×

Ми використовуємо файли cookie, щоб зробити LingQ кращим. Відвідавши сайт, Ви погоджуєтесь з нашими правилами обробки файлів «cookie».

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 12: Dinagyang Festival

12: Dinagyang Festival

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-apat na linggo ng Enero, sa Iloilo bilang pagpupugay sa Santo Niño.

Ang "Dinagyang" ay isang salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay magdiwang at magkaroon ng kasiyahan.

Ito ay isa sa mga pista na ginaganap para sa Santo Niño kagaya ng 'Ati-Atihan' ng Aklan at ng 'Sinulog' ng Cebu.

Paano ba ipinagdiriwang ang Dinagyang?

Malalaman natin iyan sa lesson na ito.

- Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot?

Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Unang tinawag ang Dinagyang sa pangalan na "Iloilo Ati-Atihan", para pag-ibahin ito mula sa Ati-Atihan ng Aklan.

Nag-umpisa ito noong 1967 nang dalhin sa Iloilo ang isang replika ng Santo Niño mula sa Cebu.

Sinalubong ng mga deboto ang imahen pagkalapag nito sa paliparan at ipinarada ito sa mga kalye ng Iloilo.

Noong una, ipinagdiriwang lamang ito sa parokya, hanggang sa dumami na ang mga tribu na sumasali taun-taon at naging mas magarbo at mas masigla na ang mga naging selebrasyon.

Isa sa mga pangunahing kaganapan ay ang ‘Kasadyahan'.

Ito'y isang dramatisasyon ng buhay ng mga Aeta pagdating ng mga datu mula Borneo, at ang sumunod na kolonisasyon ng mga isla ng mga Espanyol.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng sayaw.

Tinuturing itong isang kultural na dance parade dahil sa naipapakita nito ang kultura at ilang bahagi ng kasaysayang Pilipino at dahil na rin sa kulay at ganda ng mga kostyum ng mga mananayaw.

Ang mga pinakamahalagang batayan ng pagkapanalo sa kompetisyong ito ay ang tema ng dramatisasyon at galing sa pagsayaw.

Lahat ng mga sayaw ay sinasayaw sa saliw ng tambol.

At lahat ng mga kostyum ng mga mananayaw ay yari sa mga katutubong materyales.

Gaya ng Ati-Atihan ng Aklan, pinipintahan ng itim ng mga mananayaw ang kanilang balat

Isa pa sa mga pinakaaabangang bahagi ng Dinagyang ay ang Iloilo Ati-Ati ‘Dance Competition'.

Sa kompetisyong ito, ang tema ng mga sayaw ay mga pantribong sayaw.

Tunay ngang agaw-atensyon ito dahil sa garbo ng mga kostyum at sigla ng bawat galaw ng mga mananayaw ...

Sinasabing nagsimula ang Dinagyang at Ati-Atihan nang bilhin ng sampung datu ng Borneo ang Panay mula sa mga Aeta.

Ito ay nakatala sa ‘Alamat ng Maragtas', na tinatawag rin na ‘Kodigo ng Maragtas', na nagdedetalye ng pagdating ng sampung datu sa Panay upang takasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw ng Borneo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot?

Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?

'Dagoy' ang pangalan ng mascot ng Dinagyang.

Una siyang ipinakilala bilang opsiyal na mascot ng Dinagyang noong 2004.

Inilalarawan siya bilang isang batang Aetang mandirigma, kayumanggi ang balat, at may suot na headdress na may disenyo ng Santo Niño.

Simbolo siya ng pagkakaibigan ng mga Ilonggo at ng mga turistang dumadayo sa Iloilo para masaksihan ang Dinagyang.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Anong kahalintulad na selebrasyon ang ipinagdiriwang ninyo?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

12: Dinagyang Festival 12: Dinagyang-Fest 12

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-apat na linggo ng Enero, sa Iloilo bilang pagpupugay sa Santo Niño. ||||||||||||||as|tribute||| The Dinagyang Festival is celebrated every fourth week of January, in Iloilo as a tribute to Santo Niño (Holy Child, Infant Jesus).

Ang "Dinagyang" ay isang salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay magdiwang at magkaroon ng kasiyahan. ||||word|||||means||celebrate||have a||joy "Dinagyang" is an Ilonggo word that means 'to celebrate and have fun'.

Ito ay isa sa mga pista na ginaganap para sa Santo Niño kagaya ng 'Ati-Atihan' ng Aklan at ng 'Sinulog' ng Cebu. |||||||held||||||||||||||| This is one of the festivals held for Santo Niño like the 'Ati-Atihan' of Aklan and the 'Sinulog' of Cebu.

Paano ba ipinagdiriwang ang Dinagyang? How||is celebrated|| How is Dinagyang celebrated?

Malalaman natin iyan sa lesson na ito. We will learn that in this lesson ...

**- Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot?** |||||||has a| - Did you know that Dinagyang has a mascot?

**Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?** Do you know what its name is?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will say|||||end|||| We will tell the answer at the end of this video.

Unang tinawag ang Dinagyang sa pangalan na "Iloilo Ati-Atihan", para pag-ibahin ito mula sa Ati-Atihan ng Aklan. First|called|||||||||||differentiate||||||| Dinagyang was first called by the name "Iloilo Ati-Atihan", to differentiate it from the 'Ati-Atihan of Aklan'.

