunt Maring was wrong.

Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. My mother's palms are not like sandpaper.

Hindi papel de lihang isis dito, isis doon. |||lihang (1)|||| Not like sandpaper that scrapes here and there,

Kiskis dito, kiskis doon. scrathes here and there, rubs here and there.

Kaskas dito, kaskas doon. Scratch here, scratch there.

Pero di ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya? |||||stand|||||||||||||||||| But still I can't help asking my mother about Aunt Maring's remark that her palms felt like sandpaper.

"Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho," ang sabi niya. |thick||||||||||working||| "Dear child, my palms are thick and coarse because I'm always working," my mother said.

Inisip ko, pinalambot ng magaspang na kamay ni Nanay ang unan sa ulo ko. ||softened||rough||||||pillow||| My Mother's coarse palms made the pillow I slept on so soft.

Ang manok na nilaga. |||boiled The boiled chicken...

Ang kutson sa upuan. |cushion on|| The cushions on the seat...

Ang medyas at kamiseta ni Tatay. |||shirt|| My father's socks and shirts....

Ang lupang batuhan. ||rocky land The rocky soil....

Pati lumang pandesal lumambot din. Also||bread roll|| And even day-old crusty bread....

Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya. |||||held||| I went to my mother and held her hands.

Pakiramdam ko, kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa. |||||||let go| I felt like I did not want to let go....ever.