16: MassKara Festival
- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?
- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...
Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Pag-uusapan natin ngayon ang isa mga pyesta sa Pilipinas na kilala bilang pyesta ng mga ngiti, ang MassKara Festival.
Ito'y ipinagdiriwang sa Bacolod, Negros Occidental tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa araw na pinakamalapit sa ika-19 ng Oktubre.
Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ipinagdiriwang ang MassKara Festival …
- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Unang idinaos ang MassKara Festival noong 1980 para pagaanin ang loob at pasayahin ang mga Negrense matapos ang magkasunod na krisis na kanilang naranasan noong taong iyon.
Ang pagbaba ng pandaigdaig na presyo ng tubo, ang pangunahing pag-agrikultural na produkto ng rehiyon, at ang paglubog ng barkong ‘MV Don Juan' na nagresulta sa pagkamatay ng halos 700 Negrense ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga tao.
Kaya naman idinaos ang MassKara Festival bilang simbolo ng katatagan ng Bacolod City.
Ang pangunahing mapapansin sa piyestang ito ay ang mga maskara.
Patuloy na nagbabago ang mga disenyo ng mga maskara, mula sa mga katutubong disenyo ng mga Pilipino, hanggang sa mga disenyong hango sa ‘Rio Carnival' at ‘Carnival of Venice'.
Pinakatampok na aktibidad sa MassKara Festival ang street dancing kung saan iba't ibang grupo ng mga mananayaw mula sa iba't ibang barangay ang nagtatagisan.
At siyempre, hindi lamang iyan ang mga kaganapan tuwing MassKara Festival.
Mayroon ring iba't ibang aktibidades para sa lahat tulad ng MassKara ‘Queen beauty pageant', mga karnabal, ‘drum and bugle competition', mga ‘food festival', mga ‘musical concerts', mga agrikultural na ‘trade-fair' at mga ‘garden show'.
Talagang napakaraming nagaganap tuwing MassKara Festival, kaya siguradong dinadayo ito ng parehong mga lokal at banyagang turista …
Ang Bacolod City ang tinaguriang ‘City of Smiles' ng PIlipinas.
Noong 2008, nanguna ito bilang pinakamainam na lugar na tirhan sa Pilipinas ng ‘MoneySense Magazine'.
At idineklara ito ng ‘Department of Science and Technology' bilang "center of excellence" ng ‘information technology'.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
- Alam niyo ba kung saan nagmula ang pangalan na MassKara Festival?
Ang "MassKara" ay hango sa mga salitang Ingles na "mass" na ibig sabihin ay masa o maraming tao, at mula sa salitang Espanyol na "cara" na ang ibig sabihin ay mukha, na kung pagsasamahin ay nangangahulugan ng "napakaraming mukha".
Ito rin ay isang paglalaro sa salitang Tagalog na maskara dahil sa ang mga dumadalo sa kasiyahan ay nagsusuot ng mga maskara.
Kamusta ang lesson na ito?
May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Nakadalo na ba kayo sa isang katulad na pagdiriwang?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!