Nag-umpisa ito noong 1967 nang dalhin sa Iloilo ang isang replika ng Santo Niño mula sa Cebu. |||in||||||||||||| It started in 1967 when a replica of Santo Niño was brought to Iloilo from Cebu.

Sinalubong ng mga deboto ang imahen pagkalapag nito sa paliparan at ipinarada ito sa mga kalye ng Iloilo. welcomed|||devotees|||upon landing|||airport||paraded it||||streets|| Devotees warmly greeted the image after it landed at the airport and paraded it through the streets of Iloilo.

Noong una, ipinagdiriwang lamang ito sa parokya, hanggang sa dumami na ang mga tribu na sumasali taun-taon at naging mas magarbo at mas masigla na ang mga naging selebrasyon. ||celebrated|||||||increased||||||participating||||became||lavish|||lively||||became| At first, it was only celebrated in the parish, until the number of tribes that joined every year increased and the celebrations became more elegant and lively.

Isa sa mga pangunahing kaganapan ay ang ‘Kasadyahan'. |||main|event||| One of the main events of the festival is the 'Kasadyahan'.

Ito'y isang dramatisasyon ng buhay ng mga Aeta pagdating ng mga datu mula Borneo, at ang sumunod na kolonisasyon ng mga isla ng mga Espanyol. ||||life|||Aeta people|arrival of||||||||subsequent|||||||| This is a dramatization of the life of the Aetas upon the arrival of the datus from Borneo, and the subsequent colonization of the islands by the Spanish.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng sayaw. |||means|| This is presented through dance.

Tinuturing itong isang kultural na dance parade dahil sa naipapakita nito ang kultura at ilang bahagi ng kasaysayang Pilipino at dahil na rin sa kulay at ganda ng mga kostyum ng mga mananayaw. |||||||||||||||||history||||||||||||||| It is considered a cultural dance parade because it shows the culture and some parts of the Filipino history and also because of the colour and beauty of the costumes of the dancers.

Ang mga pinakamahalagang batayan ng pagkapanalo sa kompetisyong ito ay ang tema ng dramatisasyon at galing sa pagsayaw. ||most important||||||||||||||| The most important criteria for winning this competition are the theme of dramatization and dancing skills.

Lahat ng mga sayaw ay sinasayaw sa saliw ng tambol. |||||are danced||accompaniment|| All dances are performed to the accompaniment (beat) of drums.

At lahat ng mga kostyum ng mga mananayaw ay yari sa mga katutubong materyales. |||||||dancers||made|||| And all the costumes of the dancers are made of native materials.

Gaya ng Ati-Atihan ng Aklan, pinipintahan ng itim ng mga mananayaw ang kanilang balat |||||||||||||their|skin Like the Ati-Atihan of Aklan, the dancers paint their skin black

Isa pa sa mga pinakaaabangang bahagi ng Dinagyang ay ang Iloilo Ati-Ati ‘Dance Competition'. Another of the most anticipated parts of Dinagyang is the Iloilo Ati-Ati 'Dance Competition'.

Sa kompetisyong ito, ang tema ng mga sayaw ay mga pantribong sayaw. ||||||||||tribal| In this competition, the theme of the dances is tribal dances.

Tunay ngang agaw-atensyon ito dahil sa garbo ng mga kostyum at sigla ng bawat galaw ng mga mananayaw ... |||||||grandeur|||||vitality||each|movement|||dancers It is truly an attention grabber because of the elegance of the costumes and the energy of every movement of the dancers...

Sinasabing nagsimula ang Dinagyang at Ati-Atihan nang bilhin ng sampung datu ng Borneo ang Panay mula sa mga Aeta. ||||||||||ten|chiefs|||||||| Dinagyang and Ati-Atihan are said to have started when ten Chiefs of Borneo bought Panay from the Aetas.

Ito ay nakatala sa ‘Alamat ng Maragtas', na tinatawag rin na ‘Kodigo ng Maragtas', na nagdedetalye ng pagdating ng sampung datu sa Panay upang takasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw ng Borneo. |||||||||||||||||||||||in order to|escape from||oppression||||| This is recorded in the 'Legend of Maragtas', also called the 'Code of Maragtas', which details the arrival of ten Chiefs in Panay to escape the tyrrany of Chief Makatanaw of Borneo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot?** - Did you know that Dinagyang has a mascot?

**Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?** Do you know what its name is?

'Dagoy' ang pangalan ng mascot ng Dinagyang. 'Dagoy' is the name of Dinagyang's mascot.

Una siyang ipinakilala bilang opsiyal na mascot ng Dinagyang noong 2004. |||as|||||| He was first introduced as Dinagyang's official mascot in 2004.

Inilalarawan siya bilang isang batang Aetang mandirigma, kayumanggi ang balat, at may suot na headdress na may disenyo ng Santo Niño. |||||||brown-skinned||skin||||||||||| He is depicted as a young Aetan warrior, brown-skinned, and wearing a headdress with a Santo Niño design.

Simbolo siya ng pagkakaibigan ng mga Ilonggo at ng mga turistang dumadayo sa Iloilo para masaksihan ang Dinagyang. He is a symbol of friendship between the Ilonggo people and the tourists visiting Iloilo to witness the Dinagyang.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Anong kahalintulad na selebrasyon ang ipinagdiriwang ninyo? What similar celebration do you celebrate?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!