×

Ми використовуємо файли cookie, щоб зробити LingQ кращим. Відвідавши сайт, Ви погоджуєтесь з нашими правилами обробки файлів «cookie».

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 15: Araw ng mga Puso (Valentine's Day)

15: Araw ng mga Puso (Valentine's Day)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa, ipinagdiriwang din ang “Araw ng mga Puso” tuwing ika-14 ng Pebrero sa PIlipinas.

Pinaghahandaan ng maraming PIlipino lalo na ng mga magkasintahan ang araw na ito para ipaalala at ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga minamahal sa buhay.

Sa lesson na ito, aalamin natin ang mga romantikong kasanayan ng mga Pilipino tuwing “Araw ng mga Puso” ...

Nagiging popular ang mga ‘mass wedding' tuwing “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas.

- Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Para sa mga magkasintahan at mag-asawa hindi mawawala ang palitan ng tsokolate at rosas.

Sa araw na ito, kahit saan ka mapalingon, may siguradong nagbebenta ng mga stuffed toys, rosas at mga tsokolate.

At siyempre, napakaraming mga mag kasintahan ang nagde-date.

At kung hindi niyo pa alam, maraming Pilipino ang tunay na romantiko.

Kaya naman mula sa mga mall, mga restaurants, mga hotels hanggang sa mga amusement parks, napakaraming mga romantikong pakulo ang mayroon.

Marami pa rin ang gumagamit sa araw na ito para magtapat at manligaw.

Siyempre, kung panliligaw na ang usapan, hindi mawawala ang harana sa eksena.

Isa itong tradisyon ng panliligaw.

Mas ginagawa man ito noon kaysa ngayon, marami pa rin ang nakakaalam nito.

Kung dati ang mga kantang pang-harana ay mga kundiman, ngayon, kahit anong romantikong kanta ay maaring kantahin.

Mapa "OPM" man o banyaga, basta kaya nitong ipahayag ang iyong nararamdaman, at kung may lakas ka ng loob, wala ka mang boses, maari mong haranahin ang taong gusto mo.

At malay mo, magustuhan ka rin niya.

Siyempre hindi namimili ang “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas.

Ikaw man ay walang kasintahan, torpe, pakipot o kaya naman ay pinili mo talaga na maging single, huwag kang mag-alala!

Mayroon ring mga "Singles Only" na party sa siyudad!

Malay mo, baka roon mo pa makilala ang nakatadhana para sa iyo ...

Ang mga guro ang karaniwang may pinakamaraming natatanggap na Valentine's Card tuwing “Araw ng mga Puso”.

Kaya kung single ka, at plano mong maging single habangbuhay, ngunit ayaw mong maging tahimik ang iyong Valentine's, alam mo na ang swak na trabaho para sa iyo.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

Nagiging popular ang mga ‘mass wedding' tuwing “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas.

- Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?

Noong taong 2012 higit sa 2000 magkasintahan ang nagpakasal o nag-renew ng kanilang mga wedding vow sa mga mass wedding na isinagawa ng mga lokal na pamahalaan.

Hindi mahalaga kung magarbo man o hindi, ang mahalaga ay ang sumpaan na sila'y magsasama habang-buhay at patuloy na mamahalin ang isa't-isa.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Anong ginagawa niyo tuwing “Araw ng mga Puso”?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

15: Araw ng mga Puso (Valentine's Day) 15: Valentinstag 15: Day of the Hearts (Valentine's Day) 15: Día de San Valentín

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa, ipinagdiriwang din ang “**Araw ng mga Puso**” tuwing ika-14 ng Pebrero sa PIlipinas. As other countries do, "Valentine's Day" is also celebrated every February 14th in the Philippines.

Pinaghahandaan ng maraming PIlipino lalo na ng mga magkasintahan ang araw na ito para ipaalala at ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga minamahal sa buhay. Many Filipinos, especially lovers, prepare this day to remind and exoress their appreciation to their loved ones.

Sa lesson na ito, aalamin natin ang mga romantikong kasanayan ng mga Pilipino tuwing “Araw ng mga Puso” ... In this lesson, we will learn the romantic practices of Filipinos during "Valentine's Day"...

Nagiging popular ang mga ‘mass wedding' tuwing “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas. 'Mass weddings' are becoming popular during "Valentine's Day" in the Philippines.

**- Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?** - Do you know how many couples got married and renewed their wedding vows in 2012?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Para sa mga magkasintahan at mag-asawa hindi mawawala ang palitan ng tsokolate at rosas. For lovers and married couples, the exchange of chocolate and roses is a must.

Sa araw na ito, kahit saan ka mapalingon, may siguradong nagbebenta ng mga stuffed toys, rosas at mga tsokolate. On this day, everywhere you turn, there are sure stuffed toys, roses and chocolates being sold.

At siyempre, napakaraming mga mag kasintahan ang nagde-date. And of course, a lot of girlfriends and boyfriends are going on dates.

At kung hindi niyo pa alam, maraming Pilipino ang tunay na romantiko. And if you don't already know, many Filipinos are actually true romantics.

Kaya naman mula sa mga mall, mga restaurants, mga hotels hanggang sa mga amusement parks, napakaraming mga romantikong pakulo ang mayroon. That's why from malls, restaurants, hotels to amusement parks, there are so many romantic gimmicks (everywhere).

Marami pa rin ang gumagamit sa araw na ito para magtapat at manligaw. Many still use this day to confess (their feelings) and begin courtship.

Siyempre, kung panliligaw na ang usapan, hindi mawawala ang harana sa eksena. Of course, when it comes to courtship, one can't help thinking of 'serenades'.

Isa itong tradisyon ng panliligaw. This is one of the courtship traditions.

Mas ginagawa man ito noon kaysa ngayon, marami pa rin ang nakakaalam nito. Although it is not as common as before, many people still know about it.

Kung dati ang mga kantang pang-harana ay mga kundiman, ngayon, kahit anong romantikong kanta ay maaring kantahin. Before, "kundimans" or 'traditional love songs' were used for serenading, now, any romantic song will do (can be sung).

Mapa "OPM" man o banyaga, basta kaya nitong ipahayag ang iyong nararamdaman, at kung may lakas ka ng loob, wala ka mang boses, maari mong haranahin ang taong gusto mo. Whether it's an "Original Pilipino Music" or a foreign song, as long as it can express your feelings, and if you have the courage, even if you don't have a (great) voice, you could be serenading the person you like.

At malay mo, magustuhan ka rin niya. And you know, that person might like you back.

Siyempre hindi namimili ang “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas. Of course, “Valentine's Day” is not shopping in the Philippines (doesn't discriminate).

Ikaw man ay walang kasintahan, torpe, pakipot o kaya naman ay pinili mo talaga na maging single, huwag kang mag-alala! Whether you don't have a partner, are clumsy, shy or just have chosen to be single, don't worry!

Mayroon ring mga "Singles Only" na party sa siyudad! There are also "Singles Only" parties in the city!

Malay mo, baka roon mo pa makilala ang nakatadhana para sa iyo ... You know, maybe there you will meet the one destined for you there...

Ang mga guro ang karaniwang may pinakamaraming natatanggap na Valentine's Card tuwing “Araw ng mga Puso”. Teachers usually receive the most Valentine's Cards every “Valentine's Day”.

Kaya kung single ka, at plano mong maging single habangbuhay, ngunit ayaw mong maging tahimik ang iyong Valentine's, alam mo na ang swak na trabaho para sa iyo. So if you're single, and plan to be single for life, but don't want your Valentine's to be lonely, then you know what the perfect job for you is.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

Nagiging popular ang mga ‘mass wedding' tuwing “Araw ng mga Puso” sa Pilipinas. Mass weddings are becoming popular during "Valentine's Day" in the Philippines.

**- Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?** - Do you know how many couples got married and renewed their wedding vows in 2012?

Noong taong 2012 higit sa 2000 magkasintahan ang nagpakasal o nag-renew ng kanilang mga wedding vow sa mga mass wedding na isinagawa ng mga lokal na pamahalaan. In the year 2012 more than 2000 couples got married or renewed their wedding vows in mass weddings held by local governments.

Hindi mahalaga kung magarbo man o hindi, ang mahalaga ay ang sumpaan na sila'y magsasama habang-buhay at patuloy na mamahalin ang isa't-isa. It doesn't matter if it's fancy or not, what's important is the oath that they will be together forever and continue to love each other.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Anong ginagawa niyo tuwing “Araw ng mga Puso”? What do you do during "Valentine's Day"?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!